Sa kabila ng sakit na naramdaman ko, pinilit ko pa ring harapin siya. “Kailan ka matutulog sa tabi ko?”
Kumunot ang noo niya. “Wife, what is this?”
He asked me na para bang hindi tama na tinanong ko siya no’n. Limang taon na kaming kasal pero wala pa ring nangyayari sa amin.
Akala ko no’ng una, nahihiya lang siya dahil kapwa kami 18 years old no’ng kinasal at nag-aaral pa siya no’n pero ngayon na 23 na kami pareho, hindi na tama na nilalayuan niya ako.
Ilang beses ko na siyang inaya na tabi kami matulog pero paulit-ulit niya akong hinihindian.
Gusto ko ng magkaanak kami. Gusto ko ng anak para may kasama ako sa mala-impyernong bahay na ito.
“Evos, kailan ba tayo bubuo ng pamilya? Limang taon na tayong kasal. Gusto ko ng anak.”
Sinubukan kong maglakad palapit sa kaniya pero nagulat ako nang makitang naglakad siya paatras. Nanlaki ang mata ko lalo na nang makita ang pagkamuhi sa mga mata niya.
Is it wrong for me to ask for a child?
“Evos.. please…” hindi ko napigilan ang luha ko sa pagtulo.
Lungkot na lungkot na ako sa bahay na ito. Gusto ko na ng anak.
“Stop it Merida.. I won’t sleep with you and stop dreaming about a child.”
“But Evos-"
“I SAID STOP IT!”
Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang sumigaw.
“Fvck!” Agad siyang umalis at alam kong sa penthouse siya mananatili dahil galit siya sa akin.
Naiwan ako ulit sa kwarto na mag-isa at umiiyak hanggang sa lumipas ang ilang mga araw at hindi pa rin umuuwi si Evos.
“Ma’am Merida, magpahinga na po kayo. Ako na po bahala magsasara sa gate.” Sabi ni Vivi.
Tumango ako at pumasok na. Pag-akyat ko ng second floor, namataan ko si Vadessa na nasa veranda, nakangiti habang may kausap sa phone.
“Ano ka ba…” napahinto ako nang marinig ang malambing na boses ng kapatid ko.
“Magkikita naman tayo e and I miss you so much.” Puno ng pagmamahal na sabi niya.
Hmm… Sino kaya itong kausap niya?
Iniisip kong boyfriend niya ang kausap niya lalo’t puno ng lambing ang boses niya at parang sweet sila sa isa’t-isa.
“I know. Ikaw lang naman ang pinakagwapong lalaki sa paningin ko.”
Napailing ako dahil hindi na nga bata ang batang iniwan sa akin ni tita Mercid. Aalis na sana ako nang magsalita muli si Vadessa.
“Alam ko Evos. And I love you.”
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at agad napabalik tingin kay Vadessa. A-Anong sinabi niya? E-Evos?
Kausap niya ang asawa ko?
Imbes aalis ako, hindi ko na nagawa. Nastatwa na lamang ako at nakatitig na lamang sa kapatid ko hanggang sa natapos ang tawag nila ni Evos.
“VADESSA!”
Bigla siyang napatalon at napatingin sa akin na nanlalaki ang mata.
“A-Ate, k-kanina ka pa diyan?”
“Asawa ko ba ang kausap mo?”
Humigpit ang paghawak niya sa cellphone niya.. “Y-Yes… si k-kuya ang kausap ko.”
Vadessa is a sweet child. Ayokong pangunahan ako ng selos ko. Baka mali ako ng hinala. Baka ay sweet lang talaga sila sa isa’t-isa pero wala lang yun.
“Vadessa, bilang 18 ka na, makikiusap ako sayo na dumistansya ka sa asawa ko dahil hindi magandang tignan kung manatili kang maging malapit sa kaniya.”
Bigla siyang natigilan at maya-maya pa ay biglang nanlisik ang mga mata niya.
“Ayoko!”
H-Huh? Bakit ayaw niya? Alam kong nauunawaan niya ang nais ko. Para rin sa kanila ang ginagawa ko dahil baka ano ang sabihin ng mga tao sa kanila.
