Share

CHAPTER 2

Penulis: JacqueAuthor
Hindi man lang ako humarap sa pinagmulan ng boses na iyon. Pakiramdam ko ay naging bato ako.Dapat, umasa akong mangyayari ang sandaling ito, dahil tapos na ang lahat sa amin limang taon na ang nakakalipas. Siyempre, may asawa na siya. Inisip ko ba talagang hihintayin niya ako sa buong buhay niya?

Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa aking natuklasan. Hindi pa rin ako handa sa sakit na bumabalot sa akin nang marinig kong may kapalit na ako sa buhay niya, may asawa na siya, at may sarili nang pamilya.

Pakiramdam ko ay maiiyak ako.

Hindi sumagot si Rain. Tumitig lang siya sa akin habang nakatayo lang ako roon. Para akong napako sa aking kinatatayuan.

Bigla na lang siyang sumigaw. "Lumabas kayong lahat!"

Ang tunog ng boses niya, ang siyang kapangyarihan doon—parang may matinding galit, puno ng poot at gigil. Dahil doon, hindi ko mapigilang mapatakbo ng mabilis patungo sa pinto.

Pero pinatigil niya ako. Pinigilan niya ang aking pag galaw.

"Hindi ka kasali," sabi niya.

"Lahat kayo, lumabas,maliban sa kanya," pagpapatuloy niya.

Nakatayo ang lahat, saka isa isang umalis, at sa isang iglap ay nawalan ng tao ang buong silid.

Naiwan akong nakatayo roon, nakatitig sa kanya habang nakatitig din siya sa akin nang walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha.

Hindi ko alam kung paano magre-react. Sobrang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin niya sa pagpapaiwan niya sa akin.

Limang taon na ang nakalipas. May asawa na siya. Nakamove-on na siya. Walang dahilan para isipin kong galit pa rin siya sa akin, o may sama pa rin siya ng loob sa nangyari noong mga nakaraang taon.

Tinititigan ko siya ngayon, at nakikita kong lalo siyang naging kaakit-akit, mas guwapo, at mas matipuno ang katawan sa paglipas ng panahon. Ang lalaking nakilala ko noon ay wala na.

Ang Rain na minahal ko ay may pilyo't natatanging karisma, may wild at mapang akit na mga mata. Noong minamahal ko siya, batang bata pa ang kanyang hitsura. At ngayon—ngayon ay mukha na siyang matured, mas guwapo, at mas kahali halinang anyo.

Napakasexy niya...

Makikita ito sa paraan ng kanyang paglakad, at sa ma-awtoridad na paraan ng kanyang pagsasalita. Ang tinig pa lang niya, ay makapangyarihan na.

Mas pinatibay ang kanyang awra ng mamahaling suit na kanyang suot, at kung paano tumigas ang linya ng kanyang panga sa paglipas ng panahon.

Ito ang mas magandang version niya. At sa paanong paraan, na hindi ko maipaliwanag, mas lalo pang naging mahirap arukin ang kanyang isipan.

Tumatanda siya na parang mamahaling alak. Alam ko namang lalo siyang guguwapo sa bawat araw. Masama lang ang loob ko na hindi na ako ang babae para sa kanya.

Nakatitig pa rin si Rain sa akin, wala siyang sinasabi, at hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Nagdesisyon akong piliin ang mas tahimik at mas madaling paraan para makalabas. Mabilis na lumabas ang mga salita sa bibig ko...

"Kumusta ka na, Rain. Matagal na rin nung huli tayong nagkita, 'di ba? Limang taon ba 'yun, o apat? Mukhang okay na okay ka na ah? Kumusta ang buhay mo?"

Nakatitig lang siya sa akin. Natagpuan ko ang sarili kong nagpapatuloy sa pagsasalita, kahit mukhang hindi naman siya nakikinig.

"Big Boss ka na pala ngayon. Ang galing mo naman. Congratulations. Kailan nangyari 'yun?"

Itaas niya ang kanyang isang kilay.

"Oo, hindi na ako kasama sa mundong iyon, pero natutuwa akong nakamove-on ka na. May asawa ka na at lahat. Ang ganda niyan. Masaya ako na masaya ka."

Hindi ko alam kung bakit patuloy ako sa pagsasalita.

Nakatitig pa rin siya sa akin, at nagsisimula na akong pawisan ng malamig. Pumasok ang isang kaisipan sa akin—marahil ay hindi man lang niya ako nakikilala. Marahil ay naawa lang siya nang hawakan ako ng mga tao niya o ng mga kakilala niya. Sa tingin ko ay hindi niya ako naaalala. Mukhang hidi niya ako natatandaan.

