"PUPUNTA TAYONG ospital para sa check up mo," ani Amanda kay Theo isang araw.Nakaupo ang lalaki malapit sa bintana at pinagmamasdan ang langit. Tila malalim ang iniisip nito kanina pa. Hindi rin ito sumagot na para bang hindi narinig ang sinabi ni Amanda."Theo?" pukaw muli ni Amanda sa atensyon ng lalaki.Doon lang tumingin si Theo sa kaniya. Napabuntong hininga muna bago sumagot. "Sige. Mag aayos lang ako." Tumango si Amanda. Nagpunta siya sa walk in closet at naghanap ng maisusuot ng lalaki. Nang makahanap ay agad niya itong pinuntahan. Nakahubad na ang lalaki at hindi napigilan ni Amanda ang pagtikhim nang naramdaman na nag iinit ang pisngi niya dahil nasulyapan niya ang kalamnan ni Theo.Hindi na ito gaanong toned gaya noon dahil bumagsak nga ang timbang ni Theo. Pero lately, naggegain naman na ulit ito ng weight at hindi na gaanong maputla kaya may dating na ulit ito. Hindi alam ni Amanda kung dahil ba ngayon na lang ulit niya nakitang hubad ang lalaki kaya nakaramdam siya ng
PARANG WALANG nangyari sa pagitan nila. At patago na lang talagang napapangisi si Amanda dahil tila ba nahihiya si Theo dahil namumula rin ang tainga nito. Iyon ang unang beses niyang nakitang gano'n ang lalaki. Noon kasi ay hindi naman ito ganito. Parang proud ito lagi sa sarili. At ngayong may nakitang kakaiba si Amanda sa lalaki, hindi niya maiwasang hindi matuwa.Sa nga sumunod na araw, halos hindi na umalis si Amanda sa tabi ni Theo. Mas napapanatag naman ang loob ng huli at mas naging ganado lalo na sa pag inom ng mga gamot nito. Pero hindi naman lagi. Dahil may mga oras pa rin talagang nawawalan ng pag asa si Theo."Tama na. Ayaw ko na..." halos pabulong na sambit ni Theo nang maisuka niya lahat ng kinain matapos nitong uminom ng gamot.Naiiyak na lang si Amanda nang makita kung gaano manghina si Theo. "K-Kaunti na lang naman, Theo..." pagpapalakas niya ng loob nito.Umiling si Theo at napasandal na lang sa headboard ng kama at pumikit ng mariin. "Hindi na ako gagaling..." ani
WALANG MARAMDAMAN na galit si Amanda sa loob niya. Ang totoo niyan ay tila payapa ang puso niya sa kabila ng nakita. Umalis na muna siya saglit dahil nakareceived siya ng tawag mula kay Damien kanina at gusto siya nitong makausap. Hihintayin daw siya nito sa isang cafe sa malapit. Sumunod naman agad si Amanda sa lalaki.Namataan niya si Damien sa dulo na halatang wala sa sarili at kabado. Nang magtama ang tingin nila ay agad napatayo ang lalaki at dumalo sa kaniya."A-Amanda..." Nanginig agad ang boses nito.Ngumiti si Amanda. "Maupo muna tayo at mag order," kalmadong aniya sa lalaki na mabuti na lang ay sumunod. Bahagya pang kumalma ito kaya napanatag ang loob ni Amanda.Umorder sila ng makakain at tahimik sa una. Pero hindi na nakatiis pa si Damien at binuksan agad ang usapan."'Yong picture... nakita mo na ba?" kabadong tanong nito.Humigop muna sa kape si Amanda at unti unting tumango. "Oo. Nakita ko na. Hindi ko alam kung sino ang nagsend no'n pero alam kong walang halong daya o
"KAUNTI NA lang..." ani Amanda kay Theo habang sinusubuan niya ito ng soup na siya mismo ang nagluto. Umiling si Theo. "Hindi ko na kaya," nanghihinang sambit nito at bahagyang inilayo ang bibig sa kutsara na hawak ni Amanda."Please, Theo. Kailangan mong kumain para mas magkalakas ka pa," pagmamakaawa ni Amanda, bahagyang naiiyak pa. Hindi niya maiwasang hindi maging emosyonal dahil talaga namang humina kumain si Theo. Bumagsak lalo ang timbang niya pero hindi sumusuko si Amanda. Kahit na walang gana lagi si Theo dahil sa sunod sunod na gamutan nito, hindi siya tumitigil. "S-Sige..." sambit ni Theo at muling kinain ang soup kahit na talagang nanghihina ito.Napangiti na lang si Amanda doon. Nagkatinginan sila pareho at napangiti na lang din si Theo. Hindi na niya napigilan pang mahawa.Bahagyang namula si Amanda at ramdam niya ang tila nagrarambulang mga paru paro sa tiyan niya. Pero bago pa siya tuluyang madistract, ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa.Nang natapos si Theo na
SOBRANG LAKAS NG kabog ng dibdib ni Amanda. Nanginginig siya sa mga nalaman. Hindi na niya alam kung paano siya nakalabas sa kwarto ni Dr. Palma nang matiwasay."Aray! Ano ba, Miss?! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" Napayuko na lang sa hiya si Amanda. "P-Pasensya na po..." aniya sa babaeng nakabanggaan.Napaismid lang ang babae at sinamaan ng tingin si Amanda. Wala ng gaanong pakialam doon si Amanda. Nagtuloy tuloy siya habang bumibilis ang tibok ng puso niya. Parang hindi kayang iproseso lahat ng utak niya ang mga nalaman.Si Theo... baka biglang mawala na lang sa mundo...At ni wala man lang siyang kaalam alam doon?Ni wala itong sinabi sa kaniya! Habang nagpapakalunod siya sa galit niya sa lalaki, naghihirap naman ito sa mga gamutan nito at ni wala man lang kasama upang sumuporta sa kaniya. Para kahit man lang papaano ay lumakas ang loob nito.May idinagdag pa si Dr. Palma sa sinabi nito kanina."Parang hindi na nagrerespond ang katawan niya sa gamot na tinetake. Kaya ayaw na ri
"BAKIT PARANG NAKAKITA ka ng multo diyan? Ayos ka lang ba?" tanong ni Damien kay Amanda nang naabutan niya itong balisa at mistulang nakasemento na ang mga paa sa kinatatayuan dahil sa gulat niya kanina pa. Hirap pa rin kasi siyang absorbahin lahat sa isipan niya.Umiling si Amanda at napabuntong hininga. "Ayos lang ako. Uhh... tapos ka na?" tanong niya sa lalaki.Tumango si Damien. "Oo, tapos na. May pupuntahan ka bang iba? O uuwi ka na agad?""Uuwi na lang siguro ako.""Okay. Ihatid na kita."Hindi na kumontra pa si Amanda. Hindi na siya makapagsalita masyado matapos ng nakita niyang tagpo sa ospital kanina. Pagkauwi ay iginugol na lang niya ang atensyon sa pagtawag sa kaniyang mga anak na naiwan kasama ang pinagkakatiwalaan niyang nanny."Kumusta po ang mga anak ko?" tanong ni Amanda kay Shiela, ang nanny ng mga anak niya. May dalawa pa siyang helper pero ang mga ginagawa nila ay tagalinis at tagaasikaso na sa bahay. Tiwala naman si Amanda sa mga ito dahil mismong si Sylvia ang na