Share

Tainted Hearts 09

Kinabukasan, kabado ako nang buksan ko ang pinto ng classroom sa subject niya. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Ngunit pagkabukas ko, wala siya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nakahinga ba ako ng maluwag dahil wala siya o mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil inaasahan kong makita siya pero wala siya.

Sa sumunod na tatlong araw, ganoon din. Hindi siya nagpakita pagkatapos niya akong halikan. Nag-iwan lang siya ng mga gagawin at pag-aaralan. Pinagsisihan niya ba iyon? Nabigla lang ba siya no'n at natakot din siyang baka may makahuli sa amin at mawalan siya ng trabaho?

Nang umabot ng dalawang linggo na wala siya'y naalis ko rin naman siya sa sistema ko. Lalo na't naging abala sa mga requirements na kailangan sa mga subjects. Kung hindi na siya papasok at hindi ko siya makikita, sa palagay ko'y makakalimutan ko rin na minsan akong na-attract sa kanya.

"Sa amin ka na lang, Xena! Mas bagay kang maging model namin!"

"Naka-sign na yata siya sa ibang group!"

"Aww! Sayang naman!"

Lumaki ang lugar ko sa eskuwelahan dahil nagkaroon ng maraming kausap. Hindi ko man masasabi na mga kaibigan ko sila pero sapat na ang pag-ngiti at pagbati nila.

Marami rin ang nag-aalok sa akin na sumama sa mga grupo nila para sa school extracurricular activities. Kaya lang ay mas nagustuhan ko ang grupo ng volunteer para sa community service. Nagkahiwa-hiwalay kami nina Minerva at Josh dahil iba-iba ang mga activities na sinalihan namin.

Naging abala ang lahat lalo't malapit nang mag-pasko na ang ibig sabihin ay panibagong break para sa mga estudyante. Ang ibang grupo ay magbabakasyon samantalang ang grupo na napili ko ay napagdesisyunan na tumulong kami sa mga nangangailangan habang walang pasok.

All my group mates are kind and humble. Kahit pa alam ko na mayaman ang ilan sa kanila. Nakakatuwa na sa unang araw ay nag-iba ang tingin ko sa mga mayayaman na nag-aaral dito dahil sa mga naririnig na luho na madalas nilang mga pag-usapan. Pero nang makasama ko ang grupo ng mga volunteer na nasa mataas na estado rin pero mabubuti ang puso'y tumaas lalo ang tingin ko sa mga kagaya nila.

Hindi mo maaaring husgahan ang isang tao dahil lang sa estado niya. Sa bawat mga napupuntahan namin na lugar ay madalas kaming makapulot ng aral. Tutulong kami at sa pagtatapos ng araw ay pare-pareho kaming nakangiti.

Maraming malalayo na lugar na hindi natin nakikita o napagtutuunan ng pansin at sa oras na makita mo sila'y masasabi mo na lang na masuwerte ka sa kung ano ang mayroon ka. Mayroon tayong mga binabasura na mga gamit na para sa kanila ay sobrang halaga. Mayroon mga pagkain tayo na sinasayang, na para sa kanila ay sobra-sobrang biyaya na.

"Sir!"

Kalalabas ko lang ng gamit ko sa bag nang marinig ko ang sigawan ng mga babaeng kaklase.

"Sir! Bakit isang buwan kang hindi pumasok? Na-miss ka ni Abigail!"

Nakarinig ako ng malalim na tawa ng lalaki. Napatingin ako sa harapan. Nakatayo sa likod ng lamesa si Sir Lennox at nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa.

"Shhh," nilagay niya ang isang daliri niya sa gitna ng kanyang labi. "Keep your voice down, class!"

"Bakit nga ngayon ka lang, Sir? Nagkasakit ba kayo? Nagbakasyon sa ibang bansa?"

Nagkatinginan kami. Inalis niya ang tingin sa akin at saka niya sinagot ang nagtanong.

"Yeah. Yeah. Business trip," humarap siya sa board at nagsulat. "Keep all your personal questions and let's start with this subject."

