Natapos ang party na hindi ako nabigyan ng pagkakataon na magbigay ng birthday message kay Vadessa. Pagkatapos kong ibigay ang cake kanina, inutusan agad ako ni mama na tumulong sa mga serbedora.
“Vadessa!” tawag ko sa kapatid ko nang makita ko siyang nakikipag-usap sa mga classmates niya na naiwan. “Sino siya Vadessa? Kapatid mo?” Ngumiti ako sa kanila at kumaway. “Hindi.” Sagot ni Vadessa na ikinagulat ko. “Hindi kami totoong magkapatid. Sa kaniya lang ako naiwan dahil wala na si mama.” Totoo naman yun. Ang mama ni Vadessa at papa ko ay nagpakasal noon pero namatay sila dahil sa aksidente. Kaya ako ang tumayong ina ni Vadessa dahil bata pa siya noong naging ulila. Pero kailangan ba niyang sabihin sa mga kakilala niya na hindi kami totoong magkapatid? “Pwede ba kitang makausap?” Agad siyang nag-excuse sa mga kausap niya at lumapit sa akin. “Happy birthday, aking kapatid.” “Salamat.” Malamig na sagot niya. Bakit ganito ang trato niya sa’kin? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? “Ah, yung regalo ko pala nasa kwarto-" “VADESSA!” Sabay kaming napatingin kay mama. “Halika na anak, may mga regalo kami sayo.” “Talaga mama?” lumaki ang ngiti ni Vadessa sa labi at nagmamadaling umalis sa harapan ko. Napatingin ako kay Evos na nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya pero hindi man lang siya ngumiti pabalik. “Merida, pagkatapos mo diyan, pumasok ka sa loob at linisan mo ang sala.” Utos ni mama Hazie. Kung tratuhin ako ay para bang isa akong maid. Tumingin ulit ako kay Evos para tignan kung ipagtatanggol ba niya ako, pero wala siyang sinabi… na para bang natural lang na tatruhin akong maid ng mama niya. “Kuya,” nakita kong isinabit ni Vadessa ang kamay niya sa kamay ng asawa ko. “Tara na sa loob kuya.” “Tara,” malambing na sabi ni Evos sa kaniya at naglakad na paalis. Kumuyom ang kamao ko. “E-Evos.” Natigilan siya at lumingon sa’kin. “W-Wala ka bang naaalala ngayon?” Please tell me… sabihin mong naaalala mo na wedding anniversary natin ito. Kahit iyon man lang magawa mo para sa'kin. “Why? May dapat ba akong maalala ngayon? Hindi ba birthday ni Vadessa ngayon?” Para akong pinagbagsakan ng langit sa narinig. Bakit hindi mo maalala Evos? Wala ba akong halaga sayo? “Tara na kuya…” Wala na akong nagawa ng tuluyan siyang hilahin ni Vadessa papasok sa loob. Bumalik ako sa pool area at tumulong sa mga maid sa paglilinis. Sunod kong nilinasan ang sala. “Ma’am Merida, ako na po dito.” Sabi ni Vivi na naaawa habang nakatingin sa akin. “Hindi na Vi. Ako na. Ayoko magalit si mama sa akin.” “Pero hindi mo gawain ito ma’am. Hindi ka katulong gaya namin na sinasahuran. Daughter-in-law ka niya, asawa ka ni sir Evos.” Napatigil ako sa pagpupunas ng sahig at tumingin sa kaniya. “Ma’am!” Bigla niya akong niyakap at doon ko namalayan na umiiyak na pala ako. “Vivi, anong gagawin ko? Saan ako lulugar dito?” sabi ko habang nakabaon ang mukha ko sa leeg niya. Pagod na pagod na ako sa trato nila sa'kin. Iniyak ko ang lahat ng sakit na naramdaman ko ngayon. Pinaupo na rin niya ako sa sofa at siya na ang tumapos sa mga trabaho ko. Nang matapos, nagtungo na ako sa kwarto ko para magpahinga pero laking gulat ko nang mapansin na may isang box doon sa kama. Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling kinuha ang regalo. Nakita ko sa note na may nakalagay na pangalan ko. Naalala ba ni Evos na wedding anniversary namin ito? Regalo niya ba ito para sa akin? Pakiramdam ko, lahat ng sakit na naramdaman ko kanina ay biglang naglaho. Sobrang tuwa ko na makatanggap ng regalo mula sa asawa ko. Akala ko e tuluyan niya na talagang nakalimutan. Nang bumukas ang pinto at nakita si Evos na pumasok, agad akong tumakbo palapit sa kaniya at niyakap siya. “Thank you Evos!” Halos napaluha ako sa tindi ng kasiyahan pero agad nawala ang ngiti sa labi ko nang bigla niya akong itulak na para bang may nakakahawa akong sakit. Nasaktan ako sa ginawa niya pero pinilit kong huwag na lang intindihin dahil ayokong masira ang araw na ito. “Salamat sa gift mo sa akin.” “Yeah. Welcome.” Aniya tipos labas sa ilong. “Akala ko nakalimutan mo na e. No’n