At nalaman na nga ni Evos!
“SIR AIDAN!” Nagmamadali si ma’am Monique na lumapit sa amin at nagulat ako nang bigla niya akong itulak.Ilang minuto rin akong hindi nakagalaw at hindi makapaniwalang pinalitan niya ako sa pwesto ko kay Aidan. Agad niyang inalalayan si Aidan at siya mismo ang humalili dito papunta ng sala.Nag-aalala siya pero kung umasta siya ay parang siya ang asawa.Kumuyom ang kamao ko. Nang makita ko siyang kumuha ng isang roletang tissue, agad akong lumapit at hinablot ko yun sa kaniya.“Ma’am!” Tinaasan niya ako ng boses.“Tumabi ka!” Sabi ko sa kaniya at pinandilatan siya ng mata.Sinabi ko na to noon, ayokong magkaroon ng bagong Vadessa sa buhay ko.“Papairalin mo pa ba yang selos mo? Can’t you see anong nangyari kay sir Aidan?”“Tumabi ka, Monique. Ako pa rin ang fiancée niya at hindi ikaw.” Sabi ko sa kaniya. Kanina pa siya. Alam kong maaasahan siya pero sobra na.Nang hindi siya kumilos, binangga ko ang balikat niya at lumapit kay Aidan. Ako ang kusang tumulong sa kaniya para punasan ang
Sinamahan muna ako ni ate Belle sa kaibigan niyang doctor bago ako umuwi ng condo. Sa taxi pa lang, panay na tawag sa akin ni Aidan. Hindi ko siya sinasagot.At hindi na ako nagtaka nang makita ko siya sa labas ng building na naghihintay sa akin. Nakakunot ang noo niya at nakakrus ang kamay sa dibdib.Napatitig ako sa mukha niya at bumuntong hininga. Saang banda kami magkapatid ng lalaking to? Hindi naman kami magkamukha. Sobrang gwapo niya. Kahit man lang sana sa mata o di kaya ay kilay same kami ng sa ganoon, may maganda naman sa akin.Mas maganda kasi yung kaniya e.“Saan ka galing?” tanong niya. Salubong pa ang kilay. Kahit galit siya, gwapo pa rin.Naiiyak na naman ako.“Sa dati naming bahay.” Mahinang sabi ko at nagpipigil lang ng sarili na huwag tumakbo sa kaniya at yakapin siya o di kaya ay haIikan hanggang sa magsawa ako.Papa kung nasaan ka man ngayon, sorry…“Bakit? Anong ginawa mo doon?”“May hinanap lang ako sa mga kagamitan ni papa.”Tumango siya at lumapit pa sa akin sa
Dinala ako ni ate Belle sa basement. Nang sabihin ko kung may mga gamit pa ba kami dati, sabi niya nasa basement niya nilagay. Dalaga pa si ate Belle kaya siya lang mag-isa dito sa bahay kasama ang aso niya.“Naku Merida, hindi ko tinapon kasi iniisip kong babalikan niyo ni Vadessa ang mga gamit niyo.”“Salamat po talaga ate…” Sabi ko sa kaniya.“Oh siya, tawagin mo lang ako ah kung may kailangan ka.”“Opo ate.”Iniwan na niya ako at ako naman ay napatingin na lamang sa maalikabok na basement. Maraming nakatambak na gamit kaya for sure, mahihirapan ako sa paghahanap ng mga bagay na hinahanap ko.Nakita ko pa yung mga lumang laruan ko at mga laruan ni Vadessa.Nakita ko rin ang mga gamit ni tita Mercid. Namiss ko siya ng sobra. Kahit gaano kasama si Vadessa, yung mama niya ay walang kasing bait. Si tita ang tumayong pangalawang ina ko lalo’t namuhay ako na hindi nakilala ang mama ko.Nakita ko lang siya sa pictures dahil namatay na siya no’ng baby pa lang ako sabi ni papa.Nagsimula na
Nang bumukas ang pinto at pumasok si Aidan kasama ang doctor, lumayo na rin sa akin si ma’am Monique. Tumikhim ako lalo na nang lumapit si Aidan sa akin para tabihan ako habang tinitignan ako ng doctor.Hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit ko siya kinalimutan. Matapos akong magising noon sa isang aksidente, nasa hospital na ako at tanging isang concern na kapitbahay lang namin ang nag-asikaso sa akin at kay Vadessa.Pamilyang Rendova ang nag-asikaso sa burol ni papa at tita. Ilang buwan ang nakalipas, 18 na ako, kinasal na rin ako kay Evos.At yung ala-ala ko no’ng 17 ako ang kinalimutan ko kasi sa taon na iyon kung saan ko nakilala si Aidan, ang pinakamasakit at nakaka-trauma na pangyayari sa buhay ko.When papa said na kapatid ko siya, nilayuan ko siya… Hindi ko na siya kinotak pang muli. I blocked him, I deactivated my account and yes, huminto ako sa pag-aaral at pinili maghome-schooled na lang para lang maiwasan ko si Aidan.But something came up. Bigla siyang lumitaw sa har
I thought it’s weird kung bakit nawala ang ala-ala ko, hindi pala. I chose to forget those memories dahil hindi ko kayang dalhin yun lahat.Tama si Lucio, I’m suffering sa tinatawag nilang selective amnesia.Nang magising ako, nasa hospital na ako at una kong nakita si Aidan na agad akong niyakap. Ramdam ko ang panginginig sa katawan niya tanda na takot siya kanina.Agad niya akong nilayo at tinignan sa mga mata. “May masakit ba sayo?”Umiling ako. “I’m fine. Pasensya na at pinag-alala pa kita.”Niyakap niya ako ulit mas mahigpit pa sa kanina.“You scared the hell out of me. Akala ko e mawawala ka na naman sa akin. Yung nangyaring banggaan, it’s just a drunkard. Hindi yun ang papa mo.” Sabi niya.Ngumiti ako at tumango. “I know. I’m sorry. Natakot lang siguro ako kaya kung anu-ano na yung nakikita ko.”Tinitigan muna niya ako. Hindi ko alam anong tumatakbo sa isipan niya.“Tatawagin ko muna ang doctor para matignan ka.”Tumango ako. “Dito lang ako magpapahinga.”Nang sabihin ko yun, t
Merida’s POVPara akong nanigas nang marinig ko ang sinabi niyang naaksidente siya.“A-Anong sinasabi mong naaksidente ka? Paano?”“Matagal na yun. A car accident. Medyo malala ang nangyari kung kaya nauwi ako sa coma. But nothing to worry now. I am fine. If may regret lang ako, yun ay nahuli ako ng gising. Naikasal ka na kay Evos at hinayaan kang maranasan mo ang hirap na sinapit mo sa kamay ng mga Rendova.”So that explains why. Kung may relasyon kami dati tapos hindi niya pinigilan ang kasal, then yun na ang sagot.I know he’s totally fine now pero hindi ko maiwasan ang mag-alala sa sinapit niya. Nagi-guilty ako. Wala ako noong kailangan niya ako.“No’ng naaksidente ka, ano pang nangyari? Is there some kind of side effects? Wala bang nabali sayo?”Mahina siyang natawa kaya sa inis ko e nasapak ko siya. Naiiyak na nga yung tao tapos ganyan pa siya.“Huwag ka ngang tumawa diyan. Sa tingin mo ba, natutuwa ako?”“No. But nakaraan na kasi yun. Look at me, tingin mo ba may problema sa ak