Mula sa mahimbing kong pagkakatulog sa malaki at mahabang upuang kahoy ay naalimpungatan ako nang marinig ko ang ingay ng pagkalansing ng mga kutsara at tinidor.
Marahan kong iminulat ang inaantok ko pang mga mata. Una kong nasilayan ay ang kogon na dingding na ikinakunot ng aking noo.
This isn't my room.
Bumangon ako at napangiwi na lamang ako nang makaramdam ako ng pagkirot sa aking leeg at maging sa aking braso na siyang ginamit kong pag-unan.
Narinig ko rin ang paglangitngit ng upuang kahoy na siyang aking kinahihigaan.
"Gising ka na pala, mahal na prinsesa."
Kaagad akong napalingon sa pinagmulan ng baritonong boses.
I blew a loud and deep breath.
I forgot. Itinapon nga pala ako ni Daddy dito sa probinsya niya at ibinilin ako sa isa sa pinakagagong lalaki na nakilala ko.
Dahan-dahan akong tumayo at nag-inat ng aking katawan.
"Hindi ka man lang nagbihis." He said habang ipinupuwesto ang dalawang plato sa lamesa.
"I need to take a shower first bago ako magbihis pero mukhang hindi naman ata uso sa'yo ang shower." Nakanguso at medyo inaantok pa na sagot ko sa kanya bago pumunta ang aking tingin sa mga pritong isda na kalalapag niya lang sa lamesa.
"Huli mo ba ang mga 'yan?" Tanong ko habang lumalapit sa lamesa at kinukusot pa ang aking mga mata.
"Oo." Maikli niyang sagot.
Luminga-linga ako. Apat na isda lamang ang pinrito niya. Nasaan na ang ibang huli niya? Imposible namang apat lang ang nahuli niya sa pangingisda.
"Anong hinahanap mo?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Asan na ang ibang huli mo? Don't tell me, 'yan lang apat na'yan ang mga nahuli mo." I said with a knotted forehead.
"Ibinenta ko na. Nagtira lang ako ng ilan para maging ulam natin ngayong gabi at bukas ng umaga." Sagot naman niya.
Lalong kumunot ang aking noo.
"Gabi?" Pag-ulit ko sa kanyang sinabi.
He looked at me habang nakataas ang isa niyang kilay. "Opo, mahal na prinsesa. Gabi na po. Ang haba po ng itinulog ninyo." He said na tila ba inaasar ako.
"Stop that 'mahal na prinsesa', okay? Nakakairitang pakinggan." I said with annoyance as I rolled my eyes.
Ipinaghila ko ng upuan ang sarili ko. Napatingin naman siya sa akin na umiiling-iling pa ngunit hindi naman na siya nagsalita. Sa halip ay kinuha na lamang niya ang isang platito na may lamang toyo na kanyang hinanda. Nilagyan niya ito ng konting suka at ilang piraso ng maliliit na sili.
Nang matapos siya sa ginagawa ay saka lamang niya ipinaghila ang sarili niya ng upuan, paharap sa akin.
Walang salita na nilagyan niya ng kanin ang kanyang sariling plato habang naghihintay naman ako na matapos siya upang plato ko naman ang lagyan niya.
Ngunit napaingos na lamang ako nang ibalik niya lamang ang bandehado ng kanin sa puwestong kinalalagyan nito at hindi man lamang nilagyan ang akin.
Tila napansin naman niya ang pag-ingos ko. Nakangisi siya habang kumukuha ng isang piraso ng pritong isda.
"Anong oras na ba? At kanina ka pa ba nakauwi?" Tanong ko habang nilalagyan ng kanin ang sarili kong plato.
"Alas-otso na ng gabi. At kani-kanina lang ako nakauwi. At bakit ba ang dami mong tanong?" Aniya habang sinasawsaw ang ulo ng pritong isda sa toyong sawsawan.
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Bawal na din ba akong magtanong ngayon?" Suplada kong tanong pabalik sa kanya.
Umiling na lamang siya bilang sagot.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala na ni isa sa amin ang nagsalita pang muli. At katulad kanina, ang gana niya paring kumain. Hindi ko na nga alam kung saan parte ng katawan niya inilalagay ang napakaraming kinakain niya.
