Home / Romance / Taming the Cold Brother / KABANATA 3: "MALI KA NG MINAHAL."

Share

KABANATA 3: "MALI KA NG MINAHAL."

Author: KokoyIsMyLife
last update publish date: 2026-10-12 21:43:26

Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel habang pilit at sinisibasib siya ng halik ni Amie. Ang kuko nito sa batok niya ay bumabaon habang pilit siyang inaabot.

"A-a-amie," sa wakas ay naitulak niya ito.

Napadpad ilang hakbang ang layo ng hinihingal na si Amie. Mataas ang dibdib niyang nakalabandra sa binata. Pinanood niyang punasan nito ang bibig bago tumingin sa kanya.

Kumurap ang mga mata niya nang may makitang dugo sa labi nito.

"A-anong-"

"Kuya 'Kiel," agad siyang lumapit at yumakap.

"Patawarin mo ako, Kuya. Tayo na lang ang magpakasal. Please, Kuya."

Diring-diri ang anyo ni Ezekiel habang pilit na inaalis ang nakapalupot na braso ng dalagita sa kanya. "Bitawan mo ako, Amie!"

"Ano ba?!"

"Malakas na ang tama mo sa ulo!"

"Nasisiraan ka na ng bait!"

"Lumayo ka sa akin!"

Sa kabilang banda, paakyat sina Anita at Bella sa hagdan papuntang sa pangalawang palapag ng bahay, kung nasaan ang kwarto ni Ezekiel.

"Buti pinayagan ka ng magulang mo na pumunta rito," anang ng ginang.

"Tumakas lang po ako, Tita. Gusto ko lang po talagang makita si Ezekiel at makausap."

"Mukhang kailangan niyo nga 'yon. Halika dito tayo," huminto ang dalawa sa tapat ng p***o.

Hanggang sabay na napakunotnoo ang mga ito nang marinig ang ingay. Hinawakan ni Anita ang doorknob at tuluyang binuksan ang p***o.

"Diyos ko po!" bulalas ni Anita at tinakpan ang bibig.

Si Bella naman ay natigalgal.

"Sabing bita-" Natigilan si Ezekiel nang makita sa ibaba na bukas ang p***o. Napahinga ang binata at marahang tinaas ang tingin.

Para siyang binuhusan nang malamig na tubig nang nagtagpo ang mga mata nila ng nobya.

"B-bella."

Nanigas naman si Amie sa pagkakayakap kay Ezekiel. Dahan-dahan siyang lumingon habang ang mga braso ay naroon pa rin sa bewang ng binata.

Nakita niyang bumaba ang tingin ni Bella at ng tiyahin sa katawan niya.

"Bella!" agad na tawag ni Ezekiel nang tumalikod at umalis ang nobya. Sinubukan nitong humakbang pero dahil nakakapit pa din si Amie ay bwisit nitong tinaggal ang mga braso.

"Kuya 'Kiel!" humabol pa si Amie at humawak sa braso nito. Nanlilisik ang mga mata nito nang lingunin siya.

"Bitawan mo 'ko!" tumalsik siya sa malayo nang malakas nitong kabigin ang sariling braso.

"Bella!" habol nito at lumabas ng kwarto.

Napatingin si Amie kay Anita na umiling-iling.

"Wala ka na sa tamang pag-iisip na bata ka. Makakarating ito kay Gary, at ngayon sisiguraduhin kong mananagot ka," banta nito at tinalikuran siya.

"Sandali, Tita!" habol niya, pinulot niya ang damit na tinakip lang katawan bago sumunod sa mga ito.

Sa labas ng bahay, habol-habol ni Ezekiel si Bella. Hinablot niya ang braso nito at hinarap. "Bella, sandali."

Napakurap siya nang makitang may luha ang nobya. "Ano 'yon, Kiel?"

"Talaga bang pumatol ka sa parang kapatid mo na halos sampung taon ang agwat ng edad sa iyo?"

"Hindi, Bella. Makinig ka sa akin," Natigilan siya nang akma niyang hahawakan ang mukha nito ay iniwas at seryoso siyang tinitigan sa mga mata.

"Nakakadiri ka. Tapos na tayo, wala akong balak na magpakasal sa tulad mo-"

"Hindi, Bella-" inis nitong inalis ang braso at tinulak siya.

"Huwag mo akong susundan!" banta nito bago mabilis na tumalikod at naglakad palayo.

