Share

Chapter 2

"Is this really your house? Dito mo talaga ako patitirahin?" Hindi makapaniwala kong tanong habang inililibot ko ang tingin sa kanyang bahay.

Hindi ko napigilang mapangiwi.

Ang apat na dingding ng kanyang bahay ay yari sa kahoy at kogon na may binigkis na bubong gamit ang dahon ng nipa. Habang tanging ang lupa na inaapakan lang namin ang nagsisilbi niyang sahig.

Maliit lamang ang espasyo sa loob ng kanyang bahay. Tila pinag-isa lang din ang sala, kusina at dining niya.

Lumakad siya patungo sa nakasaradong pinto, bitbit ang aking maleta.

Itinulak niya pabukas ang pinto at pumasok roon, bitbit pa rin ang aking maleta.

Ako naman ay inililibot pa rin ang aking paningin sa kabuuan ng kanyang maliit na bahay.

"Anong tinatanga-tanga mo diyan?" Bigla niyang tanong na nagpalundag sa akin sa gulat.

I looked at him at nakita ko siya na nakasandal sa nakabukas na pinto ng kwarto na kanyang pinasukan.

Naka-ekis ang kanyang mga braso sa kanyang d****b at nakakunot ang noo na nakatitig sa akin.

"Huwag ka ngang nanggugulat!" Reklamo ko.

Lumabas na siya mula sa kwarto at tumungo sa kanyang maliit na lamesa at binuksan ang takip ng mga pagkain na nakahain sa lamesa.

Lumapit ako sa kanya.

Nakalimutan ko nga palang itanong ang pangalan niya.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Deolino." Malamig ang boses na sagot niya na ikinasimangot ko.

Kumuha siya ng isang plato at pares ng kutsara at tinidor at inilagay iyon sa maliit at gawa sa mga kawayan niyang lamesa, then he looked at me.

"Kumain ka na. Baka malipasan ka pa ng gutom at isumbong mo ako sa Tatay mo." He said.

"Tss." Ang sagot ko na lamang saka tumingin sa lamesa.

Ganoon na lamang ang pagkakakunot ng aking noo nang makita ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Mga pagkain na hindi ko pa natitikman o nakita man lamang sa tanang buhay ko.

"Ano 'yan?" Bahagyang nakangiwi kong tanong without looking at Deolino.

"Pagkain." He answered na tila ba nasagot nga niya ng maayos ang tanong ko.

I gave him a sharp stare.

"Alam kong pagkain iyan. Ang tinatanong ko ay kung anong klaseng pagkain iyan. Nakakain ba talaga 'yan? Isn't that poisonous? Ano bang lasa niyan?" I asked one after another as I looked back at the food that I can't even name.

"Ang dami mong tanong. Kumain ka nalang para malaman mo ang sagot sa mga tanong mo." He said then he pulled a plastic chair for me at pwersado akong pinaupo.

Nilagyan niya ng kanin ang platong nasa harapan ko.

God! Ni hindi nga ata bagong luto ang kanin na inilagay niya sa plato ko!

Pagkatapos niyang lagyan ng kanin ang plato ko ay sunod naman niyang nilagyan ng pagkaing hindi ko mawari kung ano, ang ibabaw ng kanin na inilagay niya sa plato ko.

Maliliit na isda at medyo masabaw na kulay-abo ang pagkain iyon.

God! Is this even edible? Hindi ba ako malalason nito?

Konti lamang ang nilagay niya saka niya pinaghalo ang kanin at ang ulam na hindi ko pa rin alam kung ano ang tawag.

"Kumain ka na." Aniya nang matapos siya sa ginagawa.

Pinaghanda na rin niya ako ng isang basong tubig mula sa pitsel na nilagyan niya ng ice upang lumamig.

Tiningnan ko siya nang may pag-aalinlangan sa mukha.

"Huwag ka ng mag-inarte. Masarap 'yan. Specialty ko ata 'yan." He said na tila nagmamayabang pa.

Muli kong ibinalik ang aking tingin sa aking plato. Wala sa sariling nalunok ko ang aking laway.

Ni hindi ko magawang kunin ang kutsara at tinidor.

"Aish. Kumain ka na, sabi. Dapat ngayon pa lang, masanay ka nang ganyan ang mga kinakain mo dahil hanggang andito ka sa poder ko, iilang beses ka lang makakakain ng karne." Muling sabi niya saka naghila ng isang plastic na upuan sa tabi ko at umupo roon habang naka-ekis ang mga braso sa kanyang d****b. "Isa pa, ang sarap kaya nitong ginamos. Lalo na kapag nagkakamay ka."