And yes, ako na mismo ang kusang naghugas ng mga pinagkainan ko, kasama na rin ang pinagkainan ni Deolino at ang nilagyan ng kanin at ulam.
Hindi na ako nagsalita. Binigyan ko na lamang siya ng matalim na tingin upang ipahayag na hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niya ngunit kagaya ng lagi niyang ginagawa upang lalo akong inisin, nginisihan niya lamang ako.
Damn! I badly wanted to wipe that smirk off of his lips using a knife.
Matapos kong maghugas ay kaagad akong pumasok sa kwartong nakalaan para sa akin at kumuha ng susuotin kong pangtulog at mga personal kong gagamitin sa pagligo.
Matapos kunin ang lahat ng kailangan ko ay kinatok ko si Deolino sa kanyang kwarto.
Nakakunot ang noo na pinagbuksan niya ako ng pinto.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Asan ang bathroom mo? Maliligo ako." I asked habang hawak ang aking mga damit at mga gamit.
"Nasa labas." Maikli niyang sagot at isasara na sanang muli ang pinto ng kanyang kwarto nang pigilan ko iyon gamit ang isa kong kamay.
Hindi naman niya tinuloy ang pagsara.
"Ano?" He asked with an annoyed voice.
"What do you mean with nasa labas? Nasa labas ang bathroom mo? Sa labas ako maliligo?" Sunod-sunod kong tanong habang nakakunot ang noo.
"Oo!" Pasigaw niyang sagot at muli na naman sanang isasara ang pinto ng kanyang kwarto ngunit hindi ko siya hinayaan na gawin iyon.
"Samahan mo ako!" Malakas na din ang boses na sabi ko habang ang dalawa kong palad ay nasa pinto at pilit iyon na itinutulak palabas habang si Deolino naman ay itinutulak ang pinto pasara.
Nagsipaglaglagan na din ang mga damit ko at mga gamit ko pero wala roon ang atensiyon ko, kung hindi na'kay Deolino at sa pinto na pilit niyang isinasara.
I need him to come with me!
"Maligo kang mag-isa mo! Ang tanda-tanda mo na, nagpapasama ka pa?" Malakas ang boses na sagot naman niya sa akin.
"No! Kailangan mo akong samahan!" Sagot ko naman sa kanya.
Pinagpapawisan na ako ngunit hindi ko inalintana iyon. He is determined to close the door but I am also determined not to let him.
Pero mukhang ayaw niya talagang magpatalo. Pagod na din ako at nawawalan na ako ng lakas kaya naman ako na ang unang sumuko. Ako ang unang bumitaw. At dahil hindi niya inaasahan ang biglaan kong pagtigil sa pagtulak sa pinto ay nawalan siya ng balanse dahilan para matumba siya at malakas na napaupo sa sahig na gawa sa mga biyak na kawayan.
Narinig ko pa ang paglangitngit ng kawayang sahig dahil sa lakas ng pagkakatumba niya.
"Yawa!" Malakas niyang pagdaing na aking ikinangiwi.
I bit one of my finger. Alam kong masama pero natatawa talaga ako.
Ang bilis nga naman ng karma.
Pinulot ko na ang mga damit at gamit kong naglaglagan habang kagat-kagat ko ang aking ibabang-labi upang mapigilan ang paglitaw ng ngisi sa aking mga labi.
Nang matapos ako sa pagpupulot ay tiningnan ko si Deolino. Nakita ko siya na nakasandal sa gilid ng pintuan. Ang kanyang isang kamay ay nakatukod sa dingding upang suportahan ang kanyang sarili habang ang isang kamay naman niya ay nasa kanyang puwetan na mukhang nasaktan dahil sa pagkakatumba niya.
He gave me a deadly stare at isang nang-iinis na ngisi lamang ang aking isinukli.
"So, ano? Sasamahan mo na ako?" Nakangisi parin na tanong ko sa kanya.
"Sa tingin mo, pagkatapos ng ginawa mo sa akin, sasamahan parin kita?" He said through gritted teeth.
