Share

Chapter 100

(Dahlia POV)

“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”

“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”

“Dahlia!”

“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.

“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status