تسجيل الدخولIsang nagliliyab na galit at matinding tensyon ang bumalot sa buong paligid ng Greenhouse 3. Bago pa man makapagsalita muli si Amie habang hawak ang patay na bulaklak, mabilis siyang nilapitan ni Ezekiel.
Hinalkit nito nang napakahigpit ang braso niya. "Aray!" napasinghap siya sa matinding sakit. Nang mag-angat siya ng tingin, bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Ezekiel na halos ma-deforma sa matinding poot. Nakakuyom ang panga nito, nanginginig ang mga kalamnan sa mukha, at ang mga mata nitong dating may pakialam sa kanya ay pinalitan na ngayon ng naglalagablab na galit—galit na para bang gusto siyang patayin. "Bitawan mo ako, Kuya 'Kiel!" sigaw niya, pero parang wala itong narinig. Pwersahan at walang habas siyang kinaladkad ni Ezekiel palabas ng greenhouse. Bawat hakbang nito ay mabigat at puno ng pagbabanta. "Boss Kiel! Huwag po! Hayaan niyo naman makapagpaliwanag si Amie!" sigaw ni Kristoff habang pilit na humaharang at humahabol sa dalawa. "Boss, pakiusap po! Si Amie 'yan! Nasasaktan siya!" hysterical na sigaw din ni Sedie habang nakasunod din. Ilang tauhan pa sa farm ang sumubok na humarang at pumigil pero bawat isa sa kanila ay nanliliit at napapaatras tuwing ibabato ni Ezekiel ang nakakamatay na tingin. Walang sinuman sa kanila ang nakapigil sa galit nito. "Huwag kayong makikialam dito kung ayaw niyong lahat matanggal sa trabaho!" sigaw ni Ezekiel, ang boses ay umaalingawngaw sa buong paligid ng flower farm. Habang hinihila si Amie, halos hindi na siya makahakbang nang maayos. Nag-iiwan ng malalaking usok at alikabok ang lupang dinadaanang nila dahil sa lakas ng pagkakahila sa kanya. Sa gitna ng kaguluhan, napalingon siya sa likod at nakitang nahubad na at naiwan sa sementadong daan ang isa niyang sapatos. Nang muli niyang iangat ang tingin, bumungad sa kanya ang walang-lingon at malapad na likod nito at parang literal na umuusok dahil sa galit. "Sandali, Kuya 'Kiel! Nasasaktan ako! Sandali!" pakiusap ni Amie habang pilit na kumakawala. Nang makarating sila sa gilid ng greenhouse kung saan may bahaging bahagyang humukay at nabasa ng tumagas na tubig-irrigation, hinding-hindi nagdalawang-isip si Ezekiel. Sa huling lakas ng bisig nito, marahas nitong itinulak si Amie sa maputik na parte ng lupain. "Aaah!" Lumubog si Amie sa makapal at malapot na putikan. Sa lakas ng pagkabagsak niya, natalamisakan ng maitim na putik sa buo niyang katawan, sa damit, at pati na rin ang kalahati ng kanyang mukha. Hinihingal sa matinding galit na lumingon si Ezekiel sa mga tauhang nakatayo sa paligid, nanginginig ang buong katawan sa inis. "Sino?!" bulyaw ni Ezekiel habang itinuturo ang nakadapa sa putik na si Amie."Sinong nagpapasok sa babaeng 'to?" Puno ng takot ang mga mukha ng mga tauhan. Nagkatinginan sina Kristoff at Sedie, nakatikom ang mga bibig, at walang sinuman sa mga ito ang nakasagot. Napipi at nanginginig ang lahat sa harap ng nag-aalab na galit ng kanilang boss. Nang walang makasagot, muling binalingan ni Ezekiel si Amie. Nakatayo siya sa ibabaw habang nakatitig sa babaeng seryosong pinupunasan ang putik ang braso at ang mukha gamit ang basang kamay. "Anong ginagawa mo rito?!" asik ni Ezekiel, ang boses ay parang ugong ng kulog. Hindi tumingala si Amie. Patuloy lang siya sa pagpunas ng putik sa sarili, pilit na pinatatag ang sarili sa kabila ng panginginig ng