Share

Chapter Four: The Homecoming

Kinabukasan ay nakalabas na rin si Via sa ospital.Ngunit mahigpit pa rin na inihabilin ng doctor ang full rest para sa dalaga...Nandoon ang kanilang ama at si Liam upang tumulong sa pag-aayos at paghahanda sa paglabas ng kapatid sa ospital.

“Masaya ako at makakauwi na rin ako sa wakas.I’m getting tired of the hospital food and this bed...This place is just---ugh!” ang nagbibirong pahayag ni Via,habang nagliligpit sila ni Serena ng gamit.

Sa di-kalayuan ay nakangiting pinapanood lamang sila ni Liam.

“I still can’t get over how gorgeous your fiancée is,Serena...If I only met Liam first before my boyfriend...” ang sambit ni Via habang nanunukso ang nga ngiti nito.

“Oh,shut up,Via!” ang natatawang saway ni Serena.

“Well...Thank you for the compliment.” ang nakatawang sagot ni Liam. 

“By the way,is your boyfriend coming?At alam ba niya na buhay ka pang makakalabas ng ospital?” Serena couldn’t help herself but to sound sarcastic whenever she remembers the guy who broke her sister’s heart.

“Please,sis...Walang siyang kasalanan sa nangyari...Kagustuhan ko ang----ang nangyari sa akin kaya ako dapat ang sisihin.” pagtatanggol ni Via sa kasintahan.

Serena rolled her eyes heavenward.

“Whatever.So,is he coming?Did you try to call him?” ang tanong niya muli rito.

Huminga muna ng malalim si Via bago sumagot.

“Nagkaroon na kami ng di-pagkakaunawaan,ay nasa Singapore na siya...And I remember it right,kaninang madaling-araw pa siya nakasakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas at siguro ngayon ay pauwi na siya ng San Carlos.Hindi ko masabi sa kanya na nasa ospital ako ngayon dahil sa tangkang pagpapakamatay dahil sa nagcool-off kami.Nahihiya ako na malaman niya iyon.” ang paliwanag nito.

“But she should know,Via!If they haven’t found you in the bathroom on time ay malamang----!” hindi na naituloy ni Serena ang sasabihin dahil pinipigilan niya ang sarili na mapaiyak.

Apologetic na tumingin si Via kay Liam.

“I’m sorry about this,Liam...But could you please calm your fiancé down?” ang pakiusap nito.

Nakakaintinding tumayo si Liam at lumapit kay Serena.

“I-I’m alright,Liam...Thank you.” Serena sniffed.

“Liam,just give me a day to have a full rest once we get home and then I’ll be your tourguide around our father’s farm...” tinangka ni Via na pagaanin ang sitwasyon.

“Aww,you don’t have to force yourself,Via.I think I would find my way around town.” ang pagsisigurado naman ni Liam.

“No,please let me do this.This is my way of thanking you that you managed to tame my lovely sister here...” ang pagbibiro ni Via.

“Sige,pagtulungan ninyo akong dalawa...” hindi na mapigilan ni Serena ang matawa at pinagbabato ng unan sina Via at Liam.

“Hey,take it easy,babe!” ang sabi ni Liam,habng sinalo ang unan.

“See what I mean,Liam?” ang humahalakhak na sambit ni Via.

Nagsimulang magharutan nina Sereana at Via.Nasa ganoon silang tagpo nang biglang sumulpot ang kanilang ama sa pintuan.

“What’s going on here?” ang nagtatakang tanong nito habang nakatingin sa dalawang anak.Pumasok na ito sa loob.

“Just making up for the lost time,papa.” ang sagot ni Serena,while giggling.

“At huwag mong pagalitan si Liam dahil ayaw naming na magpapigil sa kanya.” Ang segunda naman ni Via.

“Por favor mga hija!Stop this childish games!At nakakahiya sa mapapangasawa mo,Serena Montana!”  ang leksiyon ng kanilang ama na hiyang-hiya naman para kay Liam.

“At ikaw naman Via Montana,huwag mong pagurin ang sarili mo puwera na lamang kung gusto mo uling manatili ditto sa ospital!” sabay lingon ng mantanda kay Via.

Nagkindatan lamang ang magkapatid.

“Sabi ko na nga ba at hindi ninyo ako seseryosohin...I’m sorry about my girls,Liam.I hope you didn’t change your mind on marrying Serena...” may himig na pagbibiro na kinausap ng matanda si Liam.

Pinanlakihan ng mata ni Serena ang kasintahan.

“Don’t you dare,Liam!” ang banta niya rito,pero sa pabirong paraan.

“I’ve completed your discharge papers,Via...Are  you ready to go home?” ang sabi ng ama nila.

Via happily nodded.

“I can’t wait to get out of here,Papa.” ang sabi nito.

“Then let’s go.” ang yaya ni Serena.

