Inubos ko ang lahat ng luha ko sa bisig ni kuya Abel, ginawa ko pang paninghot ang damit na suot nito, halos tumulo na kasi ang sipon ko sa sobrang pag-iyak.
"Grr... sis, that's gross. Kapag nakita ni Elijah kung paano ka umiyak ay tiyak na pagtatawanan ka no'n, dinaig mo pa ang bata eh may pagsinga ka pa ng sipon!" Reklamo sa akin ni kuya Abel. Napangiwi pa ito nang mapatingin ito sa t-shirt nitong basang-basa dahil ginawa ko iyong pamunas ng sipon at luha ko. Kaya naman natigil bigla ang pag-eemote ko at bumalik na naman ang inis na nararamdaman ko lalo na nang bangggitin ni kuya Abel ang ugok na si Elijah. Inis na kumalas ako ng pagkakayakap kay kuya Abel at humalukipkip. "Look at you, kapag naririnig mo ang pangalan ni Elijah ay bigla ka na lang nagagalit at nagiging lalaki." Natatawa ng sambit sa akin ni kuya Abel. May halo na ding pang-aasar ang tono nito kaya lalo lang akong nainis kay Elijah. "Eh kasi naman kuya, nakakagigil talaga ang lalaki iyon! Feeling niya ay guwapo siya! Manunulot pa ng jowa ng may jowa!" Asar na sagot ko kay kuya. Tumawa lang ito ng malakas sa akin at ginulo ang kanina ko pang magulong buhok. "Kaya hindi talaga kami nagkamali ng pagpili kay Elijah para sa'yo eh." Kumpyansa pang sabi nito. "Speaking of kasal, kuya ayaw ko magpakasal sa lalaking iyon... please... tulungan mo naman akong tumakas dito." Pangungumbinsi ko kay kuya Abel baka sakaling maawa siya sa akin, wala na kasi akong maisip pang ibang paraan para makatakas sa kasal namin ng lalaking iyon dahil bantay-sarado ako ng mga kuya ko. "Tss... Tss.. too late, sis, planado na ang kasal ninyo mamayang hapon at mapapahiya ang mga pamilya natin pareho kapag umatras ka sa kasal, isa pa ay ang laki ng ginastos nila tito Maynard sa kasal ninyo, isipin mo na lang si daddy at tito Maynard sis, they aren't getting younger. Baka sabay pang atakihin ang mga iyon kapag hindi natuloy ang kasal ninyo ni Elijah." Mahabang paliwanag ni kuya Abel. Pero hindi ako susuko baka may ibang paraan pa para hindi magalit sila daddy at tito Maynard kapag umatras ako sa kasal. Susubukan kong i-reverse psychology si kuya Abel baka sakaling umubra. "Ganito na lang kuya, tulungan mo na lang akong tumakas. Gusto ko lang naman ng time para makapag-isip eh, sabihin mo na lang kila daddy na i-postpone muna ang kasal namin ni Elijah kahit mga one month lang, please.." Paki-usap ko kay kuya, nag mama Mary sign pa ako at pinaamo ang mukha ko para convincing ang drama ko pero umiling lang si kuya at nagsalita; "It's a no, sis. Ayaw kong maging dahilan ng pagkakaroon ulit ng heart attack ni daddy at baka maupakan pa ako nila kuya Ashton at kuya Aries kapag nagkataon." Mahigpit na tutol nito na may kasama pang pag-iling. Pero hindi pa din ako tumitigil sa pangungulit ko kay kuya. Alam kong hindi na aatakihin si daddy dahil malakas pa ito at masigla na nga ito noong lumabas ng hospital eh, parang hindi inatake. Magpapasama na lang ako kay kuya na makalabas ng mansion pagkatapos ay doon ako tatakas. "Sige na nga, hindi na ako tutol sa kasal pero samahan mo akong lumabas, please... kuya... Gusto kong mag unwind." Pangungumbinsi ko dito. "At saan ka naman maga-unwind sa ganitong dis oras ng madaling araw, aber?" Taas kilay na tanong ni kuya sa akin. Oo nga pala at madaling araw pa