KAKATOK SANA SI Daphne nang bumukas ang silid na inuukupa ni BK.
“Kumain ka na ba? Baka gusto mo akong sabayan,” alok niya sa asawa.
Tinitigan na naman siya nito bago tumango. Ngumiti siya rito ng matamis bago tumalikod.
Inayos niya ang mesa at ang platong gagamitin ng asawa. Hindi niya namalayang nakangiti siya habang inihahanda ang mga gagamitin ni BK sa pagkain. Pero napalis iyon nang mapansing titig na titig na naman sa kan’ya ang asawa.
“Sorry nga pala sa nangyari kanina. Naintindihan mo naman siguro ang punto ko. Tama naman ako, ‘di ba? Alalahanin mong nasa hotel tayo na pag-aari ng magulang ko.”
Ngumiti siya rito at tumango. “Naiintindihan ko naman. Sorry din. Hayaan mo na ‘yon. Sa ibang lugar na lang siguro ako mamasyal kagaya ng sinabi mo.”
“Bigyan kita ng itenerary mamaya kung gusto mo. Iwas ka na lang kapag may mga Pilipino.”
“Owkey. Kain na tayo,” yaya niya rito na ikinangiti nito. Ngumiti rin siya dito. Ang ganda kasi ng ngiti nito, gumuguwap ito lalo.
Naging masaya naman ang hapunan nilang dalawa. Marami silang napagkuwentuhan. Kung anu-ano na lang. Kagaya na lang ng naging lakad nito kanina. Ang dami raw nitong nakilala sa pinuntahan kanina. Nabanggit din nitong may ka-date ito bukas.
Buti pa ito nakahanap agad ng ka-date. Samantalang siya, e wala. Sabagay, hindi naman siya mahilig sa lalaki.
Hindi niya maiwasang matawa sa sarili. Kakakasal lang nila, date agad ang nasa isip nito. Well, wala naman siyang karapatan na pagbawalan ito dahil iyon ang nasa kasunduan nila. Hindi nila puwedeng labagin iyon. Hindi nila dapat na pakialaman ang bawat isa.
Halos mga naging buhay at gawain nito ang naging topic nila. Wala naman kasi siyang magandang kuwento. Mahirap lang sila. Hindi niya naranasan ang lahat ng naranasan nito. Ipinanganak itong may ginintuang kutsara sa bibig, samantalang siya, wala. Hindi naman ito makakrarelate kapag kahirapan nilang mag-ina ang ikuwento niya.
Napagtanto niyang easy go lucky pala ang napangasawa niya. Wala itong iniisip kung hindi ang sariling kaligayahan nito. Kesyo, marami pa raw itong gustong maranasan sa buhay. May mga nasa bucket list daw ito na gusto nitong puntahan. Natanong niya nga kung paano ‘pag nalaman ng magulang nito pero wala raw itong pakialam kung masasaktan ito. Lilipas lang daw iyon. Aang mahalaga naman daw, sinunod nito ang gusto ng mga ito na magpakasal.
Wala talaga siyang masabi sa mindset ng asawa. Ayos lang naman sa kaniya kasi hindi rin naman siya seryoso sa pagpapakasal. Kaya, ayos lang sa kaniya kung maghiwalay sila kaagad.
Napunta sa kaniya ang topic. Makapunta ng Scandinavia ang nais niya. ‘Yon lang din ang naikuwento niya dito. At nangako itong mamadaliin ang pag-alis niya para mahanap na niya ang ama niya.
Kagaya ng nabanggit ni BK sa kaniya, binigyan nga siyan ito ng itenerary. Pero hindi niya iyon sinunod. Inabala na lang niya ang sarili sa telepono at laptop ni BK. Talagang paghahandaan na niya ang pangarap na trip, tutal nangako naman sa kaniya ang asawa.
Papalipasin lang nila ni BK ang honeymoon nila na walang nangyayari. Hindi sila ‘yong tipong mga bagong honeymooners na mag-stay lang sa kuwarto, stick lang together. Para silang bakasyunista lang. Kaniya-kaniya sila ng lakad rin.
