Home / Romance / Taming The Billionaire Surgeon / Chapter 3 The Short Date

Share

Chapter 3 The Short Date

Author: LichtAyuzawa
last update Last Updated: 2023-11-04 21:39:50

Third person point of view

Naglalakad palabas ng hospital si Leslie. Kakatapos lang ng duty niya at ngayon ang oras ng pagkikita nila ni Ethan.

Pagdating niya sa garden kung saan sinabi nito na magkikita sila ay nakita niya ito nakaupo sa bench habang abala sa pagtanaw sa malayo habang naka-dekwatro.

Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran, "kanina ka pa?" tanong niya dito.

Umiling ito, "nope, kakarating ko lang din, mas nauna lang ako sa iyo ng ilang minuto," paliwanag nito.

Naglakad siya at naupo sa tabi nito, "how's your day?" Tanong niya.

"Dull, I miss you," naka-pout na sagot nito.

Napangiti siya at kinurot ang bibig nito, "mine is really tiring."

Nag-aalalang tumingin ito sa kaniya, "I heard about your new patient, is he nice?"

Kaagad na sumama ang timpla niya pagkarinig sa tanong nito. Muli na naman kasi niyang naalala ang babaero na iyon.

"Tch!" Ingos niya dahil sa inis na bumabalot ngayon sa sistema niya.

"Something wrong, you know you can tell me everything," mahinang sambit nito gamit ang nang-aamo na boses.

Kapag ganiyang boses na ang gamit nito ay hindi na siya makakapaglihim pa kaya naman napahinga nalang siya ng malalim at nagsabi na dito ng nangyari kanina.

"He's so annoying!" Bulalas niya.

"Come on, let me take you out on a date," suhestiyon nito at inalalayan na siyang tumayo.

Sabay silang naglakad papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse nilang parehas.

Nagkatinginan sila kung kaninong kotse ang gagamitin. Sa huli ay kotse nito ang pinuntahan nila.

"Where do you want to go?" Tanong nito habang pinapaandar ang kotse.

"Roaster Steak House!" Bulalas niya na hindi maitago ang excitement.

_____

Masama ang tingin ni Alisson sa dalawang tao na naglalakad palabas ng hospital.

Kanina pa niya pinagmamasdan ang mga ito at kakaibang galit ang naramdaman niya ng makita niya ang babaeng doctor na yumakap sa isang lalaki.

"Master Luigi?" Pag-aagaw ng atensiyon ng butler na nakatalaga para lang sa kaniya.

Pinatawag niya ito dahil may gusto siyang alamin at ipagawa dito.

"Kevin, I want you to investigate Dela Constancia family for me," utos niya habang hindi inaalis ang tingin sa dalawa.

Napakuyom ang kamay niya ng makita kung paano nito kurutin ang nguso nung kasama nito.

"Master Luigi?" Muli niyang narinig ang boses ng butler na si Kevin.

"You heard me Kevin, you are dismissed," utos niya.

Nakarinig siya ng mahihinang yabag bago ang dahan-dahan na pagbukas at sara ng pinto.

Pagkalabas ni Kevin ay bumalik na siya sa pagkakahiga at nagpapatay ng oras sa pagtitig sa kisame.

Pero wala pang isang minuto ay naiiritang ginulo niya ang buhok niya bago bumangon at nagmamadaling isinuot ang tsinelas.

Lumabas siya ng hospital room niya at nagsimulang maglibot sa mga room kalapit niya.

Nasa hospital siya dahil naaksidente siya sa motorsiklo. Nagkaroon ng bali ang braso niya dahil sa karera muntik pa siyang matalo mabuti nalang ay maswerte siyang nilalang kaya naman nanalo pa rin siya kahit na na-aksidente siya.

Habang naglalakad siya ay dinala nalang siya ng mga paa niya sa fire exit.

Binukas niya ang pinto at kaagad niyang naramdaman ang bugso ng hangin.

Sinara niya ito mula sa likuran ang mula sa mataas na fire exit na tanging maninipis na bakal lang ang nagsisilbing harang ay tinanaw niya ang malawak na kapaligiran ng hospital.