lang. Walang magagalaan sa ganitong dis oras ng madaling araw. "Ah... eh... Mag dagat na lang kaya tayo, kuya? Gusto kong pumunta sa Subic eh." Palusot ko. "C'mon sis, alam kong hindi ka marunong lumangoy at hindi ka mahilig sa dagat, isa pa ay kahit na lumabas tayo ng mansion ay maraming tauhan ni daddy ang bubuntot sa atin, hindi mo ba alam na nasa limampu ang lahat ng mga tauhan ni daddy ang narito ngayon sa mansion?" Tanong ni kuya sa akin. "What?!" Gulat na balik tanong ko kay kuya. Hindi ako makapaniwalang napakarami palang mga tauhan ni daddy ang nakabantay sa akin, nasa bente lang ang bilang ko kanina eh. "Yup, sis, kaya matulog ka na at wala ka ng magagawa kung hindi ang hintayin na lang ang kasal mo mamaya." Pagtatapos ni kuya Abel sa usapan at akmang lalabas na ito ng kwarto ko pero napatigil ito at muling pumihit pabalik sa kama ko at tumitig sa akin. "One more thing, sis, Elijah is a good man; why don't you give him a chance? Malay natin ay-- Pero hindi ko na pinatapos ang iba pang sasabihin ni kuya, never akong mai-inlove sa babaerong iyon! Naah-- never! Tomboy ako! "I don't care if he's a good man, kuya, pero tomboy ako, hindi kami magiging komportable sa isa't-isa." Tutol ko. "I know sis, pero sa umpisa lang iyan, please... no but's, pagbigyan mo na lang sila daddy and besides, nakalimutan mo na ba ang napagkasunduan natin nila kuya Ashton kaya ka pakakasal kay Elijah?" Tanong pa ni kuya. Kaya biglang nanumbalik sa akin ang pag-uusap namin nila kuya Ashton tungkol sa kasal namin ni Elijah. -- FLASHBACK -- "No, dad! kuya! Hindi ako pakakasal sa Elijah na iyon! I hate him! And please.. alam ninyong lahat na tomboy ako, bakit kailangan ninyo akong ipakasal sa lalaki?!" Galit na sagot ko kay kuya Ashton nang sabihin nito ang plano ng mga itong ipakasal kami ni Elijah. Naroon kaming lahat na magkakapatid sa sala dahil ipinatawag kami ni daddy iyon pala ay para i-discuss lang sa akin ang kalokohang binabalak nila. "Alexis, sweetie, this is for your own good, isa pa ay you're not getting any younger, ayaw kong pagsisihan mo ang maling desisyon mo sa buhay." Malumanay na sabi ni daddy sa akin. Habang sila kuya Ashton, Aries at Abel ay tahimik lang na nakaupo at nakikinig sa sinasabi ni daddy. Bahagya akong nasaktan sa sinabi ni daddy, alam kong nasaktan ko siya nang magdesisyon akong baguhin ang sarili ko dahil para sa kaniya ay ako ang nag-iisa niyang prinsesa, pero anong magagawa ko? Nasaktan ako at hindi ko na gustong bumalik pa sa dating ako. Sa loob ng sampung taon na pagiging tomboy ko, ang buong akala ko ay tanggap na niya ako, iyon pala ay umaasa siya na maging babae pa din ako. "Dad, para sa inyo ba ay maling desisyon na naging tomboy ako?" Nagdaramdam kong tanong kay daddy. "Of course not, hija.. hindi iyan ang ibig kong sabihin, please try to understand, hindi ka na pabata-- Pero hindi ko na pinatapos ang iba pang sasabihin ni daddy, inis na sinagot ko siya. Sa buong buhay ko ay hindi ko pa nagagawang sagutin si daddy ng pabalang pero dahil sa sama ng loob ko ay nasagot ko siya. "I'm only 28, Dad! Bakit sila kuya Ashton, wala pa namang mga girlfriend, bakit hindi muna sila ang hanapan mo ng asawa?!" Naiiyak na putol ko sa sasabihin ni daddy. Nasigawan ko siya. Pero labis kong pinagsisihan ang pagsagot ko kay daddy