แชร์

CHAPTER 3

ผู้เขียน: JacqueAuthor
Umiling iling ako.

Hindi…

Paulit-ulit akong umiling, pilit na inilalagay sa isip na ang sandaling ito ay isa lamang masamang panaginip.

Pero pinapanood lang ako ni Rain, ang mga labi niya ay nagpapakita ng isang nakakatakot at malamig na ngisi. Ang kanyang mga mata ay kumikislap sa tuwa habang pinagmamasdan niya ang panginginig ko sa harapan niya.

Hindi siya nagsasalita. Pinapanood lang ako. Para siyang isang hayop na naglalaro sa kanyang huli.

Sinusubukan kong intindihin ang mga sinabi niya, pero hindi sila nagkakatugma. Walang saysay ang mga ito. Magkaiba ang iniisip ko sa mga sinasabi niya.

"Pero may asawa ka na," bulong ko, nanginginig ang boses ko. "Nakamove-on ka na. Ano pa ba ang pinagsasasabi mo? Hindi ko naiintindihan."

Tumawa siya nang mahina at malamig, ang kanyang pang-aasar ay parang patalim na tumatagos sa akin.

"Mukhang natangay ka ng sarili mong emosyon, Hershey," ang boses niya ay nanunukso at napakasama.

"Kailanman ay hindi ko sinabing mahal kita. Kailanman ay hindi ko sinabing papakasalan kita. Kailanman ay hindi ko sinabing may halaga ka sa akin."

Napatigil ang paghinga ko.

"Ang sinabi ko," pagpapatuloy niya, na may kasamang matinding lason sa boses, "ay laruan kita. Gagamitin kita hanggang sa wala ng maiwan sa iyo. Hanggang sa hindi mo na kilala ang sarili mo. Hanggang sa wala nang makakilala sa iyo."

Yumuko siya ng bahagya, ang mga siko niya ay nakapatong sa kanyang mga tuhod habang ang madilim niyang tingin ay direktang nakatitig sa akin.

"Masisiyahan akong sirain ang bawat bahagi mo. Gutay tayin at pira pirasuhin ka gamit ang aking mga kamay."

Nagsimulang sumabog ang mga luha sa aking mga mata. Sumara ang aking lalamunan, pero pinilit kong magsalita kahit ang tinig na lumalabas ay parang ungol na lamang.

"Pakiusap, huwag mo akong saktan, Rain," pagmamakaawa ko. "Ilang taon na ang nakakalipas. Nakamove-on ka na. May pamilya ka na ngayon. Masaya ka na. Pakiusap... kalimutan mo na lang ako. Patawad..."

Isa ulit masamang halakhak ang kanyang pinakawalan.

"Bakit ko naman gagawin 'yun?" Itinaas niya ang kanyang ulo, ang kanyang mukha ay madilim.

"Ako, si Rain Romero, mula sa Romero Empire, ay isang lalaking may isang salita. Kailanman ay hindi ko binabawi ang mga nasabi ko na. At limang taon na ang nakakalipas, nangako akong ipaparamdam ko sa iyo na pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin."

Lalong bumaba at lumamig ang boses niya. "At plano kong tuparin ang pangakong iyon. Hanggang sa dulo."

Sumandal siyang muli, napakapayapa ng kanyang ayos.

"Dapat alam mo na ngayon, Hershey, kailanman ay hindi ako natatalo at kailanman ay hindi ako sumusuko. Kahit kailan."

"Pero ako... ilang taon na, inakala ko..."

"Hershey, limang taon na ang nakakalipas, inakala mong magagawa mong paglaruanang isang Rain Romero. Limang taon na ang nakakalipas, inakala mong magagawa mong paglaruan ang mga emosyon ko. At natatapos 'yun ngayon. Dumating ako para maningil."

Pakiramdam ko ay nasasakal ako sa sarili kong mga iniisip.

