Share

Chapter 11

Author: Chase K
last update Last Updated: 2025-08-11 08:38:17

Alexis POV

Nagising ako sa maingay ng tili ng bestfriend ko, si Sheyna, ang gay bestfriend ko na sa pagkakaalam ko ay nasa Malaysia dahil may beauty pageant itong dinaluhan doon. Hindi ko na din ito sinabihan na ikakasal na ako dahil hindi naman mahalaga ang araw na ito para sa akin at malamang ay maghihisterikal ito katulad ngayon, sumasakit ang tenga ko sa lakas ng tili nito.

"My gad! Bestie! Nakakaloka ka talaga, tumayo ka na diyan at kailangan mo ng mag-ayos para sa kasal mo!" Exaggerated na bungad nito sa akin.

Pupungas-pungas tuloy akong napabangon sa kama ko at inaantok pang sinipat ko ang relo sa bisig ko. Alas onse na ng tanghali! Hindi ko man lang namalayan ang oras, napasarap kasi ang tulog ko.

Gustuhin ko mang sitahin ang bestfriend ko kung paano ito nakapasok sa kwarto ko ay alam ko na, kung sino ang nagpapasok dito.

"Alam mo, nanggigigil ako sa iyo! Wala ka man lang sinasabi sa akin na ikakasal ka na, gaga ka talaga! Kung hindi ko pa nakausap si kuya Abel, my love
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Taming My Badass Boyish Wife    Chapter 14

    Alexis POV Matapos sipatin at matiyak ng bestfriend kong si Sheyna at ni Ellie na maayos na ang itsura ko at ang pagkakasuot ng gown ko ay ang mga ito naman ang nag-ayos ng mga sarili nila. Bago mag-isang oras ay bihis at nakaayos na din ang mga ito, parang nag magic nga lang ang mga ito dahil napakabilis nilang mag make up at magbihis eh, kulay puti din ang suot na gown ng mga ito dahil sila ang bridesmaid ko. Hindi din talaga nagpa-kabog ang mga ito sa akin. Parehong nag-gagandahan ang mga ito pero mas angat pa din ako dahil kumikinang ang kutis ko at ang gown na suot ko. Maya-maya pa ay sinundo na kami nila kuya Ashton sa dressing room para pumunta na ng simbahan. Samot-sari ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito, inis dahil hindi ko naman gustong ikasal sa lalaki at kaba dahil baka makagawa ako ng kapalpakan mamaya sa kasal ko. Paglabas namin ay naroon na ang kulay puting bridal car na naka-park sa garahe, napapalibutan ng kulay puti at baby pink na bulaklak ang unaha

  • Taming My Badass Boyish Wife    Chapter 13

    -- WEDDING DAY -- Elijah's POV Kanina pa ako nasa simbahan at hinihintay ang bride ko. Ang aga kasing nag-aya ni daddy na umalis ng Mansion at bago kami umalis kanina ay napakaraming mga empleyado ang naroon na binilinan ni daddy. Sa mansion kasi namin gaganapin ang venue pagkatapos ng kasal dito sa simbahan, si daddy lang naman ang nagpumilit niyon para pagkatapos daw ng kasal ay sa mansion matutulog si Alexis. Wala naman kasi kaming honeymoon at wala akong planong makipag honeymoon kay Alexis! Planado talaga ni daddy at Tito Luigi ang lahat kaya hindi na ako nagreklamo, pumayag naman kasi ako sa kasunduan ng mga ito eh. Kulay puti ang suot kong tuxedo, dahil pure white ang motif ng kasal. Sila daddy at kuya Ashton ang nagplano ng lahat ng ito, mula sa motif, sa venue, at sa damit na susuotin namin. Paborito daw kasi ni Alexis ang kulay na puti. Kanina bago ako umalis ng bahay ay siniguro ko munang guwapo ako sa suot ko, hindi para magpa-impress sa bride ko kung'di para s

