LOGINSa gabing iyon, abala ang buong mansyon para sa engrandeng pagsalubong kay Lucien Kingswell.
Mula sa pangunahing bulwagan hanggang sa mga hardin sa labas ay puno ng ilaw, mamahaling dekorasyon, at mga tauhang abala sa pag-aasikaso ng mga bisita. Sunod-sunod ang pagdating ng mga negosyante, politiko, sikat na personalidad, at iba pang makapangyarihang tao na may koneksyon sa Kingswell Empire.
Samantala, si Katarina ay nasa isang sulok lamang ng hall habang may hawak na tray ng mga inumin. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng lugar kaya pakiramdam niya ay isa siyang langgam na napadpad lang dito.
Nakasuot man siya ng malinis na uniporme ng tagapaglingkod, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng pagkailang habang nakatingin sa mga bisitang nakabihis ng mamahaling gown at suit.
"Uy."
Napalingon siya nang may tumawag sa kanyang pamilyar na boses. Si Wendy. Palihim itong lumapit at agad na tumayo sa tabi niya.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Katarina.
"Tinutulungan kita."
"Na?"
"Nilipat kita rito mula sa storage area."
Nangunot ang noo niya. "Ano?"
Ngumiti si Wendy. "Mas okay dito kaysa sa bodega, hindi ba?"
Bahagyang natigilan si Katarina. Sa totoo lang, tama naman si Wendy. Mas gugustuhin niyang magdala ng tray kaysa maglinis ng maruming imbakan buong gabi.
Dahan-dahan siyang ngumiti. "Salamat."
Ngumiti rin si Wendy. "Libre mo na lang ako pagkain balang araw."
"Kapag yumaman ako."
"Feeling ko yayaman ka talaga."
"Bakit?"
"Ewan. Kutob ko lang."
Napailing na lang si Katarina.
Bago pa siya makasagot ay biglang nanahimik ang buong hall. Isa-isang napalingon ang mga tao sa malaking hagdanan. Maging si Katarina at Wendy ay napatingin din.
At doon niya nakita si Lucien Kingswell. Dahan-dahan itong bumababa sa hagdan. Naka-itim itong suit na akmang-akma sa maskuladong katawan nito. Tuwid ang tindig at malamig ang ekspresyon ng mukha. At kahit wala itong ginagawa, tila kusa nang napupunta ang atensyon ng lahat papunta rito.
Kasunod nito sina Damien at Matteo Kingswell.
Kung si Lucien ay may mukhang malamig at nakakatakot, si Damien naman ay nakangisi lamang na parang ine-enjoy niya ang atensiyon ng lahat lalo na ng mga kababaihan. Tipong kahit hindi nagsasalita ay mukhang may binabalak na kalokohan. Samantalang si Matteo ay kalmado lamang at walang emosyon ang mukha. Hindi mo alam kung galit, masaya, o wala lang talaga siyang pakialam sa mundo.
"Grabe..." bulong ni Wendy.
"Hm?"
"Ang gagwapo nilang tatlo."
Napailing si Katarina.
"Ang Prime Dominion Brothers." Napahawak pa ito sa dibdib. "Siguro nung umulan ng pagpapala si Lord, gising na gising silang tatlo."
Napairap si Katarina. "At siguro nung umulan ng kagandahang asal at pagiging gentleman, tulog na tulog yang si Lucien."
Napalingon si Wendy at hinampas siya sa balikat. "Katarina!"
"Nakataklob pa ng sampung pulgadang kumot."
"Shhh!"
Ngunit huli na dahil narinig iyon ni Damien. Muntik pa itong matawa habang pababa ng hagdan. Tinakpan pa nito ang bibig para hindi mahalata.
Samantalang si Matteo ay bahagyang nagtaas ng kilay.
At si Lucien, diretsong napatingin kay Katarina, dahilan para muling magtama ang kanilang mga mata.
Hindi maintindihan ni Katarina kung bakit tila may kakaibang bigat ang bawat tingin nito. At sa hindi malamang dahilan, siya ang unang umiwas ng tingin.
"Lucien."
Naputol ang sandaling iyon nang may lumapit na babae kaya naman agad napalingon ang maraming tao.
Isa itong napakagandang babae. Mahaba ang buhok, makinis ang balat, at halatang lumaki sa karangyaan.
"Welcome back."
Bahagyang ngumiti si Lucien bago marahang hinawakan ang kamay nito at hinalikan.
Agad namang kinilig ang ilang kababaihan sa paligid.
"Grabe."
"Sana all."
"Perfect couple talaga."
Nagkatinginan sina Katarina at Wendy.
"Sino siya?" tanong ni Katarina.
Napatingin si Wendy sa babae.
"Si Arabella Vaughn."
"Anong...meron sa kanilang dalawa?"
"Future fiancée daw siya ni Sir Lucien."
Napatigil si Katarina. Hindi niya alam kung bakit pero parang may kung anong kumurot sa kanya.
Napailing siya.
Pakialam niya ba?
"Wala akong pakialam."
"Ha?"
"Wala."
Napatingin si Wendy sa kanya na may pagdududa.
