تسجيل الدخولSa gitna ng malawak na sala, pabalik-balik ang mabibigat at mabilis na hakbang ni Ezekiel.
Nanggagalaiti pa rin siya sa galit, puno ng pawis ang noo, at ang dalawa niyang kamay ay nakakuyom sa magkabila niyang bulsa. Walang patid ang marahas niyang paghinga habang nakatitig sa ama na kalmadong nakaupo sa sulyap ng malaking sofa. "Hindi ako makapaniwala sa inyo, Papa!" bulyaw niya habang hinahabol ang hininga. "Sa lahat ng taong pwedeng kukunin niyo para humawak ng flower farm, ang babaeng 'yan pa?! Nasisiraan na ba kayo ng bait?!" "Ezekiel, huminahon ka at pakinggan mo ako-" "Hindi, Papa!" putol ng binata habang iwinawagayway ang kamay sa ere. Bakas sa gwapong mukha nito ang labis na pagkadismaya. "Mamili na lang kayo ng iba! Maghanap kayo ng kahit sinong dalubhasa sa Maynila, sa ibang bansa, o kahit saang sulok ng Pilipinas! Magbayad tayo ng doble o triple, wala akong pakialam! Huwag lang ang salot na 'yan! Huwag lang ang babaeng sumira sa akin!" Dahan-dahang tumayo si Gary mula sa pagkaka-upo. Marahan ang bawat kilos nito at tinitigan niya nang deretso ang anak, walang bakas ng galit kung di isang nakikiusap lang na tingn. "Wala na tayong oras para maghanap ng iba, Ezekiel," mahinahong panimula ng matanda. "Ang mga halamang 'yan, ang mga bulaklak sa Alcantara flower farm ang natatanging pinagmumulan ng natitira nating kita sa ngayon." "Edi mag-import tayo ng bagong pananim! Bakit kailangang si Amie pa ang maging Head Horticulturist?!" galit na ganti ng binata na bakas pa rin hindi pa rin mabitawan ang pride. Lumapit ang matanda kay Ezekiel. Hinawakan ito sa magkabilang balikat at pinagkatitigan nang masinsinan, na may matinding lungkot ang mga mata. "Kailangan nating maibangon ang flower farm..." mahina at marahang pakiusap nito "Para sa Mama mo. Kay Anita." Parang may sumaksak sa dibdib ng binata. Naputol ang mga sasabihin ni Ezekiel at natigil ang mga paa sa paglakad. Napatitig siya sa ama habang nanginginig ang panga. Umaalingawngaw sa isip nuya ang pangalan ng inang nakaratay sa sakit. Humigpit ang kapit ni Gary sa balikat nito. "Pinagbigyan kita noon. Sana sa pagkatataon na ito, ako naman ang pagbigyan mo, anak." Napatitig siya sa ama habang may bara ang lalamunan. Wala na ba talaga silang pagpipilian? Kung di ang babaeng kinasusuklaman pa niya? Naging tahimik ang buong sala. Ibinaba ng binata ang ulo at napakuyom na lamang ng mga kamay. Wala na itong naisagot pa. Samantala, sa isa sa mga kwarto sa ground floor ng mansyon, katatapos lang maligo at magbihis ni Amie. Lumabas siya mula sa banyo habang pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok. Nakasuot siya ngayon ng simpleng t-shirt at maong na pantalon na ipinahiram sa kanya. Paglabas na paglabas niya ay agad siyang sinalubong ni Sedie na nakasandal sa p***o at may malawak na ngiti sa mga labi. "Diyos ko, Amie!" natatawang bungad ni Sedie habang nakahawak pa sa dibdib. "Muntik ka nang mapalo sa ulo ng pala kanina! Akala ko talaga matutuluyan ka na ni Boss Kiel! Kung nakita mo lang ang mukha niya, para siyang demonyong lumabas sa impyerno!" Natawa nang mahina si Amie habang ipinapatong ang tuwalya sa kanyang balikat. "Kung hindi rin naman dahil kay Tito Gary, hindi ako uuwi rito," deretso at kalmadong sagot niya. "Gusto ko lang makatulong sa farm. At saka, hindi na ako ang lumang Amie na kilala niyo." Nakangiting binangga siya ni Sedie sa balikat at tinititigan ito mula ulo hanggang paa. "Sabagay! Grabe ang pagbabago mo, ha!" puri ni nito na may paghanga sa boses. "Tingnan mo nga 'yang sarili mo, mas gumanda ka, mas pumuti, at iba na ang tindig mo ngayon! Hindi na tulad noong araw na mabilis maiyak o mag-alboroto. Pang-propesyonal na talaga ang datingan mo!" Nginitian niya lang ito, isang ngiting may halong pait at lalim mula sa mga karanasang pinagdaanan. "Marami akong natutunan sa loob ng limang taon sa Maynila, Sedie. Kailangan kong magbago para mabuhay. Hindi na ako nagpapaapekto sa nakaraan." Habang nagkakausap ang dalawa, mabilis na pumasok si Kristoff sa kwarto. Bahagya itong huminto at tumingin kay Amie. "Amie, pinatatawag ka ni Sir Gary," sabi ni Kristoff. "Nasa sala siya ngayon. Doon ka niya hinihintay." Tumango si Amie. "Salamat, Kristoff." Kasunod sina Sedie at Kristoff sa likuran, mabagal at may pag-aalinlangang tinahak ni Amie ang daan patungo sa main sala. