Habang nasa emergency room sila kuya Ashton ay nagtungo naman ako sa chapel ng hospital at doon ay taimtim na nagdasal na sana ay walang mangyaring masama kay daddy. Ang sabi kasi ni kuya Ashton kanina ay may mga iniindang sakit na pala si daddy nitong mga nakaraang araw at ayaw daw nitong ipagsabi ang kalagayan nito lalo na sa akin dahil baka mag-alala lang ako. Hindi na din ako pinasunod ng mga kuya ko sa emergency room para hindi ko daw makita ang paghihirap ni daddy kaya naman ay hindi na ako nagpilit, kasalanan ko din naman kung bakit na-hospital si daddy eh at ayaw ko talaga siyang makitang nahihirapan dahil baka maghisterikal lang ako kahit na tomboy ako. "Lord... Pagaling po ninyo ang daddy ko pangako, gagawin ko ang lahat gumaling lang siya. Susundin ko na ang gusto niya huwag lang siyang mawala sa amin." Iyak ko kay Lord habang nakaluhod sa harap ng altar. Sa isip ko ay wala na nga ang mommy-- ni hindi ko man lang siya nasilayan dahil sabi nila kuya sa akin ay namat
Inubos ko ang lahat ng luha ko sa bisig ni kuya Abel, ginawa ko pang paninghot ang damit na suot nito, halos tumulo na kasi ang sipon ko sa sobrang pag-iyak. "Grr... sis, that's gross. Kapag nakita ni Elijah kung paano ka umiyak ay tiyak na pagtatawanan ka no'n, dinaig mo pa ang bata eh may pagsinga ka pa ng sipon!" Reklamo sa akin ni kuya Abel. Napangiwi pa ito nang mapatingin ito sa t-shirt nitong basang-basa dahil ginawa ko iyong pamunas ng sipon at luha ko. Kaya naman natigil bigla ang pag-eemote ko at bumalik na naman ang inis na nararamdaman ko lalo na nang bangggitin ni kuya Abel ang ugok na si Elijah. Inis na kumalas ako ng pagkakayakap kay kuya Abel at humalukipkip. "Look at you, kapag naririnig mo ang pangalan ni Elijah ay bigla ka na lang nagagalit at nagiging lalaki." Natatawa ng sambit sa akin ni kuya Abel. May halo na ding pang-aasar ang tono nito kaya lalo lang akong nainis kay Elijah. "Eh kasi naman kuya, nakakagigil talaga ang lalaki iyon! Feeling niya ay guwapo s
Alexis POV Madaling araw na ay hindi pa din ako nakakatulog. Buong magdamag ko kasing pinagplanuhan kung paano ako makakatakas sa kasal namin ni Elijah, ng ugok na babaerong iyon. Hindi naging lingid sa akin ang pagiging playboy nito dahil may mga pagkakataon na naririnig kong pinag-uusapan siya nila kuya Ashton. Wala naman akong paki-alam kahit babaero siya pero dahil siya ang ipapakasal sa akin ay para akong masusuka. Galit na galit ako nang sabihin sa akin nila daddy ang plano nilang ipakasal kami ni Elijah, lahat ng pagtanggi ay ginawa ko na pero dahil inatake sa puso si daddy at dinala sa hospital ay wala akong nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto nila pero ito ako ngayon nag-iisip ng paraan para makatakas sa bahay, nakalabas na naman kasi ng hospital si daddy eh, bahala na akong magpaliwanag sa kaniya pagkatapos ng gagawin ko, panigurado namang maiintindihan ako ni daddy isa pa ay halos maglumpasay si Jessica nang malaman niyang ikakasal na ako at sa lalaki pa. Nakipagki
"Damn bro! Ang buong akala namin ay wala ka ng balak magpakita pa sa amin eh." Kunwari ay nagtatampong sabi ni Ariel sabay tapik sa dibdib ni Azriel at niyakap ito. "It's been a long time bro, we're so happy that you're back!" Saad naman ni kuya Ashton sabay yakap din sa kapatid. "Yup, sana you're back for good na! Sobrang na-miss ka namin bro!" masaya namang bati dito ni Abel at sinugod din ito ng yakap. Habang ang daddy Luigi naman nila ay marahang naglakad patungo kay Azriel, teary eye ang mga mata nito, hindi maitatangging sobra din nitong na-miss ang pangatlo nitong anak. "How have you been, son?" Mangiyak-ngiyak na tanong nito sa anak bago ito tuluyang niyakap. "I'm good, dad, don't worry, I've been good." mangiyak-ngiyak din na sagot ni Azriel at ginantihan ng mahigpit na yakap ang daddy niya. "I miss you, son, and I'm so proud of you! I'm so proud of you're achievements, wala man kami sa tabi mo ay pinagdiriwang namin ang mga na-achieve mo!" madamdaming saad nito
Samantalang sa mansiyon naman ng mga Montecillo ay nagtipon-tipon ang magkakapatid na sila Ashton-- panganay sa magkakapatid, 35 years old at kilala sa pagiging aloof at business tycoon sa pamilya. Aries-- pangalawa sa magkakapatid, 34 years old at katuwang ni Ashton sa pamamahala sa negosyo ng pamilya at Abel-- pang-apat sa magkakapatid at katulad ni Elijah ay kilala din itong playboy at happy-go-lucky-guy na walang ginawa kun'di ang mangolekta ng mga kababaihan. Silang lahat na mga Montecillo brothers ay pawang mga guwapo at matitikas pero sa edad nilang iyon ay wala pa silang mga asawa. Naroon sila sa library kasama ang daddy nilang si Luigi-- 58 years old, kahit na may edad na ito ay makikita mo pa din sa itsura nito ang tikas at kaguwapuhan na siyang minana ng mga anak nito. Naroon sila sa library para pag-usapan kung paano nila sasabihin kay Alexis ang plano nilang ipakasal ito kay Elijah. Wala na ang mommy nila na si Amalia dahil pagkasilang pa lang nito kay Alexis ay b
Napatitig ako kay Alexis. Umiiyak na ito, mukhang napikon na sa mga kuya nito. "I'm sorry little sis kasalanan namin ito kung bakit naging ganiyan ka." pabuntong hiningang sabi ni kuya Ariel. "No kuya wala kayong kasalanan, ginusto ko ito kaya sana naman ay tanggapin na ninyo na ito na talaga ako." sagot nito sa mga kuya nito bago ito umalis at tumakbo palayo. Naiwang natitigilan at nagkatitigan na lang ang mga kuya ni Alexis bago sabay-sabay na napabuntong hininga ang mga ito. Maya-maya ay ako naman ang binalingan ng tingin nila kuya Ashton. Pare-parehong nakangisi na ang mga ito sa akin. "Good job, Elijah!" nakangiting sabi sa akin ni kuya Ashton sabay tapik pa sa balikat ko. Nagtataka namang napatingin ako kay kuya Ashton. Para namang nabasa nito ang nasa isip ko at sinagot ako nito kahit na hindi ko pa naisasatinig ang gusto kong itanong dito. "Matagal na naming gustong idispatsa iyang girlfriend ni bunso na si Jessica eh, sobrang landi kasi niyan kung sino-sino na lang