kanyang mga daliri. Dahil sa kawalan ng sagot ni Amie, mas lalong nag-init ang ulo ni Ezekiel. Mabilis itong humakbang at lakas-loob na itinadyak ang sapatos sa basang lupa. Sinipa niti ang putik na muling tumalsik at direktang tumama sa dibdib at mukha ni Amie. "Hoy! Sumagot ka!" hiyaw muli ni Ezekiel habang nakaduro ang daliri rito. "Paano nakapasok ang katulad mo rito?! Sino ang nagbigay sa 'yo ng karapatang humakbang muli sa lupang ito?!" Hindi pa rin sumasagot si Amie. Pumikit na lang siya habang tumutulo ang basang putik mula sa noo patungo sa ilong. Bahagyang nawalan ng bait si Ezekiel sa labis na galit. Lumingon ito sa gilid, at nang makita ang isang lumang pala na nakasandal sa bakod, mabilis nitong kinuha iyon, at itinaas sa ere. Handa ng ihampas mismo kay Amie. "Boss Kiel! Huwag po!" Mabilis na sumugod sina Kristoff at Sedie. Mabilis na pinihgilan.si Kristoff sa braso ni Ezekiel habang pilit na humahawak si Sedie sa pala para pigilan ito. "Boss Kiel, pakiusap! Mag-isip kayo!" sigaw ni Kristoff, pawisan na ang noo sa matinding kaba. "Huwag niyo pong saktan si Amie!" "Bitawan niyo ako!" galit na sigaw ni Ezekiel habang pilit na umaalagwa sa dalawa. "Lumayas ka rito, Amie!" Madilim at nakakasugat ang tingin ni Ezekiel kay Amie na nakalubog sa putik. "Lumayas ka ngayon din bago kita ibaon nang buhay sa putik na 'yan!" Pigil na pigil ang luha ni Amie. Dahan-dahan niyang itinaas ang kmukha para tingalain ito. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, kitang-kita niya ang galit ni Ezekiel galit na abot-langit, galit na walang kapatawaran, at galit na parang gustong burahin ang buong pagkatao niya sa mundong ito. Nanginginig ang mga labi niya. Pilit niyang pinipigilan ang mga luha habang nakatingin rito. "P-Pinauwi ako ni Tito Gary-" utal at pabulong niyang panimula. "Sinungaling!" Agad na singhal nito sa mukha niyang napaatras. . Nanggagalaiti ang bawat ugat sa leeg ni Ezekiel habang nakatitig sa kanya. "Huwag mong gagamitin ang pangalan ng tatay ko para makapasok ka lang muli sa buhay namin!" galit na bulyaw ng nito. "Lumayas ka ngayon din!" "Hayaan mo muna akong makausap siya, Kuya 'Kiel," pakiusap niya habang tumutulo ang luha na humahalo sa maitim na putik sa pisngi. "Pakinggan mo muna ako-" "Tumigil ka! Huwag kang magsalita!" sigaw muli ni Ezekiel. "Wala akong gustong marinig mula sa 'yo! Bitawan niyo ako!" Pumiksi nang malakas si Ezekiel sa hawak ng dalawa niyang tauhan. Sa bilis ng pangyayari, mabilis na naagaw at nakuha ni Kristoff ang pala mula sa mga kamay ng amo bago pa ito magamit sa masama, at agad itong itinapon sa malayo. Muling idinuro ni Ezekiel si Amie gamit ang nanginginig na daliri. "Lumayas ka! Hindi ka kailangan dito! Hindi ka nararapat sa kahit anong sulok ng farm na 'to!" Hanggang sa tila hindi na talaga makapagpigil ang si Ezekiel. Humakbang ito muli pabalik sa putikan, marahas na hinawakan muli ang dalawang braso ni Amie, at pwersahang itinayo mula sa pagkakalubog sa makapal na putik. "Umalis ka na sabi, eh!" asik niti habang pilit siyang itinutulak palayo. Nang makatayo na si Amie at halos mawalan ng balanse, isang mpamilyar na boses ang narinig nila. "Tumigil ka!" Napalingon ang lahat sa pinanggalingan ng boses. Si Gary. Nakatayo ang matanda sa dulo ng sementadong daan, may hawak ng tungkod ngayon at masama ang tingin sa sariling anak. Dahan-dahan