"Inakala kong tumakbo ka para sa mas magandang buhay," pagpapatuloy niya nang may pang-aasar. "Hindi ko inaasahang magsusuot ka ng ganitong basahan at mabubuhay sa mga tip. Ano ang nangyari kay Prinsess Hershey? Ang babaeng makukuha ang kahit ano? Ang babaeng inakalang magagawa ang lahat? Ang buhay sa labas na walang suporta ng pamilya ay hindi pala madali, 'no?"

Wala akong magawa kundi umiyak, hinahayaang pumatak ang mga luha kong malayang naglalandas sa aking pisngi.

Tumayo siyang muli at naglakad patungo sa akin. Dahan-dahan. May tiyak na layunin. Nang makarating siya sa aking harapan, inangat niya ang isang kamay at pinunasan ang luha sa kaliwa kong pisngi. Napaatras ako ng bahagya, subalit hindi ako lumayo.

Pagkatapos niyang punasan ang aking luha gamit ang kanyang daliri, ipinasok niya ito sa kanyang bibig saka sinipsip at lumunok.

"Gusto ko ang lasa ng mga luha mo," bulong niya. "Marami pang pag-iyak ang mangyayari sa iyo sa hinaharap."

Ang boses niya ay kalmado, halos malumanay. Subalit puno ng lason ang kanyang boses. Mas lalo lang nitong pinalala ang lahat.

"Ngayong nasa mga kamay na kita, walang katapusan ang mga bagay na magagawa ko sa iyo."

Sumabog ang takot sa loob ko. Si Kiel.

Naisip ko ang anak ko. Ang baby ko. Kailangan niya ako. Kailangan kong mabuhay.

Pinilit kong maglagay ng sapat na lakas sa aking boses. "Hindi na ako kabilang sa Emperyo ng aking pamilya. Umalis ako ilang taon na ang nakakalipas, at hindi na ako babalik."

Huminga ako ng malalim at bahagyang naginginig ang aking tinig ng muli akong magsalita. "Ang nangyari noon... hindi ko iyon sinasadya... bata pa ako noon. Hindi na ako ang taong iyon. Nagbago na ako. Kaya pakiusap, hayaan mo na akong umalis."

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

Pagkatapos—tumawa siya. Malalim. Nakakatakot, at natutuwa ng hidi naman bukal sa kanyang kalooban.Ipinalakpak niya ang kanyang mga kamay. Dahan dahan.. Na parang isang tugtog. Isang nang-aasar napagpalakpak na parang isang sampal sa akin.

"Napakagandang drama naman niyan," sabi niya nang may pang-aasar. "Ngayon... Lumuhod ka."

Ang boses niya ay puno ng pag uutos, kapangyarihan, at pagpapakita ng awtoridad.

Natulala ako. Nakikipaglaban ang isip ko sa sarili nito. May bahagi sa akin na gustong sumunod, pero—bakit ako luluhod?

Papatayin ba niya ako? Lumabas ang isip na iyon sa aking mga labi bago ko pa man mapigilan.

"Papatayin mo ba ako?"

Tumawa siya.Isang tawang puno ng pang uuyam at galit. Humawak ang kanyang mga daliri sa mga hibla ng aking buhok, pinaglalaruan niya ito nang walang kagana gana, tulad ng isang pusa na naglalaro sa isang nakakulong na daga.

"Bakit ko naman gugustuhing patayin ka? Lalo na sa ganitong klaseng lugar?" Tawang tawa ang kanyang boses. "Ibig kong sabihin, isipin mo ang lahat ng abalang dadaanan ko—ang pagtatakip sa lahat, ang pakikipag-usap sa staff ng restaurant, ang paglilinis. Sobrang nakakaabala iyon. At hindi ka karapat-dapat doon. Wala kang karapatang abalahin ako."

Yumuko siya, ang kanyang mainit na paghinga ay dumadampi sa balat ko habang bumubulong siya, "Puwede kitang kunin na lang dito, tapusin ka sa labas, at ipakain sa mga aso ko."

