Share

Chapter Twenty: Is This Really A Win-Win Situation?

Isang linggo na ang nakalipas mula nang dumating si Celeste sa bahay ng kanyang magiging asawa bilang isang maid in disguise. Ang mga gawaing-bahay ay medyo mahirap sa kanya sa unang mga tatlong araw, ngunit sa paglipas ng mga araw ay nakapag-adjust na rin siya.

Sumapit ang panibagong umaga, at iyon ay isang araw nanaman ng pagpapanggap bilang isang kasambahay.

Dahan-dahang iminulat ni Celeste ang kanyang mga mata nang marinig niya ang huni ng mga ibon sa labas. Napagtanto niya na umaga na, dahil ang banayad na liwanag ng sikat ng araw sa umaga ay nagpapaliwanag sa kanyang silid.

Nakakatulog siya ng mapayapa at mahimbing kagabi at napakasarap ng pakiramdam niya ngayong umaga.

Bumangon siya sa kanyang kama at pumunta sa bintana. Hinawi niya ang kurtina at tumingin sa garden.

Agad na nakita ni Celeste si Nathaniel na abala sa paggupit ng mga dahon. Naalala niya ang pangako nito sa sarili kagabi na bibigyan niya ito ng pagkakataon, at mas magiging mabait ito sa kanya. Well, sa tingin
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status