Share

Banggaan ng Tadhana

last update publish date: 2026-06-03 18:31:36

Naiwan mag-isa si Katarina sa loob ng silid. Tahimik niyang pinagmasdan ang paligid habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang sinabi ni Selene Kingswell. Pakiramdam niya ay may mali. Hindi niya alam kung bakit pero parang may tinatago ang ginang. Hindi niya rin maintindihan kung bakit alam nito ang mga bagay tungkol sa kanya na kahit ang ibang tao ay hindi alam. kung ito na mismo ang nagsabi na hindi nila inaalam o pinapakialaman ang pribadong impormasyon ng mga tao.

“Dalawa lang ang posibleng dahilan,” bulong niya habang nakatingin sa sahig. “Nagsisinungaling siya o may kailangan siya sa akin.”

Napabuntong-hininga siya.

Hindi niya alam kung matatakot ba siya o matutuwa dahil sa alok ni Selene. Mula pagkabata, pangarap na niya ang makaalis sa mababang estado ng buhay nila. Ngunit hindi siya tanga para basta magtiwala sa mga Kingswell. Lalong hindi sa isang pamilyang kilala sa kapangyarihan at karahasan.

Tumayo siya mula sa couch at marahang lumabas ng silid. Habang naglalakad siya sa sa hallway ay malalim pa rin ang iniisip niya. “Pero wala naman silang makukuha sa akin—Aray!”

Napaigtad siya nang may biglang makabangga sa kanya. Napahawak agad siya sa braso dahil may matalim na hapding dumaan doon.

“I’m sorry, miss.”

Napataas siya ng tingin at halos mapatigil siya sa nakita.

Matangkad ang lalaki at matipuno ang katawan. Itim na itim ang buhok nito na maayos tingnan kahit may ilang hiblang nakalaylay sa noo. Ang kulay pulot nitong mga mata ay tila matalim kung tumitig. Matangos ang ilong. Matalim ang jawline. Nakasuot ito ng mamahaling black suit habang may Rolex na relo sa kaliwang pulsuhan. Kahit simpleng pagtayo lang nito ay halatang may mataas na estado sa buhay.

Ito yung tipo ng lalaking kayang magpahinto ng tibok ng puso ng kahit sinong babae. Ngunit higit sa lahat, ang pinaka napansin ni Katarina ay ang aura nitong malamig at matalim na mga tingin. Katulad ng kay Selene.

“Hindi kaya...”

“You’re bleeding.”

Hindi na siya nakapagsalita nang hawakan agad ng lalaki ang braso niya. Napatingin siya roon at nakitang may sugat nga. Mukhang natamaan ng matulis na singsing nito ang balat niya.

Bigla nitong pinilas ang laylayan ng bestida niya dahilan para mapasinghap siya. “Hoy! Bastos!”

“Kalma,” simpleng sagot nito. “Itatali ko lang.”

“Kailangan talaga yung damit ko pa?”

“Alangan naman yung damit ko.”

Napairap si Katarina. “Eh kung tumitingin ka kasi sa dinadaanan mo, hindi sana ako nasugatan niyang singsing mo. May singsing bang ganyan? Parang gusto mo lagi pumatay,” aniya nang mapansin ang singsing na may matalas na pigurang disenyo.

Hindi man lang natinag ang lalaki. “You got it right.” Diretso itong tumingin sa kanya. “Para doon nga ito.”

Napangiwi siya. Hindi niya inaasahang sasagutin nito nang seryoso ang biro niya. “Baliw ka ba?”

“What?” Nanlaki ang mata nito. “Did you just call me baliw?”

“Wait... bingi ka rin?” taas-kilay niyang sabi. “Ang lala mo naman.”

“Aba’t—”

“Lucien, andiyan ka na pala?”

Pareho silang napalingon nang marinig ang boses ni Selene.

Palapit ito sa kanilang dalawa habang may halong pagtataka ang mukha. Bahagya ring tumaas ang kilay nito nang makita ang hawak ni Lucien sa braso ni Katarina.

“Anong nangyayari rito?”

“Mommy, may konting misunderstanding lang po.”

“Mommy?!” halos mapasigaw si Katarina.

“Yes, mommy ko,” sagot ng lalaki. “Bakit?”

Biglang nanlaki ang mata ni Katarina. Hindi siya maaaring magkamali. Posibleng siya nga ang nag-iisang Lucien Kingswell. Ang pinaka kinatatakutang miyembro ng Prime Dominion brothers.

Napangiti naman si Selene habang pinagmamasdan sila.

“Well, I guess hindi pa kayo officially nagpapakilala sa isa’t isa.”

“Kailangan po ba kilala ko ang antipatiko na ito?” agad na sabi ni Katarina habang nakaturo kay Lucien.

