LOGINNatahimik ang buong bulwagan na para bang walang sinuman ang makapaniwala sa nasaksihan nila.
Si Lucien Kingswell. Ang lalaking kilala sa pagiging cold, istrikto, at walang pakialam sa iba. Ngayon ay hayagang ipinagtatanggol ang isang tagapaglingkod.
"Lucien..." mahinang tawag ng matandang babae.
Ngunit hindi man lang siya nito nilingon.
Nanatiling malamig ang tingin nito.
Maya-maya ay bahagyang yumuko ang babae. "M-my apologies." Wala itong ibang nagawa kundi umatras.
Walang sinuman ang nangahas na magsalita pa dahil alam nilang kapag si Lucien ang nagsalita, wala siyang kikilalanin.
Dahan-dahang binitawan ni Lucien ang kamay ni Katarina.
Ngunit hindi pa rin nawawala ang gulat sa mukha ni Katarina sa ginawa ni Lucien.
"Ayos ka lang?" tanong nito.
Napatitig si Katarina. Hindi niya alam kung bakit pero parang mas nakakatakot pa ang mahinahon na bersyon ni Lucien kaysa sa galit nito.
"Ako?" aniya.
"May iba pa ba akong kausap?"
Napakurap siya. "Okay lang ako."
"Good." Tumango si Lucien.
At gaya ng inaasahan, tinalikuran na siya nito na para bang walang nangyari. Subalit kabaligtaran iyon ng nararamdaman ng mga tao sa paligid. Dahil para sa kanila, napakalaki ng nangyari.
"Sino ba siya?"
"Bakit siya pinagtanggol ni Sir Lucien?"
"May relasyon ba sila?"
"Ikaw naman. Tagapaglingkod lang 'yon."
Unti-unting kumalat ang mga bulungan.
Naririnig ni Katarina ang ilan sa mga iyon at lalong sumasakit ang ulo niya.
"Bwisit."
"Anong bwisit?"
Napalingon siya kay Wendy na agad lumapit.
"Huwag mo akong tingnan nang ganyan."
"Paano kita titingnan?" tanong ni Wendy.
"Parang may sasabihin ka na naman na katangahan e."
Napasinghap si Wendy. "Ako pa ngayon?"
"Ano ba kasi?"
Hinila siya nito sa isang sulok, pagkatapos ay tinitigan siya nang matagal. "May tinatago ka ba?"
"Ha?"
"May relasyon ba kayo ni Sir Lucien?"
Halos mabilaukan si Katarina sa narinig. "Ano?!"
"Eh bakit ka niya pinagtanggol?"
"Malay ko!"
"Tapos hawak kamay pa."
"Tinulungan niya lang ako tumayo."
"Oo nga."
"Tapos?"
"Eh bakit ikaw?"
Napahawak si Katarina sa noo. Pakiramdam niya ay sasakit ang ulo niya sa kaibigan. "Kung alam ko lang sana, edi sasabihin ko sayo."
Hindi naman talaga niya maintindihan kung bakit dagul dalawang beses pa lang silang nagkikita at parehong beses ay nauuwi sa bangayan. Kaya bakit siya nito ipinagtanggol?
Samantala, sa kabilang bahagi ng hall, seryosong nakatingin si Arabella sa direksyon ni Katarina. Hindi niya makakalimutan ang lahat ng nangyari at mas lalong hindi ang paraan ng pagtitig ni Lucien sa dalaga.
Tahimik siyang lumapit kay Lucien. "Sino ba talaga siya?"
Napalingon ang lalaki. "Arabella."
"Seryoso ako."
"Wala."
"Wala?"
Tumango ito. "Isa siyang tagapaglingkod."
"At pinagtanggol mo siya para lang doon?"
Natahimik si Lucien. Ilang segundo ang lumipas bago ito nagsalita. "Nasa loob siya ng teritoryo ng Kingswell."
Napakunot-noo si Arabella. "Kaya?"
"Hindi ko hahayaang may mang-api ng tao sa loob ng pamamahay namin."
Parang may gustong sabihin si Arabella ngunit pinigilan niya ang sarili.
Kilalang hindi mahilig magpaliwanag si Lucien at kapag sinabi nitong tapos na ang usapan, tapos na iyon. Ngunit may kakaibang pakiramdam siyang hindi mawala. Na parang may mali.