Dumaloy sa akin ang labis na takot, na naging dahilan ng aking pangangatog. Nanlaki ang aking mga mata habang humahalakhak siya.

Pagkatapos—ganoon na lang—nagbago muli ang kanyang mukha. Bumalik iyon sa pagiging malamig, na tila ba walang pakialam.

"Lumuhod ka. Bilisan mo na.. Wag mo akong paghintayin.."

Nag-alinlangan ako nang ilang segundo bago dahan-dahang lumuhod. Ano pa bang pagpipilian ko?

Tumingin siya sa akin mula sa taas, pinaglalaruan ang buhok ko, hinahawakan ang mukha ko, pinadadausdos ang kanyang mga daliri sa aking mga labi na parang sinusubukan niya ako. Ginagawa niya akong laruan.

Bumaliktad ang sikmura ko sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya.

Dahil sa matinding takot, bumulong ako sa wakas, "Ano ang gusto mo, Rain? Ano ang kailangan kong gawin, upang makalaya ako sa iyo?"

Pinisil niya ang baba ko, pilit niya akong pinapatingala upang magtama ang aming mga mata.

"Maraming bagay ang gusto kong gawin sa iyo, Hershey." Ang boses niya ay mababa, malumanay. Pero ang mga salitang iyon ay mas malalim ang hiwa sa aking puso.

"Gusto ko ang lahat sa iyo." Lalong lumapit ang mukha niya, humihigpit ang hawak niya sa aking baba.

"At kailanman ay hindi kita papakawalan. Hindi hanggang sa huling paghinga ko o sa huling paghinga mo. Dahil ikaw..."

Ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. "Akin ka. Ikaw.. ay akin lamang.."

Isang paghikbi ang pumutok mula sa aking lalamunan. "Hindi ko naiintindihan!" iyak ko, pinatatag ang boses ko. "Ano ang gusto mo sa akin?"

Isang dahan-dahang ngisi ang lumitaw sa kanyang mga labi.

"Ikaw, Hershey." Ang boses niya ay napakasama. "Magiging isa ka lang sa mga babaeng gagamitin ko, at paglalaruan."

Itinaas niya ang kanyang ulo, pinapanood ako na parang isang hayop na ninanamnam ang kanyang huli. "Kaya... congratulations. Para kang nanalo sa lotto, alam mo kung bakit? Dahil nakuha mo muli ang aking atensiyon."

Tumingin ako sa kanya, ang mga mata ko ay puno ng takot.

"Ano? Hindi. Kailanman!" Ang boses ko ay nanginginig pero matatag. "Kailanman ay hindi ako magiging ganoon. Hindi ako mabibilang sa mga babaeng sinasabi mo. Marami na akong pinagdaanan. Marami na akong hirap na sinuong. At kailanman ay hindi ako bumaba nang ganoon kababa. Hindi ako naging bayarang babae! Hindi kanino man, kahit para sa iyo." Paulit-ulit akong umiiling.

Mukhang natutuwa siyang lalo sa kanyang mga naririnig. Ang kislap sa kanyang mga mata, ay parang tumitingin sa isang bihag na wala ng magagawa para makalaya. Sa aming katayuan, kitang kita ang malaking pagkakaiba—ako, nakaluhod na parang alipin, at siya, nakatayo ng mataas ng may kapangyarihan.

Ipinahid niya ang kanyang mga daliri sa aking mga labi, dahan-dahan at parang sinusukat ang laki niyon. "Wala kang ibang pagpipilian."

Ang boses niya ay kalmado, pero may isang bagay na nakakatakot sa ilalim.

"Mula ngayon,hidi ka na maaaring mangatwiran. Ang sinasabi ko ang masusunod." Itinaas niya ang kanyang ulo, pinapanood ako, naghihintay sa reaksyon ko.

