Share

Chapter 2

last update publish date: 2025-11-28 20:59:44

Alice

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata habang ramdam ko ang sakit ng aking katawan. 

Bakit parang pakiramdam ko ay sinagasaan ako ng pison? Parang nilamas ang buong katawan ko.

Bigla akong natigilan ng may maalala. “May iba na bang lumamas nito?” 

Totoo ba yon? Napahawak ako sa aking ulo sabay sabunot ng buhok.

Bumangon ako at nanatiling nakaupo habang pilit inaalala ang nangyari ng nagdaang gabi.

“Fuck, you're a virgin?” naalala kong gulat na tanong ng lalaki ng bigla na lang akong mapaaray dahil sa marahas niyang pagpasok sa akin.

Shiiiittt… kasalanan ito ng demonyo naming manager.

“You're awake.” Napadilat ako sabay angat ng mukha, doon ko nakita ang isang lalaking kakalabas lang ng bathroom. Nakatapis lang ng tuwalya habang may tumutulo pang tubig sa kanyang katawan mula sa kanyang buhok.

Napalunok ako ng sundan ko ng tingin ang bawat patak ng tubig na bumabaybay pababa, ng pababa, ng pababa. 

“Like what you see? Don't tell me nabitin ka pa sa ginawa natin kagabi.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

“How dare you!” sigaw ko sabay bato ng unan na hindi niya naiwasan. Agad iyong tumama sa mukha niya at kung hindi lang dahil sa hita at galit sa demonyo kong manager ay malamang na natakot na ako sa tingin na binibigay siya sa akin.

“You took advantage of me last night and you have the nerve to say that?” Kumunot nag noo ng lalaki habang naniningkit pa rin ang mga mata na papalapit sa akin.

Bigla, nakadama ako ng kaba. Hindi ko siya kilala at walang nakakaalam na nandito ako. Paano kung bigla na lang niya akong patayin?

Wala sa sarili akong napaurong. “Now you're scared? Pagkatapos mo akong batuhin ng unan at paratangan ng kung ano-ano?” sabi niyang nakangisi.

“You know I was drugged pero–” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol na niya iyon. 

“You're wearing a uniform. Siguro naman ay alam mo kung anong klaseng lugar ito at kung ano ang mga nangyayari dito.” Hindi ako nakapagsalita dahil totoo yon. “And how would I know? Hindi mo naman sinabi sa akin.”

“Paano ko pang masabi bigla kang nanghalik!” Biglang nag-init ang pisngi ko.

Wala siyang sinabi basta naglakad papunta sa may tokador at nagsimulang magbihis.

Nagulat na lang ako ng bigla nyang tanggalin ang towel na nakatakip sa kanya.

“Bastos!” sigaw ko sabay bato pa ng unan and that made me earn another glare from him.

Tumayo na ako at gamit ang comforter ay tinakpan ko ang aking katawan habang nagsimula na akong hanapin ang aking damit na natagpuan kong nakatupi ng maayos sa upuan na malapit sa kanya.

Problema pa ngayon, lalapit ba ako para kunin yon o hihintayin ko siyang matapos?

“Ano pang hinihintay mo? Gusto mong bihisan pa kita?”

“Tse!” angil ko sabay lakad palapit sa upuan tsaka mabilis kong dinampot ang aking mga damit.

Agad akong nagpunta sa bathroom para magbihis at lalabas na ako ng bigla niya akong pigilan.

“What?” mataray kong tanong habang nagpupumiglas sa pagkakahawak niya. 

“Here.” Napatingin ako sa kamay niyang lumusot sa bulsa ng aking uniform at may nilagay doon. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil bigla siyang nagsalita ulit. “I had a good time last night kaya may tip ka.”

Tip daw? Ano ako bayarang babae? 

Mabilis kong dinukot ang nilagay niya at nalaman kong ATM pala yon at binato sa kanya. 

“Bayad for taking advantage of me?” taas ang kilay kong tanong. 

“You know that's not it. And how many times do I need to tell you, I didn't know.” May halong iritasyon ang sinabi niya pero wapakels na ako don.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at pabalik sa kanyang mukha. He's devilishly handsome, no doubt about that. But I can tell that he's way older than me.

“Hindi ka mukhang ignorante, para nga yata kitang tiyuhin eh. I'm sure na marami na rin babae ang nagdaan sa mga kamay mo at ang sex ay wala lang para sayo. Tapos sasabihin mong hindi mo alam? Keep your money, I don't need it.”

Pagkasabi ko non ay nauna na akong lumabas, iniwan siyang tulala. Ang akala ba niya ay madadaan niya ako sa pera niya?