dahil napahawak ito sa dibdid nito at napangiwi. "Daddy!" Sabay-sabay na sambit nila kuya Ashton at dinaluhan ng mga ito si daddy. Pati ako ay nag panic na din at umiiyak na lumapit ako kay daddy. "I'm sorry, dad." Umiiyak na paghingi ko ng sorry kay daddy pero nakapikit na ito. "Get the car, Aries!" Tarantang sigaw ni kuya Ashton habang inaalalayan nito si daddy, maging si kuya Abel ay nakaalalay din dito. Nagmamadali namang nanakbo si kuya Aries palabas para ihanda ang kotse. "I'm sorry, kuya.." umiiyak na sunod ko sa mga ito, hindi ako kinikibo nila kuya hanggang sa sumakay na kami ng kotse at makarating ng hospital.Naalimpungatan ako sa ingay ng alarm clock na nasa paanan ko kaya naman inis na kinuha ko iyon para patayin pero ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko kung anong oras na! 8am na ng umaga at ngayon ang unang araw na papasok ako sa company ni daddy natititak kong magagalit iyon kapag na-late ako kaya naman dali-dali akong bumangon para magpa-alam kay daddy na male-late ako ngayon, sa kakamadali ko ay nakalimutan ko na ang nangyari kagabi at hindi ko din napansin si Alexis sa kama ko dahil nakabalot ito ng kumot. Paglabas ko ng kwarto ay kaagad kong hinanap si daddy, naroon ito sa sala nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo. May mainit na kape din sa table. Nagulat pa ako nang makita kong naroon din sila kuya Ashton, Aries, Azriel at Abel na prenteng nakaupo. Napatingin sa akin ang mga ito nang makita nila ako. Napabuga pa ng iniinum na kape si kuya Ashton nang makita ako kasabay ng tawanan ng mga ito. Napalingon na din sa akin si daddy dahil nakatalikod ito sa gawi ko at nak
Matapos kong makaligo ay kaagad akong bumalik kila kuya Ashton, nag-iinuman pa din ang mga ito at walang nagpapatinag.Paglapit ko pa lang sa mga ito ay tinanong na kaagad ako ni kuya Azriel kung nasaan na si Alexis."Where's our little princess? Is she alright? Nalasing ba?" Sunud-sunod na tanong nito."She's in my room kuya, mukha namang hindi siya nalasing at isa pa ay nagpapahinga na siya." Pagsisinungaling ko sa mga ito kahit na ang totoo ay lasing na lasing naman talaga si Alexis at napaka-kulit, ayaw ko kasing mag-alala lang ang mga ito, isa pa ay hindi na naman makakalabas si Alexis sa kwarto ko dahil ni-lock ko iyon. "Hindi siya makakatakas sa akin." Sa isip ko.Maya-maya ay bigla kong naalala si Ellie."By the way, where's Ellie, kuya?" Baling ko kay kuya Ashton."She's in her room too at tulog na siya, hindi naman pala niya kayang mag-inum ay nagpakalasing, sinabayan pa si Alexis eh hindi naman iyon natatalo sa inuman." Pumapalatak na sabi ni kuya Ashton."That stubborn br
Ikinuwento nito sa akin ang lahat ng tungkol sa nakaraan ni Alexis. Nagkaroon pala ng boyfriend si Alexis noon pero niloko lang ito, nasaksihan pa nito ang panloloko ng ex-boyfriend nito. Kaya pala naging tomboy si Alexis ay nasaktan na ito, ang buong akala ko ay masakit na yung pinagdaanan ko pero mas grabe pala ang sakit na naranasan ni Alexis. Pareho pala kaming nabigo sa pag-ibig, ang kaibahan lang namin ay bigla na lang akong iniwan ni Melody-- walang nangyaring break up, ni walang goodbye, at walang closure, basta na lang siyang naglaho na parang bula kung kailan hindi ko na kayang mabuhay ng wala siya kaya halos mabaliw ako noon. Maging ang misunderstanding nila kuya Azriel at Alexis ay nalaman ko din kaya pala nagpunta ng Norway si kuya Azriel. Ang buong akala ko dahil ka-close ko ang lahat ng kuya ni Alexis ay alam ko na ang buhay nila, mali pala ako. May mga kwento sila na ngayon ko pa lang nalalaman.Ang sabi ni kuya Ashton dahil bahagi na ako ng pamilya nila dap
