Share

Chapter 7

Matapos ang naging bunutan, hinatid na ni Kise si Keisha. Naiwan naman doon si Reyannah dahil ayon sa kaniya, susunduin siya ng kaibigan niya.

“May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nito?” tanong ni Kise habang nagmamaneho.

“Wala naman. Sa bahay lang.”

Nang hindi nagsalita si Kise ay napatingin si Keisha rito. Kumunot ang noo nito dahil napansin niyang may gustong sabihin ang lalaki. Imbis na magsalita ay kinagat na lang nito ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang sarili.

“What is it?” hindi mapigilang tanong ni Keisha.

“Nothing.”

“Really?”

Hindi agad siya sumagot. “It’s not important. Gusto sana kitang ayaing mag-dinner pero alam kong pagod ka na.” Umiling-iling ito. “It’s not important.”

Natutop ni Keisha ang bibig, hindi alam kung ano ang isasagot sa sinabi ng binata. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito kaya hindi agad siya nakapagsalita.

Mayamaya pa ay binasag na rin ni Keisha ang katahimikan. “Saan ba tayo kakain?”

Mabilis na napatingin si Kise sa kaniya ngunit agad ring binalik sa daan. “What?”

“Ang sabi ko, saan ba tayo kakain?”

Hindi na naitago pa ni Kise ang ngiti niya at mabilis na sumagot, “Kahit saan mo gusto.”

“Okay.”

Tinuro ni Keisha ang daan kung saan niya gustong kumain. Wala namang tanong na sumunod si Kise habang malawak pa rin ang pagkakangiti. Hindi rin naitago ni Keisha ang ngiti sa hindi malamang dahilan.

Nang makarating sila, pinahinto ni Keisha ang sasakyan sa isang karinderya. Agad na napansin ni Keisha ang reaksyon nito.

“Bakit? Hindi ka ba kumakain sa mga karinderya?”

“Hindi naman sa gan’on. Kumakain kami madalas ng mga kaibigan ko sa ganito. Hindi ko lang inaasahan na sa ganito mo mapipiling kumain. I can treat you to a more expensive restaurant, you know.”

“And starve? No, thanks. Mapili ang tiyan ko at allergic ako sa mga mamahaling mga pagkain. Sana handa na ang wallet mo dahil malakas akong kumain.”

Mahinang natawa si Kise. “That’s good. Eat all you want. My treat.”

Agad silang um-order ng pagkain. Nagkwentuhan sila habang hinihintay ang order nila. Hindi ganoon karami ang mga tao. Hindi rin ganoon kainit dahil may nakatapat sa kanilang wall fan.

Muling napansin ni Kise na siya lang ang madalas na magkwento sa kanilang dalawa. Ngunit hindi siya nabahala dahil sobrang titig na titig si Keisha sa kaniya na para bang kinakabisado ang lahat ng sinasabi niya.

Paminsan-minsan din naman itong sumasagot sa tuwing tinatanong niya. Sinisigurado niyang hindi ito mababagot habang kasama siya. 

At sa sobrang dami niyang kwento ay hindi na niya napansin ang oras. Mag-aalas nuebe na rin nang mapatingin siya sa orasan.

“I’m so sorry,” ani Kise. “Hindi ko napansin ang oras. Ang daldal ko kasi. Sorry.”

“It’s okay. Maaga pa naman, actually. Alas dyes ang uwi ni Krisha dahil nasa bahay siya ng kaklase ngayon at gumagawa ng project.”

“Tara. Ihahatid na kita sa inyo.”

Nagbayad na siya ng kinain nila bago nagtungo sa sasakyan na nakaparada sa harap ng karinderya. 

“Thanks for coming, Keisha. Alam kong hindi pa tayo gaanong magkakilala pero sumama ka pa rin.”

“It’s okay. You’re Paulle’s brother. Hindi naman niya ako ipagkakatiwala sa ‘yo kung alam niyang may gagawin kang hindi maganda, ‘di ba?”