Ikaanim na araw nila noon nang maisipang maligo sa dagat mag-isa. Maraming turista pa rin dahil natapat na summer dito ngayon. Halos pinoy ang mga naroon dahil sikat pala ang hotel ng pamilya Hernandez sa mga Filipino citizen. Marami na siyang nakausap. Pakiramdam daw ng mga ito, nasa Pilipinas lang nagbabakasyon. Kahit pagdating sa pagkain, halos Filipino foods ang sini-serve.
Suot niya ang trikini top na isa sa mga binili ng ginang. Pinatungan lang niya ng cover-up ang ilalim. Nakakahiya mag-t-shirt. Halos mga nakabikini ang naroon. Siya lang ang maiiba kung sakali. Sabagay, liberated na kasi ang Hawaii. Saka, normal lang kasi nasa beach sila. Hindi kagaya sa Pilipinas na maraming sinasabi makita lang na naka-bikini.
May inihanda ang staff ng hotel sa kan’ya na bench kaya doon niya nilagay ang ibang dalang gamit.
Napalinga siya. Siya lang pala ang walang kasama. Merong pamilya, couples at magkakaibigan. Naingit tuloy siya bigla. Sana pala sinama niya si Amelie para may kasama naman siya, hindi ‘yong ganito na mag-isa lang. Nakakalungkot tuloy.
Suot ang stylish sunglasses nang maisipan niyang mahiga muna sa wooden beach chair. Kita ng bahagya ang legs niya sa kaliwa dahil sa pagkakatali niya ng cover-up. Nililipad iyon ng hangin kaya naupo siya at inayos iyon.
Akmang babalik siya ng higa nang makarinig ng sunod-sunod at malakas na tawanan ng isang grupo. Napaawang siya ng labi nang makita ang asawang si BK na may may kasamang babae, kasama nito ang grupong maiingay. Maraming kasama ito na may mga kapareha din. Nakayakap ang kanang kamay ni BK sa maliit na beywang ng babae na ikinaangat niya ng kilay.
Natawa siya ng mapakla. Nakalimutan yata ng asawa na nasa Hotel De Astin ang mga ito. Paano kung kuhaan ito ng picture na iba ang kasama habang siya ay nag-iisa sa bench? Napailing siya kapagkuwan.
Hinagod niya ang kabuuan ng babae. Mahilig pala si BK sa brunette. Eh, bakit hindi na lang sa kan’ya? Parehas lang naman sila ng babae. Maganda rin naman siya. Lamang lang ito dahil proud sa suot na two-piece. Pero higit na mas maganda yata siya.
Hindi naman yata masama magbuhat ng sarili, ano?
Baka mapansin ni BK na tinitingnan niya ang mga ito, kaya nag-iwas siya ng tingin. Pero huli na dahil naka tingin na ang asawa sa kan’ya. Bahagyang kumunot ang guwapong mukha nito. Pero hindi niya iyon pinansin. Nakatutok siya sa dibdîb nitong bahagyang bukas dahil sa naka-unbutton na hawaiin shirt. Pogi sana ang asawa niya, kaso hindi masarap ka-bonding. Hindi kasi siya nito bet. Napangiwi siya sa isiping ‘yon.
Napababa siya ng tingin nang makitang titig na titig na sa kanya partikular sa buong katawan niya. Para naman siyang hinuhubaran ng asawa dahil sa paraan ng tingin nito. Kumunot pa ang noo nito nang mapatingin sa hita niyang hindi na natatakpan.
“Honey,” untag ng babaeng kasama ng asawa.
Ipinilig ng asawa ang ulot at bumaling sa babae. Ngumiti ang asawa sa babae at hinila na ito. Para siguro ilayo sa kan’ya.
Eh, ‘di wow!
May kung anong lungkot siyang naramdaman. Dapat sila magkasama, e. Kasi sila ang ikinasal.
Padaskol na nahiga na lang siya ulit. Hinayaan na lang niyang liparin ng hangin ang cover-up niya. Bakit pa magtatakip? Ang iba nga hindi na gumagamit niyon, e. Siya lang ‘tong OA. Masyadong conservative.
Hindi naman nasisilaw ang mga mata niya dahil sa suot na sunglass kaya sa langit lang siyan nakatingin.