Kinuha niya ang bandihado ng kanin at nilagyan iyon ng ulam na sinasabi niyang specialty niya saka niya pinaghalo ang kanin at ginamos katulad ng ginawa niya sa akin but this time, wala siyang ginamit na kutsara. Tanging kamay lamang ang ginamit niya na muli ay aking ikinangiwi.

"Anong tawag sa ulam na'to?" Nakangiwi ko pa rin na tanong.

"Ginamos." Sagot naman niya saka nagsimula ng kumain gamit ang sarili niyang kamay.

Pinaglipat-lipat ko ang aking mga mata mula kay Deolino at sa pagkaing nakahain sa harapan ko.

Mukhang sarap na sarap siya sa kanyang kinakain.

"Sige na. Kain na. Bawal ang mag-inarte sa lugar na'to." Ani Deolino.

I raised the spoon, full of rice with what he called, ginamos.

Inamoy ko muna ang pagkain at muli na naman akong napangiwi. Amoy pa lang, hindi ko na nagustuhan. Paano pa kaya ang lasa?

"Wala ka bang ibang ulam diyan? Kahit sardinas lang?"

He gave me a cold stare.

"Kakain ka o susubuan kita?" Nagbabanta niyang saad.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at muli na lamang ibinalik ang aking tingin sa kutsarang may kanin at ginamos.

Lumunok muna ako ng ilang beses at kinagat ko pa ang aking ibabang-labi bago ako dahan-dahan na ngumanga.

Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko habang unti-unti kong ipinapasok ang kutsara sa aking bibig.

Hindi ko rin namalayan na nakapikit na pala ang aking mga mata habang nginunguya ko ang pagkain.

Noong una ay nag-alangan pa ako ngunit nang malasahan ko na ang pagkain ay tuluyan na akong kumain.

It doesn't taste that bad. Maalat siya ngunit kaya ko namang kainin.

Kaya pala konti lamang ang inilagay ni Deolino sa kanin ko.

Nang bumukas ang aking mga mata ay nahuli ko si Deolino na nakangising nakatitig sa akin.

"Ano? Masarap, hindi ba?" He asked proudly.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Baka kapag sinabi kong hindi naman pangit ang lasa, siguradong magyayabang na naman siya at kung anu-ano na naman ang sasabihin niya.

And I am tired hearing all of his nonsense shits.

Hanggang sa matapos akong kumain ay hindi na ako nagsalita.

I looked at him at hindi ko napigilang itaas ang aking kanang kilay. Nauna pa siyang kumain sa akin pero hindi pa rin siya tapos.

I have never seen a man who could eat as much as he can.

Umiling na lamang ako saka tumayo.

"Saan ang kwarto ko?" Tanong ko sa kanya.

Tumigil naman siya sa pagkain at itinuro ang silid na pinasukan niya kanina.

I didn't say anything. Not even a thank you.

Lumakad na ako patungo sa kwartong para sa akin nang bigla niya akong tinawag that made me stop. Napalingon ako sa kanya.

"Now, what?" Mataray kong tanong habang nakataas ang isa kong kilay.

Kumunot ang kanyang noo.

"Saan ka pupunta?" Nagtataka niyang tanong.

"Hindi ba obvious? Edi sa kwarto ko?" Mataray ko pa rin na sagot.

"Sa kwarto mo? At paano ang mga 'to?" Aniya sabay turo sa aking pinagkainan.

"Anong gagawin ko sa mga 'yan? Gusto mong dalhin ko sa kwarto ko 'yan?" Pabalang kong sagot sa kanya.

"Hugasan mo ang mga 'yan. Pinagkainan mo ang mga 'yan kaya ikaw din dapat ang maghugas."

Tuluyan ko na siyang hinarap. Pinag-ekis ko ang aking mga braso. "What? You're asking me to wash the dishes? You wish!"

"At anong gusto mo? Ako ang maghugas niyan? Baka nakakalimutan mo, nasa pamamahay kita. Sa akin ka nakatira. At dito sa bahay ko, hindi puwede ang mga pa-senyoritang katulad mo. Kung hindi mo kayang maglinis ng mga kalat mo at maghugas ng pinagkainan mo, puwede ka ng umalis. Hindi kita pinatira dito para lang dumagdag sa mga alalahanin ko." He said seriously.

