ANMELDENLance
Nakita kong natigilan siya nang sabihin ko ’yon. Hindi siya agad nagsalita—tinignan niya lang ako, diretso, tahimik, na tila ba sinusuri kung seryoso ba talaga ako o nagbibiro lang. Parang hinahanap niya sa mga mata ko kung may butas, kung may puwang para umatras. Napansin ko rin kung paano unti-unting nagsimulang mamuo ang luha sa kanyang mga ma
Alice“Ano na ba ang nangyayari sa’yo at tila tulala ka na d’yan?” Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Mommy, dahilan para mapakurap ako ng ilang beses bago tuluyang bumalik sa realidad.Saturday.Kagaya ng sinabi nila ni Dad, nagpunta ako sa condo nila para mag-celebrate ng birthday ko. Nakaupo ako sa isa sa mga upuan na nakapalibot sa dining table. Tahimik ang paligid, may banayad na music sa background na nagmumula sa sala, at amoy pa rin ng niluluto ni Mommy ang buong lugar—pamilyar, comforting, at dapat sana’y nagpapagaan ng loob ko.Pero hindi.Sobrang saya ko nitong mga n
AliceHe’s scared. Kita ko ’yon. Hindi man niya diretsong aminin, pero nasa paraan ng paghinga niya, sa pag-iwas ng tingin niya sandali bago magsalita, doon ko nababasa ang takot niya. At kahit gano’n, alam ko na kung saan siya patungo.Sa totoo lang, natakot talaga ako ng sinabi niya na tapusin na namin ang kontrata. Hindi ako handa. Ayaw ko. Kahit isang parte ng sarili ko ayaw pumayag.Naisip ko, pagkatapos ng nangyari kagabi—pagkatapos ng paggising naming magkatabi, hubad, magulo, pero totoo, bakit niya biglang hihilingin ’yon? Bakit parang gusto niyang putulin agad ang kung anong nabuo sa pagitan namin?Isa pa, he’s smiling. At hindi iyon
LanceNakita kong natigilan siya nang sabihin ko ’yon. Hindi siya agad nagsalita—tinignan niya lang ako, diretso, tahimik, na tila ba sinusuri kung seryoso ba talaga ako o nagbibiro lang. Parang hinahanap niya sa mga mata ko kung may butas, kung may puwang para umatras. Napansin ko rin kung paano unti-unting nagsimulang mamuo ang luha sa kanyang mga mata, kumikislap sa gilid ng pilik niya, pero pinilit niyang pigilan. Hindi niya hinayaang bumagsak.Mas masakit pala ’yon kaysa kung umiyak siya.Inunat niya ang kanyang likod at umayos ng pagkakaupo, parang biglang naglagay ng distansya sa pagitan namin kahit magkalapit lang kami. Sa simpleng galaw na ’yon, bigla akong kinabahan. Did she take it the wrong way? O bak
LanceNakatingin ako ngayon sa natutulog na si Alice. Tahimik ang pag-angat-baba ng dibdib niya, parang wala lang ang lahat ng nangyari sa pagitan namin kanina. Katatapos lang ng mainit naming sandali pero heto at tila himbing na siya. At sa totoo lang, hindi pa ako kuntento. I want more of her. Hindi lang katawan, kahit ayokong aminin. Pati ang presensya niya, ang paraan ng paghinga niya, ang simpleng pagkilos niya kahit tulog.Almost two weeks, pinagkaitan ko ang sarili ko na maangkin siya. Halos dalawang linggo ng pagpipigil, ng pag-iwas, ng pilit na pagpapakabusy para lang hindi siya pumasok sa isip ko. Gasino na ang ilang oras—ang ilang sandaling pinagsaluhan namin ngayon kumpara sa lahat ng oras na pinagkaitan ko ang sarili ko?
Alice“Natulala ka na diyan?” tanong ni Lance habang titig na titig sa akin, halatang napansin niya ang biglang pananahimik ko. Hindi ko alam kung gaano katagal na pala akong nakatingin lang sa kanya. Siguro ilang segundo lang, pero sa pakiramdam ko, parang mas matagal pa roon.“Anong ginagawa mo nga dito ulit?” tanong ko rin, pilit na pinapanatiling kalmado ang boses ko kahit ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko pa rin talaga ma-process na nandito siya—sa apartment ko, sa mismong gabi ng birthday ko.“Binigyan mo ako ng duplicate ng susi mo tapos tatanungin mo ako kung anong ginagawa ko dito?” Nakataas ang kilay niya habang patuloy ang pagnguya ng chocolate, parang walang ka-emo-
AliceNanatili kami sa aming ayos ng ilang saglit na walang nagsasalita, walang gumagalaw at hinayaan na ang aming mga mata ang siyang mag-usap.Hanggang sa marahan na gumalaw ang isang kamay ni Lance papunta sa aking pisngi.Hindi biglaan.Hindi agresibo.Para bang tinatantiya niya kung papayag ako.Hinaplos niya iyon—banayad, mabagal at parang may dumaloy na init mula sa balat ko pababa sa dibdib ko. Napapikit ako, kusang napabuntong-hininga, dahil sa warmth at comfort na hatid noon. Isang haplos lang pero sapat para ipaalala kung gaano ako ka-relaxed
Alice“Mabuti at nandito ka na,” masayang sabi ni Mommy pagpasok ko pa lang ng bahay. Halata ang tuwa sa boses niya, parang may gustong ipagyabang. “Nandito na ang Tito Lance mo.”Parang may humigpit sa dibdib ko.Dahan-dahan akong nagpaling ng tingin sa direksyong tinuro niya—at doon ko siya nakit
Alice“Okay ka na ba talaga?” maingat na tanong ni Shirley habang marahang hinahalo ang iced coffee niya. May foundation week kaya sobrang gaan ng schedule namin—walang klase, walang deadlines. Kaya heto kami ngayon, nakatambay sa isang café malapit sa campus, pretending na chill lang, kahit hindi
Lance“Hindi mapalagay si Annabelle ,” simulang sabi ni Kuya Lemuel habang nakatingin sa kape na hawak niya. “Hindi raw kasi nagsasabi si Alice kung saan-saan siya nagpa-part-time.”Bahagya siyang napabuntong-hininga bago nagpatuloy. “Hindi ko pa siya pwedeng kuhanin sa company. Hindi pa afford sa
Lance“Okay,” sabi ko habang marahang ibinababa ang tablet sa mesa, “gusto ko nang makita ang final design ng VR headset. Make sure na elegante ang dating—yung tipong kahit hindi gamer, mae-engganyo pa ring isuot. Pero at the same time, user-friendly. Dapat magaan, breathable, at walang discomfort