Naalala na naman niya si BK at ang babaeng iyon. Hindi siguro nagagandahan sa kan’ya ang asawa, kaya hindi siya nito magawang irampa sa maraming tao. Kung aayusan siya, dyosa rin naman siya. Marami nga siyang fans na mga kapitbahay niya. Kesyo, maganda raw siya at puwedeng maging artista. Pero bakit kay BK wala siyang dating? Sabagay, iba-iba naman ng taste, e.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga kapagkuwan.
Hindi na siya mapakali ng mga sumunod na sandali kaya naisipan niyang lumubog na lang sa tubig dagat. Naupo siya kapagkuwan. Tumayo siya para tanggalin ang sunglass.
Saktong tinatanggal niya ang cover-up nang mapatingin sa gawi ng asawa niya. Nakatingin pala ito sa kan’ya. Bakit kaya? Nag-iwas siya ng tingin. Tinanggal niya iyon saka naglakad para lumusong sa dagat.
Hindi pa man siya nakakarating nang may humarang sa daraanan niya. Nakangiting mukha ni Max ang bumungad sa kan’ya.
“Sabi na nga ba, ikaw ‘yan, e! Kumusta?” anitong nakangiti. Gumanti rin siya dito ng ngiti.
“Ayos lang naman. Ikaw? Pasensiya na pala noong nakaraan, ha?” aniya ng maalala ang pag-iwan dito sa restaurant.
“Ayos lang ako. Nagtataka lang ako. Bakit hindi ikaw ang kasama ng asawa mo?” Sabay sulyap sa gawi ng asawa niya. Napatingin din siya doon. Madilim ang mukha ng asawa kaya bumaling siya kay Max.
“Puwede bang secret ulit?” aniya rito.
“Okay. Sige, hindi na ako mangungulit, basta hayaan mo akong samahan ka. Ikaw din, malungkot kaya mag-isa,” anitong nakangiti.
“Okay. Basta, isang dipa ang layo. Mahirap na, baka pagalitan ako ni BK.”
“May ganoon? Pero siya, kung makadikit sa babae niya walang space.” Natawa siya bigla sa walang space na sabi nito.
“Hayaan na natin siya. Sumunod na lang tayo para masaya.”
“Okay. So, mag-uusap tayo parang nagsisigawan, ganoon?”
“Ganoon na nga,” aniyang natawa na lang at lumusong na sa dagat.
Wala rin ang sinabi niyang isang dipa dahil niyaya siya ni Max sa malalim, kaya kumapit siya sa braso nito. Sinusubukan lang naman nila kung hanggang saan ang kaya niya. Hindi niya talaga kayang lumangoy na malalim kaya napilitan silang gumilid na lang.
Wala na sila BK at ang mga kasama nito kaya nakaramdam siya ng tuwa. At least, hindi na siya maiilang. Mahigit kalahating oras din sila ni Max na nakalusong sa dagat bago umahon. Nagpaalam ito sa kan’ya na bibili ng maiinom kaya sumang-ayon siya dito. Nakaramdam na rin kasi siya ng uhaw.
Hingal na hingal siya nang maupo sa bench na inuukopa niya. Hinigit niya ang towel at pinunasan ang sarili. Malamig na kasi ang hanging dumadampi sa balat niya.
Kakatapos niya lang magpunas nang may lumapit sa kan’ya. Inaayos lang niya ang towel na dala rin kanina. Nakatalikod siya. Si Max lang naman ang alam niyang lalapit sa kan’ya.
“Nakabili ka ba ng—” Napatigil siya sa pagsasalita nang malingunan si BK. Seryoso ito. Ang buong akala pa naman niya si Max iyon.
Napalunok siya nang mapansing titig na titig ito sa kan’ya. May dala itong roba.
“Suotin mo. Hindi maganda tingnan ang suot mo. Bumalik ka na rin, may ipinahanda akong pagkain. I’m sure, malapit ng maluto iyon.”
