May flashback tayo sa life ni Aidan next chapter guys. This is really really important.
“Evos… please… hindi ko naman sinasadyang galitin ka e.” Takot na takot na sabi ko sa kaniya nang makabalik kami ng pad.Pero imbes pakinggan, sampal ang sinagot niya sakin.Tumulo ang luha sa mga mata ko at pakiramdam ko e yun na ang pinakamasakit na sampal na natamo ko mula sa kaniya. Halos mabali ang leeg ko at ramdam kong agad namaga ang pisngi kong nadapuan ng kamay niya.Alam kong ang galit niya na naman ngayon ay di dahil sa sinabi ko. Dahil ito sa ginawa ni ma’am Merida sa kaniya kanina.Ako na naman ang pinagbubuntunan ng galit niya.“Sagutin mo pa ako ulit baka hindi lang yan ang aabutin mo.” Galit na sabi niya sakin.Punong-puno na ako sa pananakit niya. Hindi mali ang sinabi kong huwag niyang idamay si ma’am. Kahit pa siguro tumahimik ako ay sasaktan pa rin niya ako kasi iyon lang naman ang alam niyang gawin, ang lagyan ako ng mga pasa.Natawa ako habang sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata.“Bakit ka galit na galit? Dahil sinagot kita? O dahil sinampal ka ni ma’am Me
“Think of your sisters.” Ang bulong ni Evos sa tabi na siyang naging dahilan kung bakit umayos ang expression ng mukha ko. Ngumiti ako kay ma’am Merida para lang hindi ito magduda gayong alam ko na sa mukha niyang nagtataka siya at nag-aalala sakin.“Vi, a-anong ginagawa mo dito? Bakit kayo magkasama?”“She’s living with me.” Saad ni Evos at nakita ko kung paano siya tignan ni ma’am na puno ng pagdududa.“Anong ginawa mo sa kaniya?”“Wala akong ginawa. Bakit hindi ka naniniwala?”“Do you think mauuto mo ko Evos?”“Bakit hindi mo tanungin si Vivianna?”Tumingin ulit si ma’am sakin. Kulang nalang ay mamutla siya. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. “Vi… Why are you here?”“Totoo po ang sinasabi niya ma’am.”Umiling siya. “Hindi ako naniwala Vi. Kilalang kilala kita. Hindi ka sasama sa lalaking yan dahil alam mo kung anong klase yang tao.”“That’s foul. When did I hurt you when I was your husband?” sabat ni Evos habang kinakausap ako ni ma’am.“Manahimik ka Evos. Alam ko anong g
Isang linggo na akong nakakulong sa pad… Para na akong nawawalan ng pag-asa na makalabas pa dito.Napalingon ako sa pinto nang mapansin kong bumukas ito at nakita ko si Evos na pumasko na may kasamang isang babae.Kumunot ang noo ko dahil pakiramdam ko e pamilyar siya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.“Here she is.” Sabi ni Evos at tinignan ako.Lumapit sakin ang babaeng yun at ngumiti pagkatapos ay umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan saka tinignan niya ang pulso ko. Hindi ko alam anong ginagawa niya.“Sabi ni Evos ay may sakit ka raw. Masakit ba ang ulo mo?”Napatingin ako kay Evos at naroon pa rin ang malamig na expression sa mukha niya.“W-Wala akong sakit.”Hinawakan niya ang noo ko tinitignan kung may lagnat ba ako.“Okay good. Inuubo ka ba?”“H-Hindi rin.”Bumaling kay Evos. “Wala siyang lagnat o ubo. Pagpahingahin mo siya at mas maigi rin kung payagan mo siyang lumabas kahit sandali lang. Hindi pwedeng nandito lang siya sa pad palagi.”Nanlaki ang
Vivi’s POVAng buhay ko kasama ni Evos ay isang impyerno. Ilang araw pa lang akong nasa pad niya pero grabe na ang hirap na dinanas ko sa kamay niya.Halos gabi-gabi ako umiiyak, halos kada oras akong takot.Ako lang mag-isa ang naiiwan sa bahay at nilo-lock pa niya ang pinto kapag lumalabas siya para magtrabaho.Para akong isang alaga niyang hayop na kinukulong para hindi ako makalabas.Kapag gabi, pinipilit niya kong samahan siya maglasing at paulit-ulit kong naririnig sa labi niya ang sakit na pinagdaanan niya kay ma’am Merida.Sinasabi niya pag hindi siya nakainom na wala na siyang pakialam kay ma’am pero kapag may alak na, doon lumalabas ang ugali niya.At madalas niya akong sinisisi. Na kasalanan ko raw lahat.Kapag sinasagot ko siya, isang sampal ang natatamo ko sa kaniya dahilan kung bakit nangingitim ang ilang parte ng mukha at braso ko.Sunod-sunod na luha ang binitawan ng aking mga mata habang nakatingin ako sa salamin at pinapahiran ng bulak na may alcohol ang sugat ko dito
Merida’s POV“Nak, kumain ka muna.”Tumingin ako kay mama Fe. Malaki na ang improvement niya mula no’ng una akong nagpunta dito sa bahay. Naging mas malapit pa kami to the point na natatawag ko na siyang mama.Siya rin nagsabi sakin na huwag na tita kaya mama na rin ang tawag ko sa kaniya.May session siya sa psychiatrist niya monthly at sa tulong no’n, mas unti-unti ng natatanggap ni mama ang mga nangyari sa kanila ni papa noon.Ang nakaraan kasi ang nagho-hold back sa kaniya para mamuhay sa kaniyang kasalukuyan.Masasabi kong ito na ang buhay na pangarap namin ni Aidan. Nakakasama at nakakausap na niya ang mama niya at tahimik na rin ang buhay namin.“Sumasakit na ba ang tiyan mo?” tanong niyaUmiling ako. “Hindi pa ma pero pakiramdam ko ay malapit na silang lumabas at medyo kinakabahan na rin ako.”“Huwag kang kabahan nak… Nandito lang kami ni Aidan para sayo.” Aniya habang nilalagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likuran ng aking tenga.Niyakap ko siya. Napaka-swerte ko na ganto an
Agad kong isinara ang pinto pero hinarang niya agad ang kamay niya at pumasok ng kusa kahit na hindi ko siya pinapapasok. Napalunok ako sa tindi ng kaba sa dibdib ko.“Matagal na kitang hinahanap Viviana. Akala ko ay nagpunta ka ng ibang bansa. Hindi ko aakalain na dito ka lang pala itinago ni Merida.”“A-Ano bang kailangan mo sakin E-Evos?” hindi ko maitago ang kaba ko.“Alam mo ang sagot ko sa tanong mong yan. Ano sa tingin mo ang kailangan ko sayo?”Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko at nasaksihan ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya.“Anan ko to Evos!”Tumawa siya. At mas lalo pa akong kinabahan nang makitang inilock niya ang pinto.“At anak ko rin yan. I will take my child.” Ang sabi niya na nagpalaki ng mata ko.“Hindi mo siya anak!” Sabi ko pero yung luha ko ay nag-uunahan na sa pagtulo.He just smirked at me na para bang nagmumukha lang akong kengkoy sa harapan niya na pilit tinatanggi ang isang bagay na halata na.“How much do you want? Milyon ba? Gusto mo ng mal