Sige lang guys. Gaya niyo frustrated rin ako ngayon kasi napuputol ang oras ko sa pag-UD dahil sa unseen circumstances. Talagang pinipilit ko nalang ang sarili ko kahit antok na ako kasi imagine, anong oras na ako nabakante. Plan ko talaga mag update kahapon ng 4 chapters pero diko po nagawa kasi gabi na ako nakabalik ng bahay. Jusme. Ngayon gabi ulit. Malalaman niyo naman free ko kasi sunod sunod ang update ko tapos hindi gantong oras. haha. Kaya di nalang ako magpromise kung ilan ma UD ko, pero sure akong babawi ako kapag kaya ko na.
Aidan’s POV“Bye papa!” Sabi ni Lila at naunang yumakap sakin habang si Tala e nasa likuran at naghihintay na matapos ang kapatid niya.After that incident, ramdam ko na medyo lumalayo siya sa amin ng konti ng mama niya. Hindi na siya nakikipag-unahan sa kapatid niya na para bang nagpapaubaya na siya.Napatingin tuloy ako saking asawa. Nag-aalala rin ang mukha niya habang nakatingin sakin.“Hindi mo ba yayakapin si papa?” mahinahong tanong ko kay Tala.Dahan-dahan siyang lumapit pagkatapos ay yumakap.“Bye papa.” Bulong niya.Pumikit ako at hinaIikan siya sa noo niya. “I love you so much, anak… Hindi galit si papa sayo at palagi ka niyang prinsesa kahit na anong mangyari.”Mukhang natakot talaga siya ng sobra ng magalit kami ng mama niya sa kaniya.Tumango siya at niyakap ako ulit.“Tatawag si papa pagnakarating na ako ng Dubai, okay?”“Yes po…”“At dapat magpakabait kayo kay mama.”“Okay po papa..”Tumingin ako kay Lila. “Lila, makinig kay mama at ate palagi.”“Opo papa…”“Mangako ka
Fe’s POV“Lola, bakit po hindi ako love ni mama at papa?” iyan ang tanong sakin ng apo kong si Tala. Nakatayo siya sa harapan ko habang hawak ang baso niyang tinimplahan ko ng gatas kanina.Agad kong kinuha ang kamay niya at dinala palapit sakin at kinandong ko. Mukhang binabagabag siya hanggang ngayon sa nangyari sa kanila ng mama niya.“Tala, hindi totoo yan anak. Mahal na mahal ka ng mama at papa mo.”Napatingin siya sakin. Tila inoobserbahan kung nagsasabi ba ako ng totoo. Ang mga mata niyang inosente ay bigla na lamang nanubig tanda na nasaktan siya ng sobra.Lumabi siya at malalaki ang butil ng luha ang tumulo mula sa mga mata niya.“Pero bakit si Lili nalang ang palaging kinakampihan nila?”Naiintindihan ko si Rida at Aidan kung bakit doble ang pag-iingat nila kay Lili. Dahil pabalik balik sa hospital si Lili mula pa noong sanggol pa ito. Madali itong dapuan ng sakit. Madaling manghina ang katawan nito kaya nararapat lang na mas pagtuunan ito ng pansin.“Kaya sila ganoon kay Li
Matapos kumain ni Aidan, nagtungo na rin kami sa master’s bedroom para matulog. Pero bago pa talaga ma-knock out itong asawa ko e nagdrama pa siya na kung paano daw kung siya lang ang maiiwan sa bahay, ano daw gagawin niya oras mag-away ulit ang dalawa.Dina-down niya ang sarili niya at mukhang mas siya pa ang nasaktan nang pagalitan niya si Tala kanina.Mabuti nga ngayon ay tuluyan na siyang nakatulog. Ako, kahit anong gawin kong pagpikit sa mata ko, hindi pa rin ako inaantok.Dahil iniisip ko lagi si Vivi.Sa mga nakalipas na taon, walang araw na diko siya naiisip.Matapos kong manganak, huli na nang malaman ko na dinala pala ni Evos si Vivi sa America. Grabe ang iyak ko no’n at halos ilang buwan rin akong nag-aalala to the point na nagkakasakit na ako.Kinabahan kasi ako na baka may ginawang masama si Evos sa kaibigan ko. Wala na ang baby nila, ano nalang ang mangyayari kay Vivi?Wala ng dahilan si Evos para magpigil. Knowing him, alam kong kay dali lang sa kaniya saktan si Vivi.T