Makalipas ang isang oras na pagtambay ay nagpasya siyang bumalik ng hospital room niya dahil baka hinahanap na siya ng Daddy niya.

Binuksan niya ang pinto ng fire exit pero hindi niya ito mabuksan.

Napakurap-kurap siya at paulit-ulit na tinulak at ni-rattle ang pinto pero walang nangyari dahil ang pinto ng fire exit nitong hospital ay gawa sa metal.

Kinapa niya ang cellphone sa bulsa niyaa para sana tawagan ang Daddy niya.

"FVCK!" Malutong na mura niya ng mapagtanto na wala pala ang cellphone niya, naiwan niya ito sa kwarto.

"Tulong!" Sigaw niya habang malakas na sinusuntok ang pinto.

Napaigik siya dahil sa sakit ng ginawa niyang pagsuntok.

Dahan-dahan siyang naupo at napasandal nalang sa pader habang hinihintay na may magbukas ng pinto para sa kaniya.

____

Abala sa pagkain si Leslie at ang boyfriend niyang si Ethan nang sabay na tumunog ang cellphone nilang dalawa. Padarag na nabitawan nila ng sabay ang kubyertos para sagutin ang tawag.

"Hello"

"Hello?"

Sabay sila ni Ethan na napatingin sa isa't-isa at kapwa sabay din silang napatayo habang nanlalaki ang mga mata.

"We will be there in a minute," seryosong sambit niya.

Pagkatapos marinig ang pasasalamat ng daddy ni Alisson ay sinenyasan niya na ang waiter at ibababa na sana niya ang five thousand sa lamesa ng pigilan siya ni Ethan.

Pinagkunutan niya ito ng noo pero inilingan siya nito at kinuha nito ang wallet sa bulsa at dumukot doon ng ten thousand. Sakto naman na pag-angat nito ng tingin sa kaniya ay nasa harapan na nila ang waiter hawak ang bill nila.

Inabot nalang ni Ethan ang ten thousand at walang kibo na hinila siya palabas ng restaurant.

Sabay silang sumakay ng kotse at umalis ng restaurant. Wala silang kibo habang bumibyahe sila pabalik ng hospital. Habang nagbibyahe ay tahimik siyang nag-iisip ng mga lugar na pwedeng puntahan ng pasyente niya. Hindi niya ito masyadong kilala kaya naman wala siyang ideya sa mga lugar na maaari nitong puntahan, ang tanging alam lang niya ay nakakainis ito.

"Earth to Leslie!"

Nagulat siya at kunot-noo na napatingin sa kasama niya na nakatayo na sa tapat ng nakabukas na pinto ng kotse.

"We're here," anunsyo nito habang dinudungaw siya.

Bumaling siya sa paligid niya at doon lang niya napagtanto na sobrang layo na pala ng tinakbo ng isip niya.

Nahihiyang tumango siya dito at sumunod dito palabas.

"Are you okay?" Tanong nito habang mabilis ang lakad nila papasok ng hospital.

"Yeah," simpleng sagot niya.

Pagkapasok nila sa hospital ay kaagad na bumungad sa kanila ang mga nagkakagulong staff ng hospital.

Nakitakbo na rin sila papunta sa direction na pinupuntahan ng mga staff.

Habang mabilis ang takbo nila ay may sumabay sa kanilang nurse.

Pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito.

"What's happening!?" Malakas na tanong niya sa nurse.

Bakas ang takot at pagkabalisa sa mukha nito, hindi niya maiwasan na kabahan dahil baka kung ano na ang nangyayari sa hospital na pinagta-trabahuhan nila wala manlang silang kaalam-alam.

"Doc Leslie, ikaw pala!" Bulalas ng nurse na mukhang ngayon lang siya nakita, gayong kanina pa niya ito hawak.

"Yes, what's happening!?" Iritable ng tanong niya.

"May bigla nalang po kasing pumasok na mga lalaki dito sa hospital at lahat po ng mga iyon ay may mga dalang baseball bat, kaya nagkagulo po ang lahat," sagot nito.

Napahinto siya sa pagtakbo, dahil sa ginawa niya ay napatigil din ito dahil hawak niya.

