Share

Chapter 5

last update publish date: 2025-11-28 21:00:48

Alice

“Last Friday, I found a cellphone sa table na inalisan ni Alice.” Sinamaan ko ng tingin si Lance, halos gusto ko siyang hiwaan ng tingin sa kapal ng mukha niyang mag-imbento ng kwento. Ang chill pa rin niya ha, nakasandal, relaxed, parang hindi siya kasalukuyang gumagawa ng last-minute invention para magdahilan sa nanay ko.

“And you think na sa kanya ’yon?” tanong ni Tito Lemuel, bahagyang kumunot ang noo pero hindi galit, more like curious lang.

“Yes. Wala naman kasing nakapwesto don bago siya umupo.” Nag-shrug pa siya tapos ngumiti ng konti; tangina, parang proud pa talaga. “May kausap ako kaya hindi ko agad naihabol sa kanya.”

Grabe. Shet, nakakabilib at nakakainis. ’Yung tipong gusto mo siyang palakpakan sa creativity pero gusto mo rin siyang sampalin ng ID mo sa kapal.

“Tinatawagan ko ’yon nung gabi pero wala namang sumasagot,” sabi ni Mommy, halatang nag-aalala pa rin.

“I’m busy with my little rider kaya hindi ko napansin,” sagot ni Lance.

“Little rider?” ulit ni Mommy, kita ko sa mukha niya ’yung genuine confusion.

Bigla kong naramdaman ang bahagyang pag-init ng pisngi ko. Huwag mo ngang i-drop ’yung code word na yon dito, gago ka.

“Ah, honey, ’wag mo na lang pansinin ’yon,” mabilis na awat ni Tito Lemuel. Kahit ako nakahinga nang maluwag. Mukhang gets niya agad ’yung double meaning. “Lance, pwede namang hindi mo idetalye. Sabihin mo lang na busy ka.”

Lance chuckled lightly, parang pinaglalaruan lang ang sitwasyon. “Ah, okay. As I was saying, I was busy that night.” At sa kung anong dahilan, mas lalo lang akong naiinis sa pagiging effortless liar niya. Parang wala lang. Pakiramdam ko ay nakatayo ako sa gilid ng cliff na anytime ay pwede niyang itulak nang hindi sinasadya.

“She can get it tomorrow,” dagdag pa niya, walang bahid ng kahit anong concern.

“Hindi ba pwedeng ipadala mo na lang—” Hindi ko na natapos dahil sumabat na agad si Mommy.

“Anak, ang sabi ng Tito Lemuel mo ay busy si Lance sa negosyo at ngayon lang may panahon.”

Syempre.

“Siguro nga ay mas maigi kung ikaw na ang pumunta sa opisina niya.”

“Ho?” Napataas talaga ako ng boses. Nanlaki ang mata ko, like, literal. I swear narinig ko pa ’yung sarili kong heartbeat bigla.

“Bakit? May problema ba? Busy ka ba bukas?” sunod-sunod niyang tanong, habang si Lance sa gilid ay parang nagpipigil ng ngiti. Putcha, parang inaabangan niya kung paano ako magpa-panic.

“H-Hindi naman po…” halos bulong ko.

“Kung ganon, pagkagaling mo sa school, bago ka pumunta sa part-time job mo, dumiretso ka muna sa opisina niya.”

Wala na. Wala akong laban kay Mommy. Gusto ko sanang magreklamo, mag-explain, mag-drop ng subtle na Mom, delikado ’to… pero hindi pwede.

“Alice?” tawag ni Mommy.

“Y-Yes Mommy, puntahan ko na lang po bukas.”

Namamanhid na ’yung kamay ko pero ngumiti ako para lang hindi mahalata.

“Ibigay ko na lang sa iyo ang address mamaya,” nakangiting sabi ni Lance. ’Yung ngiti na parang inaasar ako.

Tinignan ko siya ng masama, practically sinaksak ko siya gamit ang mata ko, pero sinikap kong maging pleasant ang mukha ko sa harapan nina Mommy at Tito Lemuel. Hindi pwedeng may mahalatang tension. Hindi pwedeng may clue sila na magkakilala kami and definitely hindi pwedeng mahalata na somehow, this man is becoming a problem I didn’t sign up for.

Tangina mo, Lance…

Bukas, wala na naman akong choice kundi harapin ka.

Masyado akong na-te-tense habang bumabalik ako sa pagkain, kahit na halos hindi ko malasahan ’yung kinakain ko. Pakiramdam ko ang utak ko ay tumatakbo sa limang different directions sabay-sabay. Hindi ko alam kung paano ko maiiwasan ang sitwasyon lalo na ’yung pagkikita namin bukas. Ano bang nagawa kong kasalanan sa past life ko para takutin ako ng universe nang ganito? Like, seriously. Karma ba ’to? Curse? Love spell gone wrong?