[6 years later]Yakap-yakap ko ang sarili ko ngayon habang nakatingin sa labas ng bahay. Malakas ang ulan at hinihintay ko si Aidan na makauwi galing trabaho.Pasado alas nueve na rin kasi ng gabi at kanina pa siya nagsabi na pauwi na siya.Ilang taon na ang lumipas, yung kambal e malalaki na. Mag-aanim na taon na rin sila. Si mama Fe tuluyan na siyang gumaling at active siya sa mga outdoor activities. Kung anong gusto niya ay hinahanayaan lang siya ni Aidan.Ang pagsasama naman namin ay walang naging problema. Ginugol namin ang buong attention at pagmamahal para sa mga anak namin. At masaya kami although hindi talaga mapipigilan na may hindi pagkakaunawaan ng konti pero at the end of the day, inaayos namin ang problema naming dalawa.Nang may tumunog na sasakyan sa labas, alam ko ng si Aidan yun. Bumukas ang gate at pumasok siya.Lumabas ako para salubungin siya at nang makita ko siya, alam ko na agad na lasing siya.Nakangiti siya abot tenga habang palapit sakin.“Hello babe…”HumaI
“Anak…”Naririnig ko ang boses ni mama pati na ng iyak ng bata.Nang magmulat ako ng mata, naging malabo pa sakin ang lahat no’ng una dahil sa ilaw pero nang makapag-adjust ako, nakita ko si mama kasama ni Lisa at attorney.“Ate…” ang sabi ni Lisa na nagulat nang magising ako.“L-Lisa…” halos pabulong ko.“Mer, kamusta ang pakiramdam mo?” tanong naman sakin ni attorney. Pinalibutan nila akong dalawa.“Ayos lang po ako attorney…” Sagot ko at napatingin ako kay Nadya na may dalang sanggol na umiiyak.Nanlaki ang mata ko. Instinct sakin ang nagsasabi na ang dala-dala niya ay ang anak ko.Nang makita nila akong nakatingin sa baby, agad inilapit ni Nadya sakin ang anak ko.Itinaas ko ang kamay ko para kunin ang baby ko. Sa sobrang kasiyahan na nadarama ko, naluha ako.“She’s so beautiful.” Mahinang sabi ko nang maiabot na siya ng tuluyan sakin ni Nadya.“She is. Manang mana sayo, Mer.” Sabi ni attorney.Walang pasidlan ang kasiyahan na nadarama ko. Ganito pala ang pakiramdam ng isang ina.
Merida’s POV“Dan, wala pa bang update kay Ardel at Vivi?”Umiling si Aidan.“My men are already waiting for them, babe.”“Paano kung papuntahin mo nalang kaya ang mga tao mo sa hospital, Dan?”“I can’t. Maraming mga bantay si Evos doon ngayon sa hospital. Mas lalong mahihirapan si Vivi makaalis kung maalerto si Evos. But don’t worry, yung ibang mga inutusan ko, naghihintay na sa kanila sa terminal kung saan ibababa ni Ardel si Vivi. Maghintay nalang tayo ng ilang sandali.”Halos hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Wala pa kaming balita sa kanila.“Anak, huminahon ka muna.” Ang sabi ni mama na nag-aalala sakin.Tumango ako at binigyan naman ako ni Nadya ng tubig.Iba ang kutob ko. Pakiramdam ko e may hindi magandang nangyayari kay Vivi.Sinubukan kong kumalma at nanood lamang sa TV kahit na yung utak ko ay lumilipad na kay Vivi, hanggang sa may tumawag kay Aidan. Pinanood ko ang reaction niya at alam kong may balita siyang natanggap na hindi maganda.“Dan? Si Vivi ba yun?”Tumin