LOGINMainit pa rin ang ulo ni Lucien habang naglalakad pabalik sa main hall. Hindi niya matanggap na may isang hamak na tagapaglingkod na nakipagsagutan sa kanya nang ganoon lang kadali. At mas lalong hindi niya matanggap na hindi siya nakasagot nang maayos. Partida babae pa ‘yon
“Kuya.”
Napalingon siya nang makita ang bunsong kapatid na si Damien Kingswell na nakasandal sa malaking hagdanan habang may hawak na tablet. Kumunot agad ang noo nito nang makita ang ekspresyon ni Lucien.
“Why do you look constipated? Nag-aadik ka ba?”
“Damien.” Mariing sambit niya. “Ayusin mo bunganga mo.”
“Then fix your face.” Umayos ito ng tayo. “May umaway ba sayo?”
“Mas malala pa nga, e.”
“Ha?”
“May naksalubong ako na babaeng walang modo.”
Nanlaki ang mata ni Damien bago natawa nang malakas. “Really? May babaeng may lakas ng loob na bastusin ka?” Napatawa ito. “Wow, naman. That’s new.”
“Tumahimik ka, kundi ikaw tatamaan sa akin.”
“Kuya, baka naman kasi type ka?” pang-aasar nito.
“Kung type niya ako, dapat himatayin siya sa kagwapuhan ko.”
“Wow. Kumakapal yata mukha mo habang nagurang ka?”
“Gusto mo talaga matamaan?”
Napailing na lamang si Damien habang pinagmamasdan ang kuya niya na halatang iritable. Alam naman ng mga kapatid niya na sa kanilang magkakapatid na si Lucien ang pinaka kinatatakutanhindi lang dahil maikli ang psensiya nito dahil nakita na nila kung paano ito magalit at kapag naging seryoso Sa loob ng mafia empire ng Inferno, pangalan pa lamang nito ay sapat na para manginig ang mga kalaban. Ngunit ngayon, parang batang napikon lamang ito dahil sa isang babae.
“Anong pangalan nung babae?”
“Hindi ko alam. Spy ka diba? Ba’t di mo alamin?”
“Hindi mo tinanong? Sayang naman. Chix na naging bato pa.”
“Sa tingin mo ba gusto kong malaman?”
“Then bakit galit na galit ka?”
Bago pa makasagot si Lucien ay may isang lalaki na mabilis na lumapit sa kanilang dalawa. Naka formal black attire ito at mukhang isa sa mga personal guards ng pamilya.
“Sir Lucien,” tawag nito habang yumuyuko. “Nandito na po ang mga bisita mula sa South District.”
“Let them wait.”
“Pero sir—”
“I said wait.”
“Sundin mo yan, mainit ulo niya ngayon. Baka maging tostado ka ng wala sa oras,” ani Damien.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Lucien. “Can you shut your mouth, Damien?” Ar dumako sa guard. “Sige, na. Let them wait.”
Agad na yumuko ang lalaki. “Yes, sir.”
Tahimik na pinagmasdan ni Damien ang kuya niya. Tumaas ang isang kilay nito bago muling nagsalita. “Bad mood ka talaga, no?”
Hindi sumagot si Lucien.
Sa kabilang banda ng mansyon, mabilis naman naglalakad si Katarina habang hawak ang brasong may sugat. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan matapos malaman na ang lalaking nakabangga niya ay si Lucien Kingswell mismo. Ang pinaka kinatatakutan sa Prime Dominion brothers.
“Bwisit,” bulong niya habang napapailing. “Napaka yabang.”
“Sinong mayabang?”
Napatalon siya sa gulat nang biglang may sumulpot sa gilid niya. Isa iyong babae na nasa middle rank ng tagapaglingkod. Si Wendy.
“Diyos ko! Huwag ka ngang bigla-bigla!”
“Kanina ka pa kinakausap.” Natatawang tiningnan siya nito. “Mukha kang nakakita ng multo.”
“Mas malala pa nga, e.”
“Ha?”
Napabuntong-hininga si Katarina bago umiling. “Wala.”
Napatingin si Wendy sa sugat sa braso niya. “Anong nangyari sayo?”
“May nakabangga lang.”
“Kaya pala hinahanap ka ni Madam Lucita. Akala niya tumakas ka.”