"Kapag nalaman ng pamilya mo ang ginawa mo—kapag nalaman nilang ginawa mong katawa-tawa ang pamilya niyo, na sinadya mong sirain ang bahay ng pamilya mo para lang makatakas ka..." Huminto siya, pinag-aaralan ako. Pagkatapos, bumaba ang boses niya, nang-aasar. "At para saan nga ba? Ano nga ba ang ginagawa mo sa mga nakaraang taon na lumipas, Hershey? Ano ang layunin ng lahat ng dramang iyon...?"

Umiling ako, ang paghinga ko ay bumara sa aking lalamunan.

Hindi ko masasabi sa kanya.

Hindi ko gagawin.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 50

    Makalipas ang isang napakahabang oras, sa wakas ay tumawag si Jess."Nasa tapat na ako ng bintana mo," sabi niya.Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung alin ang bintana ng kuwarto ko, pero sana tama siya.Hindi pa ako kailanman tumakas sa bahay nang ganito.At nang bahagya kong buksan ang bintana at sumilip sa labas, parang bumaligtad ang sikmura ko.Napakataas pala.Yung tipong kapag nahulog ka, siguradong may mababaling buto sa iyo.Bahagya akong yumuko para makita siya.Naroon nga siya.Kaswal lang siyang nakatayo sa ibaba ng bahay, suot ang itim na hoodie, nakapasok ang mga kamay sa bulsa, na para bang wala siyang ibang iniintindi. Wala man lang bakas ng takot o kaba.Tahimik lang siya.Kalma.Hindi ba siya natatakot na makita siya ng mga magulang ko?O ganoon lang talaga siya katapang?Napatitig ako sa kanya, hindi sigurado sa gagawin.Tumingin din siya sa akin, pero wala man lang mabasang emosyon sa mukha niya.Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text.["Paano ako bababa?"]Bi

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 49

    Pagbalik ko sa kuwarto ko, agad akong nagsimulang maghanap ng bakas kung nasaan si Jess. Baka may pinupuntahan siyang party? Baka may nakakita sa kanya?Sa kaunting tulong ng mga kakilala ko—at dahil alam ng maraming tao ang relasyon namin ni Rain—nakuha ko rin ang tamang lokasyon.Nandoon nga siya.Mukhang siya ang may pa-party sa beach house ng ama niya, na humigit-kumulang apatnapu't limang minuto ang layo kapag hindi traffic, at halos isang oras naman kapag mabigat ang trapiko.Napaisip ako.Magbu-book na ba ako ng Grab at pupunta roon?Hindi na ako hihingi ng permiso sa mga magulang ko.Alam ko na ang isasagot nila.Hindi nila ako papayagan.Kaya kung pupunta ako, kailangan kong tumakas.Pero hindi ang pagtakas ang problema.Ang problema ay kung paano ako makakarating doon.Sa huli, nagpasya akong lakasan ang loob ko.Tinawagan ko ulit si Jess.Hindi niya sinagot.Ayos lang lang naman, inaasahan ko na iyon.Nagpadala ako ng mensahe sa kanya.["Nasaan ka?"]Wala siyang sagot.Nag

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 48

    "Hindi, hindi siya tama!" pasigaw kong sagot. Pero agad kong napagtanto ang pagkakamali ko nang makita ko ang tingin ni Papa sa akin."Pasensya ka na, Papa. Pero hindi iyon gagawin ni Rain sa akin... mahal niya ako."Tumingin lang sa akin si Papa. Puno ng awa at pag-unawa ang kanyang mga mata.Hindi niya pinansin ang pagsigaw ko at sa halip ay sinabi niya,"Dahil hindi ka masusundo ni Rain ngayon, maghanda ka na. Mahuhuli na ako. Kailangan ko nang pumasok sa trabaho at ihahatid na rin kita sa school.""Sige," sagot ko. Paalis na sana ako, pero hinawakan niya ang kamay ko at sinabi,"Sa pagkakaalam ko, nasa bahay lang si Rain. Ayos lang siya. Nasa kanya rin ang cellphone niya. Kung tinatawagan mo siya at hindi ka niya sinasagot, isipin mo na lang na isa itong senyales—isang paraan para matulungan kang pakawalan na siya."Manhid akong tumango."Pasensya ka na," sabi niya habang hinahalikan ang kamay ko. Pagkatapos ay tahimik siyang lumabas ng kuwarto ko.Nang maisara niya ang pinto, saka