"What? I didn't do anything. Akala ko gusto mong isarado ang pinto ng kwarto mo? I just thought that I should give up na." Pa-inosente kong sagot sa kanya na sinabayan ko pa ng pagkibit-balikat.
Wala naman kasi talaga akong ginawa. It's not like I pushed him para matumba siya. I am innocent.
"You, brat." Galit niyang sabi saka paika-ika na pumanaog mula sa kanyang kwarto.
Nang nasa harap ko na siya ay nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao, tanda na talagang galit siya sa akin.
Hindi ko na lamang siya pinansin at nauna na akong maglakad palabas sa bahay.
Sumunod naman siya sa akin na malawak kong ikinangisi.
"Mauna ka. Hindi ko alam kung saan ang bathroom." I said at hinayaan siyang mauna.
Bumulong-bulong pa siya ng mga reklamo na may kasamang d***g ngunit hindi na ako nagsalita at hinayaan na lamang siya hanggang sa makarating kami sa likod ng kanyang bahay.
Ganoon na lamang ang pagkakakunot ng noo ko nang makita ang isang tila silid na gawa sa nipa.
"Pumasok ka na." Balewalang sabi ni Deolino.
Pumunta ako sa kanyang harapan at tinitigan ng maigi ang paliguan na gawa sa nipa saka ko siya nilingon.
"Are you kidding me? Diyan? Diyan talaga ako maliligo?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.
He rolled his eyes. "Kung magrereklamo ka na naman, bumalik na lang tayo sa bahay." Aniya saka paika-ikang tumalikod.
Ngunit mabilis kong hinawakan ang kanyang isang braso na nagpatigil sa kanya. Nilingon niya ako with a cold expression on his face.
"H-How about the lights?" Pautal-utal kong tanong.
Bumuntong-hininga siya saka lumakad patungo sa paliguan at may pinindot na switch dahilan upang lumiwanag ang loob ng paliguan.
Muli siyang lumingon sa akin.
"Ayan na. Maliwanag na. Maligo ka na po, mahal na prinsesa." He said at muling bumuntong-hininga. Talagang ipinapahiwatig niya ang kawalan niya ng gana sa pagsama sa akin.
"Sige na. Maligo ka na! Gusto ko ng magpahinga!" May kalakasan ang kanyang boses na aking ikinanguso.
Siguradong rinig na rinig ng mga kapitbahay niya ang boses niya. For goodness sake! Halos magkakadikit lang ang mga bahay nila!
"Huwag mo akong iiwan ha! At huwag mo rin akong sisilipan!" I told him bago ako tuluyang lumakad papasok sa paliguan.
Nung una ay natakot pa akong pumasok ngunit ilang beses akong sinigawan ni Deolino. Kulang na lang ay itulak niya ako papasok.
Sa loob ng paliguan ay may isang balde na nakapwesto sa may tumutulong gripo. Sa loob naman ng balde ay isang kulay asul na tabo. Sa kabilang banda naman ng paliguan ay isang toilet bowl na mukhang hindi mo na ifa-flash at kailangan mo lang ng tabo.
Habang naliligo ay ngiwi ako ng ngiwi. To be honest, nandidiri ako. Buong buhay ko ay puro mga mamahaling bagay at kagamitan ang nakapaligid sa akin. I have never experienced this but now, I have to put up with all of this things and with Deolino.
May takot din akong nararamdaman dahil na rin sa hindi secured na paliguan at dahil sa dilim.
Mabilis kong tinapos ang pagligo at saka ako dahan-dahang nagbihis.
Nang makalabas ako ay nakita ko si Deolino na nakasandal sa isang puno ng niyog na katabi lamang ng paliguan.
Tumikhim ako upang kunin ang kanyang atensiyon. Lumingon naman siya sa akin.
"Tapos na akong maligo." I said.
"Marunong ka palang gumamit ng balde at tabo." He said as he walked towards the comfort room/bathroom and turned off the switch for the lights.
"I've seen it on movies and on televisions kaya marunong naman ako." Nakanguso kong sagot sa kanya.
