MasukTRISHA
Pagbukas ng p***o ay sumalubong kaagad sa akin ang mommy ko, “Trisha, anak…” pagkasabi niya niyon ay yumakap siya sa akin ng mahigpit.
Limang taon din kaming hindi nagkita at halos maluha siya sa tuwa na naroon ako. “Victor, si Trisha! Nandito ang anak mong si Trisha!”
Lumapit din sa amin ang tatay ko ng dahan-dahan. Hindi makapaniwalang bumalik na ang alibugha niyang anak na sumama sa isang lalaking hindi niya tanggap.
“Anong ginagawa mo dito, Anak? Siya nga pala, nasaan ang asawa mong si Alex?” tanong ni mommy Sylvia.
“Hiawalay na po kami ni Alex. Sa tingin ko tama po kayo noong una pa lang.” sabi ko at napabuntong-hininga.
Totoong gustong magwala ng puso ko nang makita ko kung gaano ka-sweet si Alex sa kabit niyang si Leona at hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin sa isip ko kung gaano siya pinahahalagahan nito.
“Sa wakas ay nagising na ba ang suwail kong anak sa kahibangan?” tanong ni daddy.
Yumuko ako. Alam kong wala akong karapatang sumagot. Mga magulang ko sila at… inaamin ko na ngayon ang pagkakamali ko.
Nagmahal ako ng maling lalaki at nakipagtanan pa. Nagpakatanga sa pag-ibig para bumalik lang ulit sa mga magulang na sugatan at wasak ang puso.
“Trisha, totoong hiwalay na talaga kayo?” paninigurado ni mommy.
“Kakapirma ko lang ng divorce papers, Mommy… at may 1 month pa kaming cooling period ni Alex pero… ayoko na pong mag stay sa bahay namin. He can do whatever he wants.”
“Anong dahilan? bakit kayo naghiwalay?” tanong pa ni mommy.
Mukhang tatadtarin niya talaga ako ng tanong.
“Sadyang… hindi na lang talaga namin mahal ang isa't-isa. Hindi ko na siya mahal, Mommy.” sinigurado ko sa kanya.
Hindi ko na sinabing may ibang babae si Alex dahil ayokong mamuhi ang mga magulang ko sa kanya.
Hindi na nila kailangang malaman pa ang kahiya-hiyang bagay na iyon.
“Sige, halika, tuloy ka… ipalilinis ko ang kwarto mo kaagad.” sabi ni mommy na pinapasok na ako sa loob ng bahay.
“Berta! Berta! bumalik na ang ma’am Trisha ninyo, makikisuyo ako baka pwedeng pakilinis ng kwarto niya.” utos ni mommy sa kasambahay naming si Berta.
Ngumiti sa akin si Berta at animo’y tuwang-tuwa na bumalik na ako sa bahay kaya ngumiti din ako sa kanya at mabilis siyang umakyat sa taas para linisin ang kwarto ko.
Hindi pa rin nagbabago ang bahay namin. Ganito pa rin ito nang huli kong iniwan.
Umupo si daddy sa sofa habang nakakunot ang noo. Galit pa rin siya at alam kong hindi ko siya masisisi. Nawala ako ng limang taon at pagkatapos ay babalik ako dito na para bang inapi ako kaya naiintindihan ko.
“Matagal nang hinihiling sa akin ni Mr. Hernandez ang kamay mo para sa arrange marriage… kung sinasabi mong divorce na kayo ni Alex siguro naman mapagbibigyan mo na kami ng mommy mo.”
“Arrange marriage…” sambit ko.
“Naaalala mo ba si Tristan, Anak? nagkakilala na kayo dati at sinasabi niyang hindi pa rin nagbabago ang pagtingin niya sayo hanggang ngayon.” sabi ni mommy.
“Matagal na akong sumuko at sinabi kay Mr. Hernandez na may asawa ka na, ngunit hindi pa rin daw nag-aasawa ang anak niya.” sabi ni daddy.
“Sinabi pa ni Tristan na… kung hindi lang din ikaw ang pakakasalan niya ay mas mabuting hindi na lang siya magpakasal sa iba. Limang taon ka na niyang hinihintay, anak… alam naming magulo pa ang isip mo ngayon pero please, try to consider Tristan this time…” pakiusap sa akin ni mommy.
“Sige po, Mommy, Daddy. Makikipagkita po ako kay Tristan…” simpleng saad ko.
“Talaga?!” hindi makapaniwalang sabi ni mommy.
