Mag-log in"Let's go kuya kong pogi at simulan mo ng paibigin si ate Alexis!" Aya sa akin ni Ellie nang makabalik ito sa kwarto ko. Bihis na bihis na ito at may dala pang shoulder bag na akala mo ay rarampa. Napakabilis nitong maligo at makapagbihis samantalang ako ay nakatitig pa din sa salamin. Pagdating talaga sa ganitong bagay ay napaka-active ng kapatid ko, Alam ko namang kaya din ito nagmamadali ay para makita si kuya Ashton, ang ultimate crush nito na kailanman ay hindi nito makukuha dahil kapatid lang ang turing dito ng huli, isa pa ay napakalaki ng age gap ng mga ito. Ganunpaman ay hinahayaan ko lang ang kapatid ko dahil alam kong infatuation lang ang nararamdaman nito kay kuya Ashton at magbabago din ang gusto nito lalo na at bata pa ito. Marami pa itong makikilalang kasing edad nito, sa ngayon ay natutuwa akong naka-focus ang kapatid ko sa pag-aaral kahit na deads na deads ito kay kuya Ashton. "Wait lang dear sister, pagbihisin mo muna ako, okay?" Sagot ko sa nagmamadaling si E
"All I want for now ay makaganti ako kay Alexis, nang dahil sa ginawa niya sa mukha ko ay hindi masisilayan ng mga magagandang babae sa office ni daddy ang guwapo kong mukha-- pero hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay binato na ako ng unan ni Ellie, sapol ako sa mukha! "Tumigil ka nga diyan, kuya! May asawa ka na at lahat ay pambababae pa din ang nasa isip mo!" Galit na sita sa akin ng kapatid ko at kaagad akong pinagalitan. "Asawa ko lang sa papel si Alexis dear sister, and she's not my type at alam kong ganoon din siya sa akin. I only have one mission kaya nagpakasal ako kay Alexis at iyon ay para gawin ulit siyang babae, mapagbihis at mapakilos ko lang ulit si Alexis ng katulad sa isang babae ay pwede na siguro akong makipag-annul sa kaniya. Isa pa ay iyon lang naman ang nasa kasunduan namin nila kuya Ashton eh." Giit ko sa kapatid kong si Ellie. "At sa tingin mo ba dear kuya ay ganoon kadali mo lang magagawang babae si ate Alexis?" Nanghahamong tanong sa akin ni Elli
Pagpasok ko sa kwarto ko ay dali-dali akong nagtungo sa harap ng salamin para tingnan ulit ang mata ko, hindi ko kasi iyon nasipat ng maayos kanina sa sala dahil sa pang-aasar sakin nila kuya Ashton at gano'n na lang ang panlulumo ko nang matitigan kong mabuti ang mata ko, magkahalong kulay ube at itim ang nasa gilid ng mga mata ko, literal na black eye! Mas malala pa ang black eye ko ngayon kaysa noong una akong nasapok ni Alexis. "Ang babaeng iyon!" Inis na bulong ko sa sarili ko. "Talagang siya ang sisira sa guwapo kong mukha!" "Makikita mong tomboy ka, makakaganti din ako sa iyo!" Gigil na sabi ko habang sumusuntok ako sa hangin at ini-imagine ko na nasa harap ko si Alexis. Nasa ganoon akong posisyon nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iluwa niyon ang kapatid kong si Ellie kaya naman mabilis akong lumundag sa kama ko para itago ang mukha ko sa mapang-asar kong kapatid. "Good morning kuya!" Masiglang bati nito sa akin na akala mo ay hindi ito nalasing kag
Naalimpungatan ako sa ingay ng alarm clock na nasa paanan ko kaya naman inis na kinuha ko iyon para patayin pero ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko kung anong oras na! 8am na ng umaga at ngayon ang unang araw na papasok ako sa company ni daddy, natititak kong magagalit iyon kapag na-late ako kaya naman dali-dali akong bumangon para magpa-alam kay daddy na male-late ako ngayon sa pagpasok, sa kakamadali ko ay nakalimutan ko na ang nangyari kagabi at hindi ko din napansin si Alexis sa kama ko dahil nakabalot ito ng kumot. Paglabas ko ng kwarto ay kaagad kong hinanap si daddy, naroon ito sa sala nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo. May mainit na kape din sa table na nasa harapan nito. Nagulat pa ako nang makita kong naroon din sila kuya Ashton, Aries, Azriel at Abel na prenteng nakaupo. Napatingin sa akin ang mga ito nang makita nila ako. Napabuga pa ng iniinum na kape si kuya Ashton nang makita ako kasabay ng malakas na tawanan ng mga ito. Napalingon na din sa akin si d
Matapos kong maligo at maglabas ng init ng katawan ay kaagad akong bumalik kung saan naroon sila kuya Ashton, nag-iinuman pa din ang mga ito at walang nagpapatinag sa mga ito. Paglapit ko pa lang sa mga ito ay tinanong na kaagad ako ni kuya Azriel kung nasaan na si Alexis. "Where's our little princess? Is she alright? Nalasing ba?" Sunud-sunod na tanong nito. "She's in my room kuya, mukha namang hindi siya nalasing at isa pa ay nagpapahinga na siya." Pagsisinungaling ko sa mga ito kahit na ang totoo ay lasing na lasing naman talaga si Alexis at napaka-kulit, ayaw ko kasing mag-alala lang ang mga ito, isa pa ay hindi na naman makakalabas si Alexis sa kwarto ko dahil ni-lock ko iyon. "Hindi siya makakatakas sa akin." Sa isip ko. Maya-maya ay bigla kong naalala si Ellie. "By the way, where's Ellie, kuya?" Baling ko kay kuya Ashton. "She's in her room too at tulog na siya, hindi naman pala niya kayang mag-inum ay nagpakalasing, sinabayan pa si Alexis eh hindi naman iyon nata
Ikinuwento nito sa akin ang lahat ng tungkol sa nakaraan ni Alexis. Nagkaroon pala ng boyfriend si Alexis noon pero niloko lang ito, nasaksihan pa nito ang panloloko ng ex-boyfriend nito. Kaya pala naging tomboy si Alexis ay nasaktan na ito, ang buong akala ko ay masakit na yung pinagdaanan ko pero mas grabe pala ang sakit na naranasan ni Alexis. Pareho pala kaming nabigo sa pag-ibig, ang kaibahan lang namin ay bigla na lang akong iniwan ni Melody-- walang nangyaring break up, ni walang goodbye, at walang closure, basta na lang siyang naglaho na parang bula kung kailan hindi ko na kayang mabuhay ng wala siya kaya halos mabaliw ako noon. Maging ang misunderstanding nila kuya Azriel at Alexis ay nalaman ko din kaya pala nagpunta ng Norway si kuya Azriel. Ang buong akala ko dahil ka-close ko ang lahat ng kuya ni Alexis ay alam ko na ang buhay nila, mali pala ako. May mga kwento sila na ngayon ko pa lang nalalaman. Ang sabi ni kuya Ashton dahil bahagi na ako ng pamilya nila ay







