Share

Chapter 1

Hindi maipinta ang aking mukha nang makababa na ako ng bus na galing ng Cagayan de Oro.

Pagkatapos ng halos tatlong oras na byahe ay narating ko na rin ang maliit na bayan ng Lagonglong, ang bayan na pinagmulan ng aking ama.

I took a deep breath as I roamed my eyes around the small plaza.

Naroon ang isang di kalakihang Parke kung saan may mga batang naglalaro. Sa dulong bahagi naman ng Parke ay naroon ang isang tila kainan kung saan may bandang tumutugtog. Beside the Park was a not so big covered court kung saan may iilang mga kabataang lalaki ang naglalaro ng basketball and the young girls were on the side, cheering for each team.

So this is my dad's hometown and this is where I am going to stay for as long as dad wants to.

I took a very deep sigh as I grab my not so techy phone mula sa bag na nakasukbit sa aking balikat. Mas lalong bumusangot ang aking nakabusangot ng mukha nang mahawakan at matingnan ko ang cell phone na ibinigay sa akin ni Daddy.

It is a 3310, color red, Nokia model. Yes people! It is a fucking 3310 Nokia phone! Like who the hell on earth is still using this old goddamn phone?

Gusto kong maiyak lalo na ng mabaling ang aking tingin sa maliit na maleta na aking hawak-hawak. At mas nakakaiyak isipin na ang mga laman ng maleta ay hindi na ang mga gamit na nakasanayan kong gamitin.

Everything that I have was taken away from me. My designer's clothes, bags, shoes, my jewelries that worth millions. Kahit ang cell phone ko, hindi pinatawad ni Daddy. Instead, he gave me this trash!

I can feel the curious stares that people were giving me.

I rolled my eyes.

Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa? Or maybe it was my phone who caught their attention.

Sino ba naman kasi sa panahong to ang gumagamit pa ng ganitong klaseng phone? Even those who were on the lowest class of the society, smart phones na ang gamit and here I am, an heiress, using one of the oldest phone model.

Kahit gustong-gusto kong magmatigas kay Daddy ay hindi ko na ginawa. Kilalang-kilala ko siya. Kapag sinabi niya, wala na akong ibang magagawa pa kung hindi ang sumunod lalo na at mukhang seryoso siya.

Damn! Kung hindi dahil sa scandal na iyon, I wouldn't be here. Hindi sana ako nagdurusa dito.

This is all Byron's fault! That jerk! Pagbabayarin ko siya sa ginawa niyang ito. I'll make him regret what he did to me.

I sighed again at inilibot ang aking paningin sa paligid.

Asan na ba iyong sinasabi ni Daddy na kakilala niya? Jeez! Hindi na nga ako nasundo sa airport, wala parin dito? Buti na lang at hindi ako nawala papunta rito.

Thank God the drivers were nice para ibaba ako sa tamang lugar.

I am still roaming my eyes around the place when I felt someone's presence behind me.

Nakakunot ang noo na lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang isang matangkad at morenong lalaki.

He was coldly staring at me na ikinataas ng aking kilay.

Tuluyan ko na siyang hinarap.

Nakapameywang ako habang hawak pa rin ng aking isang kamay ang cell phone na ibinigay sa akin ni Daddy.

"What are you staring at? Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda?" Mataray kong tanong na sinamahan ko pa ng pag-irap.

Ngunit tila balewala lamang ang pagtataray ko sa kanya. He's still staring at me, coldly.

"Ikaw ba si Judyfirst?" He asked.

Napangiwi ako dahil sa accent niya. Halatang hindi siya sanay na magtagalog.

Well, what do I expect? Tagarito siya so that means, Bisaya siya, just like my Dad.

"Yes. Why? Do you need anything? And how did you know me?" Sunod-sunod kong tanong habang nakakunot pa rin ang noo.

Ngunit imbes na sagutin niya ako ay lumapit lamang siya sa akin at walang pasabi na kinuha ang aking maleta.

Nanlaki ang aking mga mata at napaawang ang aking bibig nang talikuran na niya ako at hila-hila niya ang aking maleta na naglakad na paalis.

"Hey! W-wait! Saan mo dadalhin ang maleta ko? Hey!" Natataranta kong sigaw saka hinabol siya habang nakataas ang isa kong kamay na may hawak ng cell phone.

He crossed the street and was already on the other side of the road. I was about to do the same thing nang bigla siyang lumingon sa akin.

Nanlaki ang kanyang mga mata at sumigaw siya.

"Diyan ka lang!"

Nagulat ako sa kanyang pagsigaw dahilan para mapatigil ako.

"What the hell is wrong with y---" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla na lamang may malaki at mabilis na truck ang dumaan sa aking harapan, ilang pulgada lamang ang layo mula sa aking mukha.

Sa gulat ko ay hindi na ako nakapagsalita pang muli at nanatiling nakatayo lamang habang nanlalaki ang mga mata at nakanganga.

I almost got hit by a truck!

Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa bigla na lamang may humawak sa aking kamay kaya't napalingon ako.

