Share

Kabanata 44

"Kamusta ang prinsesa?" pumasok muli ang matandang lalaking kahit sa panaginip ko'y hindi ko hihilingin na makita pa.

Namaluktot ako sa isang sulok, nanginginig dahil sa panlalamig at labis na gutom. Hindi ko ginalaw ang pagkaing inilapag nila sa harap ko, tingin ko mas mabuti na ang magutom ako kesa kainin ang pagkain na ibinigay ng mga demonyo.

"Boss, hindi niya ginalaw ang pagkain. Turuan ba natin ng leksyon 'to?" lumakas ang pangangatal ko dahil sa sinabi nung matabang lalaki.

"Dadahan dahanin natin para mas matagal ang sakit."

Lumapit sa akin ang tinatawag nilang boss at hinablot ang aking buhok. Napasigaw ako gamit ang paos na boses. Malakas na humaklit ang kanyang malaking palad sa pisngi kong kanina pa'y manhid. Nalasahan ko na ang dugo at nanghihinang yuyuko na sana ang ulo pero hindi niya hinayaan.

"Ang pag-iinarte ng prinsesa ay hindi pwede sa akin dahil tatamaan ka talaga sakin!" Sunod ay hinampas ng likod ng kamay niya ang kabilang kong pisngi.

Wala na akong lakas para t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status