“Antipatiko?” ulit ni Lucien. “Babae, wala pang nakakatawag sa akin niyan sa buong buhay ko.”

“Then you’re welcome.” Pilyo siyang ngumiti. “First time mo maka-experience.”

Tahimik na pinagmamasdan lamang sila ni Selene. Halatang natutuwa ito sa bangayan nilang dalawa.

Samantalang si Lucien ay tila hindi makapaniwala na may taong kayang sumagot-sagot sa kanya nang ganoon lang kadali. “You know what?” Lumapit ito nang bahagya. “Konti na lang papatayin na kita.”

Biglang napataas ang kilay ni Selene. Kilalang maikli ang pasensiya ng panganay niyang anak kaya agad siyang naging alerto. “Itigil niyo na—”

“Edi uunahan na kita.” Tinaasan siya ng kilay ni Katarina. “Ang sabi nila, ang puro salita lang, duwag.”

Natahimik si Lucien.

“Mafia king ka pa naman pero kaunting asar lang, pikon ka agad. Para kang bata.”

Maging si Selene ay bahagyang natigilan. Hindi dahil bastos si Katarina kundi dahil sa tapang nito. Kahit alam nitong si Lucien Kingswell ang kaharap niya, wala man lang bakas ng takot sa mukha nito.

“Oo na,” dagdag pa ni Katarina. “Mababang antas lang ako ng tagapaglingkod dito pero hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na magpatalo na lang lagi. It’s either gaganti ako o uunahan kita.”

Napabuga ng hangin si Lucien habang pilit kinakalma ang sarili.

Sa buong buhay niya, ngayon lang may babaeng nagsalita sa kanya nang ganoon. At ang mas nakakainis? Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang magalit nang tuluyan.

“Tse. Diyan ka na nga.” Tinalikuran siya ni Katarina at naglakad palayo habang taas-noong umaalis.

Habang naiwan namang nakatayo sina Selene at Lucien.

“Narinig niyo ‘yon, mommy?” hindi makapaniwalang sabi ni Lucien. “Grabe!”

Ngunit imbis na kampihan siya ay hinampas siya ni Selene sa balikat.

“Aray!” reklamo niya. “Bakit ako?”

“Ikaw na bata ka.” Pinandilatan siya nito. “Kailan ka pa natutong pumatol sa babae? At ano yung ‘papatayin’? Nahihibang ka na ba?”

“Mommy naman.” Napailing siya. “Hindi ko naman siya sasaktan. Siya lang talaga nauna.”

Tumingin siya sa direksyong nilakaran ni Katarina bago muling nagsalita. “At nakita niyo naman mukha niya? Parang dragon na nagbubuga ng apoy. Hindi mo malaman kung galit o may regla. Tsk. Mga babae nga naman.”

“Lucien Kingswell.”

“Ano po?”

Hinampas na naman siya ni Selene dahilan para mapangiwi siya.

“Baka nakakalimutan mong babae rin ang nagluwal sayo.”

“Eh hindi naman po kayo yung—”

“Hay naku.”

Tumalikod si Selene at naglakad palayo.

“Mommy! Mommy!” habol niya pero hindi siya nito nilingon. Napabuntong-hininga siya bago ibinulsa ang mga kamay. “Mga babae nga naman.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming The Ruthless Mafia King   Pagpanig kay Katarina

    Natahimik ang buong bulwagan na para bang walang sinuman ang makapaniwala sa nasaksihan nila. Si Lucien Kingswell. Ang lalaking kilala sa pagiging cold, istrikto, at walang pakialam sa iba. Ngayon ay hayagang ipinagtatanggol ang isang tagapaglingkod. "Lucien..." mahinang tawag ng matandang babae. Ngunit hindi man lang siya nito nilingon. Nanatiling malamig ang tingin nito. Maya-maya ay bahagyang yumuko ang babae. "M-my apologies." Wala itong ibang nagawa kundi umatras. Walang sinuman ang nangahas na magsalita pa dahil alam nilang kapag si Lucien ang nagsalita, wala siyang kikilalanin. Dahan-dahang binitawan ni Lucien ang kamay ni Katarina. Ngunit hindi pa rin nawawala ang gulat sa mukha ni Katarina sa ginawa ni Lucien. "Ayos ka lang?" tanong nito. Napatitig si Katarina. Hindi niya alam kung bakit pero parang mas nakakatakot pa ang mahinahon na bersyon ni Lucien kaysa sa galit nito. "Ako?" aniya. "May iba pa ba akong kausap?" Napakurap siya. "Okay lang ako." "Good." Tuma

