Share

Chapter 9

Keisha

“Ano’ng meron? Nag-away ba kayong magkapatid?” tanong ni Reyannah nang mapansing hindi nagpapansinan ang magkapatid.

Miski ako ay napansin kong hindi na sila nagpapansinan. Kaninang nagkasalubong sila, para bang hindi sila magkakilala. Kung noon ay panay ang bangayan nila at asaran, ngayon ay wala. Ni tingnan ang isa’t isa ay hindi nila magawa.

“Huwag natin siyang pag-usapan, please lang. He grosses me out!” Tinungga pa niya ang juice na iniinom hanggang sa maubos ‘yon.

“Ang unusual lang,” ani Reyannah. “Ang tahimik kasi natin. Hindi na rin niya ginugulo ‘tong si Keisha.”

“That’s good, right?” tanong ko.

“Yeah,” sagot ni Paulle. “At ‘wag na ‘wag mo siyang kakausapin. Baka mahawa ka ng virus niya. Ikaw rin.”

Nagkatinginan na lang kami ni Reyannah at hindi na nagkomento pa. Mukhang nag-aaway nga ang magkapatid sa hindi malamang dahilan. At kung hindi niya pa kayang sabihin sa ‘min ang dahilan, hahayaan na lang namin. Baka naman kaya na nilang iresolba ‘yon ng silang dalawa lang.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status