"Bella!" naiiyak niyang sigaw habang pinanood ang paglayo ng nobya. Nasabunutan niya ang sarili.

"Hindi," aniya.

Hindi man pa buo ang wedding plans nila pero buo naman ang loob nila pareho na magpakasal.

10 taon ang relasyon nila ni Bella, at ito lang ang babaeng nakikita niyang dadalhin sa altar.

Pero paano na ngayon?

Tuluyang tumulo ang luha niya habang nakatakip sa bibig at ang isang kamay ay nakapamewang.

HIndi niya mapaniwalaan ang nangyayari hanggang sa maalala niya ang puno't-dulo ng nangyayari sa buhay niya.

Agad na nagdilim ang mukha ni Ezekiel, bumilog ang kamao niya at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Nakasalubong niya ang ina.

"Ezekiel," nilampasan niya lang ito hanggang sa maabutan niya si Amie na pababa ng hagdan na natigilan pa nang makita siya.

"K-kuya-ah!" ramdam ni Amie ang masakit na paghawak nito sa braso niya, hinila siya pababa ng hagdan at kinaladkad palabas.

"Kuya Kiel, nasasaktan ako!" sa sobrang kaladkad ay nadapa na siya at ganoon siya hinila nito palabas ng bahay.

Napalabas ang lahat ng tauhan sa bahay ng Alcantara. Hila-hila ni Ezekiel ang dalagita nang walang ingat.

At nang bitawan ay napahiga siya sa kung saan.

"Kuya-"

"Huwag mo akong matawag-tawag na Kuya!"

Umiiyak niyang tiningala ito. Gigil siya nitong dinuro nang yumuko sa mukha niya. "Hindi kita kapatid!"

"Anong nangyayari rito?" lumabas si Gary, tiningan nito ang dalagita na nakaupo sa ibaba at punong-puno ng mga luha.

Nilingon nito ang binata. "Ezekiel-"

"Mamili kayo Papa," seryosong sagot ni Ezekiel at bumaling sa ama. "Sinong aalis ako o ang batang 'to?"

Natigilan si Gary. Awtomatiko namang hinawakan ni Anita ang anak sa braso. "Anak, hindi. Hindi ka aalis."

"Hindi ko na kakayanin na makasama ang salot na 'to sa bahay na 'to!" muling nanggigil na tinuro ni Ezekiel si Amie habang nakatitig sa ama.

Agad namang lumapit paluhod si Amie sa hita ng binata. "Kuya, huwag kang umalis. Huwag mo rin akong paalisin."

Malakas na hinila nito ang braso niya at muli siyang tinapon na parang isang basura pagkatapos ay sa ama bumaling.

"Mamili ka ngayon, Papa."

"Gary, piliin mo ang anak natin. Hindi siya pwedeng umalis," umiiyak na maktol ni Anita.

"Pero walang ng pupuntahan si Amie-"

"Wala akong pakialam, Papa!"

Napasinghap ang lahat ng nakapaligid na tauhan ng farm at ng bahay. Ang mabait na anak ng amo, ngayon ay parang isang apoy na makakasunog ng kaluluwa.

"Paalisin niyo siya, o ako ang aalis!"

"Gary," apura ni Anita.

Naging mabilis ang paghinga ni Gary at dahan-dahang sinulyapan ang dalagita na nakaluhod.

Muli nitong tiningan ang binata. "Ikaw ang anak ko, ikaw ang pipiliin ko. Pero-"

Kasabay nang pagkurap ng mga mata ay ang pagtulo ng luha ni Amie. Para siyang sinaksak buhat sa narinig sa lalakeng tinuring niyang ama.

Pinagmasdan niya ito, bago isa-isa tiningnan ang mga nasa paligid niya na naawa siyang pinanood.

Sa tinagal-tagal niya sa pamilyang ito, sa huli wala rin pa lang pipili sa kanya.

"Halika rito," sinaklit agad ni Ezekiel ang manipis at namumulang braso ng dalaga. Halos hindi ito makatayo kaya muli niyang kinaladkad.

"Sandali, teka. Kuya Kiel!" umiiyak na sigaw ni Amie habang ramdam ang sakit ng braso at katawan.

Sa pangatlong pagkakataon ay hinagis siya nito. At nang makita na pumasok ito sa gate ay agad siyang tumayo.

"Kuya, buksan mo 'to!" inalog-alog niya ang bakal na tarangkahan. "Kuya Kiel!" tawag niya.