at mabigat ang bawat hakbang na lumakad ang matanda papunta sa kinaroroonan ng nagkakangaguluhang mga tao. Habang papalapit si Gary, pinilit naman ni Amie na ayusin ang sarili. Inayos niya ang basang damit at pilit na pinagpagan ang sarili kahit na basang-basa at naliligo na siya mula ulo hanggang paa ng maitim na putik. Malamig na hinarap ni Ezekiel ang ama. Walang bakas ng pagtitimpi sa mukha. "Kayo?" pagalit at hindi makapaniwalang tanong. "Kayo ang nagpauwi sa kanya?" "Oo," deretsong sagot ni Gary habang nakatitig sa anak. "Ako ang nagpauwi sa kanya dahil kailangan natin siya-" Isang nanunuyang ngisi at marahas na sulyap ang ibinigay ni Ezekiel kay Amie, na sa mga oras na iyon ay abala pa rin sa pagpagpag sa sariling katawan kahit halatang wala nang silbi ang paglilinis dahil sa dami ng putik. "Walang may kailangan sa salot na 'to!" galit na asik ni Ezekiel habang itinuturo si Amie. "Nakalimutan niyo na ba ang ginawa niya sa pamilya natin?! "Mayroong nangangailangan sa kanya, Ezekiel!" mabilis at maawtoridad na ganti ng ama. "Ang farm ang nangangailangan sa kanya!" Nalilito at nakakunot ang noo ni Ezekiel na nakatitig sa matanda. "Ano? Ang farm? Pinepeste ang mga bulaklak sa buong estate natin, Papa! Pinepeste ang negosyo natin! At sa tingin niyo, ang babaeng 'yan ang may kakayahang tumulong sa 'tin?!" Isang patuyang tawa ang lumabas sa mga labi nito. "Buhay ko nga sinira niyan, eh! Ang buhay ko mismo ang ginulo at winasak niya! Paano makakatulong 'yan sa negosyo natin?!" Napatigil si Amie. Marahan niyang hinawi ang basang buhok na natatakpan ng putik mula sa mukha. Nagtitimpi man at nanginginig ang buong katawan sa labis na hiya at sakit, pilit niyang tinitigan si Ezekiel. May gusto siyang sabihin pero pinili niyang itikom ang kanyang bibig. Kalmadong lumapit si Gary sa anak. Inabot nito ang balikat ni Ezekiel at pinagkatitigan nang masinsinan. "Graduate siya ng Horticulture, Ezekiel," pormal at malinaw na pahayag ng matanda. "May sapat siyang kaalaman at kakayahan para gamutin ang mga bulaklak sa farm na walang sinuman sa mga tauhan mo ang nakagagawa ngayon. Siya lang ang makakatulong sa 'tin para hindi malugi ang estate." Bahagyang natigilan si Ezekiel pero nanatiling matigas ang panga at puno ng pagtanggi ang mga mata. Bumaling sj Gary kay Amie at marahang ngumiti, isang ngiting nagpapakita ng paghingi ng paumanhin at pag-aalala para sa kanya. "Mukhang kailangan mong maligo at magpalit ng damit, Amie," mahinahong sabi ng matanda. Lumingon si Gary sa nakatayong tauhan. "Sedie, tulungan mo si Amie. Dalhin mo siya sa guest quarters at bigyan ng malinis na damit." "O-Opo, Sir Gary," takot at utal na kumilos si Sedie. Bago lumapit kay Amie, mabilis pa itong sumulyap sa pikon na pikon at pumuputok na sa galit na si Ezekiel. Lumapit si Sedie at inabot ang kamay sa kaibigan. "Dito tayo, Amie. Halika na." Tiningnan ni Amie ang kamay ni Sedie. Isang maliit na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago tinaas ang kamay. Bago niya maabot sana ng kamay para hawakan ang kaibigan Mabilis na humakbang si Ezekiel at marahas na hinila siya pabalik. "Aaah!" Sa lakas ng paghila ni Ezekiel sa kanyang braso, nawalan siya ng balanse at napasandal nang buong-buo sa matigas at malapad na dibdib nito. Nahigit ni Amie ang hininga sa matinding gulat. Amoy na amoy niya ang pamilyar na pabango niti na ilang taon niyang hindi naamoy. