LOGINKinabukasan, nagmulat ako ng mata at napansin na nasa high-end bar pa rin ako. Napa-ungol ako sa sakit ng ulo ko hanggang sa pumasok sa ala-ala ko na may lalaki akong nakaniig kagabi. Si Evos, ang aking asawa.
Napasinghap ako at agad napatingin sa damit ko pero laking gulat ko nang makita na walang nagbago. Ang damit na suot ko ay ang damit kong napunit kagabi.
Teka, panaginip lang ba yun lahat?
Tatayo na sana ako nang biglang sumakit ang nasa gitnang bahagi ng hita ko.
Anong nangyayari? Bakit masakit? Nakipagsex ba ako kay Evos kagabi? Kung oo, then bakit nasa club pa rin ako?
“Gising ka na,” ang sabi ng bartender.
“Anong nangyari kagabi?”
“Hmm.. Naparami ang inom mo tapos nakatulog ka diyan sa kinauupuan mo kagabi.”
“S-Sigurado ka ba? Hindi ba ako pinuntahan ng lalaki dito? H-Hindi ba ko umalis?”
“Hindi naman. Bakit?” nakangisi niyang tanong.
“W-Wala. Kalimutan mo na lang ang tanong ko.”
Nagmamadali akong umalis kahit na masakit ang nasa gitnang bahagi ng hita ko. Hindi ako sigurado kung yung sex kagabi ay totoo o panaginip lamang lalo pa’t yung damit kong napunit ay suot-suot ko pa ngayon.
Pag-uwi ko ng bahay, nakita ko si Evos. Napatigil ako sandali habang nakatingin sa inosenteng mukha niya. Kung hindi man ako sigurado kung nakipagsex ba ako kagabi, sigurado naman ako na may ibang babae ang asawa ko.
Sumisikip ang dibdib ko habang kaharap siya.. Ayoko muna siyang makita kaya nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko para maligo.
At habang nasa ilalim ako ng shower, sinikap kong ala-alahanin kung anong nangyari. Mas tumatak pa yun sa’king isipan kesa sa katotohanang nambabae si Evos.
Nababaliw na ba ako? Nakipagsex ba ako o hindi?
Kung ano man itong pananakit sa gitnang bahagi ng hita ko, dala lang siguro ito ng alak o di kaya baka ay malapit na akong duguin.
Pagkatapos kong maligo, nakita ko si Vivi na hawak ang damit na suot ko kanina.
“Ma’am, hindi ba sa ukay lang natin binili ang damit na ito?” tanong niya.
“Oo. Bakit?”
“Mamahalin pala itong damit na napili mo sa ukay ma’am. Galing pala ito sa kilalang brand. Tignan mo, may nakaburda.”
Kumunot ang noo ko at lumapit. Oo nga. Tama siya, galing ang damit sa kilalang brand.
Pero ilang beses ko ng nasuot ang damit na ito at hindi ko naman napansin na branded pala siya.
“Alisin mo na yan Vi. Masakit ang ulo ko. Ayoko ng magdagdag ng isipin at gusto kong matulog.” Sabi ko dahil yun ang balak kong gawin. Ang matulog.
Pero nang buksan ni Vivi ang pinto, isang katulong ang naghanap sa’kin. “Hinahanap ka ni ma’am Hazie. Gawan mo raw siya ng tea.”
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Pagod na pagod ang katawan ko pero kahit pa siguro magkasakit ako, wala pa rin silang pakialam. Para sa kanila, alila nila ako at bawal ako magreklamo.
Ni hindi man lang sila nagtanong kung bakit hindi ako nakauwi kagabi.
Gumawa na ako ng tea at dinala sa pool area dahil naroon silang lahat. Naroon si mama, mga kapatid ni Evos, siya at mga pinsan niya. Lahat ng mata nila ay nakapukol sa’kin. Yung mga tita niya ay para bang tinatawanan ako.
Nanginginig ang mga binti ko. Pagod na pagod ang katawan ko at masakit pa ang ulo.
“Mama!”
Biglang dumaan sa tabi ko si Vadessa at bigla niyang sinagi ang siko ko at natulak ako sa pool.
Kinabahan ako ng husto dahil hindi ako marunong lumangoy.
Kahit anong kampay ko ay hindi ako umaangat sa tubig, mas lalo pa akong hinihila pababa. Akala ko mamatay na ako pero nakita ko ang mukha ng asawa ko.
Kitang kita ko ang takot sa mga mata niya habang inaabot ang kamay ko.
At bago pa ako mawalan ng ulirat, inangat niya ako sa tubig at tuluyan kaming naka-ahon.
“Wife! You scared me!”
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Bakit siya ganto? Akala ko ba may babae siya? Bakit ang lakas ng tibok ng puso niya na para bang takot na takot siyang mamatay ako?
Hindi ko siya maintindihan.
“Are you okay? Answer me. M-May masakit ba sayo?”