“Bahala siya.”
Nanlaki naman ang mata ni Wendy. “Hoy! Huwag ka ngang ganyan magsalita. Kapag narinig ka no’n, yari ka na naman. Alam mo naman para yon aso makakahol.
“Mas okay pa sigurong aso kaysa sa ugali niya.”
Napahawak na lang si Wendy sa noo. “Katarina, minsan talaga hindi ko alam kung matapang ka o sadyang sira lang talaga tuktok ng utak mo,” sermon nito. “Saan ka ba kasi nagpunta? Hindi ka naman siguro nakipag kita sa lalaki?”
Bahagyang natahimik si Katarina.
Naalala na naman niya yung antipatikong lalaki na yon. Hindi na lang niya mapigilang mapangiti dahil natatwa siyang ang kinakatakutan na mafia king ay parang bata pala kung mapikon.
“Hoy.” Tinapik siya ni Wendy. “Nawawala ka na naman.”
“H-ha?”
“Halika na nga. Hinahanap tayo sa kusina.”
Bago pa sila tuluyang makaalis ay may paparating na grupo ng mga guards. Agad na nagsiyukuan ang mga tagapaglingkod na nadaraanan ng mga ito.
Napatigil si Katarina nang mapansing palapit ang grupo sa kanila. At sa gitna ng mga iyon ay si Lucien.
Nakasuksok ang isang kamay nito sa bulsa habang seryoso ang mukha. Tila walang emosyon ang mga mata nitong diretso lamang sa dinadaanan.
“Yuko!” bulong ni Wendy habang pilit hinihila si Katarina.
Napairap si Katarina pero yumuko rin.
Tahimik lamang dumaan si Lucien kasama ang mga tauhan niya ngunit bigla itong huminto.
Naramdaman agad ni Katarina ang kaba nang mapansing nasa harapan nila ito.
“Raise your heads.” Mabigat ang boses nito dahilan para unti-unting magtaasan ng ulo ang lahat.
Diretso ang tingin ni Lucien kay Katarina.
Ikunot man niya ang noo, hindi niya maiwasang aminin sa sarili na sobrang gwapo talaga ng lalaki. Nakakainis lang talaga ang ugali.
“You.” Itinuro siya ni Lucien.
“Ako na naman?”
Bahagyang nagtaas ng kilay ang lalaki. “Ang daldal mo.”
“At least marunong magsalita, kaysa sa isa diyan na tamemeng parang bata.”
“See?” Bahagya itong napailing. “You’re so annoying. Do you know that?
“At least hindi mayabang.”
Narinig ni Wendy ang sinabi niya kaya agad siyang napapikit dahil siya na ang nahihiya at natatakot para sa kaibigan niyang si Katarina.
Ngunit sa ikinagulat ng lahat, hindi nagalit si Lucien. Tinitigan lamang siya nito ng matagal bago bahagyang natawa.
Isang mababang tawa na tila hindi nila inaasahang maririnig mula rito.
“You’re brave, huh. Matapang ka para sa isang karaniwang babae lang.”
“Thank you.”
“That wasn’t a compliment.”
“Pero compliment pa rin pakinggan. Buti nga nag-thank you pa. Tsk.”
Sandaling natahimik si Lucien bago siya tinalikuran. “Magkikita pa rin tayo,” anito.
At pagkatapos no’n ay naglakad na itong muli kasama ang mga tauhan niya.
Naiwan namang tulala ang lahat.
Maging si Wendy ay nakanganga habang nakatingin kay Katarina.
“Anong ginawa mo?”
“Ano?”
“Bakit—wait—anong meron sa inyo ni Sir Lucien? Hindi ka niya pinatay?”
“Ano bang tingin mo sa kuya ko? Halimaw?”
Pareho silang napalingon nang may magsalita sa likuran nila. Si Damien iyon na may nakakalokong ngiti sa labi.
Agad na yumuko si Wendy. “Young master Damien.”
Ngunit si Katarina ay nakatitig lamang dito. At mas lalo siyang napakunot ng noo nang mapansing medyo hawig nito si Lucien ngunit mas magaan ang aura.
Mukha ng mga playboy na hindi papalagpasina ng kahit isang magandang dalagita na mahagip ng mata nila. Tsk. Tsk. Delikado ang taong ito.
