Good morning guys!
Maaga pa lang ay nakaabang na ako sa labas ng club, hinihintay ang pagdating ni ma’am Merida. Nandito ako para e report sa kaniya ang mga nangyari kahapon.“Vivi!”Nang makita ko siya, ay agad akong lumapit sa kaniya at bigla na lamang niya akong niyakap. Ni hindi man lang siya narurumihan sa’kin. Walang kapantay talaga ang kabaitan ni ma’am.“Pasensya ka na, nahuli ako. Hindi ko kasi maiwan si Lisa kanina.”“Ayos lang ma’am Merida. Kararating ko lang din po kani-kanina lang.”“Masaya akong makita kang muli. Bakit pala gusto mong makipagkita?”“May gusto sana akong ireport sayo ma’am.”Tumango siya. “Tara. Huwag tayo dito. Hanap tayo ng pwesto.”Nagpunta kami ng café malapit lang sa club ng sa ganoon e makapag-usap kami ng maayos.“Pasensya ka na Vivi ah? Wala kasi akong bahay ngayon kaya dito nalang tayo mag-usap.”“Ayos lang ma’am. Hindi po siya problema sa’kin.”“Mabuti at nakaalis ka sa Rendova mansion.” Aniya pero hindi muna ako sumagot dahil niligay pa ng waiter ang kape na inor
Vivi’s POVNang magmulat ako nang mata, una kong napansin na wala ako sa bahay ng mga Rendova.“You’re awake.”Agad ang napabaling sa pinanggalingan ng boses at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makita si sir Evos.Bakit siya narito? Bakit magkasama kami?Napansin kong parang may nakabenda sa ulo ko kaya nang kapain ko ito, naramdaman ko ang telang nakabalot dito.“Nakita kitang walang malay sa labas ng bahay 3 days ago so I brought you in my pad.”Kaya pala iba sa paningin ko ang lugar.“By the way, ako ang nag-alaga sayo habang wala kang malay.”Huh?Para akong nabingi sa narinig. Kung ganoon, siya ang nagpalit sa damit ko?“Don’t worry, may inutusan akong caretaker para magpalit ng damit mo.” Aniya na para bang nababasa niya ang nasa utak ko. Napalunok ako at biglang nahiya.“S-Salamat po sir Evos.”Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at ito ang kauna-unahang beses na may ganito kaming interaksyon.Gaya ni ma’am Merida, pansin ko rin na walang ibang napapansin si sir Evos d
“Preganant?” hindi ko napigilan ang pagtaasan siya ng boses.“Bakit ka nagsusuka?”“Dahil hindi ko makayanan lahat ng sinasabi mo kay Lisa kanina at isa pa, bakit naman ako mabubuntis Evos? Do you think kagaya mo ko?”Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. “I won’t tolerate your infedility. Oras malaman kong may relasyon kayo ng lalaking yun Merida, hindi ako mangingiming ipakulong kayong dalawa! Mas nanaisin ko pang makita ka sa bilangguan kesa makitang masaya sa kabit mo.”Sa sobrang galit ko ay agad ko siyang sinampal.Hayup ka! “Hindi ako kagaya mo Evos. Sa ating dalawa, ikaw ang may kabit kaya huwag mong ipasa sa’kin ang gawain mo!”“Kabit? Hindi ka pa ba tapos sa paratang mo? May ebidensya ka ba na may kabit ako?”“NAHULI KITA!”Biglang siyang natigilan. Sino siya para akusahan akong buntis at may kabit?“Sa ating dalawa, ikaw ang may kabit! Ikaw pa nga siguro ang nakabuntis ng iba. No’ng nagalit ka sa’kin dahil inakusahan kitang may babae habang may kameeting kang kliyente,
Nang makaalis si attorney, galit kong tinignan si Evos.“Anong pakay mo dito?”“I’m here because my sister is here.” Aniya at nginisihan ako. Sinubukan pa niyang lumapit sa’kin para hagkan ako pero lumayo na ako bago pa maglanding ang labi niya sa pisngi ko.Sinamaan ko siya ng tingin. Talagang nagdadahilan lang siya para makita ako at sirain ang gabi ko.Nilagpasan niya ako at pumasok sa loob ng hotel room.“Kuya!” Rinig ko na ang boses ni Lisa. Tuwang tuwa ito at agad pang tumakbo palapit sa kuya niya.Hindi ako nagsalita, nanatili lamang ako na nakatingin sa kanila. Kahit na galit ako kay Evos, kailangan kong intindihin na masaya ang bata sa kaniya.“How are you here?”“Ayos naman po kuya. Masaya po ako na pinuntahan mo ko dito.”Evos smiled. “Oo naman. I have to make sure na maayos ang tinutuluyan ng kapatid ko ngayon.”“Ahm.. Kuya, naniniwala na po ba kayo sa’kin? Na hindi ako ang tumulak kay Luke?” kita ang agam-agam sa mukha ni Lisa.“Yes. Naniniwala ako sayo, Lisa.”Nasaksihan
Pagdating namin kay Danny, hindi na halos maipinta ang kaniyang mukha. Agad niya kaming sinalubong at pagalit na tinanggal ang earpiece device na nasa tenga niya.Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang mukha ko. “Ayos ka lang?”Hindi ko mabasa ang expression niya. Kanina, para siyang galit tapos ngayon ay tatanungin niya ko gamit ang malambing niyang tono na para bang nag-aalala siya para sa’kin.“Oo,” lumayo ako ng bahagya dahil ayokong maging awkward kay Lisa lahat.Alam kong pinapanood kami ng bata. Pero nang lumayo ako, halos malukot ang mukha niya.“Tayo na.” Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko bagay na ikinasinghap ko.Naglabas siya ng panyo at agad niyang pinunasan ang pisngi ko. Doon mismo sa parte kung saan ay hinaIikan ni Evos.Alam kong narinig niya lahat ng pinag-usapan namin pero nakakagulat na pati yung paghaIik ni Evos sa’kin ay alam niya.“Tama na Danny..” Sinubukan kong lumayo ulit pero mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko ng sa ganoo
Merida’s POVNaka-sunglasses ako ngayon habang pababa sa sasakyan na hiniram ni Danny. Nasa harapan kami ng white house ng mga Rendova. Minsan na akong nakapunta dito at mabuti nalang ay tanda ko pa ang daanan.Halos hindi ko alam anong gagawin ko no’ng gabing sinabi ni Danny sa’kin ang sinabi ni Vivi sa kaniya.Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung anong nakain nila para mas kampihan nila si Vadessa kay sa kay Lisa. Mas lamang pa ba ang pagmamahal nila sa sampid na yun kumpara sa sarili nilang kadugo?“I can’t contact you. Isama mo nalang ako.”Tumingin ako kay Danny. Pinag-usapan na namin ito. Hindi siya pwedeng sumama sa’kin sa loob.“Hindi pwede Danny. Baka magulat silang lahat.”“Then kapag hindi ka pa lumabas in an hour, susundan kita sa bahay.”“Okay.” Napipilitan akong tumango.Lumapit siya sa’kin at sinuot ang earpiece device. Gusto niya raw marinig lahat ng nangyari sa bahay para makampante siya kaya marami kaming dala na mga small device na gagamitin namin ngayon.P