Nagd-discuss siya nang i-excuse ako ng grupo namin. Si Millie ang humarap sa kanya para ipagpaalam ako. Tumayo ako. Nakatingin siya sa akin nang maglakad ako palabas. Tila gusto pang magtanong kung bakit kailangan akong i-excuse pero mas pinili na lang na i-diretso ang discussion.

Sa loob ng dalawang linggo'y hindi kami matagal na nagkikita ni Sir Lennox. Dahil na rin sa araw-araw na pag-excuse sa akin sa klase niya. Natapat kasi sa klase niya ang oras kung kailan available ang lahat ng kagrupo ko kaya hindi ko napapasukan ang klase niya para maka-attend sa mga meeting at plano.

"Why are you always making excuses for her? Is that meeting necessary?"

Naitikom ni Millie ang labi niya. Pangatlong linggo na itong sinusundo niya ako sa klase. Kapag ganitong seryoso ang boses ni Sir Lennox, kahit siguro director ng school mauutal na sumagot sa kanya. Inangat niya ang kanyang isang kamay para signal-an ako na lumabas na.

"You can leave for now Ms. Peña Vega. But, make sure to go to my office later and explain after that meeting."

"Yes, Sir!"

Tumayo ako't lakad takbong lumapit kay Millie. Sabay kaming naglakad paalis sa classroom.

"Nakakahiya! Napagalitan ako! Dapat kasi noon ka pa nagpaalam kay Sir para hindi masama ang tingin sa akin sa tuwing ini-excuse kita! Pumunta ka sa office niya mamaya, ha! Ayoko nang mapagalitan ulit!"

"Oo," sagot ko na lang.

Wala akong naintindihan sa meeting. Wala rin akong na-suggest gaano. Ang nasa isip ko kasi'y pupunta ako mamaya sa office ni Sir Lennox. Isang buwan siyang hindi pumasok at nang pumasok naman siya'y palagi akong umaalis sa klase. Hindi ko alam kung nasanay na ba ako sa presensya niya dahil hindi ako nakakaramdam ng kaba sa tuwing nakikita siya. O siguro dahil din hindi pa kami ulit nagkakaharap at nagkakausap.

"Come in!" Ika niya mula sa loob nang kumatok ako.

Pag-ikot ko sa door knob, nakabukas iyon. Mukhang inaasahan niya ang pagdating ko. Malamig sa loob ng kuwarto. Kung hindi niya ako inutusan na isara ang pinto, hindi ko isasara iyon.

"Come here."

Nakaupo siya sa pang-isahang sofa doon at malaking nakabuka ang hita. Tumigil ako sa gilid ng inuupuan niya. Maingat akong nakayuko. Seryosong nakatingala siya.

"Are you avoiding me using those meetings?"

Bahagyang nanlaki ang mata ko.

"No! I mean... Hindi po, Sir. Hindi ko alam kung kailan may meeting. Hindi ko rin inaasahan na susunduin ako araw-araw ni Millie. Lahat sila available sa oras ng klase ko sa iyo. Kaya..."

Tumigil ako. Nagtinginan lang kami. Tahimik siya ng ilang sandali.

"Do you know why I didn't show up after I kissed you?"

Malakas na tumibok ang puso ko. Nang banggitin niya iyon, tila ngayon lang naalala ng puso ko na hinalikan niya ako. Kabado akong napapalunok habang umiiling.

"Because I'm confused..."

Nakatitig siya sa akin. Nakatingin din ako sa kanya.

"I think I like you..."

Nalaglag ang panga ko. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Hindi ko na alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Natatakot ako kasi...tingin ko...gusto ko rin siya. At hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya na gusto niya ako.

"You don't have to answer me now, I'll wait."

Hindi ako kumibo. Pinayagan niya ako nang sinabi kong aalis na ako at na baka may mga meeting pa ulit sa mga susunod na araw kaya nagpaalam na ako.

Ganoon nga ang nangyari. Sa sumunod na linggo hindi na talaga ako pumasok sa klase niya para hindi na ako i-excuse ni Millie. Pinapapunta na lang ako ni Sir Lennox sa office para bigyan ako ng copy ng mga pinag-aralan.

