Share

Takasan Ang Bilyonaryong Taksil
Takasan Ang Bilyonaryong Taksil
Author: MeteorComets

Kabanata 1

Author: MeteorComets
last update Huling Na-update: 2025-06-01 10:29:14

Paaaakkk!

Isang malakas na sampal ang aking natamo mula kay mama Hazie, ang aking mother-in-law matapos kong matapunan ang gown ni Vadessa ng tea.

“Hindi ka nag-iingat! Bakit ba ang tanga-tanga mong babae ka?”

Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko sa sakit ng pagkakasampal niya sa'kin. Pakiramdam ko e parang nabali ang leeg ko.

“Mama, ayos lang po. Huwag niyo ng saktan si ate.” Sabi ni Vadessa na pinipigilan si mama na saktan ulit ako.

Napahilot si mama sa kaniyang ulo.

“Umalis ka dito sa harapan ko Merida.”

Tumingin ako kay Vadessa, ang aking stepsister. Nasa pangangalaga ko na siya mula ng 13 years old pa siya dahil namatay ang mga magulang namin pagkatapos kong maikasal kay Evos Rendova.

Ngunit hindi kagaya ko, mahal si Vadessa ng mga in-laws ko. Tinuring nila itong tunay na anak at kapamilya.

“Sige na ate, umalis ka na. Magbihis ka na rin dahil magsisimula na ang party mamaya.”

“Pasensya ka na Vadessa at nasira ko ang debut gown mo.”

“Ayos lang ate. Marami namang niregalo sa akin si kuya Evos na gown.” Aniya sabay ngiti.

Nakagat ko ang labi ko at umalis. Pero bago ko isara ang pinto, narinig ko pa si mama na nagsalita. “Kahit kailan, lampa ang babaeng iyon. Ewan ko ba, sana matauhan na ang anak ko at hiwalayan na niya yun.”

Bago pa tuluyang malaglag sa sahig ang luha ko, tumakbo na ako papasok ng kwarto ko.

Umiyak ako ng ilang minuto. Kahit anong gawin ko, hinding hindi ako matatanggap ng mother-in-law ko.

Maya-maya pa, lumapit ako sa salamin at tinignan ang sarili.

Maliban sa namamaga kong pisngi, puno rin ng pawis ang aking katawan dahil tumulong ako sa paghahanda para sa 18th birthday ni Vadessa.

Nakagat ko ang labi ko nang makita na napaka-losyang ko na kahit 23 years old pa lang ako.

“Ma’am Merida, papasok po ako!” Napatingin ako sa pinto nang kumatok si Vivi, ang aming katulong.

“Tulungan ko na po kayo magbihis ma’am.” Sabi niya nang buksan niya ang pinto.

Tumango ako at nagmamadali naman siyang pumasok. Pero agad napatigil nang makita ang pisngi ko.

“Sinaktan po ba kayo ulit ni Evangeline, ma’am?” puno ng pag-aalala ang boses niya.

“H-Hindi. Si mama..”

Napasinghap siya at namilog ang mga mata. “Sobra na po si ma’am Hazie. Hindi na tama itong ginagawa niyang pananakit sayo.”

“Kasalanan ko naman Vivi. Huwag nalang natin pag-usapan. Sige na, tulungan mo na akong makapaghanda.”

“Pero ma’am-“

“Sige na Vi. Please…”

Walang itong nagawa kun’di ang sundin ako. Nagtungo siya sa closet para maghanap ng damit ko.

“Ma’am, wala po ba kayong bagong dress?”

Umiling ako. “Wala Vi. P-Pero may itim akong dress diyan, pwede na yan.”

“Pero ma’am, ilang beses niyo na po kasing nasuot ito. Ang luma na po nito. Hindi po ba kayo binigyan ni sir Evos?”

Umiling ako. Ni hindi nga niya naalala na ngayon ang ikalimang wedding anniversary namin.

Nalukot ang mukha niya. “Naiinis na talaga ako kay sir Evos ma’am. Bakit hindi ka niya binibigyan ng damit samantalang halos araw-araw siyang nagriregalo kay Vadessa. Ni hindi nga niya siguro alam na wedding anniversary niyo tapos wala pa siyang pakialam na sinasaktan kayo ng mama niya.”

