Share

Chapter 6

Author: IamNellah
last update Last Updated: 2023-08-12 15:30:10

Danie POV

Look in the mirror.

I'm not surprised.

I sympathize, ah.

I can't deny.

Your appetite, ah. Hinagod ko ang balakang ko paakyat sa leeg ko sabay inikot ang ulo ‘gaya ng sinabi nila. Sinabay ang katawan ko sa bawat halinghing ng babae sa kanta.

Mabagal. . .

Pumikit ako, dinama ang bawat lyrics. Pagdilat ko, tumitig ako sa unang taong makita ko. Tinignan ko siya ng masama. Sa una, hindi ko nagawa ng tama. Sa sumunod, humiga ako. Ipinitik ang mga daliri sa hangin, nilingon siya at giniling ang balakang. Tinuro siya bago ang sarili, pinapahiwatig ko na sa akin siya tumingin.

Sa akin lang.

Nagpalakpakan sila. Sinigaw ang mga bago sa pandinig ko. Tumalikod ako sa kanila’t tumuwad. Ini-slide ang isang paa ko and looked at them.

“Fetish for my love. . .”

 “Grabe!” Pumapalakpak siyang pumasok sa dressing room. Napalingon ang lahat sa pagpasok niya. “Good luck sa inyo!” Bati niya sa mga lumalabas na babae. Sila ang susunod na magpe-perform sa labas. “I-beat niyo ang sigawan sa labas after magsayaw ng tatlong newbie, ah. Baka sila na ang susunod na big star dito, malamangan pa kayo.” Pang-aasar niya sa ibang babae. Bumubulong-bulong silang umiirap na lumabas.

Pagharap sa amin ni Aling Bebang, nakangiti siya. Hinawakan ang brush niya at nag-retouch ng sariling make-up. “Ang galing niyo kanina. Lakas ng palakpakan at hiyawan. Sinisigaw nila mga codenames ninyo.” Malakas niyang pinatunog ang mga labi niya matapos niya itong pahiran ng lipstick.

“Lagi naman. Unless, comatose na sila at nilabasan. Tsk!” kumento ng isa.

Binato siya ng make-up brush ni Aling Bebang na inilagan lang niya. Sinamaan niya ito ng tingin. “Mas malakas pa hiyawan kung may parak sa labas.” Dagdag niya na ikinamura ng isa.

“Natural, alangan na umungol ka? Sabaderang palaka.” Sikmat ni Aling Bebang. Kumuha ng tissue at pinunasan ang gilid ng kanyang labi.

“Pwede na ho ba namin tanggalin ‘tong, make-up ko? Nangangati na kasi mukha ko, ay.” Kinamot ko ang baba ko. May mga bahid ng kulay kutis ang kuko ko. Sinipat ko iyon.

Sayang naman. Mamahal siguro ng mga ito? Ang kapal ng pagkakalagay niya sa akin. Sa tuwing hahawakan ko ‘to, sumasama sa kamay ko ang tinatawag nilang foundation.

“No, darling. Baka may bigtime na maghanap sa inyo mamaya at ‘di ba sinabi ni Polaris kanina, sasalang pa kayo sa VIP?”

“Pero— ‘di ba pag nasa VIP dapat papayag ka mag-table?” tanong kong nag-aalala. Muling kinabahan na akala ko tapos na matapos kaming sumayaw kanina.

“Yes.” Kinuha niya muli ang brush para ayusin ang make-up ko.

“Magsasayaw na lang ako. Huwag lang ako mailabas ng mga lalaki sa VIP.”

Kung nagawa ko na kanina at may mga— nasiyahan naman. Baka— pwedeng ganoon na lang gawin ko ulit gabi-gabi? Makakaya ko naman siguro. Nasa stage ka lang at hahayaan silang titigan ka. Ang iba, naghahagis ng pera na kinukuha ng bouncer matapos sumayaw. Iyon daw ang tip namin na paghahatian. Umaasa ako sa mga ‘yon lalo na alam kong malaki-laki din iyon dahil lahat ng nakita kong perang lumipad sa ere, tag-iisang libo.