  • Taming My Badass Boyish Wife    Chapter 12

    "Perfect!" Nasisiyahang sabi ng bestfriend kong si Sheyna nang matapos akong ayusan ng mga ito. Pumalakpak pa ito na animo ay nanalo sa contest. "Napakaganda mo pala talaga, ate Alexis kapag naayusan! Grabe para ka ng diyosa!" Humahanga ding puri ni Ellie sa akin kaya naman napasulyap ako sa salamin na nasa harap ko. At oo nga, napakaganda ko sa harap ng salamin, isang mala-diyosang babae ang nakikita ko at walang bahid ng pagiging tomboy ang aura ko ngayon, muntik ko na nga'ng hindi makilala ang sarili ko eh. Hindi ko akalaing maayusan ulit ako at magiging babae. Bigla ko tuloy naalala noong huli akong nakapagsuot ng gown at naayusan ay noong high school ako sa JS prom namin at babaeng-babae pa ako noon. "Wait, I forgot something!" Biglang sabi ni Sheyna at aligaga nitong binuksan ang isang maleta na nasa gilid ng kama ko t'saka may kinuha ito doon. "Tada!" Sabi nito at saka itinaas ang hawak nitong wig. Big wave long curly design ang wig na hawak nito. "Teka, anong gagawin

  • Taming My Badass Boyish Wife    Chapter 11

    Alexis POV Nagising ako sa maingay ng tili ng bestfriend ko, si Sheyna, ang gay bestfriend ko na sa pagkakaalam ko ay nasa Malaysia dahil may beauty pageant itong dinaluhan doon. Hindi ko na din ito sinabihan na ikakasal na ako dahil hindi naman mahalaga ang araw na ito para sa akin at malamang ay maghihisterikal ito katulad ngayon, sumasakit ang tenga ko sa lakas ng tili nito. "My gad! Bestie! Nakakaloka ka talaga, tumayo ka na diyan at kailangan mo ng mag-ayos para sa kasal mo!" Exaggerated na bungad nito sa akin. Pupungas-pungas tuloy akong napabangon sa kama ko at inaantok pang sinipat ko ang relo sa bisig ko. Alas onse na ng tanghali! Hindi ko man lang namalayan ang oras, napasarap kasi ang tulog ko. Gustuhin ko mang sitahin ang bestfriend ko kung paano ito nakapasok sa kwarto ko ay alam ko na, kung sino ang nagpapasok dito. "Alam mo, nanggigigil ako sa iyo! Wala ka man lang sinasabi sa akin na ikakasal ka na, gaga ka talaga! Kung hindi ko pa nakausap si kuya Abel, my love

  • Taming My Badass Boyish Wife    Chapter 10

    Isa pa ay hindi na din ipapa-block ni daddy ang mga credit card ko, ang tanging gagawin ko lang ay maibalik ko ulit sa pagiging babae si Alexis-- iyong tipong magpapahaba na ito ng buhok, mananamit na ito ng damit pambabae at kikilos at mananalita na ulit ito ng katulad ng sa isang tunay na babae. "I will tame her, and I will make her a woman again." Kompiyansang sabi ko sa mga ito. Bago umalis sila Tito Luigi at ang mga anak nito sa mansion ay iniwan ng mga ito ang isang kontrata na naglalaman ng mga napagkasunduan namin. Planado na din ang kasal namin ni Alexis sa susunod na linggo, si Alexis na lang daw ang kailangang kumbinsihin ng mga ito. -- END OF FLASHBACK -- Paubos ko na ang natitirang alak na iniinum ko nang biglang sumulpot sa harap ko si Ellie-- ang nakababata kong kapatid na nasa kolehiyo, sa New York ito lumipat ng pag-aaral dahil mas gusto nitong doon magtapos ng kursong Bachelor of Fine Arts Major in Fashion Design, fashionista kasi ito at dahil iyon ang kurs

  • Taming My Badass Boyish Wife    Chapter 9

    "See? You clearly remembered everything sis. And I also have it." Tinig ni kuya Abel na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan at iwinagayway pa nito sa akin ang hawak nitong papel. Napatingin ako doon, ang papel na hawak nito ay naglalaman ng kasunduan namin na ako ang gumawa at pinapirmahan ko pa iyon sa mga kuya ko. Wala na talaga akong takas sa kasalang magaganap. Pakiramdam ko ay katapusan na ng mundo ko. Wala na akong kalayaan kapag naikasal ako. Isa pa ay baka kunin lang ng ugok na Elijah na iyon ang puri ko, uupakan ko talaga siya! "Just give it a try sis, kapag hindi talaga kayo nagkapalagayang loob ay pwede naman kayong magpa-annul." Payo pa ni kuya. "Right!" Sang-ayon ko. Bakit nga ba hindi ko naisip na pwede naman kaming magpa-annul ng Elijah na iyon right after the wedding. Kukumbinsihin ko na lang siyang makipaghiwalay dahil ramdam ko naman na pareho lang naming ayaw ang isa't-isa eh. Napakagaling ko talaga mag-isip. Hindi ko namalayan na napatawa na ako ng ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status