Alexis POV
Madaling araw na ay hindi pa din ako nakakatulog. Buong magdamag ko kasing pinagplanuhan kung paano ako makakatakas sa kasal namin ni Elijah, ng ugok na babaerong iyon. Hindi naging lingid sa akin ang pagiging playboy nito dahil may mga pagkakataon na naririnig kong pinag-uusapan siya nila kuya Ashton. Wala naman akong paki-alam kahit babaero siya pero dahil siya ang ipapakasal sa akin ay para akong masusuka. Galit na galit ako nang sabihin sa akin nila daddy ang plano nilang ipakasal kami ni Elijah, lahat ng pagtanggi ay ginawa ko na pero dahil inatake sa puso si daddy at dinala sa hospital ay wala akong nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto nila pero ito ako ngayon nag-iisip ng paraan para makatakas sa bahay, nakalabas na naman kasi ng hospital si daddy eh, bahala na akong magpaliwanag sa kaniya pagkatapos ng gagawin ko, panigurado namang maiintindihan ako ni daddy isa pa ay halos maglumpasay si Jessica nang malaman niyang ikakasal na ako at sa lalaki pa. Nakipagkita sa akin si Jessica at iyak ng iyak kahit na hinihiwalayan ko na ito ay hindi ito pumayag. Sobra kasi akong nagalit nang makita ko itong nakipag flirt kay Elijah, kapag naiisip ko talaga ang kalandian ng lalaking iyon ay nanggigigil ako. Dahil sa kaniya ay nawala ang pagmamahal ko kay Jessica, kaya ko lang naman ito niligawan ay dahil napaka-caring nito sa akin. Tatlong taon din kaming naging magkarelasyon ni Jessica, mabait naman siya at maalaga sa akin kaya naman ay napamahal na ako sa kaniya pero sa loob ng tatlong taon naming magkarelasyon-- ni minsan ay hindi pa kami nito nagkaroon ng intimacy, kahit na ito ang palaging nagpi- first move. Kahit naman kasi tomboy ako ay hindi ko gustong may mangyari sa amin, pakiramdam ko kasi ay sagrado ang bagay na iyon. Hanggang hug at kiss lang sa cheek niya ang nagagawa ko sa kaniya. Gusto ko lang talaga ng companion at nahanap ko iyon sa kaniya. Mamayang hapon na ang kasal ko at kating-kati na akong makatakas pero ang hirap gawin dahil napakadaming bantay ang nakapaligid sa mansion namin. Maging ang magagaling kong mga kuya ay nasa bahay lahat at nakabantay sa akin, mukhang alam ng mga ito ang pinaplano ko. Maya-maya ay sumilip ako sa bintana at saktong pagsilip ko ay ang mukha ni kuya Aries ang nabungaran ko at kumaway pa ito sa akin. "Hi sis, nakapag beauty rest ka na ba? Mamaya na ang kasal mo ha kailangan maging maganda ka." Mapang-asar na sigaw ni kuya Ariel sa akin. Pinandilatan ko siya ng mata at mabilis na pinagsarhan ng bintana. "I hate you, kuya!" Tili ko, sa inis ay pabagsak akong nahiga sa kama. Madaling araw na ay hindi pa din ito tulog. Ilang minuto pa akong nahiga bago ako nagtungo sa pinto at dahan-dahan ko iyong binuksan pero sa gulat ko ay naroon si kuya Ashton at prenteng nakaupo sa tapat ng kwarto ko. Gising pa din ito! Nakangiti itong bumungad sa akin. "Good morning sis, where are you going? Sasamahan na kita." sabi nito habang humihikab. "Why are you still up, kuya?! It's only 3 o'clock in the morning!!!" Eksaherado kong tanong dito. "You too, why are you still up, bunso? It's only 3 a.m." Painosenteng balik tanong ni kuya sa akin. Pero sa halip na sagutin ko si kuya ay inis na bumalik ako sa loob ng kwarto ko at isinara ang pinto. "I hate you too, kuya Ashton!" Inis na sigaw ko. Wala na talaga akong takas sa mga kuya ko dahil lahat sila ay