Sa kabilang banda, napansin agad ni Arabella na tila wala sa usapan ang atensyon ni Lucien.
"Are you listening?"
"Y-yes."
"Then what did I say?"
Natahimik si Lucien at wala siyang maisagot.
Napabuntong-hininga si Arabella. At saka niya sinundan ang direksyon ng tingin nito. Doon niya nakita si Katarina.
Isang simpleng tagapaglingkod na may hawak na tray at abala sa pag-aasikaso sa mga bisita.
Bahagyang kumunot ang noo ni Arabella. "Who is she?"
"Who?"
"That servant."
Napatingin muli si Lucien kay Katarina.
Kasalukuyan itong nag-aabot ng inumin sa mga bisita habang seryoso ang mukha.
"Someone annoying."
Ngunit sa kabila ng sinabi niya, hindi niya pa rin maalis ang tingin rito.
Napansin iyon ni Arabella at hindi niya nagustuhan ang klase ng mga tingin ni Lucien kay Katarina.
Samantala, hindi alam ni Katarina na siya na pala ang pinag-uusapan. Abala siya sa pag-iwas sa mga mayayabang na bisita. May ilan na mababait pero mas marami ang hindi.
Habang naglalakad siya dala ang tray, may biglang bumangga sa kanya. Ramdam niyang hindi aksidente iyon kundi sinadya. Naging dahilan ito para mawalan siya ng balanse.
Kasabay noon ay natapon ang mga wine na dala niya.
Napatili ang ilang babae sa nabasag na isang mamahaling baso. At kumalat ang pulang alak sa sahig, dahialan para biglang matahimik ang paligid.
Nanlaki ang mata ni Katarina.
"Watch where you're going!"
Napalingon siya sa nagsalita.
Isang matandang babae na nakasuot ng mamahaling alahas at eleganteng damit.
Agad yumuko si Katarina. "P-pasensya na po."
"Pasensya?"
Tumaas ang kilay ng babae. "Cheap servant."
At bago pa makaiwas si Katarina ay itinulak siya nito kaya napaatras siya at muntik pang bumagsak.
Naramdaman niya ang mga matang nakatingin sa kanya.
Gusto niyang sagutin ang babae pero alam niyang wala siyang laban. Isa lamang siyang tagapaglingkod. At ang kaharap niya ay isa sa mga bisita ng Kingswell.
Ngunit bago pa muling makapagsalita ang babae ay isang malamig na boses ang pumagitna.
"That's enough."
Natahimik ang buong hall. Maging ang babae ay natigilan.
Unti-unti itong napalingon kasabay ng lahat at doon nila nakita si Lucien.
Naglalakad ito papalapit na mukhang galit na bakas sa lamig ng ekspresyon ng mukha nito.
Hindi nagsalita ang sinuman.
Diretso nitong tiningnan ang matandang babae. "Lucien..." Nakaramdam bigla ng kaba ang babae.
Marahan nitong hinawakan ang kamay ni Katarina at dahan-dahang itinayo siya.
Nanlaki ang mata ng dalaga pati ang buong hall. Dahil hindi nila inaasahang hahawakan mismo ni Lucien Kingswell ang isang hamak na tagapaglingkod.
Malamig nitong hinarap ang babae. "She's under Kingswell protection."
Nanigas ang ekspresyon ng babae.
"So mind your words."
Sa loob ng ilang segundo, tanging katahimikan lamang ang naroon.
Nanlaki ang mata ni Katarina habang nakatingin sa lalaking hawak pa rin ang kanyang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit siya ipinagtanggol nito. Hindi niya maintindihan kung bakit parang mas galit pa ito kaysa sa kanya.
Samantala, sa kabilang bahagi ng hall, halos mabitawan ni Wendy ang hawak niyang tray dahil sa masyadong malalim na iniisip.
"Kinakabahan talaga ako..."
Napalingon sa kanya ang isa pang tagapaglingkod. "Bakit?"
Nilunok ni Wendy ang kaba. "Sa tingin ko..."
"Ano?"
"Tuluyan nang nabaliw si Sir Lucien. i mean...girl, hindi siya ang Lucien na kilala ng lahat. I mean...ano ba pake niya sayo?"
Dahil sa unang pagkakataon sa maraming taon, may pinanigan na iba si Lucien Kingswell at isang simpleng tagapaglingkod pa.
