Home / Romance / Taming the Cold Brother / KABANATA 4: BABALIK?

Share

KABANATA 4: BABALIK?

Author: KokoyIsMyLife
last update publish date: 2026-10-13 14:25:33

Maliit na ngumiti si Amie habang pinagmamasdan ang luma at halos kumukupas ng picture.

Picture iyon ng pamilya Alcantara, kasama siya.

Pinunasan niya ang mga luha at tiningan ang paligid. Limang taon na ang nakalipas matapos ang lahat ng pinagsisihan niya.

Ngayon, graduation niya ng collge sa kursong BS Agriculture major in Horticulture.

At siya lang mag-isa habang ang nasa paligid niya ay kasa-kasama ang pamilya at nagpapa-picture.

May inggit man sa mata habang nakatitig dito ay pilit siyang ngumiti. Limang taon, sanay na siyang mag-isa.

At tingin niya, mas nagiging malakas siya dahil doon.

"Amie, picture tayo!" nilingon niya ang kaibigan at kaklase na si Erin.

"Sure," tinaas nito ang kamera at lumapit sa kanya. Ngumiti naman siya at pinakita ang diploma.

"Sama naman ako!"

Nagkatawanan sila dahil mula sa likod ay inakbayan sila ni Kevin, pumagitna ito at ngumiti.

Naka-ilang kislap ang kamera bago ibinaba ni Erin. "Ang sakit na ng panga ko," reklamo ni Kevin habang nakahawak sa panga.

Natatawa niyang nilinga ito. "Kaka-chewing gum mo 'yan," biro niya.

"Oo nga, nakita ka namin ni Erin kanina sa ceremony. Para kang kambing nguya ng nguya."

"Kambing, talaga?" pinitik ni Kevin ang graduation cap na tumalsik.

"Bwisit ka talaga, Kevin!" mabilis na pinulot iyon ni Erin.

Napailing na lang siya habang pinagmamasdan ang dalawang kaibigan. Simula nang mapunta sa Maynila, nag-iba na rin ang mga taong nasa paligid niya.

Unang araw niya sa university, ang mga ito agad ang lumapit sa kanya.

Nahihiya pa nga siya ng una dahil isa lang siyang probinsiyana pero masyadong mabait ang mga ito para tulungan siyang maging komportable.

Sandali rin siyang natigilan nang maalala ang mga kaibigan na naiwan niya sa farm. Kung tutuusin mas matagal niyang kasama ang mga iyon.

"Amie, sama ka?"

"Amie, hoy!"

"Ha? Ano?" nagising siya nang tapikin siya nang mahina sa pisngi ni Kevin. "Sabi ko, sama ka. Kakain kami ng family ko para mag celebrate."

Nilingon niya ang kumpletong pamilya ng kaibigan bago binalikan ng tingin ang kaharap.

"Huwag na, salamat na lang," ngiting tanggi niya.

"Sure ka?"

"Sa amin ka na lang sumama ng jowa ko," singit ni Erin na sadyang bumangga sa braso ng balikat ni Kevin para mapaharap sa kanya.

"Kakain din kami at magho-hotel."

Natatawa siyang umiling. Madalas kapag may okasyon siyang maging third-wheel ng mga ito. At nahihiya na siya sa boyfriend ng kaibigan.

"Huwag na."

"E, saan ka pupunta pagkatapos nito?" seryosong tanong ni Kevin.

"Oo nga. Saan ka magce-celebrate?"

Napaseryoso siya. "A, sa, ano-"

"Hoy, Amie! Hindi biro ang maka-graduate ng working student! Dapat ito sine-celebrate ng bongga! Huwag mong sabihin na magtatrabaho ka pagkatapos nito. Aba, 'te, paawat ka. Hindi ipapamana sa iyo ang restaurant na pinagtatrabuhan mo."

Umiwas siya ng tingin at nahagod ang batok.

"H-hindi naman ako papasok sa trabaho," kaila niya kahit iyon talaga ang plano niya.

"Amie," seryosong tawag ni Kevin. "Bakit hindi mo uwian ang mga taong nasa picture na lagi mong hawak?"