Nauna na siyang lumakad. Sumunod naman ako sa kanya at dahil mabilis siyang maglakad ay lakad-takbo na ang ginawa kong pagsunod sa kanya.
"Teka lang! Dahan-dahan naman sa paglalakad." Reklamo ko ngunit tila bingi siya na walang naririnig. Ni ang lingunin ako ay hindi niya ginawa.
Mukhang hindi na rin masakit ang puwet niya.
Nang makapasok kami sa bahay ay hinintay niya lamang na makapasok ako saka niya ini-lock ang pinto at nilampasan na ako at pumasok sa kanyang kwarto.
Nagulat pa ako nang malakas niyang isara ang pinto ng kanyang kwarto.
Napaingos na lamang ako.
"Wala naman talaga akong kasalanan sa pagkakatumba niya." Nakanguso kong bulong sa sarili.
Bumuntong-hininga na lamang ako bago ako pumasok sa kwarto. Nang maisara ang pinto at mai-lock ay umupo ako sa gilid ng kawayang higaan.
Inilapag ko ang damit ko na aking pinagbihisan sa ibabaw ng nakasara kong maleta. Pati ang mga gamit na dinala ko sa pagligo ay doon ko na rin inilagay.
Kinuha ko ang cell phone na ibinigay ni Daddy. Hindi pa rin ako makapaniwala na mula ngayon ay itong lumang cell phone na ito na ang gagamitin ko.
I dialled my Dad's number but he is not answering. Tumawag din ako sa landline ng bahay namin pero isa sa mga maids lang namin ang sumagot at sinabi niya sa akin na hindi pa daw umuuwi si Daddy.
Sinubukan ko ulit na tawagan si Daddy pero hindi pa rin siya sumasagot.
Sa huli ay si Jairamae na lamang ang tinawagan ko. She is my best friend since high school at ang kaisa-isang tao na naniniwala sa akin na hindi ako ang babaeng nasa video na kasama ni Byron.
"Girl! Kanina ko pa hinihintay ang tawag mo! How are you? Sino ang kasama mo diyan? Lalaki ba? Gwapo? Macho? May abs?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.
I can't help but roll my eyeballs on her questions. Jairamae and I has the same personality. We like to party, we like to have fun, and we both like boys to flock on us, especially if it's those handsome and muscular boys. Kung may pagkakaiba man sa amin, iyon ay ang nakapagtapos siya ng pag-aaral at may magandang posisyon sa kompanyang pagmamay-ari nila. Habang ako, hindi nakapagtapos at walang trabaho.
But who cares? I am enjoying my life and that's what is important, right?
Noong buhay pa si Mommy, palagi niyang sinasabi sa akin na gawin ko lang ang mga bagay na gusto ko at makapagpapasaya sa akin. And that's what I am doing, enjoying my life and doing things that makes me happy. Ngunit hindi naman ako naiintindihan ng mga taong nakapaligid sa akin, maliban kay Dad. Dad understands me but not until that video scandal came.
"I am not okay." Sagot ko saka bumuntong-hininga. "Kung nakikita mo lang ako at ang lugar na kinaroroonan ko ngayon, siguradong pati ikaw, susuko! Goodness, Jaira! Nasa isang squatter's area ako! The house where I will be living is so small. Even the bed is made up of bamboos! And the bathroom? Jesus! It sucks! At ang lalaking kasama ko dito? Well, he is ugly! At hindi lang mukha niya ang pangit, pati ang ugali niya! Alam mo ba, ilang beses na niya akong ininsulto at binastos! He is a total jerk, an asshole, a goddamn---"
"Okay, okay...Kumalma ka." Pagputol sa akin ni Jaira. Doon ko lang din napansin na napakabilis ng paghinga ako. It's as if I am on a marathon. What can I do? Kailangan kong ilabas ang galit at frustration ko. "Based on the things that you said and how you said it, mukhang hindi kayo nagkakasundo ng kasama mo diyan." Pagpapatuloy ni Jaira.
"I hate him! Kung puwede ko lang talaga siyang sakalin, ginawa ko na." Nanggigil parin na saad ko.