“Danie, darling. Hindi pwede. Ang pagsasayaw is just a commercial here para makilala kayo at abangan ulit. Ang main work ninyo, paligayahin ang mga malulungkot na ‘ting mga guest.” Hinawi niya ang buhok ko na tumakas sa mukha ko. Inilayo ko ang ulo ko sa hawak niya.

“Pero—”

“Noted madam,” Kinabig ni Marga ang braso ko. Napatingin ako sa kanya na nakangiti kay Aling Bebang. “Ano po ba gagawin namin mamaya sa VIP? ‘Di ba, Danie? Para makapaghanda tayo? ‘Di ba?” Pagbaling niya sa akin, pinanlakihan niya ako ng mga mata.

Tumango ako at ngumiti kay Aling Bebang nang pumalakpak siya.

“That’s my girl! Huwag niyo na bigyan ng sakit ng ulo ang mga Bosse’s, ayaw nila mareklamo at pasaway.” Lumipat siya ng ibang aasikasuhin. Naiwan kami doon ni Marga na nakatayo. Hinila niya ako sa bandang gilid ng silid. Siniguradong walang makakarinig sa sasabihin niya.

“Ano ka ba? Huwag ka na kumontra sa sinasabi nila. ‘Di ba ang payo sa atin ni Cindy, sumunod tayo sa gusto nilang gawin. Gawin na lang na ‘tin para makuha na ‘tin ang tiwala nila. Hmm?” Tumayo siya ng tuwid.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang tapang at desidido siyang ituloy ang plano namin na ikinakatakot ko lalo na sa mga kwento nila Cindy. Ganito rin ‘yon. 

Naging busy ang lahat sa pag-aayos. Ang iba nasa VIP na. Kami hinihintay si Madam Polaris para sa mga iuutos niya.

Tinitigan ko ang sinuot kong mask kanina. Bibig ko lang ang nakalabas. Hugis butterfly ito na kulay pula. Pinuno ito ng mga kumikinang na bato.

Nakaya ko ang isang gabi. Ilang gabi pa kaya bago ako makaalis dito?

Ngayon nakukulayan ang bagong mundo ko. Parang nitong mascara, makinang ngunit may dilim sa likod.

Bawat hagod, at tingin ng mga nanunuod sa akin kanina, parang hinuhubaran nila ako. Sinisigaw nila ang pangalan— ang bagong pangalan ko sa gabi.

Magulo ang buong kwarto nang pumasok kami, dim ang lights. Alak at sigarilyo ang maaamoy sa buong kwarto. Nandito na si Cindy nang dumating kami. Nakakandong siya sa isang lalaking maputi na ang buhok. Nakasuot siya ng Americana. Lima silang mga lalaki na nakaupo sa kulay itim na bilugang sofa.

Sa tingin ko, mga kaedad-an sila ni tatay. Kinilabutan ako. Napalunok ng ilang beses habang ipinapakilala kami ni Madam. Halata ang mga kulay puti nila sa kanilang mga buhok.

Panay ang himas ng dalawang lalaki sa katawan ni Cindy. Nakangisi ang dalawa at binubuyo sila habang pinapanood. Ang ibang lalaki naman ay nakatingin sa amin. Mula ulo hinahagod nila ng masamang tingin. Itinaas ng isa ang baso niya sa kanyang bibig. Tinitigan ang legs ko na pinahiran ng oil para kumintab ito.

“Sus! Kayo pa ba? Alam niyo naman, pag-ako ang may hawak sure niyan na maganda at magagaling.” Biro ni Madam Polaris sa lalaking kausap. Inaya siyang umupo sa kanyang tabi at binigyan siya ng maiinom. Walang pagdadalawang isip na kinuha niya ito at nilagok.

Matapos niya kami ipakilala, pinaupo niya kami sa tabi niya. Nakipagkwentuhan siya sa mga lalaki.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila at kay Cindy. Naghahalikan sila ng lalaking inuupuan niya. Hinahagod ni Cindy ang dibdib nito. Alanganin na sinilip niya kami sa gilid ng mga mata niya. Nang pakawalan ng lalaki ang labi niya. Pinunasan niya ito at alanganin na tumawa. Inabot ang isang lalaki at ito naman ang kanyang hinalikan.