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng limang taon, muli siyang nakatapak sa bahaging iyon ng mansyon. Sa bawat hakbang niya sa makintab na semento at sa bawat sulok ng silid na nadadaanan, nararamdaman at naaalala niya ang napakaraming alaala ng nakaraan, mga aral, mga tawa, at ang matinding hiya na nagpalayas sa kanya noon. Napangiti siya nang bahagya sa sarili habang naaalala ang ilang magagandang sandali pero mabilis din iyong napawi ang nang mapatingin siya sa gilid ng sala. Naroon si Ezekiel. Nakasandlal ang upo sa isang malaking armchair, nakakrus ang mga binti, at ang mga mata nito ay nakatitig sa kanya nang napakasama at puno ng walang kupas na galit. Agad siyang sumeryoso. Inayos niya ang tindig at lumakad patungo sa gawi ng matanda. Tumayo siya sa tabi ng kanyang Tito Gary. "Patawarin mo kami sa inasal ng anak ko kanina, Amie," pakiusap ng matandang lalaki habang nakatingin sa kanya nang may awa at paggalang. Bahagyang napatingin si Amie kay Ezekiel. Nakita niyang binagsakan siya nito ng kilay at pinaikutan ng mga mata na tila diring-diri sa kanyang presensya. Hindi niya na lang ito pinansin at muling bumaling sa matandang lalaki. "Salamat po, Tito Gary," mahinhin niyang tugon. "Gagawin ko po ang trabaho ko para maibalik ang ganda ng mga bulaklak sa farm." "Dapat lang," malamig at pabalang na singit ni Ezekiel. "Dahil kung mag-aaksaya ka lang ng oras at pera rito, ako mismo ang magtatapon sa 'yo palabas." Hindi na siya sumagot at pinalipas na lamang ang patutsada ng binata. Lumapit sina Sedie at Kristoff mula sa pintuan. "Sir Gary, kukunin na po namin ang maleta at bag ni Amie sa labas para maiparak sa guest room," nakangiting sabi ni Sedie. "Tulong na ako," boluntaryong singit ni Amie habang hahakbang sana kasama ang kaibigan. "Huwag ka nang mag-abala," segunda ng isang baritonong boses. Natigilan silang lahat. Napatingin si Amie sa matandang lalake na napabuntong-hininga na lamang at tila walang magawa. Dahan-dahang tumayo si Ezekiel mula sa sofa. Humalukipkip ito na tinitigan si Amie mula ulo hanggang paa. "Hindi ka sa main house o sa guest quarters tutuloy," maawtoridad na pahayag ng binata. Tumingin ito kay Amie nang may halong nakakalokong ngiti. "Sundan mo ako." Nang humakbang ito palabas. Nagtatakang sumunod si Amie, kasama sina Sedie at Kristoff na nakatagpo rin ang tingin sa isa't isa dahil sa pag-aala. Nauunang maglakad si Ezekiel patungo sa pinakadulong bahagi ng flower farm, malayo sa malaking bahay at malayo rin sa mga malinis na quarters ng mga empleyado. Pagdating doon, bumungad sa kanila ang isang sira-sira, abandonadong maliit na bahay na may mga natutuklap na pintura sa pader at may mga lumang sako sa paligid. Ito ang dating tambakan ng mga pataba at bulok na lupa ng farm. Hindi makapaniwala sina Sedie at Kristoff sa akikita. Nanlaki ang mga mata ni Sedie habang nakatingin sa bahay na punong-puno ng alikabok at sapot ng gagamba. "D-Dito po siya tutuloy, Boss Kiel?!" hindi makapaniwalang tanong ni Sedie. Tumango naman si Ezekiel nang may nanunuyang ngisi sa mga labi. Alam ng binata na maarte si Amie, noon pa man ay prinsesa na ito kung umasta, gusto lahat ay maganda, malinis, at mala-fairy tale ang mga kagamitan at tirahan. Sa ganitong klase ng lumang bahay, sigurado si Ezekiel na hindi magtatagal ang dalaga at