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

Ni isang beses, walang binigay si Evos sa akin na regalo. Ni hindi rin niya ako pinagtanggol mula sa pamillya niya.

“S-Sige na.. A-Ayusan mo na ako.”

Makikitang naawa si Vivi sa’kin habang inaayusan niya ako. At kahit na luma ang damit, sinubukan pa rin niya na pagandahin ako.

Pagdating ko ng pool area kung saan gaganapin ang party, nakita ko si Evos na isinasayaw na si Vadessa habang may ngiti sa labi.

Nagsimula na ang party, na hindi man lang ako hinintay.

Ang asawa ko ang 18th roses ni Vadessa. Masiyadong malapit ang dalawa na halos magyakapan na sila. Alam kong mangyayari ito, pero hindi ko alam bakit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Ganito na ba sila kaclose na halos magkadikit na ang katawan nila?

Bakit? Bakit nagagawa ng asawa kong ngumiti sa kapatid ko ng ganyan habang sa akin ay hindi?

“Asawa ba yan ni Evos Rendova?”

Napatingin ako sa isang guest na nagsabi no’n.

“Oo. Ang ganda ng asawa niya tapos ang bata pa.”

Nagbaba ako ng tingin. Kumuyom ang kamao ko. Walang masiyadong nakakaalam na ako ang tunay na asawa. Masakit marinig na napagkakamalan ng iba ang kapatid ko na totoong asawa ng asawa ko.

Nang mapatingin ako sa harapan ulit, nakita ako ni Vadessa at binigyan niya ako ng kakaibang ngisi na ikinagulat ko.

Sa oras na ito ay kinukutuban ako.

Is that intentional?

Pero hindi. Kapatid ko siya, at alam kong hindi niya ako magagawang saktan.

Ako ang nagpalaki sa kaniya.

Hinatid siya ni Evos sa upuan niya at pinaupo para alalayan ng mensahe mula sa mga mahal nito sa buhay.

Nagmamadali akong pumunta sa harapan dahil ako ang kapatid kaya kasama ako pero bigla akong hinarangan ng isang katulong.

“Saan ka pupunta?”

“Magbibigay na ng mensahe sa debutant. I should be there.”

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

“Kung pupunta ka doon sa ganyang ayos mo, papahiyain mo lang si Ms. Vadessa. At pinapasabi pala ni ma’am Hazie na kunin mo ang cake at dalhin dito.”

Nagulat ako kasi bakit ako ang uutusan e trabaho iyon ng server? I’m the wife, I am not the maid here.

“Ano pang tinatayo mo diyan? Gusto mo ba siyang galitin?”

Napatingin ako kay mama at nakita ang nakamamatay niyang tingin sa akin. Nakagat ko ang labi ko at umalis para kunin ang cake sa buffet table.

Gusto ko na talagang umiyak. Alam kong unfair.

Dapat pinapahalagahan rin nila ako kasi isa akong Rendova, asawa ako ni Evos na tagapagmana ng Rendova Enterprises.

Pero bakit nila ako tinatrato na parang katulong? Ni hindi nila ako mabigyan ng regalo… 5th wedding anniversary rin namin ito ni Evos, bakit wala akong party?

Kagat-labing kinuha ko ang maliit na cake sa buffet table at naglakad papunta kina Vadessa.

Ngunit napansin ko ang mga tao na nakatingin sa akin.

“Who is she? Katulong?”

“Or perhaps, a relative of debutant?”

“No. I think I’ve seen her once. I think, asawa yan ni Evos.”

“What? Asawa yan? No way! She looks so cheap and ugly.”

Na-conscious ako sa itsura ko. Ganito ba ako kapangit para magulat sila asawa ako ni Evos? Dahil sa hiya, binilisan ko ang lakad ko nang biglang nabali ang takong na suot ko.

Alam kong mahuhulog ako sa pool, kaya pumikit na lang ako. Napahiyaw na rin ang mga tao sa paligid. Pero nagulat ako nang maramdaman na may kamay na humawak sa likuran ko.