Kumibot ang puso niya sa narinig.

"Oo nga, limang taon na ang nakalipas. Ang pamilya mo, magiging masaya sila kapag nalaman nila na naka-graduate ka na. Makakalimutan na rin nila ang mga pangit na nangyari noon," payo pa ni Erin.

Hindi siya makangiti, at parang naputol ang dila. Hindi alam ng mga ito ang kasalanan na nagawang bata siya noon sa pamilyang tinutukoy ng mga ito.

"Hoy, Amie," untag ni Kevin.

Mapait ang naging ngiti niya. "Su-subukan ko."

"Iyon!"

"Sige na, mauna na ako. Message ko na lang kayo para sabay-sabay tayong maghanap ng trabaho," dagdag ng natuwang si Kevin pagkatapos ay hinawakan siya sa balikat at pinisil. "Bye!"

"Enjoy!" sabay pa nilang bilin ni Erin.

Patakbong nagtungo ang kaibigan sa pamilya nito na pinanood na lang niya. "Mauna na rin ako. Naghihintay daw si jowa sa parking lot."

Napatingin siya sa kaharap at agad na tumango.

"Sige, ingat ka."

"Umuwi ka sa inyo, ha?"

"O-oo."

"Tapos i-text mo ako kung okay na, ha?"

Niyakap siya ni Erin bago nakangiting kumaway at paatras na umalis. Ngumiti siya rito at ginantihan din ng kaway.

Nang mawala ito sa mata niya ay dahan-dahang bumagsak ang ngiti niya. Walang lakas niyang inalis ang graduation cap at sinulyapan ang toga.

Sa restaurant, abala si Amie sa pagpupunas ng mesa. Dala-dala niya ang punong-puno ng serving tray na nagpunta sa kusina.

"O, Amie! Akala ko, graduation day niyo?" tanong ng chef na nadaaan niya.

"Opo, Chef!" nagmamadali naman niyang hinarap ang hugasin. "Katatapos lang po."

"E, bakit nagtatrabaho ka na agad? Wala ka man lang ba celebration?"

Mabilis niyang binanlawan ang hawak na plato.

"Wala ho. Gastos lang ho 'yon."

"Ang pamilya mo?"

Agad na nahulog ang hawak niyang plato sa sahig dahilan para napalingon sa kanya ang lahat ng nasa kusina.

"Amie, naman!" singhal ng manager nang pumasok habang nakapamewang.

Agad niyang pinulot ang mga nagkalat na basag na plato. "Ah," mahina niyang usal nang matusok ang daliri.

"Bilisan mo ng pulutin 'yan!" patuloy ng manager.

"O-opo, Ma'am!" kahit natulo ang dugo ay mabilis niyang kinuha ang mga basag na parte ng plato. Binitbit niya iyon at tumayo.

Lumabas siya sa likod ng kusina. Tinapon niya iyon sa malaking basurahan. Napahinto pa siya nang mapatingin sa patak ng dugo. Kinuha niya ang sariling panyo at tinali mag-isa ang kamay na may malaking nakabukang sugat.

Pagkatapos ay napasadlak siya nang upo sa tabi ng basurahan. Tiningala niya ang madilim na langit.

Kung noon, buhay-prinsesa siya sa farm.

May nagluluto para sa kanya.

Naglalaba, lahat-lahat.

Pero simula nang lumayas sa pamilya ng Alcantara ay natuto siyang paghirapan ang lahat.

Simula nang mag-aral sa college ay pumasok din siya sa trabaho.

Walang tulog.

Walang kain.

Ibinagsak ni Amie ang sarili sa kama, nakaabot na siya sa maliit niyang kama sa apartment. Muli siyang tumitig sa kawalan.

"Kumusta na kaya sila?" hindi niya mapigilang tanong.

Bumuntong-hininga siya. At naalala ang payo ng mga kaibigan. Sa totoo lang, hindi niya pa kayang umuwi, limang taon.

Pero sariwang-sariwa pa rin sa kanya ang lahat.

Ang mga galit na mga mata ng lalakeng malaki ang kasalanan niya.

Hindi niya pa rin iyon kayang titigan kahit lumipas na ang maraming taon.