Hindi sila magkaano-ano kaya walang rason para hindi nila layuan ang isa’t-isa maliban na lang kong tama nag hinala ko… na may namamagitan sa kanila.
“Vadessa, pakiusap. Layuan mo asawa ko.”
“Ayoko sabi. Sino ka ba para utusan akong layuan siya?”
Kumuyom ang kamao ko. Paano niya nagagawang sabihin ito sa harapan ko? Ate niya ako, naging ina na rin. Kung hindi dahil sa akin, wala siya dito ngayon.
Kung hindi ko siya sinama dito sa bahay ni Evos, hindi siya makikilala ng mga in-laws ko, hindi siya mamahalin ng mga ito.
“Ano bang nangyayari sayo Vadessa? Bakit ayaw mong layuan ang asawa ko? Bakit hindi ka na nakikinig sa’kin? Narinig kita kanina na nag-I love you kay Evos. Sa tingin mo tama yun? Mali ang ginagawa mo dahil ang lalaking yun ay asawa ko! Naiintindihan mo ba ako?”
Napalakas na ang boses ko dahil sa galit ko.
Bago namatay si papa, may kaya kami noon. Pinagkasundo kami ni Evos mga bata pa lang kami. Si papa ang dahilan kung bakit namamayagpag ang Rendova Enterprises dahil siya ang utak ng negosyo nila.
At bilang pagtanaw nila ng utang na loob, itinakda kaming ikasal pagtongtong namin ng desi-otso.
Pero bago ang kasal at pagkamatay ni papa, dumating sa buhay namin si tita Mercid at Vadessa na 13 years old pa lamang noon. Kaya matapos namin ni Evos mag-isang dibdib, nakiusap ako kay tita Hazie kung pwede ko bang isama ang kapatid ko dahil wala ng mag-aalaga sa kaniya.
“Alam mo, huwag mo nga akong artihan. Hindi kayo bagay ni Evos. Tignan mo nga ang sarili mo, hindi ka ba nahihiya na pilit mong pinagpipilitan ang sarili mo sa kaniya?”
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Paano niya nagagawang sabihin ito? Nasaan na iyong kapatid ko na malambing? Bakit tila ibang Vadessa ang nasa harapan ko?
“Vadessa-"
“Hindi ka mahal ni Evos, Merida. Sa bahay na ito, walang nagmamahal sayo. Siguro nga kung mamatay ka, baka magpaparty pa kami.”
“Vadessa! Wala kang utang na loob!”
Nginisihan niya ako at ang sunod na ginawa niya ay siyang kinagulat ko. Bigla niyang sinampal ang sarili niya at umupo sa sahig.
“Ate, b-bakit? Bakit mo ‘ko sinampal?” bigla siyang umiyak.
Nanlalaki ang mata ko, nalilito kung bakit niya yun ginawa hanggang sa narinig ko ang boses ni mama Hazie.
“VADESSA!”
Parang nagslow-motion ang lahat. Dinaluhan ni mama si Vadessa. “Anong nangyari sayo?”
Tinuro ako ng kapatid ko. “S-Sinaktan po ako ni ate, ma. N-Narinig niya po kasi akong kausap si kuya Evos. N-Nagalit po siya at sinabihan niya ako na walang utang na loob. S-Sinabi niyang sampid ako sa pamilyang Rendova, na kung hindi dahil sa kaniya ay wala ako dito ngayon.”
I didn’t say that.
Pero alam kong kahit e deny ko yun, hindi maniniwala si mama sa akin.
13 years old no’ng dumating si Vadessa sa bahay at si mama at ibang mga in-laws ko ay gustong gusto ang malambing na bata na gaya siya.
They doted over her that they neglected me kahit na ako naman sana ang konektado sa kanila.
“WALANG HIYA KANG BABAE KA!”
Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay mama. Pero nakapagtataka, hindi ako naluha. Parehong mukha at puso ko ang masakit.
Namanhid na yata ako.
“Wala ka ba talagang kahihiyan sa katawan Merida? Kahit bata ay pagsiselosan mo? At anong utang na loob ang sinasabi mo? Kami ang nagpalaki kay Vadessa at hindi ikaw kaya wala kang karapatan na saktan siya.”