Hindi ako makakilos o makapagsalita. Unang beses akong niyakap ni Evos. Unang beses kong nakita sa mukha niya na nag-aalala siya sa’kin. Unang beses kong naramdaman na asawa ko siya.
Yung luha ko ang tanging naging sagot ko sa tanong niya.
“I’ll bring you to the hospital.” Sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.
“Evos, saan mo siya dadalhin?” tanong ni mama.
“Muntik ng mamatay ang asawa ko ma! I’ll bring her to the hospital.”
“But she’s okay. Merida, answer him! Tell him that you’re okay!”
“MA!” Sigaw ni Evos sa mama niya.
First time niya akong ipagtanggol sa mama niya.
“I said, I’ll bring my wife to the hospital.”
First time kong makita na ako naman ang kinampihan niya. Anong nangyari sa mga nagdaang taon? Bakit hindi ganito ang Evos na nakasama ko?
He was cold to me. He even ignored me. Kailangan ko pa bang malagay sa kamatayan bago niya ako magawang pahalagahan?
“Wife, let’s go..”
Naglakad na kami paalis pero narinig namin ang sigaw ni Evangeline.
“EVOS! NAHULOG SI VADESSA SA POOL! SAVE HER!”
Kung gaano ko katagal hinintay na ipagtanggol ako ni Evos, kung gaano ko katagal hinintay na hawakan niya ang kamay ko ay ganoon rin niya kabilis bitawan matapos makita si Vadessa sa pool na nalulunod.
I thought, nagbalik na ang asawa ko, hindi pa pala. Mali pala ako.
Nakita ko kung paano niya kunin si Vadessa pool at balutin ng tuwalya. Nang tumingin siya sa’kin, nakita kong naglakad siya para sana lumapit sa’kin pero nagsalita na naman ang kapatid niyang si Evangeline.
“What are you doing Evos? Bring Vadessa to the hospital. She’s in danger. She’s pregnant with your child!”
At doon tuluyang huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Lahat ng nandito ay nagulat, pero sa amin lahat, ako lang yung nasaktan dahil lahat sila masaya.
Ngayon napagtanto ko na ang lahat. Tama ang hinala ko, may namamagitan sa kanila ni Vadessa.
I realized that the mistress of my husband is no other than, my stepsister that I raised after our parents died.
Thank you for reading this. If you wish to continue reading this story, you can purchase the chapters by these methods. 1. Purchase using coins. 2. Unlock using bonus. Download Goodnovel app and claim the bonus by completing the tasks. 3. Watch ads. Some accounts can watch ads to unlock the chapters. I also encourage everyone to leave a comment or rate if you want to help the author on promoting the story. Thank you.
Merida’s POV“Where’s Tala?” ang tanong ni Aidan sakin nang pumasok ako sa kwarto namin. Tinapunan ko lang siya ng tingin at dumiretso sa closet para kumuha ng bagong damit.“Natutulog na.” Ang sagot ko bago ako nagpakawala ng isang malalim na hininga.Umiyak na naman kasi si Alex kanina dahil yung kwintas na suot-suot niya ay nawawala. Mahalaga yun sa kaniya dahil bigay yun ni Vivi.Sa garden lang niya iyon iniwan at nasaktong doon rin tumambay si Tala.Ngunit si Aidan, nang makita niyang umiyak si Alex at narinig niyang si Tala lang ang naroon sa garden, pinagalitan niya ito.Nag-assume siya agad na si Tala ang kumuha at nagtago ng kwintas.Kaya naman umiyak ang bata at nagkulong na naman sa kwarto kaya pinuntahan ko.“Kailan ka ba hihinto sa pagkampi sa kaniya?”Tumigil ako para lingunin siya. Anong sinabi niya? Hihinto sa pagkampi?Parang uminit ang ulo ko sa narinig ko sa kaniya.“Ikaw? Kailan ka hihinto sa ginagawa mong pagtrato sa kaniya ng ganyan?”Nagbago ang expression sa muk
[After 8 months]“Ate Vivi, ate Vivi!” naririnig ko ang pagtawag ni Kulot, ang anak ng komprador ng aming panananim.“Ate Vivi, sabi po ni kuya Evos ay kumain na raw po kayo.”Bumaling ako sa kaniya at ngumiti.“Sige. Pero sandali lang kasi ililigpit ko lang tong gamit ko.”“Sige po ate. Pero ano po ba ang ginagawa niyo?”“Nagtatahi ako ng damit para sa baby.”“Malapit na po siyang lumabas?”Tumango ako at nilagay ang telang pinagta-tiyagaan kong taihin sa drawer.“Boy po ba siya ate? Or girl?”“Girl siya, Kulot.” Sagot ko. “Nasaan pala ang kuya Evos mo?”“Nasa kubo po. Kasama niya po si papa at yung iba mga kargador.”Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang garterized na suot kong damit. Malaki na ang tiyan ko at isang buwan na lang ay manganganak na ako.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako tuluyang makapaniwala.Maraming nagbago, maraming nangyari na ikinagulat ko ng husto.Sa walong buwan na narito kami sa malayong lugar na ito, naging payapa ang lahat. May nahanap ka