Sinulyapan niya ang cellphone na tumunog na nasa mesa. Napipilitan siyang bumangon at tiningan iyon.

Calling...

Unknown number....

Kumunotnoo siya at tinapat ang tenga sa cellphone. "Hello? Sino 'to?"

"Amie?"

Napakurap siya nang marinig ang pamilyar na boses ng lalake sa kabilang linya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming the Cold Brother    KABANATA 8: HAMON

    Pagbaba ni Amie mula sa hagdanan, mabilis niyang pinagpagan ang maong na pantalon at dire-diretsong tumakbo patungo sa Greenhouse 2. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit o mag-ayos ng sarili, nakatali pa rin ang panyo sa buhok niya at may kaunting mantsa pa ng alikabok sa kanyang pisngi. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng greenhouse, bumungad agad sa kanya ang kaguluhan. "Dagdagan niyo pa ang tubig! Baka natutuyo lang ang lupa kaya nangingitim ang mga dahon!" sigaw ng isang matandang manggagawa habang nakahawak sa malaking hose. "Buhusan niyo ng matapang na pestisidyo! Baka may mga insektong kumakain sa ilalim!" ganti naman ng isa pa habang nagtatakbo bitbit ang timba ng kemikal. "Tigil! Tumigil ho kayo!" malakas at maawtoridad na sigaw ni Amie habang mabilis na sumisingit sa gitna ng nagkakagulong mga tauhan. Akmang ibubuhos na ng isang lalaki ang kemikal sa tapat ng pananim nang mabilis na agawin ni Amie ang timba at pabalang na ibinaba ito sa sementadong daa

  • Taming the Cold Brother    KABANATA 8: MULTO

    Gumapang ang madilim at malamig na gabi sa buong flower farm. Sa pinakadulong sulok, umaalingawngaw ang huni ng mga kuliglig na humahalo sa ihip ng mahinang hanging sa mga natutuklap na yero ng abandonadong imbakan.Sa loob ng sirang bahay, nakaupo si Amie sa semento. Yakap-yakap niya ang kanyang dalawang tuhod habang nakasandal sa sulok kung saan nakatabi ang nag-iisang maleta.Malamig ang sahig, amoy lumang pataba at alikabok ang hangin, at walang kahit anong ilaw kundi ang manipis na liwanag ng buwan na tumatagos sa mga gawa-gawang butas ng bubong.Pilit niyang ipinipikit ang mga mata pero ayaw siyang dalawin ng antok. Bawat kaluskos sa labas ay nagpapaalala sa kanya na mag-isa siya malayo sa komportableng apartment niya sa Maynila."Hindi ka pwedeng magmokmok dito, Amie," pabulong niyang kausap sa sarili habang humihinga nang malalim. "Umuwi ka rito para magtrabaho, hindi para maiyak."Inabot niya ang backpack sa tabi ng maleta at inilabas mula roon ang isang maliit na sketch pad

  • Taming the Cold Brother    KABANATA 7: PAGPAYAG NI KIEL

    Sa gitna ng malawak na sala, pabalik-balik ang mabibigat at mabilis na hakbang ni Ezekiel.Nanggagalaiti pa rin siya sa galit, puno ng pawis ang noo, at ang dalawa niyang kamay ay nakakuyom sa magkabila niyang bulsa. Walang patid ang marahas niyang paghinga habang nakatitig sa ama na kalmadong nakaupo sa sulyap ng malaking sofa."Hindi ako makapaniwala sa inyo, Papa!" bulyaw niya habang hinahabol ang hininga. "Sa lahat ng taong pwedeng kukunin niyo para humawak ng flower farm, ang babaeng 'yan pa?! Nasisiraan na ba kayo ng bait?!""Ezekiel, huminahon ka at pakinggan mo ako-""Hindi, Papa!" putol ng binata habang iwinawagayway ang kamay sa ere.Bakas sa gwapong mukha nito ang labis na pagkadismaya. "Mamili na lang kayo ng iba! Maghanap kayo ng kahit sinong dalubhasa sa Maynila, sa ibang bansa, o kahit saang sulok ng Pilipinas! Magbayad tayo ng doble o triple, wala akong pakialam! Huwag lang ang salot na 'yan! Huwag lang ang babaeng sumira sa akin!"Dahan-dahang tumayo si Gary mula sa

  • Taming the Cold Brother    KABANATA 6: LUMAYAS KA!