"Ano daw ang kailangan nila?" Tanong niya habang iniisip kung ano ang kailangan ng mga ito.

"Hindi ano, kung hindi sino," sagot nitong muli na pinutol.

"Ano ba, hindi mo ba talaga bubuoin ang sagot mo!?" Bulyaw niya na tuluyan ng nawalan ng pasensya.

Napangiwi ito at umaktong nasasaktan sa pagsigaw niya pero imbes na maawa ay mas lalo niyang pinandilatan ito.

"Si Alisson po, pasyente mo," sagot nito na bakas ang takot.

Mabilis na binitawan niya ito at kumaripas siya ng takbo papunta sa kwarto ng pasyente niya.

"LESLIE!"

Dinig niyang sigaw ni Ethan na hindi niya pinansin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming The Billionaire Surgeon   Special Chapter 2

    Third person point of viewFive months later..."Alisson!!!" Sigaw ni Leslie ang pumuno sa buong delivery room. "Fvck! Fvck! My wife," malulutong na napamura si Alisson habang kinakabahan na nagpapabalik-balik siya ng lakad sa harapan ng delivery room. Kasalukuyang nasa loob ng delivery room si Leslie dahil manganganak na ito sa bunso nila. Hindi niya alam ang gagawin, kanina pa niya tinawagan ang parents nila pero ang sabi ng mga ito ay nasa cavite pa dahil sa isang business trip. Na-stuck daw ang mga ito sa traffic."Calm down bro," pagpapakalma ni Arisson sa kaniya.Napatingin siya dito at sa asawa nito na kalmado lang na nakaupo sa isang mahabang metal na upuan."Paano ninyo nagagawang maging kalmado? Nasa bingit ng kapahamakan ang asawa ko?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa mga ito.Pinagtaasan siya ng kilay ni Joana Mei bago inirapan, "napagdaanan na ni Leslie iyan sa una ninyong anak kaya pwede ba kumalma ka dahil baka sipain kita palabas!" Singhal nito sa kaniya.Nanghihin

  • Taming The Billionaire Surgeon   Special Chapter 1

    Third person point of view"Mommy, you are so beautiful po."Nakatayo si Leslie sa harapan ng nakasaradong pinto bg simbahan kung saan mangyayari ang kasal niya ngayong araw.Puno ng kasiyahan ang puso niya habang katabi niya ang anak niya pero ramdam niya na parang may kulang. Isa sa mga naging tradisyon ng filipino na kasama ang magulang sa paglalakad sa altar pero ngayon ay iba dahil anak niya ang kasama niya."You are crying Mommy," komento ng anak niya.Pinalis niya ang luha niya at nakangiting tinignan niya ang anak niya, "huwag mong intindihin si Mommy anak miss lang niya yung mga Lolo's and Lola's mo," sagot niya dito.Malawak na ngumiti ang anak niya sa kaniya, "let's go na po Mommy!" Excited na sambit nito at inakay siya.Napapantastikuhan na tinitigan niya ito pero kalaunan ay ngumiti nalang siya at nagpatangay sa ginagawa nitong pag-akay sa kaniya.Nagsimula silang maglakad papunta sa nakasaradong pinto ng simbahan."Mommy wait lang po," anito na pinatigil siya sa paglala

  • Taming The Billionaire Surgeon   Epilogue

    Third person point of viewOne year later..."Alliyah, pakikuha nga anak yung iluluto ni Mommy doon sa ref!"Isang taon na ang nakakalipas simula nung talikuran nila ang marangyang buhay. Kasabay ng pagtalikod nila sa buhay na kinalakihan ay tinalikuran din nila ang mga tao na naging parte niyon.Hindi niya masasabi na naging madali ang buhay nilang mag-anak dahil sa totoo lang ay sobrang hirap. Ilang beses niyang tinangka na magsabi sa mga magulang niya pero hindi niya magawa dahil hindi pa niya kayang harapin ang mga ito.Sobrang sakit nung mga nangyari, marami ang nagbuwis ng buhay at hindi niya matanggap na isa siya sa mga dahilan kung bakit nagawa ng mga malapit sa kaniya ang manakit ng iba.Pero may kasabihan nga na time heal all wounds at masasabi niya na sa loob ng isang taon ay natanggap na niya ang lahat at handa na siyang igawad sa mga nagkasala ang kapatawaran."How are you my lovely fiance?" Bulong nito habang nakaakbay sa kaniya at ginagawaran siya ng magagaang halik sa