“You’re right. Halos ipagtulakan na nga niya ako sa tuwing magkikita kami. But I can still be a bad guy, you know.”

“Are you?”

Mahinang natawa si Kise. “I’m not. Madaldal ako pero hindi ako masamang tao.”

“I know.”

Nang makarating sila sa compound nina Keisha ay hindi agad bumaba si Keisha. Saglit pa silang nanatili sa loob nang walang nagsasalita.

“So… ahm…” ani Kise habang nagkakamot ng batok. “Thank you.”

“Ako dapat ang magpasalamat. Palagi niyo na lang ako nililibreng magkapatid. Sa susunod, ako naman ang manlilibre sa inyo. Bawal ang tumanggi.”

Napangiti ito. “I’m looking forward to that.”

Hindi na rin napigilan pa ni Keisha ang mapangiti habang nakatingin sa binata. Mabilis siyang napaiwas ng tingin nang makaramdam ng hiya. Nagpaalam na siya at muling nagpasalamat bago bumaba ng sasakyan.

Malapad ang pagkakangiti niya habang pauwi. Ngunit agad rin iyong nawala nang mapagtantong may ibang tao sa loob nila maliban sa nanay at kapatid niya.

Agad niyang sinipat ang reaksyon ng kapatid at mukhang hindi ito natutuwa sa kung ano ang nangyayari. Nakatitig ito sa dalawang lalaki na ngayon ay kaharap nilang nakaupo sa sala.

“Nandito ka na pala, anak,” ani Aling Susan, ang nanay ni Keisha.

“Sino sila?” bungad na tanong nito.

“Sila sina Gavin at Philip. Sige at magmano ka sa tito Gavin mo.”

Kumunot ang noo ni Keisha dahil alam niyang wala siyang tito na nagngangalang Gavin. 

Nasagot naman ang tanong niya nang magsalita si Krisha. “Welcome them, ate. Sila nga pala ang bago nating tatay at kapatid. Bakit hindi tayo mag-celebrate?”

Pero imbis na matuwa ay padabog pa itong tumayo at nagmartsa pabalik sa kaniyang kwarto.

“Krisha!” tawag ni Aling Susan. “Bumalik ka ritong bata ka. Wala ka talagang respeto!”

Akmang susundan ang anak nang pigilan siya ni Keisha. “Ako na ang kakausap sa kaniya. Pagsilbihin niyo na lang po ang mga bisita niyo.”

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng ina at tuloy-tuloy nang pumasok sa silid nila ni Krisha. Narinig pa niya ang ina na kung ano-anong masasamang salita na naman ang pinupukol sa kanilang magkapatid.

Napabuntonghininga siya nang makitang nakatalukbong ng kumot ang kaniyang kapatid.

“Kumain ka na ba?” tanong niya ngunit wala siyang natanggap na sagot. 

“Balak bang magtayo ni nanay ng orphanage?” Kumunot ang noo ni Keisha ngunit hindi nagsalita. “Ilan pa tayong mga anak ang kailangang pagdaanan ‘to?”

Napabuntonghininga si Keisha nang mapagtanto kung ano ang ibig nitong sabihin. “Alam mong malas si nanay sa mga lalaking nakikilala niya.”

“O ang mga lalaki ang malas na nakilala si nanay.”

“Krisha,” may halong panenermon na banggit nito.

Nagtanggal naman ng kumot si Krisha at saka naupo sa kama upang harapin ang kapatid. “Bakit hindi na lang siya makuntentong tayo ang kasama niya? Ganoon ba kaimportante ang magkaroon ng lalaki sa buhay?”

“Masyado ka pang bata para maintindihan. Pero lumaki si nanay na walang tatay na gumagabay sa kaniya. Masama bang pangarapin na magkaroon ng tatay ang mga anak niya?”

Natutop ni Krisha ang kaniyang bibig at saka yumuko. “I’m sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin ang mga ‘yon.”