tinanong kasi kita kanina, ang sinabi mo lang ay ang tanging naalala mo ay birthday ito ni Vadessa.” Nagbaba ako nang tingin.. “Inakala kong nakalimutan mo na wedding anniversary rin natin ngayong araw.” Ngunit narinig ko ang marahang pagsinghap niya kaya tumingin ako sa mukha niya at nakitang gulat na gulat siya. Na para bang nakalimutan nga niya na anniv namin ngayon. Biglang naglaho lahat ng saya ko. Bakit may regalo siya kung nakalimutan niya? “I’m sorry, wife. I forgot.” Nakagat ko ang labi ko. “K-Kung nakalimutan mo nga, then p-para saan itong regalo na ito? Bakit mo ‘ko binigyan ng regalo?” “Because of Vadessa. Kanina, binigay niya yan sa akin at sinabing ibigay ko sayo ngayon.” Magkahalong lungkot at gulat ang namutawi sa puso ko lalo na nang makita ang mukha ni Evos na masaya habang inaalala si Vadessa. Para ko ng anak si Vadessa. 13 years pa siya no’ng ako ang nag-alaga sa kaniya. Pero sa pinapakita ng asawa ko ngayon, nag-iiba ang pakiramdam ko. Hindi na bata si Vadessa. Dalaga na siya. “Ang bait talaga ni Vadessa. Tinulungan niya ko na ihanda ang regalong ito para sayo kasi alam niyang sa sobrang busy ko e makakalimutan kong maghanda ng regalo.” Nag-iwas ako nang tingin. Masakit makita na puno ng kagalakan ang mukha niya habang pinupuri ang ibang babae sa harapan ko. “G-Ganoon ba? B-Bakit nandito ka sa kwarto ko?” Kahit mag-asawa kami, magkaiba kami ng kwarto. “Ah, right. Mom told me to tell that the fridge is empty.” Humigpit ang pagkakahawak ko sa regalo. Akala ko nandito siya para batiin ako. Akala ko nandito siya sa maliit na kwarto ko para isupresa ako. Mali pala ako. Nandito pala siya para sabihing mamalengke ako bukas. Gusto kong malaman kung anong iniisip niya. Ayos lang ba sa kaniya na ginagawa akong katulong ng pamilya niya? Wala ba siyang pakialam sa akin? Gusto kong magreklamo pero takot akong magalit siya. Kaya kahit labag sa loob ko, ngumiti ako at sinabing, “sige…” Dahan-dahan kong tinanggal ang ribbon sa regalong bigay ni Vadessa. Nang tuluyan ko ng mabuksan, nakagat ko ng mariin ang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko. I saw a pair of glass shoes pero alam kong hindi ito kasya sa akin.. Ang sukat nito ay sukat ni Vadessa.Merida’s POVKinabukasan, sinama ako ni Aidan sa hospital. For the first time, nakita ko ang mama niya. Kamukha siya ng mama niya at sobrang ganda ni tita Fe.Glorife Swarez Roquez ang buong pangalan ni tita.“She’s like an angel,” mahinang sabi ko.Tumango siya. “She was the best mom no’ng hindi pa kami iniwan ng ama ko.”Kagabi, Aidan told me his story. Na iniwan daw sila ng papa niya at pinagpalit sa ibang babae dahilan kung bakit nalulong ang mama niya sa bisyo at nasiraan ng bait.“Dan.”Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Lucio na pumasok.“Brute! Salamat sa pagbabantay kay mama.” Lumapit si Aidan sa kaniya at niyakap siya.“It’s nothing. Kagagaling lang din pala dito ni Aris at saka Monique.” Sabi ni Lucio sabay sulyap sa’kin.“Oh okay.. Where are they? Nakauwi na?”“Yeah. May trabaho pa daw na gagawin si Monique and same with Aris.”Tinignan ko ng mabuti ang reaction ni Aidan. Kung banggitin niya si ma’am Monique ay parang wala lang talaga sa kaniya. Kaya kung ano man yung
Monique’s POV“Salamat,” sabi ko nang bigyan ako ni Beth ng isang baso ng juice. Matapos naming magkasagutan ni Merida kanina, agad akong nagtungo sa bahay ni Beth Floreza, ang kaibigan ko na dating nagtatrabaho rin sa hotel ni sir Aidan.Si Beth ang napangasawa ng kabigan ni sir na si Lucio Floreza.“Naku ma’am Monique, ayos lang yun.” Sabi ni Beth at ngumiti. “Matagal na rin nang huli tayong magkita. Kamusta naman ang trabaho?”“Naku Beth, maraming nagbago mula no’ng magresign ka.”Mas naging busy ako, lalo na nang mawala si sir Aidan dahil sa pagsunod niya kay Merida. Ako ang lahat na gumagawa ng trabaho niya.“Mas naging mahirap bang e handle si sir Aidan ngayon? Balita ko kay Lucio ay may bago daw siyang pinagkakaabalahan. Isang divorced woman daw. Totoo ba yun ma’am?”Tumango ako. “Totoo yung sinabi ni sir Lucio, Beth. In fact, fiancée na niya ang babaeng yun.” Sabi ko at uminom ng juice.“Hindi ako makapaniwala. Akala ko pa naman ay kayo ni sir Aidan ang magkakatuluyan.”Agad a