Oo na, sige na. Gwapo siya, maganda ang katawan at mukhang mayaman. Isama pa na nasarapan ako sa ginawa namin kagabi. Pero ang reaksyon ko ay siguradong dahil lang sa nainom ko. Tama, dahil lang iyon doon at wala ng iba.

Speaking of nainom, kailangan ng magbayad ng mahal ng demonyong manager namin.

Diretso ako sa locker namin para makapagpalit ng damit. Kailangan kong makauwi muna dahil siguradong nag-aalala na ang aking ina.

“Alice!” bulalas ng kasamahan ko. Namimilog ang mga mata niyang nakatitig sa akin. “Hinahanap ka ni manager, galit na galit.”

“Mas intindihin niya ang galit ko, manyak siya!” galit kong sabi. 

“Wag sabihing–” Nagsalita ako agad kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin.

“Pero hindi siya nagtagumpay.”

“Don't tell me, ikaw ang dahilan ng bandage niya sa ulo!” nanlalaki ang mga mata na tanong niya bago napatakip ng kanyang bibig, halatang hindi makapaniwala. “Mabuti nga sa kanya, manyak siya!”

Kinuha ko na ang aking damit at nagpalit sa sulok kung saan hindi niya ako makikita. Hindi pwede sa harapan niya dahil sa dami ng chikinini sa katawan ko na nakita ko kanina. Bwisit na matandang yon, talagang pinagsawaan yata ang katawan ko.

Pagkatapos ay nagpaalam na ako para umuwi. Pagdating sa bahay ay kinakabahan akong pumasok. Malinaw kasi ang bilin ng aking ina, hindi ako pwedeng hindi uuwi ng bahay.

At sa sala nga ay nakaupo at naghihintay ang aking ina, halatang wala pang tulog. Katabi niya ang kanyang boyfriend na si Tito Lemuel.

“I-I'm sorry, Ma.” Nakatayo na ako sa harapan niya at nakayuko. Hindi ko magawang tumingin sa kanyang mga mata dahil sa kasinungalingan.

“No text? No calls? Ano, kaya mo na ang sarili mo?” Mariin akong napapikit dahil sa sinabi niya. Hindi niya ako laging napapagalitan, but when she does, siguradong tatamaan ako.

“Honey, I'm sure may dahilan si Alice.” Masamang tingin ang binigay ng aking ina kay Tito Lemuel. Madalas ay tahimik lang siya sa mga ganitong pagkakataon. Hanggat maaari ay hindi siya nakikisali kapag sinusweto ako ng aking ina. Kakamot-kamot siya ng ulo ng tumingin sa akin na tila sinasabing “pasensya na, wala akong magagawa”.

Ngumiti na lang ako na hindi nakaligtas sa paningin ng aking ina. Ayun, ang sama na din lalo ng tingin sa akin.

“Honey, responsable ang anak mo. I'm sure hindi siya gagawa ng makakasama sa kanya. Isa pa, mahal na mahal ka niya kaya sigurado din na hindi siya gagawa ng bagay na ikasasama ng loob mo.” Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Totoo naman ang sinabi ni Tito Lemuel pero ang problema, may nangyari na at sure akong sasama ang loob ng aking ina kapag nalaman yon.

Huminga ng malalim si Mommy bago nagsalita. “Ayaw ko ng maulit ito, Alice. Hindi ako nakatulog magdamag dahil sa kakahintay sayo. Ni hindi mo sinasagot ang tawag ko.”

Doon ko lang naalala, saan ko naiwan ang cellphone ko?

“Anyway, bukas ay ipapakilala tayo ng Tito Lemuel mo sa kapatid niya. Wag ka munang gumala okay?”

Mabilis akong tumango sabay ngiti na sinamahan ko pa ng dalawang thumbs up. “May announcement din kami ng Tito mo and I hope you'll understand our decision.”

“No problem Mommy. Kahit na ano pa yan, basta si Tito Lemuel ay walang problema. Kahit na magpakasal pa kayo.”

Napansin kong natigilan siya bago naluluhang tumayo at yumakap sa akin. “I love you so much, anak. Thank you for being so understanding.”

“You deserve to be happy, Mom. Masaya ako kung makikita kitang masaya,” tugon ko. Dahil sa naging reaksyon nya pati na rin ang sayang nasa mukha ni Tito Lemuel ay naisip ko na siguro nga ay may balak na silang magpakasal. At wala akong tutol doon.