Tinignan ko si mama ng puno ng emotion ang mga mata.
“Kahit sabihin ko mama na hindi ko siya sinampal, hindi pa rin kayo maniniwala sa’kin. Bakit ganoon ma? I am your daughter too. Sa gusto mo man at sa hindi, kasal ako kay Evos. Daughter-in-law mo ko-"
Isang sampal ulit ang ginawad niya sa akin. “Manahimik kang babae ka. Huwag mo kong dramahan.” At pagkatapos ay umalis sila ni Vadessa sa harapan ko.
Naiwan akong mag-isa hanggang sa may balabal ang bumalot sa akin. Nakita ko si Vivi na naiiyak habang nakatingin sa’kin.
Nakita niya siguro lahat.
“Tayo na po sa kwarto niyo ma’am.” Mahinang sabi niya.
Merida’s POVKinabukasan, sinama ako ni Aidan sa hospital. For the first time, nakita ko ang mama niya. Kamukha siya ng mama niya at sobrang ganda ni tita Fe.Glorife Swarez Roquez ang buong pangalan ni tita.“She’s like an angel,” mahinang sabi ko.Tumango siya. “She was the best mom no’ng hindi pa kami iniwan ng ama ko.”Kagabi, Aidan told me his story. Na iniwan daw sila ng papa niya at pinagpalit sa ibang babae dahilan kung bakit nalulong ang mama niya sa bisyo at nasiraan ng bait.“Dan.”Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Lucio na pumasok.“Brute! Salamat sa pagbabantay kay mama.” Lumapit si Aidan sa kaniya at niyakap siya.“It’s nothing. Kagagaling lang din pala dito ni Aris at saka Monique.” Sabi ni Lucio sabay sulyap sa’kin.“Oh okay.. Where are they? Nakauwi na?”“Yeah. May trabaho pa daw na gagawin si Monique and same with Aris.”Tinignan ko ng mabuti ang reaction ni Aidan. Kung banggitin niya si ma’am Monique ay parang wala lang talaga sa kaniya. Kaya kung ano man yung
Monique’s POV“Salamat,” sabi ko nang bigyan ako ni Beth ng isang baso ng juice. Matapos naming magkasagutan ni Merida kanina, agad akong nagtungo sa bahay ni Beth Floreza, ang kaibigan ko na dating nagtatrabaho rin sa hotel ni sir Aidan.Si Beth ang napangasawa ng kabigan ni sir na si Lucio Floreza.“Naku ma’am Monique, ayos lang yun.” Sabi ni Beth at ngumiti. “Matagal na rin nang huli tayong magkita. Kamusta naman ang trabaho?”“Naku Beth, maraming nagbago mula no’ng magresign ka.”Mas naging busy ako, lalo na nang mawala si sir Aidan dahil sa pagsunod niya kay Merida. Ako ang lahat na gumagawa ng trabaho niya.“Mas naging mahirap bang e handle si sir Aidan ngayon? Balita ko kay Lucio ay may bago daw siyang pinagkakaabalahan. Isang divorced woman daw. Totoo ba yun ma’am?”Tumango ako. “Totoo yung sinabi ni sir Lucio, Beth. In fact, fiancée na niya ang babaeng yun.” Sabi ko at uminom ng juice.“Hindi ako makapaniwala. Akala ko pa naman ay kayo ni sir Aidan ang magkakatuluyan.”Agad a
“Anong sinasabi mo ma’am Monique?”Namilog ang mata niya.“Anong sinasabi mong pinahamak ko si Aidan? Kailan ko pa ginawa yun?Para siyang nataranta ng ilang saglit. “Totoo naman hindi ba? Mula ng dumating ka sa buhay niya, palagi nalang siyang nadadawit sa mga Rendova. Dapat nga ang gawin mo ngayon ay tulungan siyang bawasan ang mga alalahanin niya, pero anong ginagawa mo? Dinadagdagan mo pa ang isipin niya. Naglihim ka sa kaniya tungkol doon kay Eric. At kung napahamak ka, problema na naman niya.”Kahit kay Eric e alam niya? Masiyado ba talagang magaan ang loob ni Aidan sa kaniya para kahit ang ganitong bagay e pinaalam pa sa kaniya?Tumayo siya at hinarap ako.“Intindihin mo rin sana si sir Aidan. Isipin mo rin sana ang kaligtasan niya at hindi lang puro ang sarili mo.” Umalis siya matapos niyang sabihin yun.Nakagat ko ang labi ko at tumulo ang luha sa mga mata ko. Gusto ko siyang hayaan pero hindi ko kayang ignorahin ang mga binitawan niyang salita.Why would she go that far?May