At ang nakakainis talaga?

Si Tito Lemuel pa ’yung nag-suggest ng “konting kwentuhan.”

At si Lance, syempre, hindi tumanggi.

Ngayon, nandun sila sa terrace, nakaupo na parang nag-eenjoy sa sarili nilang bonding time habang hinihintay ang kape na ako ang gagawa. Great. Parang ako pa ’yung personal barista sa love-hate nightmare ko.

Nakapamaywang akong nakatayo sa harap ng coffee machine, titig na titig doon na para bang bigla na lang lalabas ang escape plan ko mula sa dispenser. Kung paano ako makakatakas sa kaguluhang ito? Wala. Blanco utak ko. Ang tanging malinaw lang ay ang katotohanan na ayoko siyang makita bukas. Ayoko. Pero gusto ko rin. Pero ayoko. Pero gusto ko. Fuck.

Hindi ako puwedeng magdahilan na masama ang pakiramdam ko. Si Mommy? OMG, sobrang paranoid.

Konting “Mommy, sumasakit ulo ko”—hospital agad. Hindi ’yun biro.

Kaka-isip ko ng dahilan para umiwas, parang nawalan ako ng sense of reality. Nasuntok ko pa ’yung air out of frustration.

Kaya nagulat talaga ako nang biglang may kamay na pumulupot sa bewang ko mula sa likuran, mainit, firm, possessive. Kasunod non ang dahan-dahang pagdikit ng mga labi niya sa punong tenga ko.

“My little rider, miss me?”

’Yung boses niya?

Fvcking kryptonite.

Mababa, malambing, pero may bahid ng kapilyuhan na parang sinasadya niyang igapang ’yon sa balat ko.

Napaigtad ako, hindi dahil sa takot—hindi talaga.

Kung hindi dahil sa kilabot na may halong excitement.

’Yung tipong biglang nagising lahat ng nerve endings ko, nagpa-party sila ngayon.

“W-What the—”

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Wala. Natabunan lahat ng utak ko ng init at panic.

Pagharap ko sa kanya, ayun, wrong move.

Sobrang wrong.

Dahil hindi ko na naiwasang sumayad ang labi niya sa labi ko.

Hindi pa man nagtatagal ang pagkakadampi, pero parang kinuryente ako. Parang tumigil ang paligid at umikot nang sabay.

Shet.

Sobrang lapit niya.

Ramdam ko ’yung init ng hininga niya, ’yung amoy niyang nakakaadik, at ’yung titig niya na parang kinakain ako nang buhay.

At pinaka-masama?

Hindi ko alam kung mas gusto kong itulak siya—o hilahin padikit pa.

“What do you think you're doing?”

Mahina pero matalim ang boses ko nang maghiwalay ang labi namin na parang nagising ako mula sa isang sandaling delubyo na ako rin mismo ang pumasok.

“Kung ano ang ginawa natin last Friday,” sagot niya na parang wala lang.

Kalma.

Kalmadong-kalmado.

Samantalang ako?

Parang hinihila ang kaluluwa ko palabas ng aking katawan.

“Nandyan lang ang Mommy ko pati na ang Kuya mo!” bulalas ko, halos pabulong pero may halong desperasyon.

Gusto kong sumigaw, pero hindi puwede. Gusto ko rin siyang sampalin, pero baka lalo lang akong malagay sa alanganin.

Lance leaned closer, ’yung tipong konting ikilos ko lang, lalapat na naman ang labi namin.

Napahigpit ang hawak ko sa counter.

“Tomorrow,” sabi niya, mababa ang tono at parang may tinatago pang ibang mensahe. “Get your phone in my office.”

Tumigil siya sandali, nakatitig sa mga mata ko as if reading me or owning me.

“Don’t play dumb.” Hindi ko alam kung utos ba ’yon o warning. “Come, or you’ll regret it.”

Tinalikuran niya ako kaagad pagkatapos, walking away na parang nag-drop lang siya ng bomba tapos bahala na ako kung paano ako mabubuhay pagkatapos no’n. Pumasok siya sa CR, hindi man lang lumingon.

Para akong naiwan sa gitna ng battlefield na walang sandata.

Bigla akong kinabahan.

Mas matindi pa kaysa kanina.

Hindi ko ma-explain kung bakit parang may malamig na kamay na humawak sa sikmura ko habang sabay naman na may mainit na kumikiliti sa spine ko.

Kukunin ko lang ang phone ko, di ba? Yun lang naman dapat, right?