“Pero hindi pa nga—”
“Sumunod ka na lang, Daph. Please? Magpahinga ka kasi mamasyal tayo bukas. Remember, last day na natin? Tumawag kasi si Mama. Nakikibalita tungkol sa nangyayari dito. Nanghihingi rin siya ng mga pictures nating dalawa. I’m pretty sure na hahanapin nila pag-uwi kaya kailangan ko ang kooperasyon mo,” pagkasabi nito ay basta na lang ito tumalikod at iniwan siya. Iniwan rin nito ang roba na hawak nito sa bench.
Simpleng batas talaga ang asawa niya. Wala pa nga siyang isang oras na nakalusong pinapabalik kaagad siya nito, at balak pa naman niyang bumalik ulit sa dagat. Umiling-iling na lang siya.
Hinintay niya si Max na bumalik saka nagpaalam. Bahagyang nalungkot pa ito pero wala siyang magagawa.
Sadyang masunurin siya sa asawa.
“Tiis-tiis lang, Daph. Para ito sa pangarap mo,” kausap niya sa sarili.
Hindi siya puwedeng sumuway sa asawa dahil dito nakasalalay ang trip niya papuntang Norway.
Pagdating niya sa sarilling silid ay may nakahanda na ngang pagkain para sa kan’ya. Thoughtful sana ang asawa, kaso killjoy. Napangiwi siya dahil sa isiping ‘yon. Sana hindi nakagat ni BK ang dila nito. Baka sabihin nito, iniisip niya.
Hindi na niya nakita si BK ng hapon hanggang gabi. Bago siya natulog, kumatok pa siya sa silid nito pero walang BK na nagbukas sa kan’ya. Mukhang gumimik ito. Natulog na lang siya na may konting sama ng loob.
Kinabukasan, nagising siya sa katok ng asawa. Papungas-pungas pa siyang nagbukas ng pintuan.
“Oh, f*ck!” dinig niyang sabi ng asawa na ikinamulat niya ng maayos. Napasunod ang tingin niya sa tinitingnan ng mata nito.
Napaawang siya ng labi nang mapansing tayung-tayo ang dunggot niya sa ilalim ng manipis na damit niya.
Bigla siyang napatalikod dito at niyakap ang sarili.
“Ano bang ginagawa mo dito?” aniya na lang.
“Nakalimutan mo na ba pinag-usapan natin? Mamasyal tayo, ‘di ba?”
Of course not! Parang gusto niyang isagot. Siya nga itong worried dahil baka makalimutan nito. Kaya nga nakatulugan na niya, e.
“Hindi ko naman nakalimutan. Maliligo lang ako. Isasara ko na ang pintuan,” imporma niya dito. Hindi pa rin siya humaharap dito.
Napasinghap siya nang dumikit ang braso nito sa balat niya. Dinaanan lang siya nito. Deretso itong nahiga sa kama niya padapa. Nakahinga siya ng maluwag.
Sinara niya ang pintuan at naglakad palapit sa closet niya. Hindi na niya tinakpan ang dibdîb dahil nakadapa naman ito.
“Suotin mo ang mga binili ni Mama.”
Napalingon siya bigla nang magsalita ito. Nakaupo na pala ito. Nakalimutan niyang takpan ang dibdîb kaya napatitig na naman ang asawa doon. Mabilis na tinakpan niya ng towel iyon.
“Maliit, kaya hindi mo naman kailangang itago.” Napalunok siya sa sinabi nito.
Kaya siguro walang epekto siya sa kay BK kasi hindi nito gusto ang katawan niya. Lalo na ang dibdîb niya. Sabagay, patunay na ang babaeng kasama nito. Malaki ang pakwan— mali coco melon pala.
Tumayo ito at lumapit sa kan’ya kaya napaatras siya hanggang mapasandal siya sa closet niya.
“BK,” aniyang kabado. Titig na titig ito sa kan’ya kaya nakakailang.
Nahigit niya bigla ang paghinga nang idikit nito lalo ang sarili sa kan’ya. Halos isang pulgada na ang pagitan nila kaya sunod-sunod na ang paglunok niya. Tumingin ito sa labi niya nang basain niya ang ibabang labi niya gamit ang dila.
Gumalaw ang balikat nito.
“Yayakapin kaya siya nito?” tanong niya sa sarili.