Hindi ko alam bakit ganyan ang reaction ni Aidan matapos kong sabihin sa kaniya na home-schooled ako. Para bang hindi siya makapaniwala.“Why? Nagkita na ba tayo dati?” tanong ko.Tumingin siya sa mga mata ko at ako naman ay naghihintay ng sunod na sasabihin niya pero bago pa man niya maibuka ang labi niya, biglang may dumating.Sabay kaming napatingin sa pinto.“Buksan ko lang,” sabi ko at ako na ang kusang nagbukas. Tumambad sa harapan ko si ma’am Monique.“Sorry, nakalimutan ko cellphone ko sa kwarto, ma’am. Pwede ko bang kunin?”“Sige po ma’am Monique.” Sabi ko sa kaniya at gumilid para makadaan siya. Pinanood ko siya at nakita kong dumiretso siya kay Aidan at nag-usap sila sandali.Kumunot ang noo ko lalo na nang lumapit pa bahagya si ma’am Monique kay Aidan na para bang binubulong niya ang sasabihin niya. Bakit? Ayaw ba niyang marinig ko?I don’t like it. Gusto ko ring malaman kung ano yung pinag-uusapan nila.“A-Anong meron?” ngumiti ako para hindi nila makita na medyo hindi ko
Dalawang oras na ang lumipas, hindi pa rin niya ako pinapansin. Natapos na ako sa pagkain at sa pagligo pero tahimik pa rin siya.Nang tumayo siya sa sofa para pumasok ng kwarto, agad akong umupo sa inupuan niya kanina at nakita ko ang naka-display sa laptop. He’s looking for a wedding dress bagay na nagpatib0k ng puso ko.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya kanina?Yung kaba ko, biglang naglaho e. Napalitan ng pagkabigla at kilig. Paano naman ako magagalit sa papa ng baby ko nito e wala naman siyang ibang ginawa kun’di ang alagaan ako?Agad kong ini-scroll pababa para tignan pa ang mga wedding gowns na natipuhan niya. Hindi ko tuloy namalayan ang presensya niya sa likuran ko. Bigla na lamang niya akong niyakap kaya hindi tuloy ako nakakilos agad.Naka-headlock ako sa maugat niyang braso.“I’m sorry, baby…” puno ng takot at lambing ang boses niya. Akala ko ay ako lang ang kinakabahan kanina. Pareho ba kami?Naghihintayan lang ba kami sa unang lumapit?“Are you still mad at me? Kung gusto
“So si Evangeline nag-utos sayo?” agad kong kinuha ang cellphone niya na agad niyang pinalagan.“Give me that!”Agad kong binuksan pero may passward.“Anong password?”“Sa tingin mo sasabihin ko?”Sapilitan kong kinuha ang daliri niyang hindi niya maigalaw at itinapat sa finger print sensor.“Fvck!” Napamura na lamang siya lalo na nang mabuksan ko ang cellphone niya. Buti naman at gumana ang finger print. Mahihirapan ako kung face detector lalo’t nag-iba ang mukha niya. Baka mamaya hindi siya kilalanin ng cellphone niya.Agad kong pinakialam ang inbox niya.“Are you like this? Paki-alamera?”“Are you like this too? Sinungaling? Scammer?” pang-aalaska ko. Sinamaan niya ko ng tingin.Nang tignan ko ang inbox niya, agad kong tiningnan ang messages nila ni Evangeline pero nagulat ako na puro siya lang ang may text messages dito pero niisa ay walang reply galing kay Evangeline.Agad ko siyang tinignan. “Basted ka pala?”“Happy?” naiirita na siya.“So siya ang nag-utos sayo?”Hindi siya nags