"But you can't, right?" Ani Jaira sa kabilang linya na aking ikinasimangot. "Whether you like it or not, kailangan mong magpakabait sa kanya kasi sigurado ako na nagrereport 'yan sa Daddy mo tungkol sa'yo at sa mga ginagawa mo. Kaya kung gusto mong makabalik kaagad dito, play nice and be gentle to him. Itago mo muna iyang matatalas mong mga kuko."
Mas lalo namang akong sumimangot sa kanyang sinabi.
"As if it's easy as that. Kung ikaw ang nasa posisyon ko ngayon, hindi mo masasabi ang lahat ng mga 'yan." I said as I rolled my eyes.
"Well, thankfully, hindi ako ang nasa kalagayan mo at hinding-hindi ko naman gugustuhin na mapunta sa katayuan mo." Sagot naman niya.
"Wow! Thank you ha. Nakapagpalakas ng loob ko iyang mga sinabi mo." Sarkastiko kong sagot sa kanya na ikinatawa niya lamang.
"But really. Girl, kailangan mong magbait-baitan kung gusto mo ng makabalik sa palasyo ninyo. Iyon lang naman ang gusto ni Tito, hindi ba?"
Kung saan ganoon lang kasimple ang magbait-baitan sa Deolino na iyon. Eh kahit ano ata ang gawin ko, tama man o mali, he will always see me as a brat and someone who is unreliable.
"Anyways, I gotta go. May kailangan pa akong asikasuhin na mga papeles for my meeting tomorrow. Ako nalang ang tatawag sa'yo bukas, ha? Bye!" Paalam ni Jaira at pinatay na ang tawag nang hindi man lamang hinihintay ang sagot ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Inilagay ko ang cellphone sa taas ng aking mga damit na nakapatong sa lamesita saka ako napatingin sa higaan kung saan nakahanda na ang dalawang unan at isang kumot. Marahil ay si Deolino ang naglagay. Mabuti naman at naisipan pa niyang bigyan ako ng mga unan at kumot.
Muli na naman akong bumuntong-hininga.
Hihiga na sana ako nang biglang magsalita si Deolino mula sa kabilang kwarto na labis kong ikinagulat.
"Grabe naman ang pagkakadescribe mo sa akin sa kaibigan mo. Hindi mo naman ako binigyan ng hustisya. Ang gwapo ko kaya at mabait rin ako." He said na aking ikinainis.
"Gwapo, my ass!" Ang tanging sagot ko na lamang that made him chuckle.
Argh! I wanna go home!
I am in my room, staring at my phone habang abala ang lahat sa paghahanda para sa Graduation Party ko na gaganapin mamayang gabi. Yes. I finally graduated. Matapos ang paulit-ulit na pagkumbinsi sa akin ni Daddy na tapusin na ang pag-aaral ko, ngayon nga ay nangyari na. Nakapagtapos na nga ako. And I have Dad and Deolino to thank for that. And speaking of Dad, I can still clearly remember his reaction that day when Deolino suddenly kissed me at the bus. The expression on his face cannot be explained. He was also too stunned that he went speechless. Even when Deolino tried to talk to him, he was still not able to reply because of how surprised he is. Well, I can't blame him. He just saw his only daughter and his godson kissing. Who wouldn't be shock with that? Hanggang sa umalis na ang bus ay gulat pa rin si Daddy. I tried to talk to him but he was out of it kaya naman tumahimik na lamang ako.&nb
My arms are wrapped around Deolino's lips while my legs are also around his waist while we are still devouring each other's mouth.Nasa loob na kami ngayon sa isang kwarto ng isang motel.Things happened so fast.Right after kissing me, it only took me a few minutes to finally realize what he meant when he said, "Paano kung sabihin ko na parehas lang tayo ng nararamdaman?"It means that he likes me as well.Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.Just when he was just about to stop kissing me, I grabbed the back of his head, not letting him to end the kiss, and kissed him back.I felt him flinch out of surprise at what I did but that did not last long. He put his arms around my waist and pulled me closer to him as we started exchanging kisses. Nawalan na kami ng pakialam sa kung nasaan kami. It's like we are in our own world.I'm not sure how long our kiss lasted. But as soon as our kiss ended, Deolino grabbed my hand
