Share

Tamara, The Mafia's Gem
Tamara, The Mafia's Gem
Penulis: Magic Heart

PROLOGUE

"Honey, I love you! Where are you?" malambing na tawag ni Andrei kay Tamara na noon ay abala sa paglagay ng magazine sa kaniyang baril. 

Nagngangalit ang kaniyang bagang dahil sa matinding galit ngunit nadudurog ang kaniyang puso habang mahigpit ang hawak niya sa kaniyang mamahalin na baril. 

Sa ikalawang palapag ng lumang gusali ay nakaabang na si Tamara sa papalapit na yabag. Nanlalabo ang kaniyang mga mata dahil sa mga butil nang luhang nag-uunahan nang pumatak sa kaniyang makinis na pisngi. 

"I love you, Andrei," bulong niya habang ikinakasa ang baril. 

Halos hindi na siya makahinga dahil sa sidhi ng damdamin na kaniyang nararamdaman. Ngunit kailangan niyang lumaban para sa dangal at karangalan na kukunin sa kaniya ng taong pinakamamahal niya. 

Nang marating ni Andrei ang palapag kung saan nagtatago si Tamara ay lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Palapit nang palapit ang mga hakbang n'ya sa babaeng isinisigaw ng kaniyang damdamin. Ang baril na nasa mga kamay niya ay parang hindi niya kayang iputok sa babaeng kaniyang iniibig. 

Hanggang sa biglang sipain ni Tamara ang baril na hawak ni Andrei kaya tumalsik iyon sa sahig. Ganoon din ang ginawa ni Andrei sa baril ni Tamara kaya sa isang iglap ay pareho na silang walang armas. 

Nagsimula na silang magpambuno habang kapwa sila nakahiga na sa sahig. Ngunit ang dapat sana'y suntukan at balian ng buto ay nauwi sa isang mapagparusang mga halik. They can't control their emotions. Nagsusumigaw ang pag-ibig na kanilang nararamdaman. Hindi iyon kayang pigilan ng galit. Nang bitawan nila ang labi ng bawat isa, kapwa sila sisinghap-singhap.

"I love you," sabay nilang sabi.

Subalit sa loob lamang ng ilang segundo, kapwa na sila nakaupo sa sahig, hawak ang kani-kanilang mga baril at nakatutok na iyon sa isa't isa. 

Komen (15)
goodnovel comment avatar
Eulyn Kris Rubillete
skmat Ms a
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
grave Naman bakit ganon
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
grave Naman bat Ganon?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status