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 47

    Nagising ako nang biglaan, hawak ko pa rin ang cellphone ko. Ang una kong ginawa ay tingnan ang screen nito—wala pa ring tawag. Wala ring mensahe. Wala pa ring balita mula kay Rain.Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko sa sobrang kaba.‘Dapat tumawag na siya. Natatakot na talaga ako.’Pareho naming alam kung ano ang trabaho niya. Hindi niya sinasabi sa akin ang eksaktong ginagawa niya, pero pareho naming alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya araw-araw. Delikado ang trabaho niya. Maaari siyang mapatay. Puwede siyang masugatan. Puwede rin siyang mabihag ng mga kalaban.Sa madaling salita, takot na takot ako. Takot para sa buhay niya. Iniisip ko kung ayos lang ba siya, dahil hindi pa ito kailanman nangyari. Hindi pa siya kailanman nawala nang ganito katagal nang hindi man lang nagpaparamdam sa akin.Pero bago ang lahat, dali-dali akong pumunta sa pintuan ng kuwarto ng mga magulang ko at kumatok.Walang sumagot.Binuksan ko ang pinto.Walang tao sa loob."Anong ora

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 46

    Natahimik ang buong silid.Si Mama ang unang nagsalita. Mas mahinahon na ang boses niya, pero matalim pa rin."Hershey, maging makatwiran ka naman kahit minsan. Ginagawa ko ito para sa iyo. Para sa papa mo. Oo, para rin sa sarili ko—pero para rin sa kinabukasan ng buong angkan ng Corales. Hindi ba ipinaliwanag na namin sa iyo ang lahat? Sinabi na namin ang buong katotohanan. Bakit ang tigas pa rin ng ulo mo?"Napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala."Ako ang matigas ang ulo? Matapos ang lahat ng sinabi mo?" Nanginig ang boses ko, hindi dahil sa takot kundi sa galit. "Akala ko mahal mo si Papa. Pero ngayon, nagsisimula na akong pagdudahan ang pagmamahalan ninyong dalawa. Minahal mo ba talaga siya? Kahit kailan?"Doon na nagsalita si Papa."Hershey," mahinahon niyang sabi.Humarap ako sa kanya. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Galit ako. Malungkot ako. At nasasaktan ako para sa kanya—para sa lalaking ibinigay ang buong puso at kaluluwa niya sa aming pamilya, pero kailang

  • Taken by the Mafia Don   CHAPTER 45

    Nanatili ako sa banyo kahit matagal nang umalis si Mama. Wala naman akong ginagawa roon—ayoko lang na makasama siya sa iisang silid habang pilit niya akong kinukumbinsi na hiwalayan si Rain. Hindi mangyayari iyon.May plano ako. At sigurado akong magtatagumpay ang planong iyon. Hindi ko lang inaasahan na si Rain mismo ang magiging hadlang. Alam kong mahal niya ako. Ramdam ko iyon. Sa paraan ng paghalik niya sa akin, sa paraan ng paghawak niya sa akin, at sa paraan ng pananatili ng mga kamay niya kapag niyayakap niya ako. Akala ko sapat na iyon. Akala ko, kung gusto ko ito, gugustuhin din niya—o baka mas higit pa.Pero nag-aalinlangan siya. At iyon ang naging problema.Gayunman, nakikita kong unti-unti na siyang sumusuko sa gusto ko. Kailangan ko lang hintayin ang tamang pagkakataon—sa isang tahimik at pribadong lugar. Isang lugar na walang sinumang makagagambala sa amin.Nang sa wakas ay lumabas ako ng banyo at pumasok sa aking kuwarto, tinawagan ko siya. Hindi niya sinagot ang tawag k

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status