Sa pagitan ng gate ay tumapat ito sa mukha niya. Punong-puno ng suklam ang mga mata.

"Wala ka ng pamilya rito."

"K-kuya-"

"Wala ka ng kapatid."

"HIndi-"

"At huwag ka nang babalik," bawat kataga ni Ezekiel ay sigurado at mariin pagkatapos niyon ay tumalikod ito.

Malakas na inalog ng mga kamay ni Amie ang gate na hawak niya. "Mahal lang naman kita, Kuya Kiel!" mahinang wika niya pero sapat na para marinig nang nakatalikod na binata dahilan para mapahinto ito.

Nanghihinang pinagmasdan niya ito habang nakatalikod at sunod-sunod ang mga luha.

"Minahal lang naman kita," masakit niyang dagdag.

Dahan-dahan itong lumingon.

Nagtagpo ang mga mata nila. "Pwes, mali ka ng minahal."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming the Cold Brother    KABANATA 8: HAMON

    Pagbaba ni Amie mula sa hagdanan, mabilis niyang pinagpagan ang maong na pantalon at dire-diretsong tumakbo patungo sa Greenhouse 2. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit o mag-ayos ng sarili, nakatali pa rin ang panyo sa buhok niya at may kaunting mantsa pa ng alikabok sa kanyang pisngi. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng greenhouse, bumungad agad sa kanya ang kaguluhan. "Dagdagan niyo pa ang tubig! Baka natutuyo lang ang lupa kaya nangingitim ang mga dahon!" sigaw ng isang matandang manggagawa habang nakahawak sa malaking hose. "Buhusan niyo ng matapang na pestisidyo! Baka may mga insektong kumakain sa ilalim!" ganti naman ng isa pa habang nagtatakbo bitbit ang timba ng kemikal. "Tigil! Tumigil ho kayo!" malakas at maawtoridad na sigaw ni Amie habang mabilis na sumisingit sa gitna ng nagkakagulong mga tauhan. Akmang ibubuhos na ng isang lalaki ang kemikal sa tapat ng pananim nang mabilis na agawin ni Amie ang timba at pabalang na ibinaba ito sa sementadong daa

  • Taming the Cold Brother    KABANATA 8: MULTO

    Gumapang ang madilim at malamig na gabi sa buong flower farm. Sa pinakadulong sulok, umaalingawngaw ang huni ng mga kuliglig na humahalo sa ihip ng mahinang hanging sa mga natutuklap na yero ng abandonadong imbakan.Sa loob ng sirang bahay, nakaupo si Amie sa semento. Yakap-yakap niya ang kanyang dalawang tuhod habang nakasandal sa sulok kung saan nakatabi ang nag-iisang maleta.Malamig ang sahig, amoy lumang pataba at alikabok ang hangin, at walang kahit anong ilaw kundi ang manipis na liwanag ng buwan na tumatagos sa mga gawa-gawang butas ng bubong.Pilit niyang ipinipikit ang mga mata pero ayaw siyang dalawin ng antok. Bawat kaluskos sa labas ay nagpapaalala sa kanya na mag-isa siya malayo sa komportableng apartment niya sa Maynila."Hindi ka pwedeng magmokmok dito, Amie," pabulong niyang kausap sa sarili habang humihinga nang malalim. "Umuwi ka rito para magtrabaho, hindi para maiyak."Inabot niya ang backpack sa tabi ng maleta at inilabas mula roon ang isang maliit na sketch pad

  • Taming the Cold Brother    KABANATA 7: PAGPAYAG NI KIEL

    Sa gitna ng malawak na sala, pabalik-balik ang mabibigat at mabilis na hakbang ni Ezekiel.Nanggagalaiti pa rin siya sa galit, puno ng pawis ang noo, at ang dalawa niyang kamay ay nakakuyom sa magkabila niyang bulsa. Walang patid ang marahas niyang paghinga habang nakatitig sa ama na kalmadong nakaupo sa sulyap ng malaking sofa."Hindi ako makapaniwala sa inyo, Papa!" bulyaw niya habang hinahabol ang hininga. "Sa lahat ng taong pwedeng kukunin niyo para humawak ng flower farm, ang babaeng 'yan pa?! Nasisiraan na ba kayo ng bait?!""Ezekiel, huminahon ka at pakinggan mo ako-""Hindi, Papa!" putol ng binata habang iwinawagayway ang kamay sa ere.Bakas sa gwapong mukha nito ang labis na pagkadismaya. "Mamili na lang kayo ng iba! Maghanap kayo ng kahit sinong dalubhasa sa Maynila, sa ibang bansa, o kahit saang sulok ng Pilipinas! Magbayad tayo ng doble o triple, wala akong pakialam! Huwag lang ang salot na 'yan! Huwag lang ang babaeng sumira sa akin!"Dahan-dahang tumayo si Gary mula sa

  • Taming the Cold Brother    KABANATA 6: LUMAYAS KA!