nakabantay sa akin. "I love you, little sis." Ganting sigaw ni kuya Ashton gamit ang palaging endearment nito sa akin. "Aaaahh!" Inis na sigaw ko pero maya-maya lang ay bigla akong napangisi sa naalala ko. May hagdan pala sa kwarto ko papunta sa attic at doon ay nabubuksan ang bubong, doon ako dadaan para makatakas. Mahina akong tumawa sa naisip ko, ang akala ng mga kuya ko ay maiisahan na nila ako, kaya naman dali-dali akong pumunta sa library ko dahil naroon ang hagdan paakyat ng attic. Pagpasok ko ng library ay dumiretso ako sa hagdan at mabilis na inakyat iyon, muntik pa akong mahulog dahil marupok na iyon pero bigla ay para akong nanlambot at tila ayaw ko ng dumiretso doon, may naalala kasi ako na biglang nakapagpakirot ng puso ko. Nabitin tuloy ang pag-akyat ko. 10 years na ang nakalipas nang huli akong umakyat sa attic, iniwasan ko na talagang pumunta doon dahil naroon ang lahat ng ala-ala noong mga panahong babae pa ako. Pero nang maalala ko ang nakakainis na mukha ni Elijah ay pilit kong inalis ang pag-aalinlangan ko, kailangan kong makatakas sa kasal namin dahil kapag nagkataon ay masisira kinabukasan ko sa babaerong iyon. Kaya naman napabuntong-hininga muna ako ng malalim bago ko napagpasyahang tuluyang umakyat sa attic pero ganoon na lang ang gulat ko nang mabungaran ko doon si kuya Abel na himbing na natutulog sa kama ko. Maging sa attic ay bantay-sarado ako ng mga kuya ko, mukhang alam na alam talaga ng mga ito ang pinaplano kong pagtakas kaya napaghadaan ng mga ito ang pagbabantay sa akin. Sa inis ko ay nilapitan ko si kuya Abel at akma itong hahampasin pero bago pa ako nakalapit sa kaniya ay natabig ko ang isang lumang picture frame na nakapatong sa gilid ng kama kung saan himbing na natutulog si kuya. Maingay na bumagsak ang picture frame at nabasag iyon kaya mabilis akong kumilos at dinampot ang frame at mga nagkalat na bubog pero kaagad ko ding pinagsisihan iyon nang makita ko kung sino ang nasa larawan kaya napadiin ang paghawak ko sa frame na may bubog na naging dahilan ng pagdugo ng kamay ko. Bigla ko ding naramdaman ang pamilyar na kirot sa puso ko. Nagulat na lang ako nang may kuha ng larawan sa kamay ko-- si kuya Abel, gising na pala ito. Marahan nitong inalis sa kamay ko ang larawan at patalikod niya iyong inilapag sa sahig. "I know you'll come here, bakit ba kasi napaka-hardheaded mo?" Malumanay na tanong nito. Wala sa tono nito ang pang-aasar na kagaya ng nakagawian nitong gawin sa akin. Si kuya Abel pala ang pinaka-close ko sa mga kuya ko dahil halos magkalapit lang ang edad namin, ito din ang takbuhan ko kapag may mga problema ako. Sa halip na sagutin ko si kuya Abel ay mabilis na tumulo ang luha ko, paano ba naman ay pag-angat ng tingin ko, nakita ko ang isang malaking teady bear na nakasabit sa taas ng kisame. Sobrang pinagsisihan ko tuloy ang pag-akyat ko dito sa attic. Akala ko pa naman ay nakalimutan ko na ang mapait na nakaraan ko pero ngayon na nakikita ko ang mga bagay na nakapagpapa-alala sa aking nakaraan ay tila tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko. Parang iglap lang ay bumalik ang lahat ng sakit sa puso ko kaya naman hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Nawala tuloy ang pagka-tomboy ko. Naramdaman ko na lang na binuhat ako ni kuya Abel at kahit na hirap ito ay naibaba niya ako ng mabilis sa attic at maingat niya akong nilapag