"At sa tingin mo ginusto kong tumira dito? If only I have a choice, hinding-hindi ako titira dito sa maliit at cheap na bahay na'to, kasama ang isang gagong katulad mo!" Galit kong sagot sa kanya.

Ipinatong niya ang isa niyang paa sa upuan na mismong kinauupuan niya.

"Edi umalis ka. Maghanap ka ng ibang bahay na titirhan mo. Kaya mo naman, hindi ba? May pera ka naman, hindi ba? Kaya mo naman sigurong ipagtanggol ang sarili mo mula sa mga taong maaaring manakit sa'yo dito sa lugar na hindi mo kabisado. Kaya sige, umalis ka. Ano, ilalabas ko na ba ang maleta mo?" He asked na tila ba wala talaga siyang pakialam sa akin.

Bumaba ang mga kamay ko at kumuyom ang aking mga kamao.

I badly wanted to punch him in the face kahit pa hindi naman talaga ako marunong manuntok.

"You really are an asshole." I said through gritted teeth.

Ngumisi siya.

"And you are a brat." Sagot naman niya na mas lalo kong ikinagalit.

Kung puwede ko lamang siyang gilitan sa leeg, ginawa ko na.

At alam kong nage-enjoy siya na nakikita akong galit. Base pa lamang sa ekspresyon ng mukha niya, alam ko nang gustong-gusto niya talagang iniinis ako.

Iniwas ko ang aking tingin mula sa kanya at pinilit kong pakalmahin ang aking sarili.

Ipinikit ko ang aking mga mata nang ilang segundo at makailang-beses na huminga ng malalim.

Nang sa tingin ko ay kalmado na ako ay saka ako muling bumaling sa kanya.

Nakangisi pa rin siya. Itinuro niya ang aking pinagkainan na tila ba sinasabi sa akin na hugasan ko na ang mga iyon.

Sa halip na sumagot sa kanya ay binigyan ko na lamang siya ng isang matamis na ngiti bago ako lumakad patungo sa lamesa at kinuha ang aking mga pinagkainan at dinala sa maliit niyang lababo na gawa sa mga biniyak na kawayan.

"Baka pati paghugas ng plato, hindi ka marunong. Gusto mo bang turuan kita?" He said na mukhang plano talagang inisin ako.

But I won't let him win over me. Kaya imbes na sagutin siya ay hindi ko na lamang siya pinansin.

Kung inaakala niyang hindi ako marunong maghugas ng plato, puwes, nagkakamali siya. Hindi naman ako ganoon ka-walang silbi.

Noong bata pa lang ako ay nakahiligan ko na ang panoorin ang mga kasambahay namin sa paglilinis nila ng mansiyon namin. And washing the dishes is one of the easiest jobs that they are doing.

Matapos kong hugasan ang pinagkainan ko ay muli ko siyang hinarap. I gave him a fake, sweet smile.

"Tapos na po akong hugasan ang plato ko. Puwede na po ba akong magpahinga since pagod po ako sa byahe?" I said at pinalambing pa ang aking boses.

Imbes na ngumisi o tumawa ay tumaas lamang ang isang kilay niya at umingos siya.

"Hindi bagay sa'yo ang magsweet-sweetan. Bratinella ka parin sa paningin ko." He said saka nagpatuloy na sa pagkain.

Pinilit ko ang sarili na huwag na lamang pansinin ang sinabi niya. Kung may gusto man akong gawin ngayon, iyon ay ang magpahinga. Gusto kong matulog at umasa na sana paggising ko, panaginip lamang ang lahat ng ito.

Tinalikuran ko na siya at tuluyan na akong pumasok sa kwartong nakalaan para sa akin.

May hagdanan na may dalawang palapag ang patungo sa dalawa na magkatabing silid.

Mabuti na lamang at hindi na buhangin ang aapakan ko. The floor is made up of bamboos na sa tuwing naglalakad ako ay naririnig ko ang paglangitngit.

Isinara ko ang pintuan ng kwarto na yari rin sa biniyak na mga kawayan at may lock na gawa lamang sa maliit na kahoy.

May isang maliit na tulugan na kagaya ng sahig, pinto at lababo ay gawa rin lamang sa biniyak na mga kawayan.

Bumuntong-hininga ako. Siguradong mananakit ang likod ko nito.

Sa tabi ng tulugan ay mayroong isang lamesita na gawa rin sa kawayan.

Hindi ata uso kay Deolino ang gumamit ng hollow blocks at mga semento. Fan ata siya ng mga kawayan.

Hinanap ko ang aking maleta at nakita ko ito sa gilid ng lamesita.

