Teilen

Taken by the Mafia Don
Taken by the Mafia Don
JacqueAuthor

CHAPTER 1

JacqueAuthor
Nahuli na naman ako sa trabaho. Hindi talaga madaling magkaroon ng apat na taong gulang na anak.

Kaninang umaga, nagising si Kiel na maysakit at napakataas ng lagnat. Hindi ko siya maipasok sa daycare o maiwan nang mag-isa, kaya humingi ako ng tulong sa kapitbahay kong si Linda. Pumayag naman siya nang ipangako kong ibibigay ko sa kanya ang mga tip na kikitain ko ngayong araw. Inabutan ko siya ng kaunting pera, at matapos iyon ay huli kong tiningnan si Kiel nang may pag-aalala, hinalikan siya, at mabilis na tumakbo palabas ng pinto.

Sa sandaling pumasok ako sa restaurant, naramdaman ko agad na may kakaiba ngayong araw. May matinding tensyon sa paligid na hindi ko maipaliwanag. Kakapasok ko pa lang sa kuwarto sa likod para magpalit ng aking uniform nang biglang lumitaw ang manager.

"Nasaan ka na ba, Hershey?" sigaw niya.

Kailanman ay hindi siya nagtataas ng boses o sumisigaw. Laging kalmado iyon kahit stressed. Pero ngayon, mukha siyang balisa—at natataranta pa.

Napalunok ako nang malalim.

Hindi naging madali ang pagkuha ko sa trabahong ito. Hindi ito basta-basta restaurant lang—isa itong sikat at mamahaling lugar na halos imposibleng mapagtrabahuhan ng kung sino lang. Ang tanging dahilan kung bakit ako nakapasok dito ay dahil kay Dean. Nakilala ko siya sa isang delikadong sitwasyon at iniligtas ko siya sa kalsada noong kailanganin niya ng tulong. Nang itanong niya kung ano ang maihahandog niya bilang kapalit ng aking kabutihan, ang hiniling ko sa kanya ay trabaho.

High school lang ang natapos ko at isang taon at kalahati lang ang naabot ko sa kolehiyo bago ako napilitang huminto. Kaya kailangan kong tanggapin ang kahit anong trabaho—dalawa, minsan tatlo pa sa isang araw—para lang mabuhay si Kiel.

Totoo ang sinasabi nila: mula sa marangyang buhay patungo sa wala. Iyan mismo ang kuwento ng buhay ko.

At iyon ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng matanggal sa trabahong ito.

"Bilisan mo, Hershey. Mahalaga ang araw na ito at hindi tayo maaaring pumalpak o magkamali," galit na sabi ni Dean. "Kailangan kita sa opisina ko. Ngayon na."

"Opo, Manager. Pangako, mabilis lang akong magbibihis."

"At mag-ayos ka ng sarili mo," dagdag pa niya bago tumalikod at lumakad palayo.

Nagsuot ako ng aking uniform sa pinakamabilis na oras, inayos ang buhok gamit ang mga daliri, at naglagay ng kaunting makeup para magmukhang maayos. Pagkatapos ay patakbo akong pumunta sa opisina niya habang mabilis ang tibok ng aking puso.

Pagpasok ko, nakita ko siyang seryosong nakikipag-usap sa dalawang lalaking hindi ko pa nakikita kailanman. Walang makikitang emosyon sa mga mukha nila. Nagpalitan sila ng ilang huling salita bago tumango kay Dean at lumabas.

"Isara mo ang pinto," utos agad niya sa akin nang makalabas ang dalawa.

Ginawa ko ang sinabi niya, at diretso niyang sinabi, "Kailangang ikaw ang magsilbi sa VIP room na nasa kabilang palapag."

Napakunot ang noo ko. Matagal-tagal na ako rito, pero kailanman ay hindi ako pinapunta roon. "Sa exclusive VIP room po?"

"Oo," mabilis niyang sagot. "Ayusin mo ang pagsisilbi doon—huwag ka nang magtanong ng kahit ano pa. Gawin mo lang ang trabaho mo."

May kakaiba sa boses niya. Balisa. Nagmamadali. "Mukhang balisa po ang mga tao ngayon," puna ko. “Ano po bang nangyayari?”

"Wala ka nang pakialam doon. Magpokus ka lang sa trabaho. Magaling ka sa ginagawa mo, matagal ka na rito, maayos ka tingnan, at may lakas ka ng loob. Pero makinig ka nang mabuti sa akin, Hershey." Bumaba ang boses niya. "Pag-akyat mo roon, maging estatwa ka. Maging multo ka. Iwasan mo ang maging masyadong usisera."