Nakasuot siya ng itim na skirt na makinang. Ang pang-itaas niya ay gaya sa akin, bra ito na may mga makinang na mga bato. Ang sa akin lang ay may panloob na sandong itim at mala-kulambong pangmanggas.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Halo-halo. Naghahalo-halo sila. Malamig ang lugar. Ngunit bakit nag-iinit ako? At nangangatog na rin sa takot.

Ganito ba ang ibig sabihin na paligayahin namin ang mga guest namin?

Diyos ko! Maawa ka po.

“I heard, you rush to the hospital the other night?” Tanong ng lalaking kahalikan ni Cindy kay Madam.

“Ahm, just a bit fever. No time to worry me. Wala lang ‘to.” Kinumpas niya ang kamay sa lalaki bilang pagtatapos. “Sus, ano ba ‘tong pinainom n’yo? Napapa-englesh ako.”

Nagtawanan sila. Maging si Marga, pekeng tumawa. Napangiwi ako doon.

“So, bago lang ‘tong dalawa? Sila ba sumasayaw kanina?” Bago pa man, masagot ni Madam ang tanong ng lalaki, kinabig na siya ni Cindy at hinalikan.

“I think so. Bago nga sila at super fresh.” Bali walang sagot ni Madam sa ginawa ni Cindy.

“Sayang walang auction.” Saad ng isa. Sa akin tumingin.

Tumikhim ako. Umiwas ng tingin. Inabutan kami ng inumin ni Madam Polaris. Hindi ko siya matingnan. Inabot ko ang inumin na kulay ginto sa kanyang kamay.

Pinainom na niya kami kanina ng ilang basong ganito bago kami pumasok sa kwartong ito. Ito daw ang magpapalakas ng loob namin ngayon. Nahihilo ako at pakiramdam ko, ang gaan ng katawan ko. Mainit at malamig at hindi ko gusto ang nararamdaman sa loob ng katawan ko.

Siniko ako ni Marga. Nasa gitna namin siya ni Madam Polaris. Itinaas niya ng bahagya ang bago, tumango ako at sinabayan siyang inumin ang kanya rin.

Napangiwi ako sa lasa nitong mapait at mainit sa lalamunan.

Nag-usap sila sandali at naghipuan bago kami iniwan ni Madam Polaris doon.

“Ma’am,” tawag ko sa kanya ng dumaan siya sa harap ko. Hinawakan ko ang kamay niyang may dalang kulay gintong bag.

“Naku, ang anak ko naman. Ang sweet,” anito at hinaplos ang baliakt ko. May kasama iyong pisil ng bahagya.

“Don’t worry, hindi naman kumakain ng tao ang mga ‘yan. Slight lang.” Sinabayan nila iyon ng tawa. Lumakad siya palabas ng walang lingon-lingon sa amin.

Tinitigan ko ang pintong nilabasan niya. Wala na si Cindy at ang dalawang lalaki. Lumabas sila na pasuray-suray si Cindy sa kanilang bisig. Naiwan kaming apat dito sa kwarto. Si Marga, umiinom at halatang lasing na rin. Tumatawa siya sa bawat sinasabi ng lalaking katabi niya na hinihimas ang tuhod nito’t may ibinubulong sa kanyang tenga.

“How old are you, baby girl?” Agaw pansing niyang tanong sa akin. Roger, ang naalala kong pangalan na tinawag sa kanya ng isa sa kasama ni Cindy.

“Ahm. . . I’m 18, sir.” Nauutal na sagot ko. Bahagyang lumayo sa kanya.

Nasa kaliwa ko siya. Inalis niya ang suot na coat at pinatong sa likod ng sofa. “Legal and right.” Aniya. Kinilabutan ako sa boses niyang iba sa pakikipag-usap kay Madam Polaris kanina. “1st time mo?” Inakbayan niya ako.

Ay, hindi! Kinabig niya ako paupo sa kanyang kandungan.

Naramdaman ko ang matigas na nasa ilalim ko. Lumunok ako. “O-opo.” Kinakabahang sinulyapan ko sila Marga na, naghahalikan na. Ang kamay ng isang lalaki, nasa dibdib nito at nilalamas iyon. Nanlaki ang mga mata ko. Umupo ng tuwid sa kandungan niya.