Natahimik ang buong bulwagan na para bang walang sinuman ang makapaniwala sa nasaksihan nila. Si Lucien Kingswell. Ang lalaking kilala sa pagiging cold, istrikto, at walang pakialam sa iba. Ngayon ay hayagang ipinagtatanggol ang isang tagapaglingkod. "Lucien..." mahinang tawag ng matandang babae. Ngunit hindi man lang siya nito nilingon. Nanatiling malamig ang tingin nito. Maya-maya ay bahagyang yumuko ang babae. "M-my apologies." Wala itong ibang nagawa kundi umatras. Walang sinuman ang nangahas na magsalita pa dahil alam nilang kapag si Lucien ang nagsalita, wala siyang kikilalanin. Dahan-dahang binitawan ni Lucien ang kamay ni Katarina. Ngunit hindi pa rin nawawala ang gulat sa mukha ni Katarina sa ginawa ni Lucien. "Ayos ka lang?" tanong nito. Napatitig si Katarina. Hindi niya alam kung bakit pero parang mas nakakatakot pa ang mahinahon na bersyon ni Lucien kaysa sa galit nito. "Ako?" aniya. "May iba pa ba akong kausap?" Napakurap siya. "Okay lang ako." "Good." Tuma
Sa gabing iyon, abala ang buong mansyon para sa engrandeng pagsalubong kay Lucien Kingswell. Mula sa pangunahing bulwagan hanggang sa mga hardin sa labas ay puno ng ilaw, mamahaling dekorasyon, at mga tauhang abala sa pag-aasikaso ng mga bisita. Sunod-sunod ang pagdating ng mga negosyante, politiko, sikat na personalidad, at iba pang makapangyarihang tao na may koneksyon sa Kingswell Empire. Samantala, si Katarina ay nasa isang sulok lamang ng hall habang may hawak na tray ng mga inumin. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng lugar kaya pakiramdam niya ay isa siyang langgam na napadpad lang dito. Nakasuot man siya ng malinis na uniporme ng tagapaglingkod, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng pagkailang habang nakatingin sa mga bisitang nakabihis ng mamahaling gown at suit. "Uy." Napalingon siya nang may tumawag sa kanyang pamilyar na boses. Si Wendy. Palihim itong lumapit at agad na tumayo sa tabi niya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Katarina. "Tinutulungan kita." "Na
Mainit pa rin ang ulo ni Lucien habang naglalakad pabalik sa main hall. Hindi niya matanggap na may isang hamak na tagapaglingkod na nakipagsagutan sa kanya nang ganoon lang kadali. At mas lalong hindi niya matanggap na hindi siya nakasagot nang maayos. Partida babae pa ‘yon “Kuya.” Napalingon siya nang makita ang bunsong kapatid na si Damien Kingswell na nakasandal sa malaking hagdanan habang may hawak na tablet. Kumunot agad ang noo nito nang makita ang ekspresyon ni Lucien. “Why do you look constipated? Nag-aadik ka ba?” “Damien.” Mariing sambit niya. “Ayusin mo bunganga mo.” “Then fix your face.” Umayos ito ng tayo. “May umaway ba sayo?” “Mas malala pa nga, e.” “Ha?” “May naksalubong ako na babaeng walang modo.” Nanlaki ang mata ni Damien bago natawa nang malakas. “Really? May babaeng may lakas ng loob na bastusin ka?” Napatawa ito. “Wow, naman. That’s new.” “Tumahimik ka, kundi ikaw tatamaan sa akin.” “Kuya, baka naman kasi type ka?” pang-aasar nito. “Kung type niya a
Naiwan mag-isa si Katarina sa loob ng silid. Tahimik niyang pinagmasdan ang paligid habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang sinabi ni Selene Kingswell. Pakiramdam niya ay may mali. Hindi niya alam kung bakit pero parang may tinatago ang ginang. Hindi niya rin maintindihan kung bakit alam nito ang mga bagay tungkol sa kanya na kahit ang ibang tao ay hindi alam. kung ito na mismo ang nagsabi na hindi nila inaalam o pinapakialaman ang pribadong impormasyon ng mga tao. “Dalawa lang ang posibleng dahilan,” bulong niya habang nakatingin sa sahig. “Nagsisinungaling siya o may kailangan siya sa akin.” Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o matutuwa dahil sa alok ni Selene. Mula pagkabata, pangarap na niya ang makaalis sa mababang estado ng buhay nila. Ngunit hindi siya tanga para basta magtiwala sa mga Kingswell. Lalong hindi sa isang pamilyang kilala sa kapangyarihan at karahasan. Tumayo siya mula sa couch at marahang lumabas ng silid. Habang naglalak
“Kilos! Kilos!” sigaw ng pinunong tagapamahala ng mga tagapaglingkod sa Kingswell family na si Madam Lucita. Abala at nagmamadali ang lahat sa pag aasikaso ng buong hall para sa pagbabalik ng pinaka panganay sa pinakamakapangyarihang magkakapatid. Si Lucien Kingswell. Sa Prime Dominion brothers, si Lucien ang kilala na pinaka malupit at kinakatakutan. Kahit ang gobyerno ay nayuko sa kanilang pamilya para lamang hingin ang tulong ni Lucien pagdating sa proteksiyon at anu mang aberya na may kinakailangan ng tapang, lakas, o dahas. “Aray!” reklamo ni Lucita. Nabangga siya ni Katarina Monteiro. Parte ng pinakamababang antas ng tagapaglingkod ng Kingswell. Sa Kingswell Empire, may tatlong antas ng tagapaglingkod. Pinaka mababang antas ay ang mga nag-aasikaso ng mga marurumi at maasikasong gawain tulad ng pamamalenke, paglilinis ng mga imbakan, at iba pa. Ang nasa gitnang antas naman angkadalasang nag-aayos ng mga gawain na kailangan ng masusing pag-aayos at pag-aasikaso gaya ng; paglu