Nakaramdam ako ng matinding lamig sa aking likod.

"Huwag mong papakinggan ang sinasabi nila. Huwag kang titingin sa mga mata nila. Wala kang makikitang tao. Wala kang maririnig. Kukuha ka ng order. Magsisilbi ka. Lalabas ka. Naintindihan mo?"

Napalunok ako ng malalim. "Opo, Manager. Naintindihan ko."

"Mabuti. Si Helga sana ang naka-assign doon, pero nagkaroon siya ng matinding takot na pumunta. Kaya ikaw muna ang hahalili sa kanya." Seryoso ang tingin niya sa akin. "Magpakatatag ka, Hershey."

Tumango ako at lumabas, lalong tumitindi ang kaba ko sa bawat hakbang patungo sa VIP room.

Nang buksan ko ang pinto, nahinto ang paghinga ko.

Puno ang silid. Nakaupo ang mga lalaki sa mga mamahaling sofa, nakakandong sa kanila ang mga babaeng humahawak sa kung saan-saang parte ng kanilang katawan. Ang ilan ay nag-uusap ng mahina. Ang ilan ay naghahalikan. Masyadong mabigat ang hangin dahil sa isang bagay na hindi ko matukoy—pero pamilyar sa akin ang mundong ito.

Dati, kasama ako sa ganitong mundo. At nangako ako sa sarili kong hindi na ako babalik kailanman.

Ipinaalala ko sa sarili ko ang bilin ni Dean. ‘Wala kang nakikita. Wala kang naririnig.’

‘Magsilbi ka lang at lumabas.’

Pumasok ako sa kuwarto, kinokolekta ang mga bakanteng bote at baso, at pinapalitan ng mga bago. Hindi ako tumitingin sa mga mata nila. Hindi ako nagtagal. Pero kilala ko kung sino sila. Nakakakita ako ng mga tattoo, mga mamahaling suit, at ang dating nila—mga Mafia talaga sila.

Kumuha ako ng mga order habang nakatungo ang ulo, nagkukunwaring hindi naririnig ang mga bulungan at ang mga kasunduang ginagawa sa mahinang usapan lang.

At doon ko naramdaman ang isang kamay sa aking puwet.

Kusa akong kumilos nang hindi nag-iisip. Tinampal ko ang kamay niya palayo.

Umugong ang tawanan. Pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko na parang walang nangyari. Nakuha ko na ang lahat ng order kaya tumalikod ako para lumabas, pero bago ko magawa iyon, may humawak sa aking pulso.

"Saan ka pupunta, magandang dilag?" mahinang bulong ng isang lalaki na parang natutuwa pa. "Ayaw mo bang mag-enjoy muna?"

Hindi ako tumingin sa mata niya. Pinanatili kong pormal ang boses ko. "Kukunin ko lang po ang mga order ninyo." Sinubukan kong hilahin ang aking braso pero lalong humigpit ang hawak niya.

Naglabas siya ng makapal na bungkos ng pera, kumuha ng ilang papel, at itinapon sa dibdib ko.

"Ang perang ito ay mapapakain ka na ng isang taon," ngumisi siya. "Ano, pumapayag ka ba? Bakit hindi natin ituloy ito sa banyo para matapos agad?"

Bumaliktad ang sikmura ko na parang gusto kong maduwal, pero pinilit kong huwag ipakita sa mukha ko kung ano ang aking nararamdaman. Kailangan ko ang trabahong ito. Kailangan ko lang itong tiisin nang ilang oras.

"Salamat po, pero nagtatrabaho po ako ngayon," sabi ko nang buong tatag at pinilit na hindi magpakita ng takot.

Hinawakan naman ng isa pang lalaki ang bisig ko at pilit akong hinahatak papunta sa kandungan niya. Lumaban ako sa kanya habang mabilis ang tibok ng puso ko. Nagtatawanan sila sa paligid, kitang-kitang natutuwa sila sa pagpapahiya sa akin.

At pagkatapos—

"Tigil!"

Isang salita lang ang pumutol sa ingay—mababa, matipuno, at makapangyarihan.

Natahimik ang buong kuwarto. Agad na nawala ang tawanan at parang napipi ang lahat ng naroroon.

At sa unang pagkakataon, iniangat ko ang aking mga mata. Tumama ang tingin ko sa lalaking nasa dulo ng lamesa.

Diyos ko. Natulala ako.

Kailanman ay hindi ko naisip—kahit sa panaginip—na mahuhuli ako ng aking nakaraan. Na makikita ko siyang muli. Hindi ganito kaaga. Hindi rito.