""Your drunk already." Bigla akong napalingon sa nagsalita, medyo may tama na ako ng alak ng mga sandaling iyon pero wala akong paki-alam, gusto ko pang mag-inom at makalimutan ang kahihiyan ko kanina. "Hindi pa ako la--sheeng!" Sagot ko dito. Si Elijah ang dumating. Medyo blurred na din ang paningin ko sa dami ng nainom kong alak. Lumapit ito sa akin at kinuha ang bote ng alak na nasa kamay ko. "This is enough, lasing ka na." Malumanay na sabi nito. "Hoy! Te--ka, hindi pa nga ako la--sheeng, akin na yan! Magwawalwal ako, kasa--l ko ngayon!" Sagot ko dito at pilit kong inagaw kay Elijah ang bote ng alak na kinuha nito sa akin. "I said, enough. Let's get inside, magpahinga ka na." Maawtoridad na sabi nito. "And who are you para manduhan ak--o?!" Inis na tanong ko dito at dinuro ko pa ito. "I'm your husband." Simpleng sagot nito. "Ahhh! Wala akong paki-alam! Give me that wine! I want to get drunk!" Inis na sagot ko dito. "Tsss... Kuya Ashton was right, matigas n
Hindi pa man ako nakakalayo ay nakabuntot na sa akin si Ellie. "Ate, wait!" Pigil nito sa akin. Napalingon tuloy ako dito. "Come here ate, because it's your wedding day, dapat ay magsaya tayo, let's drink and celebrate!" Bungad sa akin ni Ellie na sinang-ayunan ko. Niyaya ko na din si Sheyna, noong nakaraan ko pa kasi gustong mag-inum hindi lang ako makahanap ng pagkakataon dahil masyado akong busy sa trabaho at bantay-sarado pa ako ng mga kuya ko. Dinala kami ni Ellie sa likurang bahagi ng mansion kung saan walang makakakita sa amin, tinakasan ko din ang mga bisita na kanina pa bumabati sa akin dahil pagod na akong makipagkapwa tao sa kanila, hindi naman kasi ako sanay makipag socialize sa ganitong uri ng mga event. "Bahala na ang Elijah na iyon na humarap sa mga bisita tutal ay kamag-anak naman niya ang lahat ng mga iyon." Bulong ko sa sarili ko. "Ate Alexis, just wait me here, magpapakuha lang ako ng maiinom natin." Sabi sa akin ni Ellie. Tumang lang ako bilang sag
Kaya nang mag-aya sila daddy na pumunta na kami ng venue ay mabilis pa sa alas cuatro na pumayag ako sa mga ito. Sa kotse ni kuya Ashton na ako nagmadaling sumakay kahit na pinilit ako ni daddy na dapat ay sa kotse ni Elijah ako sumakay dahil mag-asawa na daw kami nito ay nagmatigas ako baka kasi kung anong gawin sa akin ng lalaking iyon. Wala ng nagawa si daddy at maging si Elijah nang tuluyan na akong makapasok sa kotse ni kuya Ashton at magpanggap na tulog, totoo naman na napagod ako sa simbahan, paano ba naman ay napakaraming tao doon ang pilit kong nginitian kahit na hindi ko naman sila kilala. "You tired, little sis?" Nag-aalalang tanong sa akin ni kuya Ashton nang mapatingin ito sa akin. "A bit kuya, but don't worry, I'm fine." Sagot ko dito. "Congratulations on your wedding, little sis." Bati pa nito. Nginitian ko lang si kuya bilang sagot, wala naman kasi akong maisip na isagot sa kaniya dahil hindi naman ako masaya na ikinasal ako, para lang ito sa pustahan nami