Nang imulat ko ang mata ko, isang matangkad, gwapo at matipunong lalaki ang nakita kong nakadungaw sa akin habang kunot ang noo.

‘S-Sino itong lalaking ito?’

Nanunuot sa ilong ko ang pabango nito. Napapikit ako sa sarap ng amoy..

Bigla niya akong itinayo at nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang katawan niya sa akin…

“You’re not a maid here. You shouldn’t be doing that.” He said it calmly but coldly na walang kahit anong pangungutya, at saka siya naglakad palayo.

Napasunod ang tingin ko sa kaniya.

“Hindi ba si Danny yun?” rinig kong sabi ng babae na nasa tabi ko.

Danny?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 112

    Merida’s POVKinabukasan, sinama ako ni Aidan sa hospital. For the first time, nakita ko ang mama niya. Kamukha siya ng mama niya at sobrang ganda ni tita Fe.Glorife Swarez Roquez ang buong pangalan ni tita.“She’s like an angel,” mahinang sabi ko.Tumango siya. “She was the best mom no’ng hindi pa kami iniwan ng ama ko.”Kagabi, Aidan told me his story. Na iniwan daw sila ng papa niya at pinagpalit sa ibang babae dahilan kung bakit nalulong ang mama niya sa bisyo at nasiraan ng bait.“Dan.”Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Lucio na pumasok.“Brute! Salamat sa pagbabantay kay mama.” Lumapit si Aidan sa kaniya at niyakap siya.“It’s nothing. Kagagaling lang din pala dito ni Aris at saka Monique.” Sabi ni Lucio sabay sulyap sa’kin.“Oh okay.. Where are they? Nakauwi na?”“Yeah. May trabaho pa daw na gagawin si Monique and same with Aris.”Tinignan ko ng mabuti ang reaction ni Aidan. Kung banggitin niya si ma’am Monique ay parang wala lang talaga sa kaniya. Kaya kung ano man yung

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 111

    Monique’s POV“Salamat,” sabi ko nang bigyan ako ni Beth ng isang baso ng juice. Matapos naming magkasagutan ni Merida kanina, agad akong nagtungo sa bahay ni Beth Floreza, ang kaibigan ko na dating nagtatrabaho rin sa hotel ni sir Aidan.Si Beth ang napangasawa ng kabigan ni sir na si Lucio Floreza.“Naku ma’am Monique, ayos lang yun.” Sabi ni Beth at ngumiti. “Matagal na rin nang huli tayong magkita. Kamusta naman ang trabaho?”“Naku Beth, maraming nagbago mula no’ng magresign ka.”Mas naging busy ako, lalo na nang mawala si sir Aidan dahil sa pagsunod niya kay Merida. Ako ang lahat na gumagawa ng trabaho niya.“Mas naging mahirap bang e handle si sir Aidan ngayon? Balita ko kay Lucio ay may bago daw siyang pinagkakaabalahan. Isang divorced woman daw. Totoo ba yun ma’am?”Tumango ako. “Totoo yung sinabi ni sir Lucio, Beth. In fact, fiancée na niya ang babaeng yun.” Sabi ko at uminom ng juice.“Hindi ako makapaniwala. Akala ko pa naman ay kayo ni sir Aidan ang magkakatuluyan.”Agad a

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 110

    “Anong sinasabi mo ma’am Monique?”Namilog ang mata niya.“Anong sinasabi mong pinahamak ko si Aidan? Kailan ko pa ginawa yun?Para siyang nataranta ng ilang saglit. “Totoo naman hindi ba? Mula ng dumating ka sa buhay niya, palagi nalang siyang nadadawit sa mga Rendova. Dapat nga ang gawin mo ngayon ay tulungan siyang bawasan ang mga alalahanin niya, pero anong ginagawa mo? Dinadagdagan mo pa ang isipin niya. Naglihim ka sa kaniya tungkol doon kay Eric. At kung napahamak ka, problema na naman niya.”Kahit kay Eric e alam niya? Masiyado ba talagang magaan ang loob ni Aidan sa kaniya para kahit ang ganitong bagay e pinaalam pa sa kaniya?Tumayo siya at hinarap ako.“Intindihin mo rin sana si sir Aidan. Isipin mo rin sana ang kaligtasan niya at hindi lang puro ang sarili mo.” Umalis siya matapos niyang sabihin yun.Nakagat ko ang labi ko at tumulo ang luha sa mga mata ko. Gusto ko siyang hayaan pero hindi ko kayang ignorahin ang mga binitawan niyang salita.Why would she go that far?May