Pero narito siya.

Nakatayo ako roon, hindi makagalaw, at walang maiproseso ang utak ko. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam ang sasabihin.

Tumawa nang bahagya ang lalaking humahawak sa pulso ko, walang kaalam-alam sa gulo sa isip ko.

"Ano 'yun, Big Boss? Pinapasaya ko lang ng kaunti ang sarili ko. Hindi ko naman siya pinipilit. Gusto rin naman niya ang ginagawa ko."

May isa pang boses na sumali, nang-aasar. "Oo nga, ano bang problema? Isa ba siya sa mga babae mo?"

Napaatras ako sa salitang iyon.

At pagkatapos—

"Sa katunayan," sabi niya sa malamig at malumanay na boses. "Akin nga siya."

Napatid ang paghinga ko.

Hindi ako makagalaw sa gulat, pero hindi pa siya tapos. Bahagya siyang yumuko at itinitig ang kanyang mga mata sa akin.

"Laruan ko siya," pagpapatuloy niya. "At ayaw na ayaw kong may ibang naglalaro sa mga laruan ko."

Mabilis na nawala ang humahawak sa pulso ko na parang napaso sa akin. Napaatras ang lalaki habang nakataas ang dalawang kamay, namumutla ang mukha.

"P-Patawad, Big Boss. Patawad po. Hindi na mauulit. Hindi ko po alam—"

‘Big Boss’

Mabilis ang pagtibok ng puso ko sa aking dibdib. Siya ang Big Boss?

Mabilis na umakyat ang aking dugo sa aking tainga. Paano? Ano ang nangyari sa tatay niya? Paano siya naging Big Boss?

Isang mahinang tawa ang pumutol sa magulong iniisip ko. "Hindi magugustuhan ng French mong asawa ang ginagawa mo. Maganda pa naman 'yun."

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 50

    Makalipas ang isang napakahabang oras, sa wakas ay tumawag si Jess."Nasa tapat na ako ng bintana mo," sabi niya.Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung alin ang bintana ng kuwarto ko, pero sana tama siya.Hindi pa ako kailanman tumakas sa bahay nang ganito.At nang bahagya kong buksan ang bintana at sumilip sa labas, parang bumaligtad ang sikmura ko.Napakataas pala.Yung tipong kapag nahulog ka, siguradong may mababaling buto sa iyo.Bahagya akong yumuko para makita siya.Naroon nga siya.Kaswal lang siyang nakatayo sa ibaba ng bahay, suot ang itim na hoodie, nakapasok ang mga kamay sa bulsa, na para bang wala siyang ibang iniintindi. Wala man lang bakas ng takot o kaba.Tahimik lang siya.Kalma.Hindi ba siya natatakot na makita siya ng mga magulang ko?O ganoon lang talaga siya katapang?Napatitig ako sa kanya, hindi sigurado sa gagawin.Tumingin din siya sa akin, pero wala man lang mabasang emosyon sa mukha niya.Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text.["Paano ako bababa?"]Bi

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 49

    Pagbalik ko sa kuwarto ko, agad akong nagsimulang maghanap ng bakas kung nasaan si Jess. Baka may pinupuntahan siyang party? Baka may nakakita sa kanya?Sa kaunting tulong ng mga kakilala ko—at dahil alam ng maraming tao ang relasyon namin ni Rain—nakuha ko rin ang tamang lokasyon.Nandoon nga siya.Mukhang siya ang may pa-party sa beach house ng ama niya, na humigit-kumulang apatnapu't limang minuto ang layo kapag hindi traffic, at halos isang oras naman kapag mabigat ang trapiko.Napaisip ako.Magbu-book na ba ako ng Grab at pupunta roon?Hindi na ako hihingi ng permiso sa mga magulang ko.Alam ko na ang isasagot nila.Hindi nila ako papayagan.Kaya kung pupunta ako, kailangan kong tumakas.Pero hindi ang pagtakas ang problema.Ang problema ay kung paano ako makakarating doon.Sa huli, nagpasya akong lakasan ang loob ko.Tinawagan ko ulit si Jess.Hindi niya sinagot.Ayos lang lang naman, inaasahan ko na iyon.Nagpadala ako ng mensahe sa kanya.["Nasaan ka?"]Wala siyang sagot.Nag