Tipid na napangiti si Keisha. “Naiintindihan ko. Alam kong mahirap pang tanggapin sa ngayon, pero hayaan na natin si nanay. Gaya natin, gusto niya lang din na sumaya. Pero pinapangako ko sa ‘yong sa oras na saktan ka rin ng bagong lalaki ni nanay, ako ang haharapin nila.”

“Kailangan makita ko ulit ‘yong turning long mo kapag dumating ang oras na ‘yon, ah?”

Sabay silang natawa. “Oo naman. Matagal na noong huling nag-taekwondo ako pero may muscle memory ako. Isang pagkakamali lang niya, patutumbahin ko siya.”

Matapos nilang mag-usap ay sabay silang lumabas ng kwarto upang makipagkilala sa bago ng nanay nila nang mas maayos. Kumpara sa mga naging lalaki ng kanilang ina ay mukhang mas matino ito.

Ngunit hindi agad napanatag ang loob ni Keisha dahil na rin sa mga lalaking pinakilala sa kaniya noon ng ina. Pakiramdam niya ay gaya ng mga nauna, sasaktan lang din ni Gavin ang nanay niya kapag may nagawa itong hindi niya gustuhin.

“Pasensiya na po sa inasal ng kapatid ko kanina,” ani Keisha. 

Yumuko si Krisha sa harap nito. “Pasensiya na po. May mood swings lang ako kaya ganoon ang reaksyon ko. You know, girls…”

Pinigilan ni Keisha ang matawa sa tinuran ng kapatid. Napatingin siya sa lalaking katabi ni Gavin na kung hindi siya nagkakamali ay Philip ang pangalan. Tipid itong ngumiti sa kaniya kaya agad niya ring sinuklian.

“Naiintindihan ko. Alam kong hindi rin kayo makapaniwala sa biglaan naming pagdating.” Nagkatinginan silang mag-ama.

“Kayo po ang magiging bago naming tatay, hindi po ba?” deretsong tanong ni Krisha.

Nagtama ang tingin nina Gavin at Susan. Wala ni isa sa kanila ang nakasagot agad.

“Naiintindihan namin,” ani Keisha. “Kung saan masaya ang nanay namin, doon kami. Pero ito lang po ang gusto kong sabihin. Sa oras na saktan niyo si nanay o ang kapatid ko, ako ang makakaharap niyo.”

Imbis na matakot ay napangiti si Gavin nang makita ang seryoso nitong tingin. “Makakaasa kang hindi ko sila sasaktan, hija.”

Bumalik na sina Keisha at Krisha sa kwarto nila at doon kumain ng hapunan. Kahit na ganoon ang naging asta nila sa harap ng bagong tatay nila, hindi pa rin buo ang tiwala nila rito. Kailangan nitong patunayan na hindi siya gaya ng mga naging lalaki ng kanilang ina.

*

Tumayo sina Kise at Keisha sa gitna ng maraming tao sa loob ng mall. Hindi nila alam kung ano ang gagawin at sasabihin matapos iwan nina Paulle at ng mga pinsan nila. Hindi na rin sila nakaangal pa dahil sa bilis ng pangyayari.

Alam ni Keisha na plano ito ni Paulle noong una pa lang. Napapansin na niyang pinagtutulakan siya ng kaibigan sa kapatid nito. Pero kahit na inaasahan na niya ay wala pa rin siyang magawa.

“Ahm…” ani Kise. “Gusto mong manood ng sine?”

“Hindi ako nanonood ng sine. Nahihilo ako.”

Tumango si Kise at nag-isip ng ibang palusot. “Ah! Gusto mong mag-arcade? May card ako rito.”

Naningkit ang mga mata ni Keisha. “Basketball?”

“Any game you want.”

“May futsal ba rito?”

Natawa naman si Kise sa naging tanong nito. “Napaka-competitve mo, ‘no? Tiyak naman akong may pag-asa kang manalo sa ‘kin sa kahit anong laro. But basketball is mine.”