“Hindi ka ba marunong yumuko?” tanong ni Damien sa kanya.
“Napapagod ako. Hindi ka naman imbitado sa usapan namin tas makikisalo ka. Ngayon papayukuin mo ako? Bahala ka diyan.”
Natawa ito. “Hindi na ako magtataka. You’re indeed interesting.”
“Uso ba sa pamilya niyo ang magpaligoy-ligoy? Hindi ko nga alam pakay niyong magkapatid e.”
Mas lalo naman natawa si Damien. “Okay, gusto kita.”
“Hindi kita gusto.”
“Aray naman.” Kunwari ay nasaktan ito habang nakahawak sa dibdib. “Ang sakit mo magsalita.”
“Ang arte mo tulad ng kuya mo.”
“Bakit nadamay ako sa kanya?”
“Kamag-anak mo si Lucien.”
“Hoy!” reklamo nito. “Mas gwapo ako do’n.”
“Mas makapal mukha mo.”
Muntik na mapasigaw si Wendy sa kaba habang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi niya maintindihan kung paano nagagawa ni Katarina na bastusin ang mga Kingswell ng hindi natatakot. At ang mas nakakapagtaka, bakit parang hindi naman galit ang mga ito?
Sa ikalawang palapag ng mansyon, tahimik na nakatanaw si Selene sa ibaba habang pinagmamasdan sina Katarina at Damien na nagbabangayan.
May maliit na ngiting sumilip sa labi niya. “Looks like she’s adjusting well,” sambit niya.
Sa tabi niya ay nakatayo ang asawa niyang si Magnus Kingswell. Isang lalaking kahit tahimik lamang at kinakatakutan rin ng lahat.
“She has guts,” malamig nitong sabi.
“That’s why I like her.”
“Or because she reminds you of yourself?”
Natawa si Selene. “Maybe.”
Tahimik na muling tumingin si Magnus sa ibaba.
“Lucien is interested in her. I can see that.”
“Exactly.” Napangiti si Selene habang nakatingin sa panganay niyang anak na papalayo. “And that’s dangerous.”
“Para kanino?”
“Para sa kanilang dalawa.” Bumunton ng hininga si Selene at biglang may bakas ng pag-aalala sa mukha. “We all know what Lucien’s world is like.”
“Alam mong kaya ‘yan ni Lucien. Kilala mo ang anak mo, honey.”
“I know, but...hindi lang naman ako kay Lucien nag-aalala kundi para sa anak ng kaibigan ko.”
“Si Katarina?”
“Siya nga.”
Natahimik ang buong bulwagan na para bang walang sinuman ang makapaniwala sa nasaksihan nila. Si Lucien Kingswell. Ang lalaking kilala sa pagiging cold, istrikto, at walang pakialam sa iba. Ngayon ay hayagang ipinagtatanggol ang isang tagapaglingkod. "Lucien..." mahinang tawag ng matandang babae. Ngunit hindi man lang siya nito nilingon. Nanatiling malamig ang tingin nito. Maya-maya ay bahagyang yumuko ang babae. "M-my apologies." Wala itong ibang nagawa kundi umatras. Walang sinuman ang nangahas na magsalita pa dahil alam nilang kapag si Lucien ang nagsalita, wala siyang kikilalanin. Dahan-dahang binitawan ni Lucien ang kamay ni Katarina. Ngunit hindi pa rin nawawala ang gulat sa mukha ni Katarina sa ginawa ni Lucien. "Ayos ka lang?" tanong nito. Napatitig si Katarina. Hindi niya alam kung bakit pero parang mas nakakatakot pa ang mahinahon na bersyon ni Lucien kaysa sa galit nito. "Ako?" aniya. "May iba pa ba akong kausap?" Napakurap siya. "Okay lang ako." "Good." Tuma
Sa gabing iyon, abala ang buong mansyon para sa engrandeng pagsalubong kay Lucien Kingswell. Mula sa pangunahing bulwagan hanggang sa mga hardin sa labas ay puno ng ilaw, mamahaling dekorasyon, at mga tauhang abala sa pag-aasikaso ng mga bisita. Sunod-sunod ang pagdating ng mga negosyante, politiko, sikat na personalidad, at iba pang makapangyarihang tao na may koneksyon sa Kingswell Empire. Samantala, si Katarina ay nasa isang sulok lamang ng hall habang may hawak na tray ng mga inumin. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng lugar kaya pakiramdam niya ay isa siyang langgam na napadpad lang dito. Nakasuot man siya ng malinis na uniporme ng tagapaglingkod, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng pagkailang habang nakatingin sa mga bisitang nakabihis ng mamahaling gown at suit. "Uy." Napalingon siya nang may tumawag sa kanyang pamilyar na boses. Si Wendy. Palihim itong lumapit at agad na tumayo sa tabi niya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Katarina. "Tinutulungan kita." "Na