“Sige, ako na ang bahalang magpa-reserve sa resto. Okay ba sayo kung bukas ng gabi?” tanong ni daddy.
“Opo, dad, okay lang po.”
“Settled then.” sabi ni daddy na kinuha ang phone niya at sinimulang magbook ng reservation.
Si mommy naman ay masayang-masaya habang nakatingin sa akin at nakangiti.
“Wag mo nang intindihin ang lalaking iyon… hindi naman hamak na mas magaling at mas mapera si Tristan kesa sa kanya kaya siguradong magiging maayos ka lang, Anak...” sabi ni mommy na punong-puno ng kumpyansa.
Gusto kong ipagtanggol ang dati kong asawa, gusto kong sabihin sa kanila na hard-earned money naming mag-asawa iyon. Gusto kong sabihin sa kanila na ibinangon namin ang kumpanya ng tatay niya simula nang umupo si Alex bilang CEO pero… walang lumalabas na boses sa aking bibig. Ni-hindi ko na siya kayang ipagtanggol ngayon…
Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko pagkatapos ng lahat ng nangyari.
Bumalik ako sa dati kong kwarto. Ganoon pa rin ang ayos nito nung iniwan ko ito.
Nakita ko sa bedside table ang lumang picture namin ni Alex na magkasama na nakalagay sa picture frame. Tinaob ko iyon dahil ayoko nang makita pa. Sobrang sakit.
Napaupo ako sa kama at pinagmasdan ang kwarto ko. Hindi ko pa pala naaalis ang mga pictures namin na nasa dingding.
Hindi ko alam kung bakit ang kwarto ko ay puno ng masasayang alaala namin ni Alex.
Biglang uminit ang ilalim ng mga mata ko, nagbabadya ng pag-iyak.
Ilang sandali pa, tumunog ang cellphone ko, isang notification mula sa messenger.
Sinendan ako ng isang dummy account ng message at pagbukas ko ay video iyon kung saan nakahiga pareho si Alex at si Leona sa bedroom namin. Naghahalikan… ilang sandali pa ay tuluyan nang hinubaran ni Leona si Alex at hindi ito tumutol.
“Ughh… I want you, Alex…” mapanuksong sabi ni Leona habang abala naman si Alex sa paghalik sa leeg nito.
Naitakip ko ang isang kamay ko sa aking bibig, nangingilid na ang aking mga luha at nanginginig na rin ang buong katawan ko sa nasasaksihan kaya tinurn off ko na iyon.
Napakabilis naman… napakabilis niya naman akong pagtaksilan… halos ganon-ganon na lang na matapos kong umalis ay dinala niya kaagad si Leona sa bahay namin at ikinama sa sarili naming kwarto.
Hindi pa sila nakuntento at talagang nagsend pa sa akin ng video.
Napakawalang puso!
Tuluyan akong nanghina at napahiga sa kama.
Umiyak ako ng umiyak ng araw na iyon dahil hindi ko halos kinakaya.
Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit napakabilis para kay Alex na itapon ang 5 taon naming kasal… para lang kay Leona na isang taon niya pa lang na nakilala.
TRISHANanginginig ang mga kamay ko pagkatapos kong panoorin ang video ngunit isinave ko lang iyon at inilagay ang phone ko sa bag ko. Syempre, kailangan ko ang mga ebidensya na iyon just in case lang para sa divorce namin. Inayos ko ang sarili ko at bumalik kay Tristan. Hindi niya pwedeng malaman na tinatrato pa rin ako ng ex-husband ko ng ganito kaya kailangan kong tapangan ang aking sarili. Mabilis lang lumipas ang mga araw. Ikinasal kami ni Tristan sa isang simbahan. Konti lang din ang bisita. Sa tingin ko ay nasa 50 pax lang. Ginawa nila itong private at talagang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang dumalo. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na inusisa. After all, uso naman ngayon ang mga intimate weddings kaya siguro ay ganoon lang din ang gusto ng pamilya ni Tristan. Sa reception ay simpleng handaan lang din ngunit mamahalin ang cake at sinigurado talaga na masarapat marami ang pagkain. Naalala kong nakadalawang plato pa si Tristan dahil masarap daw ang pa