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 48

    "Hindi, hindi siya tama!" pasigaw kong sagot. Pero agad kong napagtanto ang pagkakamali ko nang makita ko ang tingin ni Papa sa akin."Pasensya ka na, Papa. Pero hindi iyon gagawin ni Rain sa akin... mahal niya ako."Tumingin lang sa akin si Papa. Puno ng awa at pag-unawa ang kanyang mga mata.Hindi niya pinansin ang pagsigaw ko at sa halip ay sinabi niya,"Dahil hindi ka masusundo ni Rain ngayon, maghanda ka na. Mahuhuli na ako. Kailangan ko nang pumasok sa trabaho at ihahatid na rin kita sa school.""Sige," sagot ko. Paalis na sana ako, pero hinawakan niya ang kamay ko at sinabi,"Sa pagkakaalam ko, nasa bahay lang si Rain. Ayos lang siya. Nasa kanya rin ang cellphone niya. Kung tinatawagan mo siya at hindi ka niya sinasagot, isipin mo na lang na isa itong senyales—isang paraan para matulungan kang pakawalan na siya."Manhid akong tumango."Pasensya ka na," sabi niya habang hinahalikan ang kamay ko. Pagkatapos ay tahimik siyang lumabas ng kuwarto ko.Nang maisara niya ang pinto, saka

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 47

    Nagising ako nang biglaan, hawak ko pa rin ang cellphone ko. Ang una kong ginawa ay tingnan ang screen nito—wala pa ring tawag. Wala ring mensahe. Wala pa ring balita mula kay Rain.Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko sa sobrang kaba.‘Dapat tumawag na siya. Natatakot na talaga ako.’Pareho naming alam kung ano ang trabaho niya. Hindi niya sinasabi sa akin ang eksaktong ginagawa niya, pero pareho naming alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya araw-araw. Delikado ang trabaho niya. Maaari siyang mapatay. Puwede siyang masugatan. Puwede rin siyang mabihag ng mga kalaban.Sa madaling salita, takot na takot ako. Takot para sa buhay niya. Iniisip ko kung ayos lang ba siya, dahil hindi pa ito kailanman nangyari. Hindi pa siya kailanman nawala nang ganito katagal nang hindi man lang nagpaparamdam sa akin.Pero bago ang lahat, dali-dali akong pumunta sa pintuan ng kuwarto ng mga magulang ko at kumatok.Walang sumagot.Binuksan ko ang pinto.Walang tao sa loob."Anong ora

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 46

    Natahimik ang buong silid.Si Mama ang unang nagsalita. Mas mahinahon na ang boses niya, pero matalim pa rin."Hershey, maging makatwiran ka naman kahit minsan. Ginagawa ko ito para sa iyo. Para sa papa mo. Oo, para rin sa sarili ko—pero para rin sa kinabukasan ng buong angkan ng Corales. Hindi ba ipinaliwanag na namin sa iyo ang lahat? Sinabi na namin ang buong katotohanan. Bakit ang tigas pa rin ng ulo mo?"Napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala."Ako ang matigas ang ulo? Matapos ang lahat ng sinabi mo?" Nanginig ang boses ko, hindi dahil sa takot kundi sa galit. "Akala ko mahal mo si Papa. Pero ngayon, nagsisimula na akong pagdudahan ang pagmamahalan ninyong dalawa. Minahal mo ba talaga siya? Kahit kailan?"Doon na nagsalita si Papa."Hershey," mahinahon niyang sabi.Humarap ako sa kanya. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Galit ako. Malungkot ako. At nasasaktan ako para sa kanya—para sa lalaking ibinigay ang buong puso at kaluluwa niya sa aming pamilya, pero kailang

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 45

    Nanatili ako sa banyo kahit matagal nang umalis si Mama. Wala naman akong ginagawa roon—ayoko lang na makasama siya sa iisang silid habang pilit niya akong kinukumbinsi na hiwalayan si Rain. Hindi mangyayari iyon.May plano ako. At sigurado akong magtatagumpay ang planong iyon. Hindi ko lang inaasahan na si Rain mismo ang magiging hadlang. Alam kong mahal niya ako. Ramdam ko iyon. Sa paraan ng paghalik niya sa akin, sa paraan ng paghawak niya sa akin, at sa paraan ng pananatili ng mga kamay niya kapag niyayakap niya ako. Akala ko sapat na iyon. Akala ko, kung gusto ko ito, gugustuhin din niya—o baka mas higit pa.Pero nag-aalinlangan siya. At iyon ang naging problema.Gayunman, nakikita kong unti-unti na siyang sumusuko sa gusto ko. Kailangan ko lang hintayin ang tamang pagkakataon—sa isang tahimik at pribadong lugar. Isang lugar na walang sinumang makagagambala sa amin.Nang sa wakas ay lumabas ako ng banyo at pumasok sa aking kuwarto, tinawagan ko siya. Hindi niya sinagot ang tawag k

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status