Napapikit siya nang dumikit nang bahagya ang katawan nito. Hindi niya maiwasang mapatingin sa dibdîb nitong taas-baba.
Napapapikit siya bigla nang ilapit na nito ang mukha sa kan’ya. Ilang sandali pa siyang naghintay na may dadapong labi sa kan’ya pero walang dumapo.
Umasa siya. Kahiya!
“Wear this. Bagay ‘to sa’yo,” bulong nito sa kan’ya sabay lagay ng swimsuit sa kamay niya.
Pabalik na ito sa kama nang magmulat siya ng mata. Pabagsak na nahiga lang ito sa kama. Nakadapa na naman.
MALAPAD ANG NGITI ni BK nang bumukas ang pintuan ng simbahan iyon sa bayan ng Caramoan. Iniluwa no’n ang asawa sa simpleng wedding gown nitong puti, pero binigyan nito ng hustisya, naging elegante ito tingnan. Napakaganda nito sa suot na iyon kahit na malaki na ang umbok ng tiyan. Pabor nga sa asawa ang suot na simple lang, hindi naman nga ito lumaki na magarbo. Kulang sila sa preparasyon dahil biglaan ang naging kasal na ito. Halos isang linggo nilang nilakad ang mga dapat lakarin para matuloy ang kasalang gusto nilang dalawa. Sinamantala rin nilang mag-asawa habang kompleto ang kamag-anak nito na nandito sa Pilipinas. After he mouthed ‘I love you’ to her, she responded. Kaya naman hindi napalis ang magandang ngiti sa labi niya. Ang corny pero kinikilig talaga siya lagi kapag tumutugon ang asawa sa kan’ya. Pero hindi talaga mawala-wala sa isip niya ang first night nila mamayang gabi sa cabin– ang ibig niyang sabihin first night nila ulit after ng ilang buwang magkalayo. OA? Pero g
"SAAN KO ‘TO ILALAGAY, BABY?" Napatingin si Daphne sa asawa na dala ang mga gamit ng anak. Kakarating lang nila ng Hotel De Astin. Buong pamilya niya at magulang ni BK ang makakasama nila sa bakasyon. Hindi sila sakto sa bahay nila BK kaya nagpasya silang sa hotel na lang tumuloy. "Sa mesa na lang muna siguro. Pakilagaya na lang at ako na lang mag-aayos. Pakibantayan na lang muna si baby kasi may iuutos ako kay Yaya." Ipinagpatuloy niya ang pagpasok ng mga damit nila sa closet. “Sige, baby.” Kaagad na tumalima ito palabas ng suite nila. Nasa baba kasi ang anak kasama ang Yaya at mga lola nito. May bantay naman ang anak dahil nandoon ang magulang nila, ayaw lang niya bigyan ng chance si BK na makalapit sa kan’ya. Ilang araw ng bumubulong ito sa kan’ya pero hindi niya pa rin pinapansin. Buti nga hindi umiinit ang ulo nito. Pagkatapos niyang mag-ayos ng mga gamit nila ay bumaba na siya para kunin ang anak. Pinatulog niya muna dahil paniguradong antok na ito. Hindi naman kasi ito nat
NAPAKAMOT SI BK nang daanan lang siya ng asawa. Galing ito sa silid ng anak. Mukhang pinaliguan yata nito, basa kasi ang damit nito. “Baby…” Hindi man lang siya nilingon ng asawa. Derederetso lang ito sa silid nila at nagbihis. Mahigit isang linggo na mula nang hindi siya nito pinansin. Nainis siguro dahil nagtulog-tulugan siya habang panay ang paliwanag nito nang gabing iyon. Ayon, kinabukasan, para siyang wala sa paligid hanggang ngayon. Nainis lang naman siya dahil nagpahalik ito sa kamay. Narinig niya ang pinag-usapan ng mga ito, masaya siya dahil inamin nitong hindi naman siya nawala sa puso nito sa kabila ng kasalanan niya. Sana pala, tinanggap niya ang paumanhin nito tungkol sa na naabutan niya. Hindi rin naman daw inaasahan nito ang ginawa ni Emmanuel. Nakasandal siya noon sa dahon ng pintuan habang hinintay ito matapos sa pagbihis. Hindi na niya puwedeng hayaan na umabot ng buwan ang ‘di pagpansin sa kan’ya ng asawa. Ilang buwan na nga silang nagkawalay tapos ganito pa