"I will finish the class early today," aniya. "Saan ang meeting ninyo? Dadaan ako."

Lumabi ako. Sa nagdaang linggo na ito'y ramdam kong para siyang nanliligaw kahit wala naman siyang sinabi na liligawan niya ako. Sinabi ko kung saan bago ako lumabas sa opisina niya. Hindi pa kami nagtatagal na nagm-meeting, dumating nga siya.

"Aakyat po kami ng bundok, Sir."

Dinungaw kasi ni Sir Lennox ang laptop. Nakalagay doon kung saan ang pupuntahan ng grupo namin. Pagkasagot ni Millie kay Sir, hinarap niya kaming mga kagrupo niya.

"Let's just imagine that we are hiking on our way to our destination. Para ma-enjoy natin at hindi tayo mapagod."

"Which mountain again?"

Tinuro ng leader namin ang dalawa na pupuntahan namin na bundok na nasa internet. Nasa gitna ng lamesa ang laptop para makita naming lahat.

"These mountains, Sir. We saw these mountains in the documentary. We will see Aetas and Igorots there. Maraming Igorot na maayos na ang pamumuhay pero may ilan pa ring nasa dulo ng bundok at hirap sa buhay. Wala silang ideya sa itsura ng siyudad. Salat sa pagkain at hindi abot ng electricity. May ilan na kaming napuntahang mga bundok, Sir. Pinakahuli na ito. Sinadya naming ihuli dahil mahirap akyatin at pinakamalayo."

Habang nakikinig, lumapit si Sir Lennox sa likuran ko. Itinukod niya ang isa niyang kamay sa lamesa sa gilid ko. Bumaba pa siya ng kaonti para tingnan ng mabuti ang itinuro na bundok ni Millie. Tumikhim ako at bahagyang inuklo ang katawan palapit sa lamesa para lumayo ang likod ko sa dibdib niya. Hindi naman nararamdaman ng mga kasama ko sa lamesa ang tensyon ko dahil lahat sila'y nakatuon kay Sir Lennox at ipinapaliwanag dito ang mga balak naming gawin pagkarating doon.

"Okay..." Tumatango siya na akala mo'y nakikinig kahit ang totoo'y naglilikot ang isang kamay niya.

Nasa tabi ako ng pader at walang katabi sa kabila kaya't ang isang kamay niya na wala sa mesa'y malayang napaglalaruan ang dulo ng buhok ko. Wala ring tao sa likuran dahil bintana na ang nasa likod. Tumikhim ako ng mahina saka pasimpleng sinikop ang lahat ng buhok ko para mailagay iyon sa aking kaliwang balikat. Para matigil siya sa paglalaro. Bawat hila niya kasi sa dulo ng buhok ko'y nakikiliti ang anit ko.

Akala ko'y titigilan na niya. Nabigla ako nang maramdaman ang daliri niyang humaplos sa batok ko. Napakagat ako ng madiin sa labi ko. Itinaas ko ang kamay ko at pa-sikreto na hinawakan ang kamay niya na nasa batok ko para sawayin siya at alisin niya iyon. Sa halip na tumigil, hinuli niya pa ang kamay ko. Nakaangat ang isang kamay ko at hindi ko iyon mahila dahil naisalikop na niya sa kamay niya. Huminga ako ng malalim at hinayaan na siya. Pinaubaya ko na ang kamay ko dahil hindi ko naman mahila. Nang ibaba niya iyon, naisama ang kamay ko. Magkahawak kamay na kami sa likod ko.

"Si Xena ang inutusan ko sa mga pagkain. Naayos mo na ba?"

Si Millie. Kinabahan pa ako nang mabanggit niya ang pangalan ko. Tumango ako.

"Oo. Nai-budget ko na."

"You'll cook?"

Napa-angat ako ng tingin kay Sir Lennox. Mas lumapit siya kaya't nakadikit na ulit ang dibdib niya sa likod ko. Kung papansinin lang kami ng mga kasama ko sa grupo at bibigyan ng malisya ang pagdikit niya sa akin, siguradong madali nilang mahahalata na magkahawak kamay kami sa likuran ko.

