LOGINLance
May mga laban na hindi dinadaan sa sigawan kundi sa numero, dokumento, at tahimik na pag-ngiti sa tamang tao. Pagkatapos ng gabing iyon sa condo—pagkatapos ng pag-uusap na naglinaw sa pagitan namin—bumalik ang mundo sa dati nitong ritmo.
Si Alice ay nagsimula na ulit ng klase at bumalik
AliceSa kabilang linya, pagkatapos kong sabihin ang salitang married, sumunod ang katahimikan.Hindi naman siya katagalan.Pero sapat na.Sapat para traydurin ako ng isip ko.Sa maikling sandaling ’yon ng katahimikan, na-imagine ko agad ang headlines. Engagement photos. Press releases. Nakatayo ang daddy niya sa tabi niya. Si Jeraldine, nakangiti sa harap ng mga camera.“Alice,” sa wakas ay nagsalita si Lance, mababa at kontrolado ang boses. “Huwag mong isipin kung ano ang naririnig mo.”
AliceDalawang linggo na mula noong natulog akong nasa tabi ko si Lance at pakiramdam ko kaya naming lampasan ang kahit ano.Akala ko handa na ako.Mali pala.Nasa Marketing Department ako ng MobTech nang magsimula ang bulungan. Isang normal na umaga—mga presentation slides na kailangang tapusin, campaign calendar na dapat i-finalize, at kape na halos hindi ko na malasahan sa sobrang dami ng iniisip ko.Hanggang sa may marinig akong pangalan.“Si Sir Lance daw…” mahinang sabi ng isa sa mga ka-department ko.
LanceMaaga akong nagising. Hindi dahil sa alarm. Hindi dahil sa trabaho.Nagising ako dahil ramdam ko ang init ng katawan ni Alice na nakasiksik sa dibdib ko, ang marahan niyang paghinga na tumatama sa leeg ko. Saglit akong nanatiling nakapikit, pilit iniukit sa isip ko ang sandaling iyon, ang payapang mukha niya, ang buhok niyang bahagyang nakakalat sa unan, ang paraan ng pagyakap niya sa akin kahit tulog.Kung pwede ko lang ihinto ang oras, ginawa ko na.Pero hindi pwede.Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa baywang ko at maingat na bumangon. Ayokong magising siya. Mas lalong ayokong magising si Kuya Lemuel.
AliceSaglit na tila tumigil ang mundo sa pagitan naming dalawa.Ang halik na sinimulan ko ay dapat sana’y panandalian lamang—isang simpleng pag-amin na masaya ako na naroon siya, na nami-miss ko rin siya. Ngunit nang maramdaman ko ang marahan ngunit siguradong pagtugon niya, nagbago ang ritmo ng gabi. Ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko ay mas humigpit, tila ba natatakot na baka muli akong mawala kapag binitawan niya.Napapikit ako habang lalo akong tumingkayad upang maabot siya. Ramdam ko ang init ng palad niyang dahan-dahang umaakyat sa likod ko, ang marahang haplos na nagpapakiliti sa balat ko kahit may manipis akong suot na pantulog. Hindi niya ako minamadali. Hindi rin siya agresibo. Ngunit may lalim ang bawat g
AliceIba pa rin ang pakiramdam tuwing umaakyat ako sa condo nila Mommy—parang bumabalik ako sa mas magaan na bersyon ng sarili ko, ‘yung wala pang komplikadong lalaki, wala pang corporate wars, at wala pang mga matang sumusukat kung sapat ba ako para sa mundo ng mga taong tulad ni Lance.Pagbukas ng pinto, sinalubong agad ako ng amoy ng nilulutong sinigang at ng pamilyar na halakhak ng stepfather ko na nanonood ng kung anong documentary sa sala. Nilingon ako ni Mommy mula sa kusina at agad lumapad ang ngiti niya.“Alice!” sabi niya, punô ng tuwa ang boses habang pinupunasan ang kamay sa apron bago ako yakapin. “Buti naman napadaan ka. Akala ko busy ka na naman sa school at trabaho.”
LanceAng unang tawag ay dumating bago mag-alas siyete ng umaga.Hindi pa ako nakakapasok sa opisina nang mag-vibrate ang phone ko sa dashboard ng kotse. Head of Customer Service ang tumatawag—isang bagay na bihirang mangyari nang ganitong kaaga maliban kung may seryosong problema.“Sir, we’ve logged twelve complaints in the last forty-eight hours regarding the canned beef steak,” bungad niya agad. “Same batch number. Customers are reporting sour smell upon opening, even though the best before date is still months away.”Hindi ako agad nagsalita. Tinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada.







