Isang linggo na ang nakalipas mula nang dumating si Celeste sa bahay ng kanyang magiging asawa bilang isang maid in disguise. Ang mga gawaing-bahay ay medyo mahirap sa kanya sa unang mga tatlong araw, ngunit sa paglipas ng mga araw ay nakapag-adjust na rin siya.Sumapit ang panibagong umaga, at iyon ay isang araw nanaman ng pagpapanggap bilang isang kasambahay.Dahan-dahang iminulat ni Celeste ang kanyang mga mata nang marinig niya ang huni ng mga ibon sa labas. Napagtanto niya na umaga na, dahil ang banayad na liwanag ng sikat ng araw sa umaga ay nagpapaliwanag sa kanyang silid. Nakakatulog siya ng mapayapa at mahimbing kagabi at napakasarap ng pakiramdam niya ngayong umaga. Bumangon siya sa kanyang kama at pumunta sa bintana. Hinawi niya ang kurtina at tumingin sa garden. Agad na nakita ni Celeste si Nathaniel na abala sa paggupit ng mga dahon. Naalala niya ang pangako nito sa sarili kagabi na bibigyan niya ito ng pagkakataon, at mas magiging mabait ito sa kanya. Well, sa tingin
Kasalukuyang abala si Celeste sa pagdidilig ng mga halaman sa malawak na hardin ng pamilya ni Nathaniel Montecarlo.Binusog niya ang kanyang mga mata sa pagtingin sa mga iba't-iba at naggagandahang mga bulaklak sa hardin.Mayroong pula at putting mga rosas, mayroon ding iba't ibang uri at kulay ng mga orchids. Masaya siyang napapaligiran ng iba't ibang klase ng bulaklak. Para siyang Reyna ng mga bulaklak!One particular flower caught Celeste's attention, as it was her first time seeing that kind of flower.Agad siyang pumitas ng isang piraso ng bulaklak na iyon at inilagay sa likod ng kanyang kanang tenga.She suddenly felt a certain presence, as if someone is watching her...She slowly wheeled around, and she was right!Nakita niya so Nathaniel Montecarlo na nakatayo sa may balkonahe, habang nakangiti ito sa kanya. Biglang namula si Celeste, habang nakakaramdam siya ng hiya. Baka kasi isipin ni Nathaniel na nababaliw siya dahil sa kanyang ginagawa."Pasensiya na po kayo kung napitas
Pumasok si Celine sa Waldorf Auditorium, kung saan ginaganap ang mga musical at stage play sa kanilang lugar.Nasa kalagitnaan sila ng buwan ng Disyembre, kaya naman sagad sa buto ang lamig sa umagang iyon.Habang naglalakad siya sa loob ng lobby, napangiti siya nang makita niya kaagad si Nate, ang co-star niya sa musical play nila. Nakangiting naglalakad ito palapit sa kanya.Si Celine ay kasalukuyang nasa isang musical play production kung saan siya lang ang babaeng lead at siya ay gaganap kasama ang apat na lalaki. "Morning, Celine! Para kang squirrel na nilalamig sa lamig. Okay ka lang?" ang nag-aalalang tanong ni Nate kay Celine. "Good morning, Nate! Oh, don't worry, kinakaya ko pa naman ang lamig." ang nakangiting bati ni Celine sa lalaki.Sumulyap si Nate sa kanyang relo at muling tumingin kay Celine. "Well, we can get ourselves a cup of coffee before our call time." mungkahi nito."Magandang ideya iyan. Let's go." ang pagsangayon naman ni Celine.Papunta na ngayon sa coffee
Pagkatapos nilang mag-warm-up exercises, sa wakas ay nagsimula na sila sa rehearsals. Si Nate at Celine ay tinawag sa entablado upang magsanay ng kanilang mga eksena nang magkasama. Pagkatapos ng kanilang rehearsals ay agad naman silang kinausap ni Mr. Alford upang bigyan sila ng feedback."The way you deliver your lines is too strong, Celine. Remember, not too strong, but not so soft, either. You should say your lines clearly and with conviction. Naiintindihan ninyo ba ako?" ang nasabi ng matanda."Yes, sir." ang tugon ni Celine."And Nate, I think that you were amazing. Your voice perfectly blends well with Celine. Ang payo ko sa inyong dalawa, ipagpatuloy niyo lang ang pag-practice. Mag-practice kayong dalawa, kahit sa free time niyo." ang mungkahi muli ni Mr. Alford.Habang nagsisimulang bumaba ng stage sina Nate at Celine, ay sumunod naman na umakyat sa stage ang iba pa to do their own scenes..."Tama ang mga sinabi ni Direk, Celine. Dapat ay makapag-practice pa tayong dalawa...