Natawa ako ng ilang beses dahil sa iniisip kong iyon. "Siguro hindi mo na ako naaalala... Pero salamat sa pagtulong sa akin kanina. Sa pagsaway mo sa kanila nung binabastos nila ako. Kung hindi mo ikagagalit, kukunin ko lang ang order mo."

Tatalikod na sana ako para umalis nang tumayo siya. Naramdaman kong napako ako sa kinaroroonan ko habang tumatayo siya.

Matangkad. Makapangyarihan.

Napuno ng presence niya ang buong kwarto. At sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon, naramdaman ko ito—ang lakas niya.

Napakalakas ng dating niya. Napaka-controlled. Napakasexy.

Diyos ko. Naririnig ko na halos ang pagpatak ng puso ko sa kaba.

Pinagtataksilan ako ng sarili kong katawan.

Limang taon.

Limang taon akong tigang. Walang humahawak. Walang nagbibigay ng init. Walang kahit ano kundi ang mga alaala niya—ang katawan niya, ang mga kamay niya, ang bibig niya.

At ngayon, nakikita ko siya ng harapan, pinapanood siyang naglalakad patungo sa akin, alam na alam ko kung ano ang kaya niyang gawin... isang matinding pakikipaglaban ang tumayo rito at magkunwaring hindi naapektuhan sa kanyang presensiya.

Kumikilos siya nang may layunin, umaapaw sa kapangyarihan, at nang huminto siya sa harap ko, kailangan kong itingala ang aking ulo para magkatagpo ang aming mga mata. Sobrang taas niya.

Doon ko nakita—ang galit, ang apoy, ang lamig na nakatago sa madilim niyang mga mata.

Pagkatapos, lumitaw ang isang dahan-dahang ngisi sa kanyang mga labi.

"Naalala kita, Hershey Corales. Naalala kita.. Mas maliwanag pa sa sikat ng araw."

Ang boses niya ay nagdulot ng pangangatog sa buong katawan ko.

Limang taon na ang nakakalipas, nangako sa akin si Rain Romero. Nangako siyang pagsisisihan ko ang hindi ko pagtupad sa ipinangako ko. Ang pagwasak ko sa puso niya.

At ngayon, pakiramdam ko ay pumasok ako sa bitag niya.

Ang mga sumunod niyang sinabi ay napakasama. Mapang -aasar.

"Iniisip ng mga tao sa bahay na namatay ka na limang taon na ang nakakalipas. Nagluksa na ang mga magulang mo para sa iyo. Marahil ay tinatanggap na nila ang iyong pagkawala, at iniisip na kailanman ay hindi ka nag exist sa mundo."

Napalunok ako nang may diin.

Hindi ko iyon gustong gawin. Pero kailangan...

"Ang pagsunog sa bahay mo ay napakahusay," pagpapatuloy niya, ang boses niya ay matalim at nakamamatay.

"Pero kailanman ay hindi ka makakatakbo palayo sa akin, Hershey. Alam kong mahahanap kita at makakaganti ako sayo."

Agad na tumigas ang katawan ko. Ang paraan ng pagtingin niya sa akin—na may pilit at walang filter ang matinding poot... dapat ay natatakot ako.

Hindi.. natatakot talaga ako.

Dahil ngayon, may higit pa sa sarili ko ang kailangan kong isipin. May anak ako na walang ibang kilala kundi ako. Isang anak na kailangan ako. Umaasa siya sa akin.

Hindi ako pwedeng mamatay.

"Pakiusap... huwag mo akong patayin."

Lumabas ang tinig ko sa isang nangangatal na bulong, nanginginig ang boses ko, at kinikilabutan ang buo kong katawan.

Pero sa halip na sumagot, itinaas ni Rain ang isa niyang kamay. Napaatras ako at ipinikit ang aking mga mata.

Handa na akong tanggapin kung anong kaparusahan man ang nais niyang igawad sa akin..

Subalit.. Iba ang naramdaman ko. Hinawakan niya ako ng dahan-dahan, malumanay, at pakiramdam ko ay may halong paglalambing.

Hinihipo ng mga daliri niya ang kanan kong pisngi nang banayad na nagdulot ng hindi mapigilang pangangatog sa buong katawan ko.

Hindi ko alam kung takot ba itng nararamdaman ko, o pananabik. Hindi ko alam kung gusto ko itong ginagawa niya, o kaya kinikilig ako.