Kaya naman, kailangan kong maging mukhang mabait sa harap ng aking future step-uncle. I'll make sure na magugustuhan kaming mag-ina ng kapatid ni Tito Lemuel.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 87- The End

    AliceHindi ko inakala na ang araw na ito ay darating nang ganito kabilis.Sa loob ng bridal suite ng marangyang ballroom hotel kung saan gaganapin ang kasal namin ni Lance ay tahimik akong nakaupo sa harap ng malaking salamin habang inaayos ng stylist ang huling detalye ng buhok ko.Sa labas ng silid ay maririnig ang mahihinang ingay ng mga staff na abala sa paghahanda ng reception hall. Mula sa bintana ng suite ay tanaw ko ang maliwanag na umaga, at sa ibaba ay naroon ang garden terrace kung saan itinayo ang eleganteng glass aisle para sa ceremony.Hotel wedding.Simple lang sana ang gusto ko noon. Ngunit iginiit ni

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 86

    AliceHindi ko akalaing ganito pala ang pakiramdam ng araw na matagal mo nang hinihintay.Sa loob ng auditorium ng university ay nakaupo kaming mga graduating students, nakasuot ng parehong itim na toga at may halong kaba at excitement sa mga mukha.Maririnig ang mahihinang bulungan ng mga estudyante, ang pag-uusap ng mga pamilya sa audience, at ang boses ng announcer na patuloy na tumatawag ng mga pangalan ng mga nagsisipagtapos.Habang hinihintay kong tawagin ang pangalan ko, napatingin ako sa aking ina. Hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya.Sa wakas, narito na ako.

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 85

    LanceIlang linggo na ang nakaraan mula nang tuluyang magbago ang direksyon ng buhay ko.Ang mga araw na iyon ay halos puro meeting, legal consultations, at endless review ng mga dokumento. Unti-unting lumalabas ang mga ebidensya na matagal nang nakatago sa loob ng kumpanya.Hindi na ito simpleng alitan ng pamilya. Isa na itong malaking corporate investigation.Isa-isang binusisi ng legal team at ng board ang mga financial records ng Richardson Foods. Doon nagsimulang lumitaw ang mga irregularities—mga transaksyon na hindi dumaan sa tamang proseso, mga proyektong ipinasa nang walang approval ng board, at mga pondo ng kumpanya na ginamit sa mga questionable deals.

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 84

    AliceIlang araw na ang lumipas mula nang makarating ako sa penthouse ni Lance, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nawawala ang kakaibang pakiramdam na nasa loob ako ng mundo niya.Isang mundong malayo sa simpleng buhay na nakasanayan ko.Ang penthouse sa gusali ng MobTech ay parang isang maliit na kaharian sa tuktok ng lungsod—malawak, tahimik, at napapalibutan ng salamin na bintanang tanaw ang buong skyline.Sa umaga, makikita ang araw na sumisikat sa pagitan ng matataas na gusali.Sa gabi naman, kumikislap ang mga ilaw ng siyudad na parang dagat ng mga bituin.

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 83

    AliceHindi ko namalayan kung gaano kabilis lumipas ang biyahe papunta sa penthouse.Ang alam ko lang ay halos buong daan ay hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Kahit tahimik ang loob ng sasakyan at maayos ang takbo ng trapiko, parang napakabagal ng bawat minuto.Paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang sinabi ni Tito Lemuel.Nasa penthouse na si Lance.Matapos ang lahat ng nangyari—ang pagkawala niya, ang mga balitang lumabas sa media, ang press conference—sa wakas ay makikita ko na ulit siya.Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanya.

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 82

    AlicePagod ang katawan ko nang makauwi ako mula sa school nang hapon na iyon.Halos wala rin naman akong naintindihan sa mga lectures namin buong araw. Kahit gaano ko piliting makinig sa professors ko, paulit-ulit lang bumabalik sa isip ko ang mga nangyayari nitong mga nakaraang araw.Ang pagkawala ni Lance at biglang paglitaw nito sa harap ng lahat sa press conference pati na ang sinabi niya sa akin. I should be feeling happy dahil doon.Pero paano kong gagawin 'yon kung alam ko rin na maaari yon maging dahilan ng sobrang galit ng kanyang ama at baka kung ano pa ang gawin sa kanya.No matter how much I try to complet

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 77

    AliceHindi ko matandaan kung paano natapos ang tanghalian namin sa cafeteria.Ang huling malinaw na alaal

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 76

    AliceSampung araw na ang lumipas mula nang mangyari ang komprontasyon namin ni Don Carlos sa café at dalhin ako ni Lance sa kanyang condo.Late na akong nakauwi at hinatid naman ako ni Lance kaya napagalitan pa siya ni Mommy. Kahit hindi namin sabihin ay alam ko na alam ng aking ina na may nangyar

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 75

    AliceHalos hindi pa ako nakakabawi mula sa nangyari sa café nang hawakan ni Lance ang kamay ko at tuluyan akong hinila palabas ng pinto.

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 74

    AliceHindi ko alam kung kailan nagsimulang maging ganito kabigat ang lahat.Noong una, simple lang naman

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status