LOGINGood noon!
Ilang araw akong hindi umuwi. Sa opisina ako natutulog, naliligo at kumakain. Hindi dahil sa galit ako kay Merida, it’s because naguilty ako ng sobra sa sinabi niya.Naguilty ako sa ginawa ko kay Tala.I know what I did and it’s unforgivable. Dahil kahit pa man sabihing hindi ko nga totoong anak si Tala, ako pa rin ang nagpalaki sa kaniya. Anak ko pa rin siya.Kaya dapat hindi magbabago ang turing ko sa kaniya.Hindi dapat siya ang nalalabasan ko ng galit sa ginawa ni Evos kay Alex. Hindi ko dapat idinamay ang batang wala namang alam.Iginugol ko nalang ang oras sa trabaho at paghahanap sa walang hiyang si Rendova. Hanggang sa dumating ang araw na may resulta na nga ang DNA test na pinagawa ko.Pagkatapos ng trabaho ko, nang ipaalam sakin ni Ronald na tumawag na yung hospital at sinabing may resulta na, agad akong umalis para kunin iyon.And it’s weird dahil pagtapak ko pa lang sa hospital, ang bigat na ng damdamin ko. Na para bang may nagsasabi sakin na isang malaking kasalanan itong
Aidan’s POVGalit si Merida. Dalawang gabi siyang hindi tumabi sakin. Alam kong para mawala ang galit niya ay kailangan kong puntahan si Tala para humingi ng tawad.Earlier, bago ako pumasok ng trabaho, hindi niya ako tinapunan nang tingin. She’s treating me like I’m invisible. At ayokong lumipas pa ang araw na ito na hindi kami nagkakabati.Pagdating ko galing work, sinabi sakin ng maid na umalis si Merida para maggrocery.Kaya naman, kukunin ko ang chance na to para makausap si Tala. Nagbihis lang ako sandali at pinuntahan ang kwarto ng anak ko.Wala akong nakikitang bata sa sala kaya hula ko ay nasa kwarto ang mga ito.Pero pagdating ko sa kwarto ni Tala, si Nadya ang nakita ko na may dalang labahin.“Si Tala?”“Wala po siya dito sir.”Where is she? Sinama ba ng asawa ko maggrocery?“Sinama ba siya ng ma’am Merida mo?” tanong ko“Ah hindi po sir. Si Ms. Tala lang po ang batang naiwan dito. Si Ms. Lila at sir Alex po ang kasama ni ma’am Merida.”Nagulat ako. Sinadya bang iwan ni Mer
Merida’s POV“Where’s Tala?” ang tanong ni Aidan sakin nang pumasok ako sa kwarto namin. Tinapunan ko lang siya ng tingin at dumiretso sa closet para kumuha ng bagong damit.“Natutulog na.” Ang sagot ko bago ako nagpakawala ng isang malalim na hininga.Umiyak na naman kasi si Alex kanina dahil yung kwintas na suot-suot niya ay nawawala. Mahalaga yun sa kaniya dahil bigay yun ni Vivi.Sa garden lang niya iyon iniwan at nasaktong doon rin tumambay si Tala.Ngunit si Aidan, nang makita niyang umiyak si Alex at narinig niyang si Tala lang ang naroon sa garden, pinagalitan niya ito.Nag-assume siya agad na si Tala ang kumuha at nagtago ng kwintas.Kaya naman umiyak ang bata at nagkulong na naman sa kwarto kaya pinuntahan ko.“Kailan ka ba hihinto sa pagkampi sa kaniya?”Tumigil ako para lingunin siya. Anong sinabi niya? Hihinto sa pagkampi?Parang uminit ang ulo ko sa narinig ko sa kaniya.“Ikaw? Kailan ka hihinto sa ginagawa mong pagtrato sa kaniya ng ganyan?”Nagbago ang expression sa muk
[After 8 months]“Ate Vivi, ate Vivi!” naririnig ko ang pagtawag ni Kulot, ang anak ng komprador ng aming panananim.“Ate Vivi, sabi po ni kuya Evos ay kumain na raw po kayo.”Bumaling ako sa kaniya at ngumiti.“Sige. Pero sandali lang kasi ililigpit ko lang tong gamit ko.”“Sige po ate. Pero ano po ba ang ginagawa niyo?”“Nagtatahi ako ng damit para sa baby.”“Malapit na po siyang lumabas?”Tumango ako at nilagay ang telang pinagta-tiyagaan kong taihin sa drawer.“Boy po ba siya ate? Or girl?”“Girl siya, Kulot.” Sagot ko. “Nasaan pala ang kuya Evos mo?”“Nasa kubo po. Kasama niya po si papa at yung iba mga kargador.”Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang garterized na suot kong damit. Malaki na ang tiyan ko at isang buwan na lang ay manganganak na ako.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako tuluyang makapaniwala.Maraming nagbago, maraming nangyari na ikinagulat ko ng husto.Sa walong buwan na narito kami sa malayong lugar na ito, naging payapa ang lahat. May nahanap ka
Sumakay kami ng bus. Ni hindi ko na ibinuka ang labi ko para kausapin siya. Pakiramdam ko kasi kung magtatanong pa ako kung anong trip niya ay baka masisiraan na ako ng bait.Ang baluktot talaga ng paniniwala niya.At gaya nalang kanina, isang mahaba-habang byahe na naman ang pinagdaanan namin bago kami nakarating sa aming pupuntahan.Malalim na ang gabi kaya hindi ko masiyadong makita ang tanawin pero alam kong hindi matao sa bagong titirhan namin dahil iilan lang yung bahay na nakikita ko sa bintana.Tapos hindi pa magkakadikit.Malayong-malayo ito sa bahay na tinitirhan ni Evos na siyang naging tirahan ko na sa mga nakalipas na taon. Nang bumaba kami ng bus, naglakad kami ng ilang sandali bago kami nakarating sa isang maliit na bahay.Kung ikukumpara sa bahay na tinirhan namin sa America, masiyado itong maliit.Sementado naman ngunit wala ka ng makikitang ikalawang palapag. Pagpasok mo pa lang sa loob, diretso kusina na ang makikita mo at isang kwarto.Napatingin ako sa kaniya.“Sig
“Mag-iingat kayo.” Ang sinabi ni Eva samin matapos magpaalam ni Evos.Tumango lang si Evos pabalik at naglakad na pabalik sakin. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop ito sa kaniya.“Tara na,” sabi niya at hinila ako sa sasakyan.Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala siyang kahit na anong pinaalam sakin sa lilipatan namin. Basta sabi lang niya ay magpapakalayo kami.Hindi na rin ako nagmatigas pa at sumama nalang sa kaniya. Sa ngayon, wala naman siyang ginawang masama sakin. Ang pasensyoso niya at inuunawa niya ang mood swings ko bagay na ikinagulat ko ng husto.Minsan, pakiramdam ko ay hindi siya sa Evos.Nang makasakay kami ng sasakyan, tahimik lang din siyang nagmamaneho.Basta ay bumyahe lang kami ng matiwasay na para bang maayos ang pagitan samin.From time to time, tinatanong niya kung maayos lang ba ang pakiramdam ko. Halos gusto ko ng tanungin kung nasapian ba siya.Ilang oras na kaming bumbyahe at kapag nauubusan ng gasolina, humihinto siya para magpa-full tank ngunit s