Nakita ko ang lalaking kumuha sa aking maleta and he was giving me a deadly stare. Nagngingitngit din ang kanyang mga ngipin.

He looked so mad.

"Nabuang na ka? Nganong mutabok man ka nga dili magtan-aw? Kolera m**i-ang kalakiha! Bisan ug unsa pa ka ka-dato, dapat kabalo gihapon ka mutabok!" (Nababaliw ka na ba? Bakit tumatawid ka ng hindi tumitingin sa daanan? Tangina naman oh! Kahit gaano ka pa kayaman, dapat marunong ka paring tumawid!)

Lalo akong hindi nakapagsalita. He is speaking using the bisaya language and I don't have even a single idea kung ano ang sinasabi niya. But based on his expression and the way he spoke, alam kong galit siya.

Marahas kong binawi ang kamay ko na hawak niya.

Dinuro ko siya.

"Don't yell at me! I am an heiress---"

"Ano ngayon?" Sabat niya. "Baka nakakalimutan mo, hindi mo na lugar ito." He looked at the phone I was holding and then he smirked. "Tagapagmana ka pero iyan ang cell phone na gamit mo? Saka mo na ipagyabang iyang pagiging tagapagmana mo kapag hindi na 3310 na cellphone ang gamit mo." He said na tila kinakantiyawan ako.

Sasagot pa sana ako nang muli niyang kunin ang aking isang kamay saka siya humarap sa highway. Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang nakahawak sa aking kamay.

Hila pa rin ng isa niyang kamay ang aking maleta.

"Bitawan mo nga ako!" I said and tried to get his hand off me ngunit humigpit lamang ang hawak niya.

"Bitawan mo ako sabi!" Sigaw ko na nakakuha ng atensiyon mula sa mga tao.

Galit niya akong binalingan ng tingin.

"Tatahimik ka o bubusalan ko iyang bibig mo?"

"Paano ako tatahimik eh you're forcing me to come with you! I don't even know you! Paano kung may masama kang balak sa akin, ha?" Galit kong sagot sa kanya as I covered my chest with my own free hand.

Tumaas ang isa niyang kilay. "Kung ano man ang iniisip mo, kalimutan mo na. Dahil wala akong balak na kainin pa ang tira-tira na ng iba." He said and pulled me to cross the street.

"What the hell did you just said?!" Galit kong sigaw nang tuluyan na kaming makatawid.

Binitiwan na rin niya ang kamay ko na kanina lamang ay hinawakan niya.

Nauna na siyang naglakad at ni hindi man lamang ako sinagot. Tila ba wala siyang narinig.

Malalaki ang hakbang na sinundan ko siya. At nang ilang pulgada na lamang ang layo niya mula sa akin ay inabot ko ang kanyang balikat at sapilitan siyang pinaharap sa akin.

"Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita! How dare you na bastusin ako! Kilala mo ba ako, ha?"

"Oo. Judyfirst Miranda, bente-singko anyos, hindi nakapagtapos ng kolehiyo at walang trabaho. Umaasa lamang sa ama at wala nang ibang ginawa kung hindi ang maglasing sa iba't-ibang bar kasama ang mga kaibigan niya na tulad niya ring mga bratinella. Iba't-ibang lalaki na din ang mga nakarelasyon niya at ilang linggo lamang ang nakalipas ay nasangkot siya sa isang malaking eskandalo kasama ang anak ng business partner ng ama niya." Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin hanggang sa halos magtagpo na ang aming mga ilong. "Sapat na ba ang mga impormasyong iyon para masabi kong kilala na kita?"

I gritted my teeth in anger at kumuyom ang aking mga kamao. "Jerk." I said through gritted teeth.

Ngumisi lamang siya. "Unya? Natandog na'ko imong garbo?" Muling sabi niya sa salitang Bisaya na muli ay hindi ko na naman naintindihan.

"I don't know what the hell you are talking about pero sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi kita uurungan. Hindi ko hahayaang bastusin mo lang ako!" Nanggagalaiti sa galit kong sabi.

Tinalikuran niya lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad, but this time, bitbit na niya ang aking maleta.

Hindi ako kaagad sumunod sa kanya. Nanatili akong nakatayo habang nakakuyom pa rin ang aking mga kamao. Ang aking matalas na tingin ay nakatutok sa kanyang likod.

Kung nakakamatay lamang ang tingin na ibinibigay ko sa kanya, malamang ay nakahandusay na siya sa lupa ngayon.

Tumigil siya sa paglalakad saka nilingon ako habang nakakunot ang kanyang noo.

"Ano pa ang ginagawa mo diyan? Kung hinihintay mong buhatin din kita, hindi ko gagawin iyon."

"At sinong gustong magpabuhat sayo?"

Kumibit-balikat lamang siya saka muli akong tinalikuran at muli nang naglakad.

Napahinga ako ng malalim. Ayoko mang sumunod sa kanya ay wala na akong magagawa.

Based on the things that he knew about me, mukhang siya iyong sinasabi ni Dad na kakilala niya.

I looked at the high heeled shoes that I was wearing, ang natitira kong designer's shoes.

Hindi nababagay ang sapatos na suot ko sa lugar na kinaroroonan ko.