“K-KANINA KA PA?” Dayan-dahan siyang kumilos paupo. Maingat dahil baka magising si Mirielle “Kakarating ko lang.” Tulog na tulog pa rin ang anak sa tabi niya nang lingunin niya ulit. Pilit na inabot niya ang saklay niya kapagkuwan. Hindi niya maabot kaya si BK ang kumuha. Hindi na siya kumontra nang alalayan siya nito pababa. “Umuwi na si Emmanuel. Sabihin ko na lang daw sa ‘yo pag gising mo.” Nakaramdam siya ng konsensya. Tinulugan niya kasi ito kanina. Hindi tuloy siya nakapagpasalamat. “Okay. Sa couch, please,” aniya sa asawa. Nakaalalay sa kan’ya si BK hanggang sa couch. Akmang aalis ito nang magsalita siya. “Mag-usap tayo, BK. Tungkol kay Mirielle. P-paanong nangyaring nabuhay siya? Sabi mo ikaw mismo ang nag-asikaso ng lahat tapos ngayon buhay pala. Matagal mo na bang lihim ito? ‘Yong totoo, BK.” Saglit na tumitig ito sa kan’ya. Marahil nagtataka ito, nakakaalala na siya. Naupo si BK sa tabi niya na nakayuko. “Si Amber ang nakatuklas na buhay ang anak natin. Naroon siy
NAPASINGHAP SI DAPHNE nang biglang lumuhod si BK sa kan’ya. Kaagad na sinapo nito ang mga paa niya at sinipat iyon. Nag-angat ito ng tingin sa kan’ya. “What happened, baby?” Napalunok siya sa naging tanong nito. What happened ba kamo? Bakit hindi nito tanungin ang sarili nito kung ano ba ang nangyari sa kan’ya? Naikuyom niya ang mga ngipin. Umisang lunok pa siya bago tuluyang sinalubong ang tingin nito. “Sino ka?” seryosong tanong niya. “B-baby…” puno ng pagtatakang sambit ng asawa. Nagkaroon siya ng temporary amnesia nang mangyari ang aksidenteng iyon pero agad din namang bumalik. Sana nga hindi agad bumalik, para talagang makalimutan niya ang asawa. Kotang-kota na siya sa sakit. “Hindi kita kilala kaya bitawan mo nga ang paa ko. Baka makita ka ng asawa ko. Ayokong maging ng away namin.” Patawarin nawa siya ni Emmanuel. Hindi pa niya kayang harapin si BK sa ngayon. Pakiramdam niya naulit lang ang nakaraan. Buntis din siya noon nang puntahan siya ng asawa matapos na umalis siy
ILANG BESES PANG tumingin si Daphne sa orasan bago tuluyang nahiga. Hanggang ngayon, umaasa siyang uuwi si BK gaya ng sabi nito sa kan’ya. Pero pangalawang gabi na niya ito sa bahay nila na naghihintay dito, pero hindi pa rin ito umuuwi. Ayaw niyang umalis ng bahay nito na hindi ito nakakausap, at ang sabi rin kasi nito, hintayin niya ang pagbabalik nito. Pero bakit wala pa rin? Hindi na niya kayang mag-stay sa bahay nila ng ganito kalungkot. Para siyang mababaliw sa kaiisip kung ano na ba ang ginagawa ng asawa. Nag-o-overthink na siya. Mas mabuti pang hindi sila magkasama sa iisang bubong nito.Ramdam naman niya sa asawa na mahal siya nito pero kailangan pa rin nila ng space. Kailangan niya ng pahinga. Ngayon niya ramdam ang sobrang pagod dahil sa lahat ng mga nangyari sa kan’ya. Hindi pa pala siya nakaka-recover sa lahat ng hirap na naranasan, dumagdag pa ang kasalukuyang problema nila na talagang nagpapahina sa kan’ya. Pakiramdam niya, Sinalo niya ang lahat ng problema ng mundo. P