Share

Tainted Hearts 10

"I'll pick you up at your house."

Kanina pa natapos ang klase namin sa kanya. Hinintay niya ako sa parking lot para ihatid ako pauwi. Bukas na ang alis ng grupo namin kaya ngayon ay balak niya akong sunduin bukas.

"Bahala ka," inaantok kong tugon.

Nakatulog ako sa sasakyan. Ginising niya lang ako pagkarating sa bahay. Sa sobrang antok ko, hindi ko na nagawang maglinis ng katawan. Naghubad lang ako ng uniform. Naka-panty na lang ako nang ibagsak ko ang katawan sa kama.

"Xena! Gising na! May bisita ka! Aalis daw kayo!"

Napaungot ako. Nakarinig ako ng magkakasunod na katok. Hindi ako nagla-lock ng pinto pero hindi iyon binubuksan ni mama kapag hindi ako ang magbubukas. Nawala ang ingay. Pinilit kong tumayo at binuksan iyon. Mapungay pa ang mata ko nang hindi si mama ang mapagbuksan ko kung hindi mukha ng lalaki.

"Anong oras na ba?" Paos ang boses ko dahil kagigising lang. "Ang aga mo yata?"

Tiningnan ni Sir Lennox ang relo niya.

"You still have two hours to prepare. I'll wait in the living room," nakangisi niyang tiningnan ang katawan ko. "Baka gusto mong magbihis muna?"

Niyuko ko ang tinitingnan niya. Nawala ang antok ko nang makitang walang balot ang dibdib ko. Malakas kong naisara ang pinto. Nakarinig ako ng halakhak sa labas.

"Sobrang pagod ako kahapon kaya hindi na ako nakapagbihis! Hindi ako ganitong magdamit kapag natutulog!"

"No one's asking. But, I don't mind seeing you everyday wearing nothing though."

"Bumaba ka na! Maliligo lang ako! Susunod ako!"

Tumawa pa siya ulit bago umalis sa pinto. Hiyang-hiya ako habang pababa sa hagdan. Nasa living room si Sir Lennox. Naka-upo siya sa pang-isahan na sofa na nakatapat sa hagdan kung saan ako bumababa.

"Nasaan sila mama?" Tanong ko na lang para hindi mahiya sa nadatnan niya kanina.

"In the backyard?"

Nagpatuloy ako sa pagsuklay sa basa na buhok at naglakad papunta sa likod bahay. Nandoon nga silang lahat at pinapanuod na maglaba si Mama at Along.

"Mama, ako na po ang maglalaba ng iba pagkauwi ko at baka mapagod pa kayo."

Inagaw ko ang makapal na pang-sapin sa higaan nang itinaas niya iyon. Mabigat iyon at map-puwersa siyang magbuhat.

"Iwanan ninyo ito. Ako na ang maglalaba nito dahil mabigat ito."

"Magaling na ako, Xena! Kaya ko nang labhan iyan!"

"Oo nga Ate! Si Kuya hinihintay ka na!" Singit ni Along.

Napatingin ako sa pintuan ng likod bahay. Sumunod pala siya. Nakapamulsa si Sir Lennox habang pinagmamasdan akong sawaying maglaba sila mama.

"Sige na, Xena! May lakad pala kayo ay! Kanina pa iyan naghihintay!"

Napailing ako't nilapitan ang dalawang mas bata na kapatid. Naglalaro ng manika si Mena kaya kay Rico ako lumapit.

"May gusto ka bang pasalubong pagka-uwi ni Ate?" Malambing na tanong ko.

Sumigaw si Mena ng ice cream at cake. Si Rico'y umiling lang at niyakap ako. Hindi ko pa siya napapa-opera dahil malaki na pera ang kailangan ko. Maayos naman siya sa ngayon sa mga gamot niya pero ang huling kausap ko sa Doctor niya, kailangan daw maoperahan ni Rico para hindi na sinusumpong ng sakit sa puso. Hindi pa sigurado kung magiging successful. May posibilidad din na kailanganin niya ng transplant.

"Mag-ingat ka, Ate! Uuwi ka maaga?"