"You can cook?" Ulit niya.

Pinipisil-pisil niya ang kamay ko. Pinamulahan ako nang maharap siya ng malapitan. Pagkatapos niya akong halikan, ito ang unang beses na nakaharap ko ulit siya ng ganito kalapit. Ilang inches lang ang layo ng mga mukha namin.

"Stop doing that," pabulong kong saway dahil gumuguhit ang hinlalaki niyang daliri ng maliit na bilog sa palad ko.

Hindi niya ako sinunod. Humarap siya kay Millie.

"If your group is short on vehicles, I can lend my cars."

Napakunot ang noo ko sa kanya dahil sa suggestion niya. Marami kaming dadalhin dahil magkasunod na araw ay magkasunod na ibang lugar din ang pupuntahan namin. Kinulang kami sa sasakyan at iniisip nila kung saan kukuha ng idadagdag. Narinig niya siguro na pinag-uusapan iyon ng kasama namin sa mesa.

"Woah!" Napapalakpak si Millie. "Sigurado ka, Sir? Malayo iyon at baka magasgasan ang sasakyan mo!"

"That's not a problem. That's fine."

Nag-usap sila ni Millie. Nagbaba ako ng tingin at bahagyang nag-init ang pisngi dahil habang kausap niya si Millie'y tila wala sa loob na hinahaplos ng hinlalaki niyang daliri ang likod ng mga daliri ko. Malamyos iyon at magaan.

His caresses feels comforting and sweet. His rough hand against my smooth one. I chewed my lips when I remembered his rough kisses. Akala ko'y nakalimutan ko na, biglang bumalik ngayon na nasa tabi ko siya. I remembered how he held me tightly and how he kissed me hungrily. It's like kissing me isn't enough for him. He wants to eat me fully.

"How many cars do you need?"

Nag-isip si Millie na leader namin at nag-usap usap ulit sila kung ilan pa ang kakailanganin. Habang busy ang iba'y niyuko niya ako.

"Isn't it dangerous for you to go there?" Bulong niya.

Sinulyapan ko ang mga kasama na busy sa pag-uusap bago siya sinagot.

"Hindi naman. Nakasama na ako noon sa ibang pinuntahan."

Tumango siya at tinitigan ako. Iba ang mga tingin niya ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nagbago. Pero sigurado ako na mayroong nag-iba sa paraan ng pagtingin at kilos niya.

"Oh? That's why your skin is a little tanned," sinulyapan niya ang isang balikat ko.

Ngumuso ako.

"Pangit ba?"

Ngumisi siya.

"Nope. Bagay sa 'yo."

Nagkatitigan kami sandali. Nag-iwas ako sa kanya ng tingin. Pagka-iwas ko, nasalo ni Millie ang mata ko. Kumunot ang noo niya't pinagmasdan ang puwesto naming dalawa ni Sir Lennox. Parang ngayon niya lang napagtanto na sobrang dikit ng mga katawan namin. Nakayuko pa ang lalaki sa likuran ko at bahagyang nakalapit sa akin ang mukha dahil sa pagbulong niya. Nataranta ako. Mukhang nabasa ni Millie sa mata ko ang pagkataranta. Umawang ang labi niya bago unti-unting napangisi.

"Puwede na siguro ang dalawang sasakyan pa, Sir Lennox!" Si Millie.

"Sure. I can lend three cars to make sure. I'll drive one."

Napabaling sa kanya ang mga kasama namin pati na rin ako. Magd-drive siya? Kung magd-drive siya, sasama siya?

"Sasama ka?" Hindi ko napigilang itanong.

Tiningnan niya ako.

"Ayaw mo?"

Bumuka ang labi ko.

"Hindi...hindi naman ako ang magd-desisyon tungkol diyan. Si...Millie..."

Pinasadahan niya ng dila ang labi niya bago hinanap ng mata si Millie.

"Sasama ako. Puwede ba?"

Natawa si Millie. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ako ang pinagtawanan niya.

"Puwedeng puwede, Sir!" Humalakhak pa siya't binigyan ako ng nanunuksong tingin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status