Read At Your Own Risk
"iboto bilang kapitan si Hendrix Montage,no.9 sa balota."narinig kong sigaw ng lalaking nakahawak ng mega phone habang nakasakay Ang mga ito sa pick up na hilux na siyang panghuli sa lahat.Dahil Ang mga ibang lalahok ay nakikipagkamay sa mga taong bubuto sa kanila.Ilang araw na Kasi ay halalan na kaya abala na sila sa kanilang pangangampanya.Malalaki Ang hakbang ko upang lumapit upang alamin Kong sino ang mga lalaban bilang kapitan rito sa Lugar namin.Nakipagsiksikan pa talaga ako para lang Makita Ang mga ito..Una Kong nakita Ang dating kapitan namin,at ganun din Ang mga iba pang lalaban.Pero Kilala ko na Ang mga ito.Pero Ang nagngangalang hendrix montage ay Hindi ko pa nakikita.Napangiti ako ng Makita ko Ang larawan nito sa tarpulin na nakasabit sa gilid ng sasakyan,sobra Akong namangha sa taglay nitong ka-gwapohan nito.Hindi ka magsasawa na titigan ito. Matitipuno Ang pangangatawan nito at Makalaglag panty Ang taglay nitong karisma.Walang babae Ang Hindi mahumaling rito.Iyon nga lang baka may asawa na ito.Ilang minuto ko rin tinitigan Ang larawan Ng lalaki.Pero biglang kumabog aking dibdib ng maramdaman Kong may nakatitig sa akin,kaya Naman nag-angat ako ng aking paningin sa taas ng sasakyan.Hindi ako nagkamali dahil nakatingin sa akin ang lalaking nakasakay sa sasakyan.Nagtama aming paningin.Gosh!mas gwapo pa Pala siya sa personal Lalo't nakangiti ito.Napaawang tuloy aking bibig ng kumindat ito sa akin.Napamulahan ako ng mukha dahil sa ginawa nito.Agad Akong nagbaba ng tingin rito baka mahalata nitong tinitigan ko ito.Baka nga sa mga babaeng nasa aking likuran Ang kanyang kinindatan dahil kilig na kilig Ang mga ito.Naririnig ko pa Ang mga hiyawan at palipad hangin ng mga ito.Bumaba Ang lalaki sa sasakyan upang makipag-kamay sa mga tao.Hindi Ako umalis sa aking kinatatayuan at hinintay na makadaupang palad Ang lalaki.Hindi ko namamalayan, hawak-hawak na nito aKing kamay ng maramdaman ko Ang mainit nitong palad.Ramdam ko pa Ang pagpisil nito na nagbigay kilabot sa akin.Kaya mabilis Kong nahila sa pagkakahawak nito aKing kamay dahil iba Ang Ibig nitong iparating sa ginawa nitong pagpisil.Pero matamis lamang itong nakatingin sa akin.At muli itong kumindat sa Napaawang tuloy aking bibig sa kanyang ginawa."close your mouth woman". Narinig ko pang bulong nito na ako lang Ang nakakarinig.Natakpan ko na lamang aking bibig.
Hanggang sa umalis ito sa aking harapan upang lapitan pa Ang ibang tao upang makadaupang palad niya Ang mga ito.Ako Naman ay tuluyang umalis.Nakita ko na rin Naman ito.Marami pa Akong gagawin sa bahay namin.Kaya lang Naman ako pumunta rito dahil Ang Sabi nila ay gwapo Ang tatakbong kapitan at totoo nga Ang aking nabalitan.Hindi lang gwapo kundi sobrang gwapo nito.Alam ko na agad Kong sino Ang mananalo,Hindi na ako magtaka Kong manalo Ang lalaki dahil karamihan na magbubuto ay mga dalaga na tulad ko.Huminga ako ng malalim ng matanaw ko na aming munting bahay.
"ate !nakita mo ba Ang tatakbong kapitan rito sa Lugar natin .Diba Ang gwapo niya."kinikilig na wika ng aking kapatid ng makalapit ako rito.Nakurot ko ito sa kanyang kili-kili dahil Ang bata pa nito upang kiligin.
"hoy tinay,wag Kang ganyan.Ang bata mo pa para kiligin.Pumasok kana sa loob ng masimulan na natin Ang mga tambak nating labahin."wika ko sa aking Kapatid.
"si ate talaga,wala namang masama Kong kiligin ako.At saka Hindi na kaya ako bata.Wag lang Akong magpapaligaw tulad ng mga kaibigan ko."paingos na sagot ng aking kapatid.Natatawa Akong lumapit rito at umakbay rito.Totoo Ang sinabe ng aking kapatid, walang masama Kong kiligin ito dahil dalaga na ito.Dalawang taon na lang ay magdese-otso na ito.Tatlong taon Ang pagitan naming magkakapatid.Kaya disenuwebe pa lamang ako.Lima kaming magkakapatid at Ako Ang panganay.Mahirap Ang buhay namin.Karpintero lamang aming ama.At may bahay lamang aming ina.Kulang na kulang Ang kinikita ni itay sa kanyang trabaho kaya kailangan Kong maghanap na rin Ng trabaho lalo at buntis na naman aking ina.Total,naka-pagtapos ako ng high school kahit papano alam ko Ang magbasa at magsulat.Siguro Naman ay matatanggap ako sa trabaho.Pero sa mababa nga lang na trabaho,basta Ang importante lang Naman sa akin ay may trabaho ako at matulungan ko aking pamilya.
"nasaan na Tayo ate oliv,nasa ibang planeta na ba Tayo."natatawang wika sa akin ng aking kapatid pagkatapos ay tumakbo ito papasok sa loob ng bahay.Natatawa na lang Akong nasundan ng tingin Ang likod ng aking kapatid.Ang layo na Pala ng narating ng aking isipan.
Pagod na pagod ako ng matapos naming labhan Aming damit.Nangawit rin aking likod at braso dahil mano-mano Ang aming paglalaba.Mabuti na lamang mabait aking kapatid at ito na Ang nagpresintang magsampay sa nilabhan naming damit.Pumasok ako sa Aming silid upang magbihis dahil katatapos ko lang maligo.Isang malaking tshirt at short aking sinuot.Pagkatapos ay pumunta ako ng kusina upang magluto ng hapunan namin.Wala pa si inay,pero kahit narito ito ay Hindi naman magawang magtrabaho dahil malaki na Ang kanyang tiyan.Sa susunod na buwan na ito manganganak ngunit Wala pang gamit Ang isisilang niyang aming Kapatid.Kaya kailangan ko na talagang magtrabaho.Huminga muna ako ng malalim bago ko simulan aking pagluluto.