Muli kong ipinalibot ang aking tingin sa maliit na plaza.

"So, this is the place where I will be staying for the meantime, huh?" I told myself.

Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago ako sumunod sa lalaking hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Patakbo akong sumunod sa kanya hanggang sa nasa likuran na niya ako. Mukhang napansin naman niya na nakasunod ako sa kanya.

"Mabuti naman at naisipan mo nang sumunod. Akala ko may plano kang doon na lang tumira." He said.

"Tss. Tumahimik ka nga. Nakakairitang pakinggan ang tagalog mo." Suplada kong sabi.

Umiling-iling siya habang umaakyat sa hagdanan ng isang hindi kataasan na bridge.

"Kapag nagbisaya ako, nagrereklamo ka. Tapos kapag nagtagalog naman ako, pinapatahimik mo ako." He said ngunit hindi ko na siya sinagot pa at sa halip ay inirapan ko na lamang siya. "Baka gusto mong tanggalin iyang sapatos na suot mo." Muling saad niya.

"At bakit naman, aber?" Pasuplada kong tanong.

Ngunit hindi niya ako sinagot. Bumusangot ang aking mukha dahil sa inis.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakatagal sa ugali ng lalaking ito.

Nauna na siyang bumaba mula sa sementadong tulay. Susunod na sana ako ngunit napatigil ako nang makita kung ano ang lalakaran namin.

"Sabi ko naman sa'yo, tanggalin mo ang sapatos mo." Nakangising sabi ng lalaki na tila ba iniinis ako.

Hindi ko na siya sinagot at binigyan na lamang siya ng matalim na tingin saka ako nagdadabog na tinanggal ang aking sapatos.

"Ouch!" D***g ko the moment na tumapak ang mga paa ko sa mainit at kulay itim na buhangin.

"Ang arte." Bulong niya ngunit rinig na rinig ko naman.

I gave him a deadly stare ngunit tinalikuran na niya ako at muli ay nagpatiuna na siya sa paglalakad.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod na lamang sa kanya.

Bawat hakbang ko at bawat tapak ko sa buhangin ay napapadaing ako.

Pakiramdam ko ay pinapaso ang mga talampakan ko dahil sa sobrang init.

Napatingin ako sa lalaki na malayo na ang nararating. I called him ngunit hindi niya man lamang ako nilingon.

Mukhang wala siyang pakialam sa kung ano man ang mangyari sa akin.

"Hey! Hintayin mo ako!" I screamed ngunit talagang hindi niya ako pinapansin.

Hindi ko na nakayanan at tuluyan na akong tumakbo patungo sa kanya.

Nang nasa likuran na niya ako ay malakas at buong galit kong hinampas ang kanyang likod gamit ang aking mga sapatos. That made him stop on his tracks.

Galit niya akong nilingon.

"Anong problema mo?!" Galit niyang tanong. Magkasalubong na din ang kanyang mga kilay.

Muli ko siyang hinampas ngunit sa d****b na niya.

"Anong---" Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin nang dinuro ko siya at agad akong nagsalita.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Napakagago mo! Napaka-ungentleman mo! Wala kang awa! Wala naman akong ginawang masama sa'yo, ah! Pero bakit kung itrato mo ako, para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa'yo! Hindi ba inutusan ka ni Dad na alagaan at bantayan ako? Pero bakit ganito ang trato mo sa akin, ha? Makakarating 'to kay Daddy!"

Matapos kong magsalita ay hiningal ako dahil sa dami ng sinabi ko at dahil na rin sa tindi ng galit na nararamdaman ko para sa kanya.

He looked at me in the eyes. I can see the annoyance and anger on it ngunit hindi ako nagpadala. Kung inaakala niyang matatakot ako sa kanya, nagkakamali siya.

Sinalubong ko ang galit niyang mga mata.

Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang bigla niya akong hapitin sa beywang gamit ang isa niyang kamay.

Nanlaki ang aking mga mata at umawang ang aking mga labi nang magdikit ang aming mga katawan. Maging ang aming mga mukha ay sobrang magkalapit. Konting galaw ko lamang at siguradong magtatagpo na ang aming mga labi.

"Ganyan ka ba talaga kaisip-bata at kinakailangan mo pang magsumbong sa Tatay mo?" He whispered. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking mukha.

"You---"

"At para lang malaman mo, hindi ka pinapaalagaan at pinapabantayan sa akin ng Tatay mo. Ang gusto niyang gawin ko ay ang turuan ka ng leksiyon at ituwid iyang baluktot mong pag-iisip at pag-uugali. At sa tingin mo ba talaga, maniniwala sa'yo ang Tatay mo? Pagkatapos ng lahat ng mga pinaggagawa mo at ng eskandalong kinasangkutan mo? Malamang ay hindi." Seryoso niyang sabi bago niya ako pinakawalan. Lumayo siya sa akin. "Magpasalamat ka at malaki ang utang na loob ko sa Tatay mo. Dahil kung hindi, nuncang patitirahin kita sa bahay ko." He said saka muli na naman akong tinalikuran, leaving me with my mouth hanging.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status