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 109

    Hindi ko alam bakit ganyan ang reaction ni Aidan matapos kong sabihin sa kaniya na home-schooled ako. Para bang hindi siya makapaniwala.“Why? Nagkita na ba tayo dati?” tanong ko.Tumingin siya sa mga mata ko at ako naman ay naghihintay ng sunod na sasabihin niya pero bago pa man niya maibuka ang labi niya, biglang may dumating.Sabay kaming napatingin sa pinto.“Buksan ko lang,” sabi ko at ako na ang kusang nagbukas. Tumambad sa harapan ko si ma’am Monique.“Sorry, nakalimutan ko cellphone ko sa kwarto, ma’am. Pwede ko bang kunin?”“Sige po ma’am Monique.” Sabi ko sa kaniya at gumilid para makadaan siya. Pinanood ko siya at nakita kong dumiretso siya kay Aidan at nag-usap sila sandali.Kumunot ang noo ko lalo na nang lumapit pa bahagya si ma’am Monique kay Aidan na para bang binubulong niya ang sasabihin niya. Bakit? Ayaw ba niyang marinig ko?I don’t like it. Gusto ko ring malaman kung ano yung pinag-uusapan nila.“A-Anong meron?” ngumiti ako para hindi nila makita na medyo hindi ko

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 108

    Dalawang oras na ang lumipas, hindi pa rin niya ako pinapansin. Natapos na ako sa pagkain at sa pagligo pero tahimik pa rin siya.Nang tumayo siya sa sofa para pumasok ng kwarto, agad akong umupo sa inupuan niya kanina at nakita ko ang naka-display sa laptop. He’s looking for a wedding dress bagay na nagpatib0k ng puso ko.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya kanina?Yung kaba ko, biglang naglaho e. Napalitan ng pagkabigla at kilig. Paano naman ako magagalit sa papa ng baby ko nito e wala naman siyang ibang ginawa kun’di ang alagaan ako?Agad kong ini-scroll pababa para tignan pa ang mga wedding gowns na natipuhan niya. Hindi ko tuloy namalayan ang presensya niya sa likuran ko. Bigla na lamang niya akong niyakap kaya hindi tuloy ako nakakilos agad.Naka-headlock ako sa maugat niyang braso.“I’m sorry, baby…” puno ng takot at lambing ang boses niya. Akala ko ay ako lang ang kinakabahan kanina. Pareho ba kami?Naghihintayan lang ba kami sa unang lumapit?“Are you still mad at me? Kung gusto

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 107

    “So si Evangeline nag-utos sayo?” agad kong kinuha ang cellphone niya na agad niyang pinalagan.“Give me that!”Agad kong binuksan pero may passward.“Anong password?”“Sa tingin mo sasabihin ko?”Sapilitan kong kinuha ang daliri niyang hindi niya maigalaw at itinapat sa finger print sensor.“Fvck!” Napamura na lamang siya lalo na nang mabuksan ko ang cellphone niya. Buti naman at gumana ang finger print. Mahihirapan ako kung face detector lalo’t nag-iba ang mukha niya. Baka mamaya hindi siya kilalanin ng cellphone niya.Agad kong pinakialam ang inbox niya.“Are you like this? Paki-alamera?”“Are you like this too? Sinungaling? Scammer?” pang-aalaska ko. Sinamaan niya ko ng tingin.Nang tignan ko ang inbox niya, agad kong tiningnan ang messages nila ni Evangeline pero nagulat ako na puro siya lang ang may text messages dito pero niisa ay walang reply galing kay Evangeline.Agad ko siyang tinignan. “Basted ka pala?”“Happy?” naiirita na siya.“So siya ang nag-utos sayo?”Hindi siya nags

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status