"Sir, puwede bang bigyan ninyo pa kami ng palugit?" ang pakiusap ni Nick sa guard."Nasa loob pa po kasi ang kaibgan namin. Hinihintay na lang namin siya na lumabas." ang dagdag ni Justin."Sige, bibigyan ko pa kayo ng limang minuto. Pagkatapos noon ay tuluyan na naming ila-lock ang mga pintuan." pinagbigyan sila muli ng security guard.Nagpasalamat sina Gale, Nick at Justin, at ipinagpatuloy nila ang paghihintay kay Celine.===========================Samantala.Napapikit ng mariin si Celine, habang hinihintay ang susunod na mga mangyayari..."----Don't panic. I promise I won't hurt you..." narinig niya ang isang pamilyar na boses sa likuran niya. Nanlaki ang mga mata ni Celine, matapos niyang marinig ang boses na iyon.Dahan-dahang umikot si Celine para tingnan kung sino ang nakatayo sa likod niya. "Nate!" bulalas niya, habang nakahinga siya ng maluwag. Ngumiti si Nate sa kanya bilang ganti."Pasensiya ka na kung natakot talaga kita, Celine. I was thinking that this is my last ch
"Good morning, everyone! I'm so sorry for being late!" biglang pumasok si Nate, habang naghahabol ito ng hininga. "You're not that late, Nate. We're still doing warm ups." ang sagot sa kanya ng matandang direktor. "Salamat, sir." Nakahinga ng maluwag si Nate. Then afterwards, he walk towards his cast mates to join them. "Wala pa si Celine?" tanong ni Nate sa lahat, habang mukhang nag-aalala. "Oo. Baka nag-overslept siya?" ang biglang naisip ni Gale.Nagsalubong ang mga kilay ni Nate nang makita ni si Gale na nakatingin sa kanya, na para itong may gustong sabihin. Wala siyang ideya kung bakit ganoon ang tingin nito sa kanya... Mabilis naumipas ang 20 minutes, pero wala pa rin si Celine."---We're going to discuss the list of songs for our musical play. Next week, may pianist na pupunta dito para magsimula na tayo sa vocal rehearsals niyo." ang biglang imporma ng matandang director.Habang may sinasabi pa si Mr. Alford ay bigla namang dumating si Celine..."I'm so sorry for being l
Nginitian ni Clarisse ang isang customer pagkatapos ibigay sa kanya ang sukli para sa binili nitong item."Salamat po sa pagpunta sa Everyday Convenience store, balik po kayo ulit!" ang nakangiting sabi niya sa papalabas na customer.Matapos noon ay pumunta si Clarisse sa isang shelf na puno ng pastries. Inisa-isa niyang tinignan ang expiration date, at inalis ang mga expired na tinapay. Inilagay niya iyon sa isang plastic bag. Biglang napatayo si Clarisse nang marinig niyang bumukas ang pinto, at babatiin na niya sana ang pumasok na customer..."Welcome sa Everyday Convenience St----!" Hindi na natapos ni Clarisse kanyang sasabihin nang biglang may mag-collapse na lalaki na kanyang harapan.Noong una ay hindi siya nakagalaw sa labis na pagkabigla, ngunit agad din siyang nakabawi matapos ang ilang segundo. Mabilis niyang pinuntahan ang lalaki upang tulungan ito."Sir, okay ka lang ba?" tanong niya sa lalaki. Tumango lang ang lalaki bilang sagot, habang nakapikit ang mga mata nito.
Pakiramdam ni Clarisse ay pumasok siya sa isa sa mga pahina ng isang Architecture's Digest Magazine! Hindi niya maiwasang mabighani sa lahat ng nakikita niya sa loob!Ang mga disenyo ng penthouse ay sumisigaw ng karangyaan at kagandahan.Habang abala si Clarisse sa pagtingin sa buong lugar ay bigla naman siyang nakarinig ng boses ng isang lalaki."I hope you like what you see." Muntik nang atakihin sa puso si Clarisse dahil sa gulat nang marinig niya ang boses ng lalaki.Humarap siya at nakita niya ang lalaking tinulungan niya ilang araw na ang nakakaraan.Pinilit niyang tingnan ang lalaki ng diretso sa mata. Agad niyang tinitigan ang mukha ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan.Ito si Michele Montserrat, ang lalaking tinulungan niya ilang araw na ang nakakaraan at ang lalaking nag-imbita sa kanya para sa isang special dinner.Nakasuot ito ng suit, at bumagay iyon dahil maganda ang height ng lalaki. Parang model ng formal clothing brand ang lalaki at puwede maging artista dahil sa