Isang nakakatakot na halakhak ang lumabas sa mga labi niya.. Malagong.. nakakakilabot.

"Bakit ko naman nanaising patayin ang isang taong kasing ganda mo, Hershey Corales?"

Ang boses niya ay nanunukso, may dalang panganib.

"May ganda ka talaga na nakakaakit sa mga lalaki, 'no? Maraming babaeng walang suot sa kuwartong ito, pero noong pumasok ka, nawalan agad sila ng kontrol sa kanilang mga sarili. Gusto ka nilang makuha. Gusto ka nilang angkinin."

Dahan-dahang humagod ang mga daliri niya mula sa aking panga at pilit na itiningala ang aking baba.

"Hindi nila alam na sa akin ka na."

Napalunok ako nang malalim, at parang natigil ang paghinga ko sa aking lalamunan.

Lumayo siya at maayos na umupo sa isang upuan. Binuksan niya ang mga botones ng kanyang amerikana, sumandal, at ibinukaka ang kanyang mga binti na parang isang hari... na sa tingin ko ay siya naman nga.

At pagkatapos, naging napakadelikado at nakakatakot ang boses niya.

"Mula ngayon, Hershey Corales, akin ka na. Akin ka na para maging laruan ko. Akin ka na para gawin ang kahit anong gusto ko. Ikaw ay nakalaan, para gamitin ko."

Ang mga sinabi niya ay parang sumaksak nang matindi sa aking dibdib.

"Ang katawan mo ay akin. Ang isip mo ay akin. Ang kaluluwa mo ay akin."

Ngumisi siya, at ang madilim niyang mga mata ay direktang tumitig sa akin.

"Akin ka."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 50

    Makalipas ang isang napakahabang oras, sa wakas ay tumawag si Jess."Nasa tapat na ako ng bintana mo," sabi niya.Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung alin ang bintana ng kuwarto ko, pero sana tama siya.Hindi pa ako kailanman tumakas sa bahay nang ganito.At nang bahagya kong buksan ang bintana at sumilip sa labas, parang bumaligtad ang sikmura ko.Napakataas pala.Yung tipong kapag nahulog ka, siguradong may mababaling buto sa iyo.Bahagya akong yumuko para makita siya.Naroon nga siya.Kaswal lang siyang nakatayo sa ibaba ng bahay, suot ang itim na hoodie, nakapasok ang mga kamay sa bulsa, na para bang wala siyang ibang iniintindi. Wala man lang bakas ng takot o kaba.Tahimik lang siya.Kalma.Hindi ba siya natatakot na makita siya ng mga magulang ko?O ganoon lang talaga siya katapang?Napatitig ako sa kanya, hindi sigurado sa gagawin.Tumingin din siya sa akin, pero wala man lang mabasang emosyon sa mukha niya.Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text.["Paano ako bababa?"]Bi

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 49

    Pagbalik ko sa kuwarto ko, agad akong nagsimulang maghanap ng bakas kung nasaan si Jess. Baka may pinupuntahan siyang party? Baka may nakakita sa kanya?Sa kaunting tulong ng mga kakilala ko—at dahil alam ng maraming tao ang relasyon namin ni Rain—nakuha ko rin ang tamang lokasyon.Nandoon nga siya.Mukhang siya ang may pa-party sa beach house ng ama niya, na humigit-kumulang apatnapu't limang minuto ang layo kapag hindi traffic, at halos isang oras naman kapag mabigat ang trapiko.Napaisip ako.Magbu-book na ba ako ng Grab at pupunta roon?Hindi na ako hihingi ng permiso sa mga magulang ko.Alam ko na ang isasagot nila.Hindi nila ako papayagan.Kaya kung pupunta ako, kailangan kong tumakas.Pero hindi ang pagtakas ang problema.Ang problema ay kung paano ako makakarating doon.Sa huli, nagpasya akong lakasan ang loob ko.Tinawagan ko ulit si Jess.Hindi niya sinagot.Ayos lang lang naman, inaasahan ko na iyon.Nagpadala ako ng mensahe sa kanya.["Nasaan ka?"]Wala siyang sagot.Nag