kusa rin itong aalis at susuko sa loob lang ng ilang araw. "Diyan ka matutulog," malamig na sabi ni Ezekiel kay Amie. "Iyan lang ang bakanteng lugar para sa 'yo." Nakahandang tumalikod ang binata habang may matagumpay na ngiti sa mukha pero natigilan siya nang marinig ang mahinahon pero matapang na boses ni Amie. "Huwag kayong mag-alala, Sedie, Kristoff," sabi ni Amie sa dalawa niyang kaibigan habang nakatingin sa bahay. "Gagawin ko at lilinisin ko ito para matulugan." Napahinto si Ezekiel sa paglakad. Mabilis siyang lumingon sa dalaga, tila hindi makapaniwalang wala man lang reklamong lumabas sa bibig nito. "Tutulungan ka na namin, Amie!" boluntaryong singit agad nina Sedie at Kristoff habang nagmamadaling kumuha ng mga walis at lumang basahan sa tabi. "Kaya natin 'to lilinisin!" "Ako na ang magbubuhat ng maleta mo, Amie," dagdag pa ni Kristoff. Agad na binalingan ni Ezekiel ng isang masamang tingin ang dalawa niyang tauhan, na ikinatigil ng mga ito sa paggalaw. "Sino ang nagsabi sa inyong tumulong?" bulyaw ni Ezekiel sa dalawa. "May mga trabaho kayo sa greenhouse! Bumalik kayo doon ngayon din bago ko kayo kaltasan sa mga sweldo niyo!" Natakot si Sedie at napatingin kay Amie nang may paghingi ng paumanhin. Tumango na lamang si Amie sa kanila. "Okey lang, Sedie, Kristoff. Kaya ko na 'to. Salamat." Walang magawa ang dalawa kundi ang mabilis na tumalikod at bumalik sa kanilang mga pwesto. Naiwan sina Ezekiel at Amie sa harap ng abandonadong bahay. Tinitigan ni Amie ang binata. Napansin naman iyon ni Ezekiel. Agad nitong kinunotan ng kilay ang dalaga at maanghang na nagtanong. "Bakit?" asik ni Ezekiel habang nakatitig sa mga mata niya. "May reklamo ka?"Pagbaba ni Amie mula sa hagdanan, mabilis niyang pinagpagan ang maong na pantalon at dire-diretsong tumakbo patungo sa Greenhouse 2. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit o mag-ayos ng sarili, nakatali pa rin ang panyo sa buhok niya at may kaunting mantsa pa ng alikabok sa kanyang pisngi. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng greenhouse, bumungad agad sa kanya ang kaguluhan. "Dagdagan niyo pa ang tubig! Baka natutuyo lang ang lupa kaya nangingitim ang mga dahon!" sigaw ng isang matandang manggagawa habang nakahawak sa malaking hose. "Buhusan niyo ng matapang na pestisidyo! Baka may mga insektong kumakain sa ilalim!" ganti naman ng isa pa habang nagtatakbo bitbit ang timba ng kemikal. "Tigil! Tumigil ho kayo!" malakas at maawtoridad na sigaw ni Amie habang mabilis na sumisingit sa gitna ng nagkakagulong mga tauhan. Akmang ibubuhos na ng isang lalaki ang kemikal sa tapat ng pananim nang mabilis na agawin ni Amie ang timba at pabalang na ibinaba ito sa sementadong daa
Gumapang ang madilim at malamig na gabi sa buong flower farm. Sa pinakadulong sulok, umaalingawngaw ang huni ng mga kuliglig na humahalo sa ihip ng mahinang hanging sa mga natutuklap na yero ng abandonadong imbakan.Sa loob ng sirang bahay, nakaupo si Amie sa semento. Yakap-yakap niya ang kanyang dalawang tuhod habang nakasandal sa sulok kung saan nakatabi ang nag-iisang maleta.Malamig ang sahig, amoy lumang pataba at alikabok ang hangin, at walang kahit anong ilaw kundi ang manipis na liwanag ng buwan na tumatagos sa mga gawa-gawang butas ng bubong.Pilit niyang ipinipikit ang mga mata pero ayaw siyang dalawin ng antok. Bawat kaluskos sa labas ay nagpapaalala sa kanya na mag-isa siya malayo sa komportableng apartment niya sa Maynila."Hindi ka pwedeng magmokmok dito, Amie," pabulong niyang kausap sa sarili habang humihinga nang malalim. "Umuwi ka rito para magtrabaho, hindi para maiyak."Inabot niya ang backpack sa tabi ng maleta at inilabas mula roon ang isang maliit na sketch pad