“Relax. I have a better idea to make you relax.” May inabot siyang pakete sa lamesa. Kanina ko pa iyon napapansin. “Wanna have some snack? This is good.” Aniya.

Binuksan niya iyon at inalis sa kulay poil na sachet. Lumabas ang maliit na tinapay, brownies iyon alam ko. Lumunok muna ako bago iniuwang ang bibig. Pinasok niya ng buo iyon sa bibig ko. Wala akong nagawa kung hindi nguyain ang masarap na tinapay.

Malambot. Chewy. At. . .

Nahihilo ako. Dumidilim ang paningin ko.

“Electra. . .”

IamNellah

Ano kaya kinain niya? At anong mangyayari sa kanya? Hello, guys! 3x a week po ako mag-update ng story na 'to. Support niyo po, ha! You can leave a comment po. Thank you and have a great day!

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 42

    Danie POVIniiyak ko ang buong gabi.Ang haba ng gabing iyon para sa akin.Hindi ako lumabas ng kwarto buong araw at sinabi na lang na masama ang pakiramdam ko. Na partly true naman. I felt exhausted, drained and guilty.Ilang beses pumasok dito si Mamang para dalhan ako ng makakain. Maging si Liam, kumatok rin. Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto.Mabuti na lang na ‘di siya nagpumilit. Tumawag ang Don sa telepono ko nang hapon na iyon para kamustahin ako. Sinagot ko iyon para hindi na siya mag-alala pa. Gusto niyang umakyat dito sa kwarto ko para siguraduhin ayos lang ako. Bawat sinasabi niya, pinapakinggan kong mabuti. Napapapikit. Na gu-guilty ako ng sobra. Hindi ko dapat ginawa iyon.Hindi ko naman balak itago. Hindi ko lang alam kung paano sisimulan.Binuksan ko ang laptop ko para simulan ang mga gagawin. Kahit na mabigat ang katawan, kailangan kong gawin ang mga trabaho ko. Naupo ako sa kama, nilagay sa kandungan ko ang nakabukas na laptop. Nag-type ako ng email sa unang-unang em

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 41

    Danie POV Bawat pagsubo sa aking pasta, ang bigat sa lalamunan. Hindi ko malunok ito dahil sa pares ng mga matang nakatingin sa akin. Pasimple ko siyang sinulyapan at nahuling nakahinang sa akin ang mga mata niya. Binabantayan bawat galaw ko. Iniawang n’ya ang kanyang pagkain sa bibig habang wala man lang hiyang nakatitig sa akin, nakikinig sa mga sinasabi ng ama niya ngunit ang utak niya alam kong nasa akin pa rin. Kapal ng mukha! Tumikhim ako at inabot ang juice sa aking harapan. Nasa garden kami at nagmemeryenda. Nasa harap ko siya at sa kaliwa ko naman ang Don. Sa kanan ang attorney. Pasta, cake and plain toasted bread na request ng Don ang nakahain sa pabilog na lamesa. Tumutugtog ang isang kantang masarap sa tenga na paboritong pinapakinggan ng Don kapag gusto niyang mag-relax. Wala talagang pakiramdam ang taong ‘to. Wala man lang isip tumigil sa paninitig na akala mo ako ang kinakain niya. I cringed. Duh, may mga kasama kaming iba! At kahit wala kaming kasama, hindi siya da

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 40

    Danie POV Paglabas ko ng kwarto ng Don, nakasalubong ko ang Donya paakyat ng hagdan, looking so elegant and young at her age. Mayroon na naman siyang dalang mga paper bags na hindi mabilang sa dami. Nakangiti siya habang naglalakad, sayang-saya, ngunit nang makita ako, para bang nilipad ito ng hangin at napalitan ng kung ano. Bahagya akong yumuko bilang paggalang sa kanya. “Nandito ka pala. I heard nagpatawag si Samuel ng party para sa graduation mo. Wow! Magsasayang pa ang matanda para lang sa palamunin niyang scholar.” Tumawa siya matapos sabihin iyon. Hirap na hirap siyang pinaglipat sa kabilang kamay ang mga paper bag na dala. I wonder kung hindi pa napupuno ang kwarto niya sa dami ng mga pinagbibili simula ng umuwi sila dito. “Oh, by the way! Kamusta pala ang mga investors? Nagpadala ka na ba ng mga bagong contracts?” Excited siyang humarap sa akin. May mga ningning ang mga mata niya na parang sigurado na sa isasagot ko. “Yes, ma’am. But some of them hindi pa nakakapirma. Baka