Nagprisinta si Liam na dalhin ang ibang bag ni Via.Papalabas n asana sila ng hospital room nang may makita silang tao na nakatayo sa may pintuan.

“P-Paolo!” ang gulat na sabi ni Via.

Parang natulala naman si Serena pagkakita sa taong nagging bahagi ng buhay niya.Ang lalakeng pinag-ukulan niya ng pag-ibig...Ang lalakeng nagturo sa kanya ng salitang pag-ibig sa kabila ng kanyang musmos na isipan at damdamin...

Kusang bumalik ang kanyang isipan sa nakaraan na akala niya ay ibinaon na niya ng tuluyan sa limot...

June of 1999...

Magkasalubong ang kilay na sumiksik si Serena sa nag-uumpukan na mga estudyante...Simula nanaman ng pagbubukas ng klase at nagsisiksikan ang iba sa pagtingin kung saang section sila nakatoka sa kanilang huling taon sa highschool...

Mas lalo pang nadagdagan ang inis ni Serena nang makita niya si Paolo na nakangiting naglalakad patungo sa kinatatayuan niya.

“Nakita mo na kung ano ang section mo?” ang tanong nito agad sa kanya.

“Oh,please Paolo...Huwag ka nang mang-asar,okay?” ang naiiritang sagot ni Serena.

Paolo’s smile grew even wider.

“Isa sa mga tatlong ito ang dahilan kung bakit sambakol nanaman ang mukha mo...A.)Tinatamad kang pumasok pero pinilit ka lang ni Tito...B.)Nakita mo sa listahan na nasa iisang section nanaman tayo...Or C.)”Meron” ka ngayon...” ang natatawang sabi ni Paolo.

Hinampas ni Serena ng libro si Paolo.

“Eww!Kadiri ka talaga!How can you talk about that “girl thing” na parang normal lang sa’yo?” ang nandidiring tanong ni Serena.Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

“Base sa reaction mo ay hindi letter C ang sagot kung bakit masungit ka ngayon.” ang natatawang kulit muli ni Paolo at sinundan si Serena.

“Cut it out,Paolo!” ang saway niya sa binata.

“At imposible na letter A dahil hindi mo matitiis na hindi makita si Sir Peralta at magpasikat sa first day ng classes...” ang muling untag ni Paolo sa kanya.

Nanlalaki ang nga mata na nilingon ni Serena si Paolo.

“Shh!Huwag ka ngang maingay!Baka may makarinig sa’yo,nakakahiya!” ang pagsuway ni Serena.

Pero sige pa rin sa pang-aasar si Paolo.

“So,ang sagot sa trivia ay letter B!Sambakol nanaman ang mukha mo dahil nakita mo na magkaklase nanaman tayo on our last year of highschool?” ang pang-aalaska nito sa kanya.

Tumirik ang mga mata ni Serena dahil asar na asar na siya.

“Ewan ko ba kung bakit malas na ako simula Grade 1 palang ako hanggang ngayon.I mean,bakit ba tayo laging magka-section?Akala ko pa naman ay makakawala na ako sa’yo sa huling taon natin sa highschool pero malas pa rin talaga.Siguro kinausap ka nanaman ni Papa na bantayan ang bawat kilos ko,ano?” ang akusa niya rito.

Nakarating na rin sila sa kanilang silid-aralan.At gaya ng nakagawian ni Paolo,tumabi na rin ito ng upuan sa kanya tulad ng madalas na ginagawa nito simula noong nasa elementary pa lang sila.

Nakatass ang kilay na napatingin si Serena dito.

“And what are you doing?” ang mataray na tanong niya.

“Whether you like it or not,mag-seatmate pa rin tayo.” ang sagot ni Paolo.

“Aba,at kailangan ka pa nagdesisyon na maging seatmates tayo?” ang tanong ni Serena.

“Simula noong Grade 1 pa lang tayo,hindi mo ba alam?” Paolo reasoned out.

Pinili na lamang na manahimik ni Serena habang inilalabas ang libro at notebook para sa first subject nila ng araw na iyon...Araling Panlipunan.Napangiti si Serena habang tinitignan ang libro.Matagal na niya kasing crush ang kanilang teacher sa subject na ito na si Sir Peralta.Last year lang nila itong naging teacher at natutuwa siya dahil ito nanaman ang kanilang teacher sa taon na ito.

“Serena,matanong ko lang...Talagang bang hindi ka naniniwala na medyo “tagilid” si Sir?Marami nang ngasi-circulate na balita tungkol doon...Hindi ka pa ba natu-turn-off sa kanya?” ang nagtatakang tanong ni Paolo.

“Hindi ako maniniwala sa mga tsismis tungkol kay Sir Peralta...Not in a million years to come.” ang nakairap na sagot ni Serena.

Sasagot pa sana si Paolo pero hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil dumating na ang teacher nila na si Sir Peralta.Awtomatiko naman na napangiti ng maluwang si Serena habang buong paghanga na nakatingin sa guro.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status