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at napatingala sa mukha ni Ezekiel na kakaunti na lang ang distansya mula sa kanya. Nakatitig sa kanya si Ezekiel, malamig, madilim, at walang kahit katiting na awa sa mga mata. "Lumayas ka rito," malinaw, mabagal, at may pagbabanta sa bawat katagang binibitawan niya habang nakatitig sa mga mata niya. At bago pa man siya makasagot, marahas siya nitong binitawan at muling itinulak pabalik sa malalim na putikan! "Aaah!" Napasigaw ang lahat sa gulat at awa sa nangyari. "Amie!" sabay-sabay na hiyaw nina Sedie, Kristoff, at pati na rin ng ilang mga tauhan habang mabilis na sumusugod para tulungan siya nang muli siyang bumagsak sa putik.Pagbaba ni Amie mula sa hagdanan, mabilis niyang pinagpagan ang maong na pantalon at dire-diretsong tumakbo patungo sa Greenhouse 2. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit o mag-ayos ng sarili, nakatali pa rin ang panyo sa buhok niya at may kaunting mantsa pa ng alikabok sa kanyang pisngi. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng greenhouse, bumungad agad sa kanya ang kaguluhan. "Dagdagan niyo pa ang tubig! Baka natutuyo lang ang lupa kaya nangingitim ang mga dahon!" sigaw ng isang matandang manggagawa habang nakahawak sa malaking hose. "Buhusan niyo ng matapang na pestisidyo! Baka may mga insektong kumakain sa ilalim!" ganti naman ng isa pa habang nagtatakbo bitbit ang timba ng kemikal. "Tigil! Tumigil ho kayo!" malakas at maawtoridad na sigaw ni Amie habang mabilis na sumisingit sa gitna ng nagkakagulong mga tauhan. Akmang ibubuhos na ng isang lalaki ang kemikal sa tapat ng pananim nang mabilis na agawin ni Amie ang timba at pabalang na ibinaba ito sa sementadong daa
Gumapang ang madilim at malamig na gabi sa buong flower farm. Sa pinakadulong sulok, umaalingawngaw ang huni ng mga kuliglig na humahalo sa ihip ng mahinang hanging sa mga natutuklap na yero ng abandonadong imbakan.Sa loob ng sirang bahay, nakaupo si Amie sa semento. Yakap-yakap niya ang kanyang dalawang tuhod habang nakasandal sa sulok kung saan nakatabi ang nag-iisang maleta.Malamig ang sahig, amoy lumang pataba at alikabok ang hangin, at walang kahit anong ilaw kundi ang manipis na liwanag ng buwan na tumatagos sa mga gawa-gawang butas ng bubong.Pilit niyang ipinipikit ang mga mata pero ayaw siyang dalawin ng antok. Bawat kaluskos sa labas ay nagpapaalala sa kanya na mag-isa siya malayo sa komportableng apartment niya sa Maynila."Hindi ka pwedeng magmokmok dito, Amie," pabulong niyang kausap sa sarili habang humihinga nang malalim. "Umuwi ka rito para magtrabaho, hindi para maiyak."Inabot niya ang backpack sa tabi ng maleta at inilabas mula roon ang isang maliit na sketch pad
Sa gitna ng malawak na sala, pabalik-balik ang mabibigat at mabilis na hakbang ni Ezekiel.Nanggagalaiti pa rin siya sa galit, puno ng pawis ang noo, at ang dalawa niyang kamay ay nakakuyom sa magkabila niyang bulsa. Walang patid ang marahas niyang paghinga habang nakatitig sa ama na kalmadong nakaupo sa sulyap ng malaking sofa."Hindi ako makapaniwala sa inyo, Papa!" bulyaw niya habang hinahabol ang hininga. "Sa lahat ng taong pwedeng kukunin niyo para humawak ng flower farm, ang babaeng 'yan pa?! Nasisiraan na ba kayo ng bait?!""Ezekiel, huminahon ka at pakinggan mo ako-""Hindi, Papa!" putol ng binata habang iwinawagayway ang kamay sa ere.Bakas sa gwapong mukha nito ang labis na pagkadismaya. "Mamili na lang kayo ng iba! Maghanap kayo ng kahit sinong dalubhasa sa Maynila, sa ibang bansa, o kahit saang sulok ng Pilipinas! Magbayad tayo ng doble o triple, wala akong pakialam! Huwag lang ang salot na 'yan! Huwag lang ang babaeng sumira sa akin!"Dahan-dahang tumayo si Gary mula sa