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 39

    Danie POV“Bakit ang baho dito?”Napabaling ang tingin naming lahat sa taong nasa pintuan. Hindi niya maituloy ang pagpasok sa loob ng kusina, hawak ang ilong niyang napapaatras. Naibaba ko ang sandok sa katabing platito malapit sa kalan. Sa masayang pagku-kwentuhan namin, hindi namin napansin ang pagdating niya. Lahat kami may kanya-kanyang ginagawa, pinagtutulungan ang pagluluto at paglilinis dito sa kusina.“Ma’am, good morning po,” alanganing bati ng isang kasambahay malapit sa kanya. Nanliliit ‘tong yumuko.“Ano bang niluluto niyo? Basura?” aniya, pinaypayan ang mukha.“Ah, ma’am, nagluluto po kami ni m’am Danie ng binagoongang karne.” Mahinang saad niya after ng ilang minutong walang sumagot, nagkakatinginan kami. Nag-aalangan akong patayin ang apoy sa kalan, itago o itapon ang niluluto ko para hindi na siya mabahuan.Pero hindi naman mabaho! Ang sarap nga ng amoy. Sa sarap nito, hindi na namin mahintay maluto pa. Sinigurado din ni Manang na maraming kanin para hindi magkulang

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 38

    Danie POVNangyari na nga ang kinakatakutan ko.Hindi ako handa. Walang may handa sa ganitong problema.Lumalala ang kundisyon ng Don. Makailang beses kaming pabalik-balik sa hospital. At ngayon, nandito na naman ako sa labas ng malaking salamin. Sarado. Tanging kulay blue-ng kurtina ang makikita sa loob. ICU. Tatlong letra. Sa tuwing madadako ang mga mata ko sa taas ng pinto, itong mga letrang ito ang nakikita ko. Yumuko ako’t muling nagdaos ng dasal.Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa aking baba. “Iligtas mo po siya. H’wag mo po muna siyang kukunin sa akin. Siya na lang po ang meron ako. Sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas ng loob sa araw-araw.” Usal ko. Pumikit ako’t mas lalong kinausap ang D’yos para magmakaawa.“Danie, uminom ka muna.”Tinapik niya ang balikat ko. Inabot sa akin ang isang boteng mineral water. Ayaw ko man, hindi man ako nakakaramdam ng uhaw, kinuha ko na lang ito. Inipit ko sa dalawang kamay ko ang bote. Nakaka-relax kahit papaano ang kaunting lamig nito sa k

  • Take Me, ELECTRA   Chapter 37

    Danie POV“Son . . .”Nilibot ng mata ko ang buong kwarto, iba’t ibang ekspresyon ang nakikita ko sa mga mukha nila. Si Manang, ngumiting nakakaintindi sa kanyang kaibigan, walang nang pagkabigla sa kanyang mukha. Ang isang kasambahay, gulat pati na rin ang doctor. Ang abugado tumango lang siya sa Don, hindi na nagulat sa sinabi nito. Nagtagal ang tingin ko kay Liam na hindi pa rin ma-proseso ang sinabi ng kanyang ama.Maging ako, hindi ko akalaing— akala ko, mahal niya ang Donya. Na kahit may iba na siya, hindi niya magawang maghanap ng iba.“The fvck! Totoo ba ‘to?”Hindi malaman ni Liam kung kanina niya itatanong. Panay ang taas ng kamay n’ya at maingay na ibaba ito sa kanyang tagiliran. Magpapamaywang at muling magsasalita ngunit naiipit ito sa kanyang lalamunan.Walang sign akong nakita. Aware ako sa mga baklabush na kilusan at salitaan sa bar noon. Ngunit sa Don, wala akong nakita. Maliban sa gusto n’yang malinis lagi. Maging organize lagi na tinuro niya sa akin na nadadala ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status