Pero habang pinapakinggan ko ang sarili kong heartbeat na parang lumalakas ng lumalakas. Habang naaalala ko ’yung tono niya, ’yung tingin, ’yung “Don’t play dumb”… At lalo na ’yung “You’ll regret it”…

Parang napakababa ng chance na simpleng cellphone lang ang habol niya.

Parang may iba pa.

May iba pa siyang gusto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 66

    AliceSa kabilang linya, pagkatapos kong sabihin ang salitang married, sumunod ang katahimikan.Hindi naman siya katagalan.Pero sapat na.Sapat para traydurin ako ng isip ko.Sa maikling sandaling ’yon ng katahimikan, na-imagine ko agad ang headlines. Engagement photos. Press releases. Nakatayo ang daddy niya sa tabi niya. Si Jeraldine, nakangiti sa harap ng mga camera.“Alice,” sa wakas ay nagsalita si Lance, mababa at kontrolado ang boses. “Huwag mong isipin kung ano ang naririnig mo.”

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 65

    AliceDalawang linggo na mula noong natulog akong nasa tabi ko si Lance at pakiramdam ko kaya naming lampasan ang kahit ano.Akala ko handa na ako.Mali pala.Nasa Marketing Department ako ng MobTech nang magsimula ang bulungan. Isang normal na umaga—mga presentation slides na kailangang tapusin, campaign calendar na dapat i-finalize, at kape na halos hindi ko na malasahan sa sobrang dami ng iniisip ko.Hanggang sa may marinig akong pangalan.“Si Sir Lance daw…” mahinang sabi ng isa sa mga ka-department ko.

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 64

    LanceMaaga akong nagising. Hindi dahil sa alarm. Hindi dahil sa trabaho.Nagising ako dahil ramdam ko ang init ng katawan ni Alice na nakasiksik sa dibdib ko, ang marahan niyang paghinga na tumatama sa leeg ko. Saglit akong nanatiling nakapikit, pilit iniukit sa isip ko ang sandaling iyon, ang payapang mukha niya, ang buhok niyang bahagyang nakakalat sa unan, ang paraan ng pagyakap niya sa akin kahit tulog.Kung pwede ko lang ihinto ang oras, ginawa ko na.Pero hindi pwede.Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa baywang ko at maingat na bumangon. Ayokong magising siya. Mas lalong ayokong magising si Kuya Lemuel.

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 63

    AliceSaglit na tila tumigil ang mundo sa pagitan naming dalawa.Ang halik na sinimulan ko ay dapat sana’y panandalian lamang—isang simpleng pag-amin na masaya ako na naroon siya, na nami-miss ko rin siya. Ngunit nang maramdaman ko ang marahan ngunit siguradong pagtugon niya, nagbago ang ritmo ng gabi. Ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko ay mas humigpit, tila ba natatakot na baka muli akong mawala kapag binitawan niya.Napapikit ako habang lalo akong tumingkayad upang maabot siya. Ramdam ko ang init ng palad niyang dahan-dahang umaakyat sa likod ko, ang marahang haplos na nagpapakiliti sa balat ko kahit may manipis akong suot na pantulog. Hindi niya ako minamadali. Hindi rin siya agresibo. Ngunit may lalim ang bawat g

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 62

    AliceIba pa rin ang pakiramdam tuwing umaakyat ako sa condo nila Mommy—parang bumabalik ako sa mas magaan na bersyon ng sarili ko, ‘yung wala pang komplikadong lalaki, wala pang corporate wars, at wala pang mga matang sumusukat kung sapat ba ako para sa mundo ng mga taong tulad ni Lance.Pagbukas ng pinto, sinalubong agad ako ng amoy ng nilulutong sinigang at ng pamilyar na halakhak ng stepfather ko na nanonood ng kung anong documentary sa sala. Nilingon ako ni Mommy mula sa kusina at agad lumapad ang ngiti niya.“Alice!” sabi niya, punô ng tuwa ang boses habang pinupunasan ang kamay sa apron bago ako yakapin. “Buti naman napadaan ka. Akala ko busy ka na naman sa school at trabaho.”

  • [Tag] My Step-Uncle's Plaything   Chapter 61

    LanceAng unang tawag ay dumating bago mag-alas siyete ng umaga.Hindi pa ako nakakapasok sa opisina nang mag-vibrate ang phone ko sa dashboard ng kotse. Head of Customer Service ang tumatawag—isang bagay na bihirang mangyari nang ganitong kaaga maliban kung may seryosong problema.“Sir, we’ve logged twelve complaints in the last forty-eight hours regarding the canned beef steak,” bungad niya agad. “Same batch number. Customers are reporting sour smell upon opening, even though the best before date is still months away.”Hindi ako agad nagsalita. Tinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status