Sa ikalawang palapag naman ng mansyon, tahimik na nakatanaw sina Selene at Magnus Kingswell. Nakita nila ang buong pangyayari. Maging ang paraan ng paglapit ni Lucien kay Katarina.
"Well..." nakangiting sabi ni Selene.
"Hmm."
"Huwag mong sabihing hindi mo napansin."
"Tahimik lang ako pero hindi ako bulag, honey."
Napatawa si Selene. "She’s interesting, hindi ba? Parang ako lang noon gaya ng sabi mo."
Napailing si Magnus."Ikaw talaga."
"Anong ako?"
"Masaya ka sa mga nangyayari?."
"Siyempre."
Tumingin muli si Selene sa ibaba kung saan kasalukuyang pinagtitinginan si Katarina ng halos lahat.
"Nakakatuwang makita si Lucien na interesado sa ibang bagay bukod sa trabaho."
"Interesado ba?"
Ngumiti si Selene. "Nanay ako. At hindi ko maikakaila iyon dahil ganyan ka rin noon gaya ni Lucien. Torpe pero wagas makabakod."
Napailing naman si Magnus at napangiti. “Like father, like son. “yan ba ang sinasabi mo?”
“Maybe.”
Hindi na sumagot si Magnus. Muling dumako angkanyang tingin sa ibaba. Natahimik siya dahil kahit siya ay may napansin sa panganay na anak na hindi niya maikakailang katangian din niya noon.
Sa loob ng maraming taon, walang sinuman ang nakakuha ng atensyon ni Lucien, kahit si Arabella.
Ngunit ngayong gabi, dalawang beses nang hinanap ng mga mata nito si Katarina. At para sa isang lalaking tulad ni Lucien, sapat na iyon para magdulot ng problema at kapahamakan sa buhay ng dalaga.
Samantala, si Katarina naman ay walang kaalam-alam sa iniisip ng lahat. Ang alam lang niya ay gusto na niyang matapos ang gabing iyon at makabalik sa kanyang kwarto.
"Dahil kapag may nangyaring mas kakaiba pa rito," bulong niya sa sarili, "ako mismo ang mababaliw."
Ngunit hindi alam ni Katarina simula pa lang iyon ng tunay niyang problema. Dahil mula sa kabilang bahagi ng hall, may isang pares ng matang seryosong nakamasid sa kanya.
At ang may-ari ng mga matang iyon ay si Arabella Vaughn.
“Ako pa talaga ang kinalaban mo, cheap whore.”
Natahimik ang buong bulwagan na para bang walang sinuman ang makapaniwala sa nasaksihan nila. Si Lucien Kingswell. Ang lalaking kilala sa pagiging cold, istrikto, at walang pakialam sa iba. Ngayon ay hayagang ipinagtatanggol ang isang tagapaglingkod. "Lucien..." mahinang tawag ng matandang babae. Ngunit hindi man lang siya nito nilingon. Nanatiling malamig ang tingin nito. Maya-maya ay bahagyang yumuko ang babae. "M-my apologies." Wala itong ibang nagawa kundi umatras. Walang sinuman ang nangahas na magsalita pa dahil alam nilang kapag si Lucien ang nagsalita, wala siyang kikilalanin. Dahan-dahang binitawan ni Lucien ang kamay ni Katarina. Ngunit hindi pa rin nawawala ang gulat sa mukha ni Katarina sa ginawa ni Lucien. "Ayos ka lang?" tanong nito. Napatitig si Katarina. Hindi niya alam kung bakit pero parang mas nakakatakot pa ang mahinahon na bersyon ni Lucien kaysa sa galit nito. "Ako?" aniya. "May iba pa ba akong kausap?" Napakurap siya. "Okay lang ako." "Good." Tuma
Sa gabing iyon, abala ang buong mansyon para sa engrandeng pagsalubong kay Lucien Kingswell. Mula sa pangunahing bulwagan hanggang sa mga hardin sa labas ay puno ng ilaw, mamahaling dekorasyon, at mga tauhang abala sa pag-aasikaso ng mga bisita. Sunod-sunod ang pagdating ng mga negosyante, politiko, sikat na personalidad, at iba pang makapangyarihang tao na may koneksyon sa Kingswell Empire. Samantala, si Katarina ay nasa isang sulok lamang ng hall habang may hawak na tray ng mga inumin. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng lugar kaya pakiramdam niya ay isa siyang langgam na napadpad lang dito. Nakasuot man siya ng malinis na uniporme ng tagapaglingkod, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng pagkailang habang nakatingin sa mga bisitang nakabihis ng mamahaling gown at suit. "Uy." Napalingon siya nang may tumawag sa kanyang pamilyar na boses. Si Wendy. Palihim itong lumapit at agad na tumayo sa tabi niya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Katarina. "Tinutulungan kita." "Na