Mainit pa rin ang ulo ni Lucien habang naglalakad pabalik sa main hall. Hindi niya matanggap na may isang hamak na tagapaglingkod na nakipagsagutan sa kanya nang ganoon lang kadali. At mas lalong hindi niya matanggap na hindi siya nakasagot nang maayos. Partida babae pa ‘yon “Kuya.” Napalingon siya nang makita ang bunsong kapatid na si Damien Kingswell na nakasandal sa malaking hagdanan habang may hawak na tablet. Kumunot agad ang noo nito nang makita ang ekspresyon ni Lucien. “Why do you look constipated? Nag-aadik ka ba?” “Damien.” Mariing sambit niya. “Ayusin mo bunganga mo.” “Then fix your face.” Umayos ito ng tayo. “May umaway ba sayo?” “Mas malala pa nga, e.” “Ha?” “May naksalubong ako na babaeng walang modo.” Nanlaki ang mata ni Damien bago natawa nang malakas. “Really? May babaeng may lakas ng loob na bastusin ka?” Napatawa ito. “Wow, naman. That’s new.” “Tumahimik ka, kundi ikaw tatamaan sa akin.” “Kuya, baka naman kasi type ka?” pang-aasar nito. “Kung type niya a
Naiwan mag-isa si Katarina sa loob ng silid. Tahimik niyang pinagmasdan ang paligid habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang sinabi ni Selene Kingswell. Pakiramdam niya ay may mali. Hindi niya alam kung bakit pero parang may tinatago ang ginang. Hindi niya rin maintindihan kung bakit alam nito ang mga bagay tungkol sa kanya na kahit ang ibang tao ay hindi alam. kung ito na mismo ang nagsabi na hindi nila inaalam o pinapakialaman ang pribadong impormasyon ng mga tao. “Dalawa lang ang posibleng dahilan,” bulong niya habang nakatingin sa sahig. “Nagsisinungaling siya o may kailangan siya sa akin.” Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o matutuwa dahil sa alok ni Selene. Mula pagkabata, pangarap na niya ang makaalis sa mababang estado ng buhay nila. Ngunit hindi siya tanga para basta magtiwala sa mga Kingswell. Lalong hindi sa isang pamilyang kilala sa kapangyarihan at karahasan. Tumayo siya mula sa couch at marahang lumabas ng silid. Habang naglalak
“Kilos! Kilos!” sigaw ng pinunong tagapamahala ng mga tagapaglingkod sa Kingswell family na si Madam Lucita. Abala at nagmamadali ang lahat sa pag aasikaso ng buong hall para sa pagbabalik ng pinaka panganay sa pinakamakapangyarihang magkakapatid. Si Lucien Kingswell. Sa Prime Dominion brothers, si Lucien ang kilala na pinaka malupit at kinakatakutan. Kahit ang gobyerno ay nayuko sa kanilang pamilya para lamang hingin ang tulong ni Lucien pagdating sa proteksiyon at anu mang aberya na may kinakailangan ng tapang, lakas, o dahas. “Aray!” reklamo ni Lucita. Nabangga siya ni Katarina Monteiro. Parte ng pinakamababang antas ng tagapaglingkod ng Kingswell. Sa Kingswell Empire, may tatlong antas ng tagapaglingkod. Pinaka mababang antas ay ang mga nag-aasikaso ng mga marurumi at maasikasong gawain tulad ng pamamalenke, paglilinis ng mga imbakan, at iba pa. Ang nasa gitnang antas naman angkadalasang nag-aayos ng mga gawain na kailangan ng masusing pag-aayos at pag-aasikaso gaya ng; paglu