“Anong sinasabi mo ma’am Monique?”Namilog ang mata niya.“Anong sinasabi mong pinahamak ko si Aidan? Kailan ko pa ginawa yun?Para siyang nataranta ng ilang saglit. “Totoo naman hindi ba? Mula ng dumating ka sa buhay niya, palagi nalang siyang nadadawit sa mga Rendova. Dapat nga ang gawin mo ngayon ay tulungan siyang bawasan ang mga alalahanin niya, pero anong ginagawa mo? Dinadagdagan mo pa ang isipin niya. Naglihim ka sa kaniya tungkol doon kay Eric. At kung napahamak ka, problema na naman niya.”Kahit kay Eric e alam niya? Masiyado ba talagang magaan ang loob ni Aidan sa kaniya para kahit ang ganitong bagay e pinaalam pa sa kaniya?Tumayo siya at hinarap ako.“Intindihin mo rin sana si sir Aidan. Isipin mo rin sana ang kaligtasan niya at hindi lang puro ang sarili mo.” Umalis siya matapos niyang sabihin yun.Nakagat ko ang labi ko at tumulo ang luha sa mga mata ko. Gusto ko siyang hayaan pero hindi ko kayang ignorahin ang mga binitawan niyang salita.Why would she go that far?May
Hindi ko alam bakit ganyan ang reaction ni Aidan matapos kong sabihin sa kaniya na home-schooled ako. Para bang hindi siya makapaniwala.“Why? Nagkita na ba tayo dati?” tanong ko.Tumingin siya sa mga mata ko at ako naman ay naghihintay ng sunod na sasabihin niya pero bago pa man niya maibuka ang labi niya, biglang may dumating.Sabay kaming napatingin sa pinto.“Buksan ko lang,” sabi ko at ako na ang kusang nagbukas. Tumambad sa harapan ko si ma’am Monique.“Sorry, nakalimutan ko cellphone ko sa kwarto, ma’am. Pwede ko bang kunin?”“Sige po ma’am Monique.” Sabi ko sa kaniya at gumilid para makadaan siya. Pinanood ko siya at nakita kong dumiretso siya kay Aidan at nag-usap sila sandali.Kumunot ang noo ko lalo na nang lumapit pa bahagya si ma’am Monique kay Aidan na para bang binubulong niya ang sasabihin niya. Bakit? Ayaw ba niyang marinig ko?I don’t like it. Gusto ko ring malaman kung ano yung pinag-uusapan nila.“A-Anong meron?” ngumiti ako para hindi nila makita na medyo hindi ko
Dalawang oras na ang lumipas, hindi pa rin niya ako pinapansin. Natapos na ako sa pagkain at sa pagligo pero tahimik pa rin siya.Nang tumayo siya sa sofa para pumasok ng kwarto, agad akong umupo sa inupuan niya kanina at nakita ko ang naka-display sa laptop. He’s looking for a wedding dress bagay na nagpatib0k ng puso ko.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya kanina?Yung kaba ko, biglang naglaho e. Napalitan ng pagkabigla at kilig. Paano naman ako magagalit sa papa ng baby ko nito e wala naman siyang ibang ginawa kun’di ang alagaan ako?Agad kong ini-scroll pababa para tignan pa ang mga wedding gowns na natipuhan niya. Hindi ko tuloy namalayan ang presensya niya sa likuran ko. Bigla na lamang niya akong niyakap kaya hindi tuloy ako nakakilos agad.Naka-headlock ako sa maugat niyang braso.“I’m sorry, baby…” puno ng takot at lambing ang boses niya. Akala ko ay ako lang ang kinakabahan kanina. Pareho ba kami?Naghihintayan lang ba kami sa unang lumapit?“Are you still mad at me? Kung gusto
“So si Evangeline nag-utos sayo?” agad kong kinuha ang cellphone niya na agad niyang pinalagan.“Give me that!”Agad kong binuksan pero may passward.“Anong password?”“Sa tingin mo sasabihin ko?”Sapilitan kong kinuha ang daliri niyang hindi niya maigalaw at itinapat sa finger print sensor.“Fvck!” Napamura na lamang siya lalo na nang mabuksan ko ang cellphone niya. Buti naman at gumana ang finger print. Mahihirapan ako kung face detector lalo’t nag-iba ang mukha niya. Baka mamaya hindi siya kilalanin ng cellphone niya.Agad kong pinakialam ang inbox niya.“Are you like this? Paki-alamera?”“Are you like this too? Sinungaling? Scammer?” pang-aalaska ko. Sinamaan niya ko ng tingin.Nang tignan ko ang inbox niya, agad kong tiningnan ang messages nila ni Evangeline pero nagulat ako na puro siya lang ang may text messages dito pero niisa ay walang reply galing kay Evangeline.Agad ko siyang tinignan. “Basted ka pala?”“Happy?” naiirita na siya.“So siya ang nag-utos sayo?”Hindi siya nags