Sumakay kami ng bus. Ni hindi ko na ibinuka ang labi ko para kausapin siya. Pakiramdam ko kasi kung magtatanong pa ako kung anong trip niya ay baka masisiraan na ako ng bait.Ang baluktot talaga ng paniniwala niya.At gaya nalang kanina, isang mahaba-habang byahe na naman ang pinagdaanan namin bago kami nakarating sa aming pupuntahan.Malalim na ang gabi kaya hindi ko masiyadong makita ang tanawin pero alam kong hindi matao sa bagong titirhan namin dahil iilan lang yung bahay na nakikita ko sa bintana.Tapos hindi pa magkakadikit.Malayong-malayo ito sa bahay na tinitirhan ni Evos na siyang naging tirahan ko na sa mga nakalipas na taon. Nang bumaba kami ng bus, naglakad kami ng ilang sandali bago kami nakarating sa isang maliit na bahay.Kung ikukumpara sa bahay na tinirhan namin sa America, masiyado itong maliit.Sementado naman ngunit wala ka ng makikitang ikalawang palapag. Pagpasok mo pa lang sa loob, diretso kusina na ang makikita mo at isang kwarto.Napatingin ako sa kaniya.“Sig
“Mag-iingat kayo.” Ang sinabi ni Eva samin matapos magpaalam ni Evos.Tumango lang si Evos pabalik at naglakad na pabalik sakin. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop ito sa kaniya.“Tara na,” sabi niya at hinila ako sa sasakyan.Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala siyang kahit na anong pinaalam sakin sa lilipatan namin. Basta sabi lang niya ay magpapakalayo kami.Hindi na rin ako nagmatigas pa at sumama nalang sa kaniya. Sa ngayon, wala naman siyang ginawang masama sakin. Ang pasensyoso niya at inuunawa niya ang mood swings ko bagay na ikinagulat ko ng husto.Minsan, pakiramdam ko ay hindi siya sa Evos.Nang makasakay kami ng sasakyan, tahimik lang din siyang nagmamaneho.Basta ay bumyahe lang kami ng matiwasay na para bang maayos ang pagitan samin.From time to time, tinatanong niya kung maayos lang ba ang pakiramdam ko. Halos gusto ko ng tanungin kung nasapian ba siya.Ilang oras na kaming bumbyahe at kapag nauubusan ng gasolina, humihinto siya para magpa-full tank ngunit s
Kinagabihan, pagkatapos naming kumain, nagmamadali akong umalis sa mesa para sumuka ulit. Ilang araw na akong nagsusuka at heto na naman. Masama ang pakiramdam ko at pakiramdam ko ay para akong lalagnatin.May biglang humagod sa likuran ko at nakita ko si Evos na nag-aalalang nakatingin sakin.Ginalaw ko ang siko ko para lang malayo ang kamay niya sa likuran ko. Ayokong hinahawakan niya ko. Galit ako sa kaniya, nagtitiis lang ako alang-alang kay Alex.“Evos.”Sabay kaming napatingin kay Evangeline.“Ito na yung pinapabili mo.”Nagbaba ang tingin ko sa inaabot niya at nakita kong may hawak siyang PT na ikinagulat ko. Binigay niya yun kay Evos.“Try this,” sabi ni Evos sakin.“Hindi ako buntis.” Sabi ko sa kaniya.“Hindi pa natin yun alam kung hindi mo susubukan.”Napilitan akong kunin ang PT na inaabot niya at nagpunta ng banyo. Ayokong mabuntis. Ayoko ng mangyari sakin ang nangyari noon na nawala ang anak ko.Hangga’t kasama ko si Evos, hindi magiging ligtas ang anak ko.Pagpasok ko ng
Vivi’s POVSa isang exclusive news, pinaghahanap na ngayon ng kapulisan si Evos Rendova dahil sa pagdakip nito sa anak ng isang business tycoon na si Aidan Roquez. Kasama nilang hinahanap ngayon si Pamela Bui at kasalukuyang pina-imbistigahan ang hospital kung may kinalaman ba ito sa kidnapping na naganap 6 years ago.Hindi na ako nagulat dahil alam ko na ang totoo. Kung may ikinatuwa ako ngayon, iyon ay alam kong sa wakas, nakahanap na ang anak ko ng matatawag niyang tahanan.At iyon ang mga magulang niya. Ilang araw na akong ganito, umiiyak dahil nalaman kong ang batang inalagaan ko na siyang sinasaktan ni Evos noon ay anak pala ni ma’am Merida.Yung galit ko para kay Evos ay mas lalong nadagdagan. Bawat araw ay sinusumpa ko siya. Sinusuka ko ang buong katauhan niya.Kaya pala hindi niya magawang mahalin ang bata dahil anak pala ito ng dating asawa niya. Asawang isinusumpa niya ngayon.Ngayon, nasa isang villa kami nagtatago. Bago pa pumutok ang balita, nakaalis na kami sa bahay at