  • Taming The Ruthless Mafia King   Pagsalubong sa Nag-iisang Mafia King

    Sa gabing iyon, abala ang buong mansyon para sa engrandeng pagsalubong kay Lucien Kingswell. Mula sa pangunahing bulwagan hanggang sa mga hardin sa labas ay puno ng ilaw, mamahaling dekorasyon, at mga tauhang abala sa pag-aasikaso ng mga bisita. Sunod-sunod ang pagdating ng mga negosyante, politiko, sikat na personalidad, at iba pang makapangyarihang tao na may koneksyon sa Kingswell Empire. Samantala, si Katarina ay nasa isang sulok lamang ng hall habang may hawak na tray ng mga inumin. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng lugar kaya pakiramdam niya ay isa siyang langgam na napadpad lang dito. Nakasuot man siya ng malinis na uniporme ng tagapaglingkod, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng pagkailang habang nakatingin sa mga bisitang nakabihis ng mamahaling gown at suit. "Uy." Napalingon siya nang may tumawag sa kanyang pamilyar na boses. Si Wendy. Palihim itong lumapit at agad na tumayo sa tabi niya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Katarina. "Tinutulungan kita." "Na

  • Taming The Ruthless Mafia King   Mapanganib na Interes

    Mainit pa rin ang ulo ni Lucien habang naglalakad pabalik sa main hall. Hindi niya matanggap na may isang hamak na tagapaglingkod na nakipagsagutan sa kanya nang ganoon lang kadali. At mas lalong hindi niya matanggap na hindi siya nakasagot nang maayos. Partida babae pa ‘yon “Kuya.” Napalingon siya nang makita ang bunsong kapatid na si Damien Kingswell na nakasandal sa malaking hagdanan habang may hawak na tablet. Kumunot agad ang noo nito nang makita ang ekspresyon ni Lucien. “Why do you look constipated? Nag-aadik ka ba?” “Damien.” Mariing sambit niya. “Ayusin mo bunganga mo.” “Then fix your face.” Umayos ito ng tayo. “May umaway ba sayo?” “Mas malala pa nga, e.” “Ha?” “May naksalubong ako na babaeng walang modo.” Nanlaki ang mata ni Damien bago natawa nang malakas. “Really? May babaeng may lakas ng loob na bastusin ka?” Napatawa ito. “Wow, naman. That’s new.” “Tumahimik ka, kundi ikaw tatamaan sa akin.” “Kuya, baka naman kasi type ka?” pang-aasar nito. “Kung type niya a

  • Taming The Ruthless Mafia King   Banggaan ng Tadhana

    Naiwan mag-isa si Katarina sa loob ng silid. Tahimik niyang pinagmasdan ang paligid habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang sinabi ni Selene Kingswell. Pakiramdam niya ay may mali. Hindi niya alam kung bakit pero parang may tinatago ang ginang. Hindi niya rin maintindihan kung bakit alam nito ang mga bagay tungkol sa kanya na kahit ang ibang tao ay hindi alam. kung ito na mismo ang nagsabi na hindi nila inaalam o pinapakialaman ang pribadong impormasyon ng mga tao. “Dalawa lang ang posibleng dahilan,” bulong niya habang nakatingin sa sahig. “Nagsisinungaling siya o may kailangan siya sa akin.” Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o matutuwa dahil sa alok ni Selene. Mula pagkabata, pangarap na niya ang makaalis sa mababang estado ng buhay nila. Ngunit hindi siya tanga para basta magtiwala sa mga Kingswell. Lalong hindi sa isang pamilyang kilala sa kapangyarihan at karahasan. Tumayo siya mula sa couch at marahang lumabas ng silid. Habang naglalak

  • Taming The Ruthless Mafia King   Pabor ng Kingswell kay Katarina

    “Kilos! Kilos!” sigaw ng pinunong tagapamahala ng mga tagapaglingkod sa Kingswell family na si Madam Lucita. Abala at nagmamadali ang lahat sa pag aasikaso ng buong hall para sa pagbabalik ng pinaka panganay sa pinakamakapangyarihang magkakapatid. Si Lucien Kingswell. Sa Prime Dominion brothers, si Lucien ang kilala na pinaka malupit at kinakatakutan. Kahit ang gobyerno ay nayuko sa kanilang pamilya para lamang hingin ang tulong ni Lucien pagdating sa proteksiyon at anu mang aberya na may kinakailangan ng tapang, lakas, o dahas. “Aray!” reklamo ni Lucita. Nabangga siya ni Katarina Monteiro. Parte ng pinakamababang antas ng tagapaglingkod ng Kingswell. Sa Kingswell Empire, may tatlong antas ng tagapaglingkod. Pinaka mababang antas ay ang mga nag-aasikaso ng mga marurumi at maasikasong gawain tulad ng pamamalenke, paglilinis ng mga imbakan, at iba pa. Ang nasa gitnang antas naman angkadalasang nag-aayos ng mga gawain na kailangan ng masusing pag-aayos at pag-aasikaso gaya ng; paglu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status