    Isang nagliliyab na galit at matinding tensyon ang bumalot sa buong paligid ng Greenhouse 3. Bago pa man makapagsalita muli si Amie habang hawak ang patay na bulaklak, mabilis siyang nilapitan ni Ezekiel.Hinalkit nito nang napakahigpit ang braso niya."Aray!" napasinghap siya sa matinding sakit.Nang mag-angat siya ng tingin, bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Ezekiel na halos ma-deforma sa matinding poot. Nakakuyom ang panga nito, nanginginig ang mga kalamnan sa mukha, at ang mga mata nitong dating may pakialam sa kanya ay pinalitan na ngayon ng naglalagablab na galit—galit na para bang gusto siyang patayin."Bitawan mo ako, Kuya 'Kiel!" sigaw niya, pero parang wala itong narinig.Pwersahan at walang habas siyang kinaladkad ni Ezekiel palabas ng greenhouse. Bawat hakbang nito ay mabigat at puno ng pagbabanta."Boss Kiel! Huwag po! Hayaan niyo naman makapagpaliwanag si Amie!" sigaw ni Kristoff habang pilit na humaharang at humahabol sa dalawa."Boss, pakiusap po! Si Amie 'yan! Na

  • Taming the Cold Brother    KABANATA 5: ANG PAGBABALIK

    "Amie?" dagdag ng nasa kabilang linya. Parang bumara ang lahat ng nasa lalamunan niya. "Amie, nandiyan ka ba?" Awtomatikong tumulo ang luha niya. "T-tito Gary?" "Yes, Amie," tila nakahinga nang maluwag ang nasa kabilang linya. "Kumusta ka na?" Pinunasan niya ang mga luha bago tumayo at tumapat sa bintana. "Amie?" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. "Sorry, Tito. I'm sorry." "Shh... tama na, iha. Ayos lang ang lahat." Humalukipkip siya at tumanaw sa malayo. "Kumusta ka?" "A-ayos lang po, Tito," kahit limang taon na niya itong huling nakita pero parang kahapon pa lang ang pakiramdam niya. "Kayo po?" "Ito, tumatanda na," maliit itong tumawa. "Pero siguradong gwapo pa rin kayo." Nagkatawanan sila hanggang sa tumahimik sila pareho. "Kailangan kita, Amie." Natigilan siya. "Kailangan kita sa flower farm. Kailangan mong umuwi dahil. ikaw na lang ang natatanging pag-asa ng farm." "Tito, ano pong ibig niyong sabihin?" "Graduate ka ng, Horticulture, tama?" "P

  • Taming the Cold Brother    KABANATA 4: BABALIK?

    Maliit na ngumiti si Amie habang pinagmamasdan ang luma at halos kumukupas ng picture. Picture iyon ng pamilya Alcantara, kasama siya. Pinunasan niya ang mga luha at tiningan ang paligid. Limang taon na ang nakalipas matapos ang lahat ng pinagsisihan niya. Ngayon, graduation niya ng collge sa kursong BS Agriculture major in Horticulture. At siya lang mag-isa habang ang nasa paligid niya ay kasa-kasama ang pamilya at nagpapa-picture. May inggit man sa mata habang nakatitig dito ay pilit siyang ngumiti. Limang taon, sanay na siyang mag-isa. At tingin niya, mas nagiging malakas siya dahil doon. "Amie, picture tayo!" nilingon niya ang kaibigan at kaklase na si Erin. "Sure," tinaas nito ang kamera at lumapit sa kanya. Ngumiti naman siya at pinakita ang diploma. "Sama naman ako!" Nagkatawanan sila dahil mula sa likod ay inakbayan sila ni Kevin, pumagitna ito at ngumiti. Naka-ilang kislap ang kamera bago ibinaba ni Erin. "Ang sakit na ng panga ko," reklamo ni Kevin h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status