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 48

    "Hindi, hindi siya tama!" pasigaw kong sagot. Pero agad kong napagtanto ang pagkakamali ko nang makita ko ang tingin ni Papa sa akin."Pasensya ka na, Papa. Pero hindi iyon gagawin ni Rain sa akin... mahal niya ako."Tumingin lang sa akin si Papa. Puno ng awa at pag-unawa ang kanyang mga mata.Hindi niya pinansin ang pagsigaw ko at sa halip ay sinabi niya,"Dahil hindi ka masusundo ni Rain ngayon, maghanda ka na. Mahuhuli na ako. Kailangan ko nang pumasok sa trabaho at ihahatid na rin kita sa school.""Sige," sagot ko. Paalis na sana ako, pero hinawakan niya ang kamay ko at sinabi,"Sa pagkakaalam ko, nasa bahay lang si Rain. Ayos lang siya. Nasa kanya rin ang cellphone niya. Kung tinatawagan mo siya at hindi ka niya sinasagot, isipin mo na lang na isa itong senyales—isang paraan para matulungan kang pakawalan na siya."Manhid akong tumango."Pasensya ka na," sabi niya habang hinahalikan ang kamay ko. Pagkatapos ay tahimik siyang lumabas ng kuwarto ko.Nang maisara niya ang pinto, saka

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 47

    Nagising ako nang biglaan, hawak ko pa rin ang cellphone ko. Ang una kong ginawa ay tingnan ang screen nito—wala pa ring tawag. Wala ring mensahe. Wala pa ring balita mula kay Rain.Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko sa sobrang kaba.‘Dapat tumawag na siya. Natatakot na talaga ako.’Pareho naming alam kung ano ang trabaho niya. Hindi niya sinasabi sa akin ang eksaktong ginagawa niya, pero pareho naming alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya araw-araw. Delikado ang trabaho niya. Maaari siyang mapatay. Puwede siyang masugatan. Puwede rin siyang mabihag ng mga kalaban.Sa madaling salita, takot na takot ako. Takot para sa buhay niya. Iniisip ko kung ayos lang ba siya, dahil hindi pa ito kailanman nangyari. Hindi pa siya kailanman nawala nang ganito katagal nang hindi man lang nagpaparamdam sa akin.Pero bago ang lahat, dali-dali akong pumunta sa pintuan ng kuwarto ng mga magulang ko at kumatok.Walang sumagot.Binuksan ko ang pinto.Walang tao sa loob."Anong ora

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 46

    Natahimik ang buong silid.Si Mama ang unang nagsalita. Mas mahinahon na ang boses niya, pero matalim pa rin."Hershey, maging makatwiran ka naman kahit minsan. Ginagawa ko ito para sa iyo. Para sa papa mo. Oo, para rin sa sarili ko—pero para rin sa kinabukasan ng buong angkan ng Corales. Hindi ba ipinaliwanag na namin sa iyo ang lahat? Sinabi na namin ang buong katotohanan. Bakit ang tigas pa rin ng ulo mo?"Napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala."Ako ang matigas ang ulo? Matapos ang lahat ng sinabi mo?" Nanginig ang boses ko, hindi dahil sa takot kundi sa galit. "Akala ko mahal mo si Papa. Pero ngayon, nagsisimula na akong pagdudahan ang pagmamahalan ninyong dalawa. Minahal mo ba talaga siya? Kahit kailan?"Doon na nagsalita si Papa."Hershey," mahinahon niyang sabi.Humarap ako sa kanya. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Galit ako. Malungkot ako. At nasasaktan ako para sa kanya—para sa lalaking ibinigay ang buong puso at kaluluwa niya sa aming pamilya, pero kailang

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 45

    Nanatili ako sa banyo kahit matagal nang umalis si Mama. Wala naman akong ginagawa roon—ayoko lang na makasama siya sa iisang silid habang pilit niya akong kinukumbinsi na hiwalayan si Rain. Hindi mangyayari iyon.May plano ako. At sigurado akong magtatagumpay ang planong iyon. Hindi ko lang inaasahan na si Rain mismo ang magiging hadlang. Alam kong mahal niya ako. Ramdam ko iyon. Sa paraan ng paghalik niya sa akin, sa paraan ng paghawak niya sa akin, at sa paraan ng pananatili ng mga kamay niya kapag niyayakap niya ako. Akala ko sapat na iyon. Akala ko, kung gusto ko ito, gugustuhin din niya—o baka mas higit pa.Pero nag-aalinlangan siya. At iyon ang naging problema.Gayunman, nakikita kong unti-unti na siyang sumusuko sa gusto ko. Kailangan ko lang hintayin ang tamang pagkakataon—sa isang tahimik at pribadong lugar. Isang lugar na walang sinumang makagagambala sa amin.Nang sa wakas ay lumabas ako ng banyo at pumasok sa aking kuwarto, tinawagan ko siya. Hindi niya sinagot ang tawag k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status