sa kama ko. Pagkatapos ay kinuha nito ang medicine kit sa cabinet ko at tahimik na ginamot niya ang kamay kong nabubog at nilagyan ako ng bandage kaya naman lalo akong napaiyak. Hindi man nagsasalita si kuya Abel ay ramdam ko ang care nito sa akin. "Hussh, don't cry, sis, para kang hindi tomboy niyan eh." Tangkang biro nito sa akin at niyakap ako. Natawa ako ng pagak at lalo pa akong nagsumiksik sa bisig ni kuya Abel. Simula kasi nang lokohin ako ng ex-boyfriend ko ay hindi na namin muling pinag-usapan ni kuya Abel ang tungkol doon. Maging ang mga kuya ko ay ingat na ingat na din sa pagbanggit ng pangalan ng ex ko. Hindi na din nila ako pinalalapitan sa mga lalaki at tinataboy ng mga ito ang mga lalaking lumalapit sa akin kaya naman mas pinili ko na lang maging tomboy.Naalimpungatan ako sa ingay ng alarm clock na nasa paanan ko kaya naman inis na kinuha ko iyon para patayin pero ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko kung anong oras na! 8am na ng umaga at ngayon ang unang araw na papasok ako sa company ni daddy natititak kong magagalit iyon kapag na-late ako kaya naman dali-dali akong bumangon para magpa-alam kay daddy na male-late ako ngayon, sa kakamadali ko ay nakalimutan ko na ang nangyari kagabi at hindi ko din napansin si Alexis sa kama ko dahil nakabalot ito ng kumot. Paglabas ko ng kwarto ay kaagad kong hinanap si daddy, naroon ito sa sala nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo. May mainit na kape din sa table. Nagulat pa ako nang makita kong naroon din sila kuya Ashton, Aries, Azriel at Abel na prenteng nakaupo. Napatingin sa akin ang mga ito nang makita nila ako. Napabuga pa ng iniinum na kape si kuya Ashton nang makita ako kasabay ng tawanan ng mga ito. Napalingon na din sa akin si daddy dahil nakatalikod ito sa gawi ko at nak
Matapos kong makaligo ay kaagad akong bumalik kila kuya Ashton, nag-iinuman pa din ang mga ito at walang nagpapatinag.Paglapit ko pa lang sa mga ito ay tinanong na kaagad ako ni kuya Azriel kung nasaan na si Alexis."Where's our little princess? Is she alright? Nalasing ba?" Sunud-sunod na tanong nito."She's in my room kuya, mukha namang hindi siya nalasing at isa pa ay nagpapahinga na siya." Pagsisinungaling ko sa mga ito kahit na ang totoo ay lasing na lasing naman talaga si Alexis at napaka-kulit, ayaw ko kasing mag-alala lang ang mga ito, isa pa ay hindi na naman makakalabas si Alexis sa kwarto ko dahil ni-lock ko iyon. "Hindi siya makakatakas sa akin." Sa isip ko.Maya-maya ay bigla kong naalala si Ellie."By the way, where's Ellie, kuya?" Baling ko kay kuya Ashton."She's in her room too at tulog na siya, hindi naman pala niya kayang mag-inum ay nagpakalasing, sinabayan pa si Alexis eh hindi naman iyon natatalo sa inuman." Pumapalatak na sabi ni kuya Ashton."That stubborn br
Ikinuwento nito sa akin ang lahat ng tungkol sa nakaraan ni Alexis. Nagkaroon pala ng boyfriend si Alexis noon pero niloko lang ito, nasaksihan pa nito ang panloloko ng ex-boyfriend nito. Kaya pala naging tomboy si Alexis ay nasaktan na ito, ang buong akala ko ay masakit na yung pinagdaanan ko pero mas grabe pala ang sakit na naranasan ni Alexis. Pareho pala kaming nabigo sa pag-ibig, ang kaibahan lang namin ay bigla na lang akong iniwan ni Melody-- walang nangyaring break up, ni walang goodbye, at walang closure, basta na lang siyang naglaho na parang bula kung kailan hindi ko na kayang mabuhay ng wala siya kaya halos mabaliw ako noon. Maging ang misunderstanding nila kuya Azriel at Alexis ay nalaman ko din kaya pala nagpunta ng Norway si kuya Azriel. Ang buong akala ko dahil ka-close ko ang lahat ng kuya ni Alexis ay alam ko na ang buhay nila, mali pala ako. May mga kwento sila na ngayon ko pa lang nalalaman.Ang sabi ni kuya Ashton dahil bahagi na ako ng pamilya nila dap