Nagkibit-balikat si Keisha. “Hindi ako papakasigurado riyan.”

“Oh, you think you can beat me? Naglalaro na ako ng basketball noong three years old ako.”

“Masyado mong minamaliit ang swerte ko.”

Napangisi ito. “Let’s see.”

Nilaro muna nila ang lahat ng pwede nilang laruin. Binibilang din nila ang bawat panalo nila at tinitiyak na hindi magkakadayaan. Pareho nilang gustong manalo kaya naman napagpasyahan nilang kung sino ang mananalo ay ililibre ng matatalo.

Nang mag-tie ang score nila at wala na silang ibang malaro ay saka sila nagtungo sa basketball. Marami rin kasing tao roon kanina kaya hindi sila makasingit. Nang makita nilang wala nang tao roon ay dali-dali silang pumila.

Nagkatitigan muna sila bago nag-swipe ng card at nagsimulang mag-shoot.

Panay ang tingin ni Kise sa scoreboard ni Keisha, ayaw na ayaw na malamangan. Halos bumilis ang tibok ng puso niya dahil halos wala ring mintis ang mga bola ng dalaga. At nang mahagip ng tingin niya ang mukha nito ay napatigil siya.

Madalang niyang makita itong ngumiti. At sa tuwing ngumingiti ito nang totoo ay palagi itong naglalaro ng futsal. Bukod roon, ngayon na lang niya nakita ang matamis at totoo nitong ngiti.

Halos mapapitlag siya nang tumunog ang nilalaro nila, hudyat na tapos na ang oras. Nang makita ang score ay gusto niyang batukan ang sarili.

“I won,” ani Keisha. “Sa tingin ko, kailangan nang pag-isipan ng school kung worth it pa ba ang scholar na binabayaran nila para sa ‘yo.”

Imbis na ma-offend ay malakas na natawa si Kise. Ito ang unang beses na natalo siya sa basketball ng isang babae. Alam niyang na-distract lang siya ng ngiti ng dalaga, pero kasalanan niya rin dahil siya ang tumingin sa kaniya.

“Where do you want to eat?”

“Kahit saan mo gusto. Ikaw naman ang mamili ngayon.”

“Great!”

Napagpasyahan nilang kumain sa isang restaurant. Hindi naman ganoon kamahal kaya hindi na umangal si Keisha. Alam naman niyang deserve niya dahil nanalo siya kanina. Kahit na alam niyang nagpatalo lang ito.

Habang nagkukuwento si Kise tungkol sa pagpunta nila sa Hong Kong ilang linggo magmula ngayon, isang pamilyar na bulto ang nakita niyang papasok sa restaurant kung saan sila kumakain.

Hindi niya dapat ito papansinin ngunit huli na ang lahat. Nakita na rin siya nitong nakatingin sa kaniya.

“Hey!” bati ni Philip kay Keisha. “You’re here. Are you with a friend?”

Huminga nang malalim si Keisha. “Yeah.”

“Great! Nandito rin ako kasama ang mga kaibigan ko. Gusto sana kitang yayain pero mukhang may kasama ka. We can eat outside next time.”

“Maybe.”

Humarap si Philip kay Kise at nilahad ang kamay nito. “I’m Philip, you are?”

“Kise.” Inabot niya ang palad nito ngunit agad ring binawi. Napansin niya kasi ang pagkawala sa mood ni Keisha dahil sa pagdating nito.

“I’m going home,” ani Keisha. “Tapos na akong kumain. Thank you for the treat.”

“I’ll take you home.”

“It’s okay. I can go home by myself.”

“No,” agad na sambit ni Kise. “Ihahatid kita sa inyo.”

Bago pa siya makaapila ay hinila na siya nito palabas ng mall. Imbis na umangal naman ay sumunod na lang siya at hinayaan itong hatakin siya sa kung saan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status