Isang nagliliyab na galit at matinding tensyon ang bumalot sa buong paligid ng Greenhouse 3. Bago pa man makapagsalita muli si Amie habang hawak ang patay na bulaklak, mabilis siyang nilapitan ni Ezekiel.Hinalkit nito nang napakahigpit ang braso niya."Aray!" napasinghap siya sa matinding sakit.Nang mag-angat siya ng tingin, bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Ezekiel na halos ma-deforma sa matinding poot. Nakakuyom ang panga nito, nanginginig ang mga kalamnan sa mukha, at ang mga mata nitong dating may pakialam sa kanya ay pinalitan na ngayon ng naglalagablab na galit—galit na para bang gusto siyang patayin."Bitawan mo ako, Kuya 'Kiel!" sigaw niya, pero parang wala itong narinig.Pwersahan at walang habas siyang kinaladkad ni Ezekiel palabas ng greenhouse. Bawat hakbang nito ay mabigat at puno ng pagbabanta."Boss Kiel! Huwag po! Hayaan niyo naman makapagpaliwanag si Amie!" sigaw ni Kristoff habang pilit na humaharang at humahabol sa dalawa."Boss, pakiusap po! Si Amie 'yan! Na
"Amie?" dagdag ng nasa kabilang linya. Parang bumara ang lahat ng nasa lalamunan niya. "Amie, nandiyan ka ba?" Awtomatikong tumulo ang luha niya. "T-tito Gary?" "Yes, Amie," tila nakahinga nang maluwag ang nasa kabilang linya. "Kumusta ka na?" Pinunasan niya ang mga luha bago tumayo at tumapat sa bintana. "Amie?" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. "Sorry, Tito. I'm sorry." "Shh... tama na, iha. Ayos lang ang lahat." Humalukipkip siya at tumanaw sa malayo. "Kumusta ka?" "A-ayos lang po, Tito," kahit limang taon na niya itong huling nakita pero parang kahapon pa lang ang pakiramdam niya. "Kayo po?" "Ito, tumatanda na," maliit itong tumawa. "Pero siguradong gwapo pa rin kayo." Nagkatawanan sila hanggang sa tumahimik sila pareho. "Kailangan kita, Amie." Natigilan siya. "Kailangan kita sa flower farm. Kailangan mong umuwi dahil. ikaw na lang ang natatanging pag-asa ng farm." "Tito, ano pong ibig niyong sabihin?" "Graduate ka ng, Horticulture, tama?" "P
Maliit na ngumiti si Amie habang pinagmamasdan ang luma at halos kumukupas ng picture. Picture iyon ng pamilya Alcantara, kasama siya. Pinunasan niya ang mga luha at tiningan ang paligid. Limang taon na ang nakalipas matapos ang lahat ng pinagsisihan niya. Ngayon, graduation niya ng collge sa kursong BS Agriculture major in Horticulture. At siya lang mag-isa habang ang nasa paligid niya ay kasa-kasama ang pamilya at nagpapa-picture. May inggit man sa mata habang nakatitig dito ay pilit siyang ngumiti. Limang taon, sanay na siyang mag-isa. At tingin niya, mas nagiging malakas siya dahil doon. "Amie, picture tayo!" nilingon niya ang kaibigan at kaklase na si Erin. "Sure," tinaas nito ang kamera at lumapit sa kanya. Ngumiti naman siya at pinakita ang diploma. "Sama naman ako!" Nagkatawanan sila dahil mula sa likod ay inakbayan sila ni Kevin, pumagitna ito at ngumiti. Naka-ilang kislap ang kamera bago ibinaba ni Erin. "Ang sakit na ng panga ko," reklamo ni Kevin h