  • Taming The Billionaire Surgeon   Chapter 95

    Third person point of viewBANG!"Aahh!" Sigaw ni Aragon kasabay ng pagluhod nito sa semento dahil sa tama ng bala nito sa binti."Stop running, because you have nowhere to run," ani West habang pinapanood si Aragon na nagpupumilit makatayo ng tuwid.Dahan-dahang naglakad si Aragon pagkatapos makuha ang balanse na kailangan nito, pero hindi pa ito tuluyang nakakahakbang ay muli itong bumagsak kasabay ng muling pag-alingawngaw ng putok ng baril."Give up already, kasi hindi ka na magtatagal." Napahiga si Aragon sa marumi at magaspang na sementadong kalsada. Nakangiti itong tumingin sa kaniya, "kill me now!" Pang-uudyok nito sa kaniya.Humigpit ang hawak niya sa baril at magkakasunod siyang napailing, "I can't," sagot niya dito.Tumalim ang mga mata nito, "kill me!!" Mas malakas ng sigaw nito na wala na ang pag-uudyok. Nakikita niya ang pagod sa mga mata nito, kung sa ibang pagkakataon lang ito ay baka hindi na nito kailangan na sabihan siyang patayin ito dahil bago pa bumuka ang bibi

  • Taming The Billionaire Surgeon   Chapter 94 

    Third person point of viewBANG!"Aaahh..." Sigaw ng mga tao na nasa loob ng hospital room ni Leslie kabilang ang mga nurses na nagra-rounds para tignan siya pagkatapos marinig ang alingawngaw ng putok ng baril.BLAG!"UGH!" Dinig nila ang malakas na kalabog ng pagbagsak kasabay ng pagdaing. Dahan-dahan niyang ibinaling ang mga mata niya sa pinanggalingan ng tunog at nahintakutan siya nung makita niya ang isa sa mga nurse na hawak ang tagiliran na punong-puno ng dugo."Mommy!!!" Pagpalahaw ng anak niya na nakatingin sa nurse na nakahiga sa sahig habang naghahabol ng hininga."Sh*t!" Mura ni Alisson at mabilis na niyakap ang anak nila bago itinago sa likuran nila."Bakit niyo ba ginagawa ang bagay na ito!?" Sigaw ni Leslie sa dalawang kabataan na nasa harapan nila at tinututukan sila ng baril.Tahimik lang silang nagkakasiyahan ng pamilya niya ng bigla nalang bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto at pumasok ang dalawang lalaking ito at nagsimulang pagbabarilin ang mga kasangkapan sa k

  • Taming The Billionaire Surgeon   Chapter 93

    Third person point of view"Papatayin kitang hayop ka!" Sigaw ni Dominador at mabilis na sinugod ang bagong dating na bisita.Kaagad na pinigilan ni West at Walter si Dominador sa pagsugod nito."Ano ang kailangan mo dito Aragon Costales?" Matalim na tanong ni Prim sa nakangising bisita.Mas lumawak ang ngisi ni Aragon, "chill guys! Masyado kayong mainit," Natutuwang sambit nito habang nagtataas ng kamay bilang pagsuko.Sa halip na matuwa ay nakaramdam ng inis ang mga miyembro ng black organization."Hindi ka pupunta dito para lang sa wala Aragon kaya huwag mo ng aksayahin pa ang mga oras namin at sabihin mo na kung ano ang pakay mo dito?" Inip na tanong ni Nero.Sa lahat ng miyembro ng Black Organization si Nero ang isa sa mga mainipin at literal na mainitin ang ulo at laging napapasama sa gulo.Nagkibit muna ng balikat si Aragon at dahan-dahan na naglakad palapit sa pang-isahang sofa at prenteng naupo doon.Pinanood nila ang bawat galaw nito habang pinapanatili ang pagiging alisto l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status