""Your drunk already." Bigla akong napalingon sa nagsalita, medyo may tama na ako ng alak ng mga sandaling iyon pero wala akong paki-alam, gusto ko pang mag-inom at makalimutan ang kahihiyan ko kanina. "Hindi pa ako la--sheeng!" Sagot ko dito. Si Elijah ang dumating. Medyo blurred na din ang paningin ko sa dami ng nainom kong alak. Lumapit ito sa akin at kinuha ang bote ng alak na nasa kamay ko. "This is enough, lasing ka na." Malumanay na sabi nito. "Hoy! Te--ka, hindi pa nga ako la--sheeng, akin na yan! Magwawalwal ako, kasa--l ko ngayon!" Sagot ko dito at pilit kong inagaw kay Elijah ang bote ng alak na kinuha nito sa akin. "I said, enough. Let's get inside, magpahinga ka na." Maawtoridad na sabi nito. "And who are you para manduhan ak--o?!" Inis na tanong ko dito at dinuro ko pa ito. "I'm your husband." Simpleng sagot nito. "Ahhh! Wala akong paki-alam! Give me that wine! I want to get drunk!" Inis na sagot ko dito. "Tsss... Kuya Ashton was right, matigas n
Hindi pa man ako nakakalayo ay nakabuntot na sa akin si Ellie. "Ate, wait!" Pigil nito sa akin. Napalingon tuloy ako dito. "Come here ate, because it's your wedding day, dapat ay magsaya tayo, let's drink and celebrate!" Bungad sa akin ni Ellie na sinang-ayunan ko. Niyaya ko na din si Sheyna, noong nakaraan ko pa kasi gustong mag-inum hindi lang ako makahanap ng pagkakataon dahil masyado akong busy sa trabaho at bantay-sarado pa ako ng mga kuya ko. Dinala kami ni Ellie sa likurang bahagi ng mansion kung saan walang makakakita sa amin, tinakasan ko din ang mga bisita na kanina pa bumabati sa akin dahil pagod na akong makipagkapwa tao sa kanila, hindi naman kasi ako sanay makipag socialize sa ganitong uri ng mga event. "Bahala na ang Elijah na iyon na humarap sa mga bisita tutal ay kamag-anak naman niya ang lahat ng mga iyon." Bulong ko sa sarili ko. "Ate Alexis, just wait me here, magpapakuha lang ako ng maiinom natin." Sabi sa akin ni Ellie. Tumang lang ako bilang sag
Kaya nang mag-aya sila daddy na pumunta na kami ng venue ay mabilis pa sa alas cuatro na pumayag ako sa mga ito. Sa kotse ni kuya Ashton na ako nagmadaling sumakay kahit na pinilit ako ni daddy na dapat ay sa kotse ni Elijah ako sumakay dahil mag-asawa na daw kami nito ay nagmatigas ako baka kasi kung anong gawin sa akin ng lalaking iyon. Wala ng nagawa si daddy at maging si Elijah nang tuluyan na akong makapasok sa kotse ni kuya Ashton at magpanggap na tulog, totoo naman na napagod ako sa simbahan, paano ba naman ay napakaraming tao doon ang pilit kong nginitian kahit na hindi ko naman sila kilala. "You tired, little sis?" Nag-aalalang tanong sa akin ni kuya Ashton nang mapatingin ito sa akin. "A bit kuya, but don't worry, I'm fine." Sagot ko dito. "Congratulations on your wedding, little sis." Bati pa nito. Nginitian ko lang si kuya bilang sagot, wala naman kasi akong maisip na isagot sa kaniya dahil hindi naman ako masaya na ikinasal ako, para lang ito sa pustahan nami