Kinuha ko iyon at naghanap ako ng mapaglalagyan ko ng aking mga damit at iba ko pang mga kagamitan ngunit wala akong mahanap.

Wala na rin naman kasing ibang gamit sa loob ng kwarto kung hindi ang tulugan ko at ang lamesita. Kaya sa huli ay nagdesisyon akong ilagay na lamang ang aking mga damit sa lamesita. Habang ang aking mga underwear naman ay hindi ko na nilabas pa sa aking maleta.

Habang inaayos ko ang aking mga damit at iilan kong mga sapatos na mumurahin na lamang, maliban sa suot ko papunta rito, ay hindi ko maiwasang magdamdam sa aking ama.

I can't believe na kinaya niyang ipadala ako sa lugar na ito. I know that this is his birthplace at dito rin siya lumaki ngunit iba ako. I wasn't born in this place. Hindi ako lumaking kagaya niya.

Lumaki ako na nakukuha ang lahat ng nais ko. And now here I am, pinagdudusa niya just because of a stupid scandal na wala naman akong alam!

At higit sa lahat, ibinilin na rin lang naman niya ako, doon pa sa taong hindi ako kayang pakisamahan ng mabuti at binabastos ako dahil lang sa mayaman ako? And again, because of a scandal na wala naman talaga akong alam.

It's pissing me off how other people are so quick to judge someone that they barely even know.

Kaya talaga naiinis ako sa Deolino na iyon. But then, I have no choice. Kung gusto kong bumalik sa dati kong buhay, kailangan kong magpakatatag or else, I will be stuck here forever. At iyon ang pinakaayaw kong mangyari.

Abala parin ako sa pag-aayos ng aking mga gamit nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto ng kwartong aking kinaroroonan.

Alam kong si Deolino iyon. Wala naman sigurong ibang kasama rito ang gagong 'yun.

The things that he has doesn't tell me that he's already married.

"Anong kailangan mo?" I asked.

"Aalis na ako at hindi ko alam kung anong oras ako makakabalik. May ulam na diyan, bahala ka nalang na ipaghanda ang sarili mo." Pagpapaalam niya.

Mula sa pag-aayos ay mabilis akong tumigil at mabilis ang kilos na binuksan ang pintuan ng aking kwarto.

Nakita ko siya na nakatalikod na at may bitbit na mga bagay na hindi ko alam.

"Iiwanan mo ako rito? Saan ka pupunta?" Natataranta kong tanong habang lumalabas sa kwarto at lumapit sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin. "Kailangan ko nang maghanap-buhay." Maikling sagot niya at muli na naman akong tinalikuran.

Hahakbang na sana siya ngunit mabilis kong hinawakan ang isang braso niya.

"Sandali! Saan ka ba pupunta? Sasama nalang ako! Nakakatakot kayang mag-isa dito." I said while pouting.

Muli niya akong nilingon at tila nawawalan na siya ng pasensiya sa akin. "Puwede ba! Tigilan mo nga iyang kaartehan mo. Paanong nakakatakot rito eh ang aga-aga pa? Isa pa, mangingisda ako kaya hindi ka puwedeng sumama. Magiging pabigat ka lang roon. At mababait din ang mga tao dito kaya kung may kailangan ka, magtanong ka lang sa kanila." He said saka iwinaksi ang kanyang braso na aking hawak at muli nang lumakad.

Nasa may pintuan na siya nang muli niya akong nilingon.

"Huwag kang aalis. Dito ka lang! Baka mawala ka pa at magpahanap ka pa sa akin. At siguraduhin mong nakasara palagi itong pinto." Huling bilin niya bago siya tuluyan nang umalis.

Nasundan ko na lamang siya ng tingin at nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay saka ako tila paslit na pumadyak-padyak dahil sa inis.

Napatigil pa ang batang dumaan sa tapat ng nakabukas ng pinto ng bahay ni Deolino at nakakunot ang noo na tinitigan ako.

"Tse!" Naiinis kong sabi na ikinagulat ng bata kaya mabilis itong tumakbo palayo.

Mabilis kong isinara ang pinto ng bahay at padabog na umupo sa isang pahabang upuan na gawa rin sa kawayan at kinulayan lamang ng kulay ginto.

Pumangulambaba ako at nakalabi kong inikot ang aking tingin sa buong bahay.

No television, no WiFi, no smartphone, no aircon, at higit sa lahat, there are a lot of mosquitoes!

Oh God! I don't know how I will survive at this house and at this place!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status