Natawa ako at niyakap siya ng mahigpit. Pinakuha ko kay Along ang gamot niya at pinainom ko muna sa kanya iyon bago ako umalis.

Tahimik lang si Sir Lennox habang nagd-drive. Hindi siya nagsasalita kahit nagkita-kita na kami nila Millie at sabay-sabay na umalis patungo sa pupuntahan.

Sa ibang sasakyan sila nakasakay. Ang mga gamit ay nasa likuran na upuan. Kami lang ni Sir Lennox ang nandito sa sasakyan niya at hindi pa siya nagsasalita kaya sobrang tahimik naming dalawa.

"Sir—"

"Just call me, Lennox. Call me Lennox, Xena."

Nilingon niya ako at binigyan ng maliit na ngiti. Tumango ako't napangiti na rin.

"Lennox..." Bigkas ko, sinasanay sa dila ang pangalan niya.

Nilingon ko siya sapagkat may balak itanong. Natigilan ako sa itatanong ko sana dahil natuon sa labi niya ang tingin ko. Nakangiti siya at kagat ang ibabang labi niya.

"Hm? Why are you smiling?" May pagtataka kong tanong.

"I love hearing my name on your lips without Sir." He said.

Napalabi ako at hindi na tinuloy ang itatanong. Pangiti-ngiti na siya kapag nasusulyapan ako. Ako naman ang natahimik ngayon.

Tumigil kami sa isang kainan na nadaanan. Maliit na carinderia pero malinis. Malayo na kami sa siyudad at mula rito sa karinderya'y tanaw ang kumpulan ng berdeng mga puno at ang maaliwalas na asul na langit.

"What do you wanna eat?"

Nagulat ako sa init ng hininga niya na tumama sa leeg ko. Hinimas ko iyon dahil nagtayuan ang mga balahibo ko.

"They are eating. Let's eat too."

Lumapat ang isang palad niya sa bewang ko pagkaharap ko. Nahaharangan niya ang mga kasama namin kaya sumilip pa ako sa gilid niya para lang makita ang mga kasama. Lahat sila'y abala sa pagkuha ng mga pagkain. Malapad ang katawan ni Lennox kumpara sa maliit na katawan ko kaya't kahit malingon sila sa amin hindi nila makikita na nasa bewang ko ang kamay niya.

"Come on..." Anyaya niya.

Tiningnan ko pa ulit ang likod ko kung nasaan ang maganda na tanawin. Pagbalik ko ng mata sa kanya, nakatitig na siya sa akin. Pinamulahan ako at napakagat sa ibabang labi na madalas kong gawin. Napangisi siya't hinawakan ang labi ko para pakawalan iyon sa pagkakakagat ko.

"Don't bite your lips here if you don't want them to see me kissing you."

Pinatulis ko ang labi ko at lalong pinamulahan. Tumango ako at nanguna na sa kanya. Sumunod siya sa akin. Nahuli ni Millie ang tingin ko pagka-upo namin ni Lennox sa tabi niya.

"Naiinitan ka? Pulang pula ka, ah?"

Nilingon ko siya at sinimangutan na ikina-tawa niya. Sa unang araw na makita niya kami'y tingin ko nakaramdam na siya. Hindi ko alam kung kaibigan ko siya dahil sa ganito na mga lakad lang naman kami nagkakasama at kapag mayroon mga pinag-uusapan tungkol sa grupo pero magaan ang loob ko sa kanya. Siguro'y dahil kahit mayaman siya'y hindi siya pasosyal kaya't hindi nakakaintimidang kausapin.

Pagkatapos kumain ay nagpatuloy kami sa pag-biyahe. Anim na oras kami sa kalsada at ang lugar ng mga Igorot ang unang pinuntahan namin. Hindi umabot ang sasakyan hanggang sa pinaka-lugar mismo nila. Hanggang sa ibaba ng bundok lang ang sasakyan. Paakyat ay naglakad na lang kami. Kada isang oras ay titigil kami at magpapahinga kahit limang minuto lang.

"Xena! Catch!"

Hinagisan ako ni Millie ng bottled water. Natawa ako nang muntikan ko pa 'yong hindi masalo. Pagkainom, sumandal ako sa katawan ng malaking puno. Pumikit ako't dinama ang hangin.