Sa gitna ng malawak na sala, pabalik-balik ang mabibigat at mabilis na hakbang ni Ezekiel.Nanggagalaiti pa rin siya sa galit, puno ng pawis ang noo, at ang dalawa niyang kamay ay nakakuyom sa magkabila niyang bulsa. Walang patid ang marahas niyang paghinga habang nakatitig sa ama na kalmadong nakaupo sa sulyap ng malaking sofa."Hindi ako makapaniwala sa inyo, Papa!" bulyaw niya habang hinahabol ang hininga. "Sa lahat ng taong pwedeng kukunin niyo para humawak ng flower farm, ang babaeng 'yan pa?! Nasisiraan na ba kayo ng bait?!""Ezekiel, huminahon ka at pakinggan mo ako-""Hindi, Papa!" putol ng binata habang iwinawagayway ang kamay sa ere.Bakas sa gwapong mukha nito ang labis na pagkadismaya. "Mamili na lang kayo ng iba! Maghanap kayo ng kahit sinong dalubhasa sa Maynila, sa ibang bansa, o kahit saang sulok ng Pilipinas! Magbayad tayo ng doble o triple, wala akong pakialam! Huwag lang ang salot na 'yan! Huwag lang ang babaeng sumira sa akin!"Dahan-dahang tumayo si Gary mula sa
Isang nagliliyab na galit at matinding tensyon ang bumalot sa buong paligid ng Greenhouse 3. Bago pa man makapagsalita muli si Amie habang hawak ang patay na bulaklak, mabilis siyang nilapitan ni Ezekiel.Hinalkit nito nang napakahigpit ang braso niya."Aray!" napasinghap siya sa matinding sakit.Nang mag-angat siya ng tingin, bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Ezekiel na halos ma-deforma sa matinding poot. Nakakuyom ang panga nito, nanginginig ang mga kalamnan sa mukha, at ang mga mata nitong dating may pakialam sa kanya ay pinalitan na ngayon ng naglalagablab na galit—galit na para bang gusto siyang patayin."Bitawan mo ako, Kuya 'Kiel!" sigaw niya, pero parang wala itong narinig.Pwersahan at walang habas siyang kinaladkad ni Ezekiel palabas ng greenhouse. Bawat hakbang nito ay mabigat at puno ng pagbabanta."Boss Kiel! Huwag po! Hayaan niyo naman makapagpaliwanag si Amie!" sigaw ni Kristoff habang pilit na humaharang at humahabol sa dalawa."Boss, pakiusap po! Si Amie 'yan! Na
"Amie?" dagdag ng nasa kabilang linya. Parang bumara ang lahat ng nasa lalamunan niya. "Amie, nandiyan ka ba?" Awtomatikong tumulo ang luha niya. "T-tito Gary?" "Yes, Amie," tila nakahinga nang maluwag ang nasa kabilang linya. "Kumusta ka na?" Pinunasan niya ang mga luha bago tumayo at tumapat sa bintana. "Amie?" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. "Sorry, Tito. I'm sorry." "Shh... tama na, iha. Ayos lang ang lahat." Humalukipkip siya at tumanaw sa malayo. "Kumusta ka?" "A-ayos lang po, Tito," kahit limang taon na niya itong huling nakita pero parang kahapon pa lang ang pakiramdam niya. "Kayo po?" "Ito, tumatanda na," maliit itong tumawa. "Pero siguradong gwapo pa rin kayo." Nagkatawanan sila hanggang sa tumahimik sila pareho. "Kailangan kita, Amie." Natigilan siya. "Kailangan kita sa flower farm. Kailangan mong umuwi dahil. ikaw na lang ang natatanging pag-asa ng farm." "Tito, ano pong ibig niyong sabihin?" "Graduate ka ng, Horticulture, tama?" "P
Maliit na ngumiti si Amie habang pinagmamasdan ang luma at halos kumukupas ng picture. Picture iyon ng pamilya Alcantara, kasama siya. Pinunasan niya ang mga luha at tiningan ang paligid. Limang taon na ang nakalipas matapos ang lahat ng pinagsisihan niya. Ngayon, graduation niya ng collge sa kursong BS Agriculture major in Horticulture. At siya lang mag-isa habang ang nasa paligid niya ay kasa-kasama ang pamilya at nagpapa-picture. May inggit man sa mata habang nakatitig dito ay pilit siyang ngumiti. Limang taon, sanay na siyang mag-isa. At tingin niya, mas nagiging malakas siya dahil doon. "Amie, picture tayo!" nilingon niya ang kaibigan at kaklase na si Erin. "Sure," tinaas nito ang kamera at lumapit sa kanya. Ngumiti naman siya at pinakita ang diploma. "Sama naman ako!" Nagkatawanan sila dahil mula sa likod ay inakbayan sila ni Kevin, pumagitna ito at ngumiti. Naka-ilang kislap ang kamera bago ibinaba ni Erin. "Ang sakit na ng panga ko," reklamo ni Kevin h