"Anong oras ba kayo aalis?" Ang tanong ni Daddy sa amin ni Deolino habang nag-aagahan kaming tatlo.Tatlong araw na ang lumipas mula nang dumating si Daddy dito sa Lagonglong and since then, wala ng ibang ginawa si Daddy kung hindi ang makipagkumustahan sa mga kababata niya at mga kakilala niya. He even rarely stays at home in the morning."Mamayang mga alas-diyes na po siguro Tito." Magalang na sagot ni Deolino kay Daddy.Ngayong araw na kasi ako magre-resign sa trabaho. I already made a resignation letter at ipapasa ko nalang sana.Ako lang naman sana talaga ang pupunta since hindi pa rin naman kami gaanong nag-uusap ni Deolino though hindi namin iyon ipinapahalata kay Daddy. But Dad insisted to bring Deolino with me para makapamalengke na din daw kami.I wanted to say no and I know Deolino feels the same way too but we both don't want my father to realize that we are not in good terms right now so in the end, wala na kaming nagawa kung hindi ang
"Hoy!" Ang tila nanggugulat na boses na iyon ni Lindy ang siyang pumukaw sa akin mula sa malalim kong pag-iisip habang nakatanaw ako sa malawak na karagatan na nasa aming harapan.Andito kami ngayon sa Pantalan and we are having dinner.I can't stand seeing Deolino kaya naman niyaya ko si Lindy na samahan akong mag-dinner sa Pantalan para naman hindi ko na kailangan pang sumabay sa pagkain kay Deolino.Tatlong araw na ang nakararaan magmula ng tapusin namin ang relasyon naming dalawa. And since then, we started to become distant with each other.We never had even a single conversation since then and the only time that we could face each other is whenever we're having breakfast and dinner. At kung pwede nga lang ay hindi na kami magsabay sa pagkain. Dahil sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay naaalala ko ang naging huli naming pag-uusap na siyang nagbibigay ng sakit sa aking puso.And so here I am, doing anything just to not see his face.I
Judyfirst's POVKitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Deolino after everything that I said. At maging ako ay nagulat din sa aking sinabi.I never intended to confess! Hindi ko intensyon na ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko. I wanted to keep it but damn…Nakakainis na kasi si Deolino! He just won't shut up and even resorted on comparing me to the kids which really pissed me off.Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko at nasabi ko na ang mga hindi ko dapat sabihin.Ilang araw na akong nag-isip. Ilang araw ko ng pinakiramdaman ang aking sarili. Ilang beses ko na din na hindi pinaniwalaan ang sinasabi ng aking puso at isipan. Ngunit sa huli ay wala rin akong nagawa kung hindi ang tanggapin ang totoo.Ang katotohanan na katulad ng sinabi ni Jaira, ay nahuhulog na nga ako kay Deolino.But again, I have already decided not to confess. I already decided to keep it to myself. I decided that instead o
Deolino's POVHindi ko mapigilang ikunot ang noo ko habang nakatingin ako kay Judyfirst na nakatungo at pinaglalaruan lang ang kanin at ulam niya.Ilang araw na siyang ganito. Tahimik lang at tila palaging may malalim na iniisip. Tuwing umuuwi siya galing trabaho ay kakain lamang siya, maghuhugas ng plato, at saka siya maliligo at papasok na sa kwarto niya kahit pa alam ko naman na hindi siya agad nakakatulog dahil nararamdaman ko ang palagian niyang paggalaw. Halos hindi na nga kami nakakapag-usap. Sa tuwing kinakausap ko ay sumasagot naman siya pero hindi na siya iyong talagang nagsisimula ng mapag-uusapan namin. Tahimik lang siya lagi na talaga namang nakakapanibago. Wala na ring nangyayari sa amin magmula noong magtungo kami sa Sapong.Nagtataka na tuloy ako kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya noong nagmamadali siyang umalis nung hapon na iyon.Nung tinanong ko siya, ang sabi niya sa akin ay tinawagan niya lang daw