TRISHANaging masaya ang agahan namin ng oras na iyon. Masigla ang usapan at palitan ng mga ideas ng mga magulang namin ni Tristan ngunit… hindi pa talaga kami nakakapag-usap nang kami lang dalawa kaya naman pagkatapos ng almusal ay niyaya ko siya sa garden. Bahay namin ‘to kaya natural lang na i-entertain ko siya at ako ang mag-asikaso sa kanya. Habang naglalakad-lakad kami ay sinimulan naming mag-usap. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. “Bakit mo ako hinintay? What's in it for you? you’re rich, you’re family is rich, anong kailangan mo sa akin?” sunud-sunod na tanong ko. Napakunot ang noo ni Tristan at tumingin sa akin, “Nothing. I just want your love. Ikaw ang babaeng gusto ko, Trisha.” Mukha namang convincing ang sinabi niya dahil napansin ko ang titig sa kanyang mga mata, seryoso ito. “Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Five years is no joke.” pananantiya ko. “Isipin mo kung anong gusto mong isipin… Look, alam kong kakahiwalay niyo palang ng asawa m–” pinutol ko na ang mga
TRISHAKINABUKASAN ay maaga akong nagising. 5:00 a.m. palang kaya sinubukan kong magbihis at mag jogging sa labas para makapag isip-isip. Ang tagal ko nang hindi nagagawa iyon. Madalas hindi ako nakakapag-exercise dahil pag gising ko sa umaga ay palagi akong nagpe-prepare ng pagkain ni Alex pero ngayon… nakaramdam ako ng laya, hindi ko kailangang maghanda ng almusal niya. Hindi ko siya kailangang intindihin at magagawa ko lahat ng gusto ko. Naamoy ko ang sariwang hangin sa village, ang mga puno na sumasabay sa galaw ng hangin at nakita ko rin ang papasikat na araw. Napakagandang tanawin. Ito na ba ang simula ng isang bagong umaga para sa akin? para tahimik kong buuin ulit ang sarili ko? Ngunit… hindi ko pa man nae-enjoy ng masyado ang kalayaan ko ay mukhang mapapasubo na naman ako sa isa pang problema. Ako ang umuwi, ako ang kusang sumuko sa mga magulang ko kaya wala akong choice kundi pumayag sa arranged marriage. Isang panibagong kasal, isang panibagong asawa. Ano na naman kay
TRISHAPagbukas ng pinto ay sumalubong kaagad sa akin ang mommy ko, “Trisha, anak…” pagkasabi niya niyon ay yumakap siya sa akin ng mahigpit. Limang taon din kaming hindi nagkita at halos maluha siya sa tuwa na naroon ako. “Victor, si Trisha! Nandito ang anak mong si Trisha!”Lumapit din sa amin ang tatay ko ng dahan-dahan. Hindi makapaniwalang bumalik na ang alibugha niyang anak na sumama sa isang lalaking hindi niya tanggap. “Anong ginagawa mo dito, Anak? Siya nga pala, nasaan ang asawa mong si Alex?” tanong ni mommy Sylvia. “Hiawalay na po kami ni Alex. Sa tingin ko tama po kayo noong una pa lang.” sabi ko at napabuntong-hininga. Totoong gustong magwala ng puso ko nang makita ko kung gaano ka-sweet si Alex sa kabit niyang si Leona at hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin sa isip ko kung gaano siya pinahahalagahan nito. “Sa wakas ay nagising na ba ang suwail kong anak sa kahibangan?” tanong ni daddy. Yumuko ako. Alam kong wala akong karapatang sumagot. Mga magulang ko sila at…
TRISHABata pa lang ako ay tinuruan na ako ng aking mga magulang na maging mabuti. Magalang, mapagpakumbaba, mabait sa kapwa at lahat na ng kagandahang asal na maituturo nila. Everyone expects me to behave, act like a decent woman and be obedient. Be a good daughter, a good daughter-in-law, a good sister, a good wife and a good mother ngunit… hindi nila alam ang aking masalimuot na buhay na siyang nagpalamig ng puso ko. Doon ko na-realize na pagod na akong maging mabuti sa mga taong tumatapak sa akin. At ngayon? sisiguraduhin kong lalaban na ako. Dalawang kulay pulang guhit ang tumambad sa pregnancy test ko. Isang malinaw na senyales– buntis ako.Ngunit… hindi ang asawa ko ang ama ng batang ipinagbubuntis ko… kundi ang stepbrother niya na ex-husband ko.***2 weeks earlier…“Sign.” iyon lang ang sinabi ni Alex habang malamig na nakatingin sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa papel– divorce agreement. “Pirmahan mo na agad yan, wag ka nang magmatigas pa!” asi