Napapangiti ako kapag naririnig ang mga huni ng ibon na sumasabay sa pagaspas ng mga dahon. Kapag nakadilat marami akong makikita na magagandang bagay ngunit habang nakapikit sa ganitong lugar, saka ko nakikita ang tunay na kahalagahan ng mga puno at mga hayop.

I can imagine them laughing and playing like the human being, just with their different language. They are all living things. Karapatan din nilang ingatan kagaya ng pag-iingat natin sa mga mahal natin sa buhay.

Binuksan ko ang mga mata ko nang maramdaman na may nakatingin. Nakasandal si Lennox sa kabilang puno na nasa harapan ko. Nakapamulsa siya't seryoso ang mga mata.

"Is everyone alright?" Tanong ng isang guide.

"We're fine! Let's continue!" Sagot ng katabi ko.

Kumurap ako at tumayo na ng maayos nang marinig ang mga kasama namin. Tapos na ang pahinga at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Si Millie'y panay ang kuha ng litrato sa buong grupo. Nahuhuli kami ni Lennox pero nauuna ako sa kanya. Sa tingin ko ay sinadya niyang pumuwesto sa likuran ko para maalalayan ako sa mataas at delikado na inaakyatan. Hawakan niya man ako sa bewang o kamay, walang nagbibigay malisya.

Napangiti ako nang makita ang mga nakahilerang tao na naghihintay sa amin. They are wearing their cultural clothes. Ang mga ibang tao na naghintay sa amin sa ibaba ang may bitbit sa mga dala namin na pagkain at gamit.

We gave them food and donated two solar lamp post. Makakapagbigay 'yon ng liwanag papasok sa loob ng mga bahay nila. Ang mga bata ay maaaring maglaro sa labas kahit gabi na. Tuwang-tuwa silang lahat habang tulong-tulong ang mga lalaki na inaayos iyon. Hindi pa matatapos ngayong araw iyon pero may mga volunteer din sa lugar na ito na nakausap namin kanina na maiiwan para tumulong sa pagkabit. Kahit umalis kami'y wala na kaming aalalahanin.

Ang ginamit sa pambili ng gamit at pagkain na dala namin ay galing sa mga nalikom namin na mga donation. Ang iba'y galing sa allowance namin. Tinipid ko ang allowance na pinapadala ni Mr. Andromeda at nagbigay din ng kaonting halaga.

Pagabi na nang tumigil sila para ipagpatuloy bukas. Dito kami magpapalipas ngayong gabi kagaya ng mga ginagawa namin sa ibang lugar na napuntahan dati. Mahirap na kasing bumaba nang madilim kaya't pagkaliwanag at saka kami umaalis.

Nagkasiyahan sila nang magdilim na't nag-alay pa ng sayaw. Siguro'y ganito sila tuwing gabi dahil mukhang apoy ang pampaliwanag nila sa labas.

"Xena! Halika!"

Umiling ako at tumawa nang tinawag ako ni Millie para sumama sa mga nagsasayaw. Nakasuot siya ng bulaklak na kwintas at ang sumbrero ng kasayaw niya'y ipinasuot sa kanya.

"Halika!"

"No way! I'm fine here!" Tanggi ko.

Hindi siya nagpapigil at hinila ako patayo. Tumanggi ako nang una ngunit sa huli'y wala ring nagawa. Mabilis akong pinalibutan ng mga nagsasayaw. Sinuotan nila ako ng kwintas. Kulay puti iyon at bumagay sa white off shoulder dress na suot ko. Natawa ako.

"Ang ganda mo! Nagmukha kang diyosa nila!"

"Ano ba!" Hinampas ko si Millie.

Tawang-tawa ako nang isama nila ako sa pag-ikot paikot sa apoy. Ang mga kasama namin sa grupo at ilang volunteer na nandito'y nakaupo paikot sa gilid namin at mga nagsisipalakpakan. May ilan ding nagtatawanan. Bukod tanging isa lang ang seryosong nakatingin sa akin. Si Lennox. Para bang malalim ang iniisip niya habang nasa akin ang mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status