Mainit pa rin ang ulo ni Lucien habang naglalakad pabalik sa main hall. Hindi niya matanggap na may isang hamak na tagapaglingkod na nakipagsagutan sa kanya nang ganoon lang kadali. At mas lalong hindi niya matanggap na hindi siya nakasagot nang maayos. Partida babae pa ‘yon “Kuya.” Napalingon siya nang makita ang bunsong kapatid na si Damien Kingswell na nakasandal sa malaking hagdanan habang may hawak na tablet. Kumunot agad ang noo nito nang makita ang ekspresyon ni Lucien. “Why do you look constipated? Nag-aadik ka ba?” “Damien.” Mariing sambit niya. “Ayusin mo bunganga mo.” “Then fix your face.” Umayos ito ng tayo. “May umaway ba sayo?” “Mas malala pa nga, e.” “Ha?” “May naksalubong ako na babaeng walang modo.” Nanlaki ang mata ni Damien bago natawa nang malakas. “Really? May babaeng may lakas ng loob na bastusin ka?” Napatawa ito. “Wow, naman. That’s new.” “Tumahimik ka, kundi ikaw tatamaan sa akin.” “Kuya, baka naman kasi type ka?” pang-aasar nito. “Kung type niya a
Naiwan mag-isa si Katarina sa loob ng silid. Tahimik niyang pinagmasdan ang paligid habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang sinabi ni Selene Kingswell. Pakiramdam niya ay may mali. Hindi niya alam kung bakit pero parang may tinatago ang ginang. Hindi niya rin maintindihan kung bakit alam nito ang mga bagay tungkol sa kanya na kahit ang ibang tao ay hindi alam. kung ito na mismo ang nagsabi na hindi nila inaalam o pinapakialaman ang pribadong impormasyon ng mga tao. “Dalawa lang ang posibleng dahilan,” bulong niya habang nakatingin sa sahig. “Nagsisinungaling siya o may kailangan siya sa akin.” Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o matutuwa dahil sa alok ni Selene. Mula pagkabata, pangarap na niya ang makaalis sa mababang estado ng buhay nila. Ngunit hindi siya tanga para basta magtiwala sa mga Kingswell. Lalong hindi sa isang pamilyang kilala sa kapangyarihan at karahasan. Tumayo siya mula sa couch at marahang lumabas ng silid. Habang naglalak
“Kilos! Kilos!” sigaw ng pinunong tagapamahala ng mga tagapaglingkod sa Kingswell family na si Madam Lucita. Abala at nagmamadali ang lahat sa pag aasikaso ng buong hall para sa pagbabalik ng pinaka panganay sa pinakamakapangyarihang magkakapatid. Si Lucien Kingswell. Sa Prime Dominion brothers, si Lucien ang kilala na pinaka malupit at kinakatakutan. Kahit ang gobyerno ay nayuko sa kanilang pamilya para lamang hingin ang tulong ni Lucien pagdating sa proteksiyon at anu mang aberya na may kinakailangan ng tapang, lakas, o dahas. “Aray!” reklamo ni Lucita. Nabangga siya ni Katarina Monteiro. Parte ng pinakamababang antas ng tagapaglingkod ng Kingswell. Sa Kingswell Empire, may tatlong antas ng tagapaglingkod. Pinaka mababang antas ay ang mga nag-aasikaso ng mga marurumi at maasikasong gawain tulad ng pamamalenke, paglilinis ng mga imbakan, at iba pa. Ang nasa gitnang antas naman angkadalasang nag-aayos ng mga gawain na kailangan ng masusing pag-aayos at pag-aasikaso gaya ng; paglu