    Isang nagliliyab na galit at matinding tensyon ang bumalot sa buong paligid ng Greenhouse 3. Bago pa man makapagsalita muli si Amie habang hawak ang patay na bulaklak, mabilis siyang nilapitan ni Ezekiel.Hinalkit nito nang napakahigpit ang braso niya."Aray!" napasinghap siya sa matinding sakit.Nang mag-angat siya ng tingin, bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Ezekiel na halos ma-deforma sa matinding poot. Nakakuyom ang panga nito, nanginginig ang mga kalamnan sa mukha, at ang mga mata nitong dating may pakialam sa kanya ay pinalitan na ngayon ng naglalagablab na galit—galit na para bang gusto siyang patayin."Bitawan mo ako, Kuya 'Kiel!" sigaw niya, pero parang wala itong narinig.Pwersahan at walang habas siyang kinaladkad ni Ezekiel palabas ng greenhouse. Bawat hakbang nito ay mabigat at puno ng pagbabanta."Boss Kiel! Huwag po! Hayaan niyo naman makapagpaliwanag si Amie!" sigaw ni Kristoff habang pilit na humaharang at humahabol sa dalawa."Boss, pakiusap po! Si Amie 'yan! Na

  • Taming the Cold Brother    KABANATA 5: ANG PAGBABALIK

    "Amie?" dagdag ng nasa kabilang linya. Parang bumara ang lahat ng nasa lalamunan niya. "Amie, nandiyan ka ba?" Awtomatikong tumulo ang luha niya. "T-tito Gary?" "Yes, Amie," tila nakahinga nang maluwag ang nasa kabilang linya. "Kumusta ka na?" Pinunasan niya ang mga luha bago tumayo at tumapat sa bintana. "Amie?" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. "Sorry, Tito. I'm sorry." "Shh... tama na, iha. Ayos lang ang lahat." Humalukipkip siya at tumanaw sa malayo. "Kumusta ka?" "A-ayos lang po, Tito," kahit limang taon na niya itong huling nakita pero parang kahapon pa lang ang pakiramdam niya. "Kayo po?" "Ito, tumatanda na," maliit itong tumawa. "Pero siguradong gwapo pa rin kayo." Nagkatawanan sila hanggang sa tumahimik sila pareho. "Kailangan kita, Amie." Natigilan siya. "Kailangan kita sa flower farm. Kailangan mong umuwi dahil. ikaw na lang ang natatanging pag-asa ng farm." "Tito, ano pong ibig niyong sabihin?" "Graduate ka ng, Horticulture, tama?" "P

  • Taming the Cold Brother    KABANATA 4: BABALIK?

    Maliit na ngumiti si Amie habang pinagmamasdan ang luma at halos kumukupas ng picture. Picture iyon ng pamilya Alcantara, kasama siya. Pinunasan niya ang mga luha at tiningan ang paligid. Limang taon na ang nakalipas matapos ang lahat ng pinagsisihan niya. Ngayon, graduation niya ng collge sa kursong BS Agriculture major in Horticulture. At siya lang mag-isa habang ang nasa paligid niya ay kasa-kasama ang pamilya at nagpapa-picture. May inggit man sa mata habang nakatitig dito ay pilit siyang ngumiti. Limang taon, sanay na siyang mag-isa. At tingin niya, mas nagiging malakas siya dahil doon. "Amie, picture tayo!" nilingon niya ang kaibigan at kaklase na si Erin. "Sure," tinaas nito ang kamera at lumapit sa kanya. Ngumiti naman siya at pinakita ang diploma. "Sama naman ako!" Nagkatawanan sila dahil mula sa likod ay inakbayan sila ni Kevin, pumagitna ito at ngumiti. Naka-ilang kislap ang kamera bago ibinaba ni Erin. "Ang sakit na ng panga ko," reklamo ni Kevin h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status