Share

Chapter 4

Penulis: Diane Ruiz
last update Tanggal publikasi: 2026-09-15 15:16:59

TRISHA

Naging masaya ang agahan namin ng oras na iyon. Masigla ang usapan at palitan ng mga ideas ng mga magulang namin ni Tristan ngunit… hindi pa talaga kami nakakapag-usap nang kami lang dalawa kaya naman pagkatapos ng almusal ay niyaya ko siya sa garden. 

Bahay namin ‘to kaya natural lang na i-entertain ko siya at ako ang mag-asikaso sa kanya. 

Habang naglalakad-lakad kami ay sinimulan naming mag-usap. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. 

“Bakit mo ako hinintay? What's in it for you? you’re rich, you’re family is rich,  anong kailangan mo sa akin?” sunud-sunod na tanong ko. 

Napakunot ang noo ni Tristan at tumingin sa akin, “Nothing. I just want your love. Ikaw ang babaeng gusto ko, Trisha.” 

Mukha namang convincing ang sinabi niya dahil napansin ko ang titig sa kanyang mga mata, seryoso ito. 

“Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Five years is no joke.” pananantiya ko. 

“Isipin mo kung anong gusto mong isipin… Look, alam kong kakahiwalay niyo palang ng asawa m–” pinutol ko na ang mga sasabihin niya.

Hindi na kami nagkakaintindihan dito, simula pa lang. Masyadong seryoso ang usapan namin. 

“That’s right, I’m a divorced woman Tristan, what do you want from me?” 

“I don’t want anything from you. If you can’t really love me then just be my wife. You can do whatever you want. Hindi mo ako kailangang asikasuhin, hindi mo kailangang asikasuhin ang pamilya ko at hindi kita pagbabawalan sa kahit anong gusto mo. You will have your own freedom. Hindi mo kailangang mag-alala sa kahit anong bagay. I can give you the life you deserve, Just be my wife, Trisha.” 

Hindi ko alam na ganoon siya ka-seryoso sa akin to the point na gagawin ang lahat makuha niya lang ako. 

“What’s in it for you?” tanong ko sa kanya at ngumiti siya. 

Isang genuine na ngiti, ang mga mata ay malamlam na may banayad na katapatan. 

“I will have a gorgeous wife… that’s it.” sabi niya. 

Napailing ako, “Bakit?” 

“Kabaliwan yan. Nababaliw ka na, Mr. Hernandez.” sabi ko sa kanya na ngumiti. 

Hindi ko naman kasi talaga alam kung anong nakita niya sa akin. 

I’m a divorced woman. Who would want that kind of girl for a bride? at isa pa, I don’t think I deserve him. 

Para kang naka-hit ng jackpot pag ang lalaking ito ang napangasawa mo. Maganda ang pangangatawan na animo’y mala-adonis, parang male model! gwapo! matangkad! mapera at matalino. Solid na solid ang profile. Bakit niya gugustuhing ako pa ang maging asawa? and the fact na hinintay niya ako ng limang taon? hinintay niya ako kahit walang kasiguraduhan na babalik ako sa mga magulang ko? That's way too crazy! bakit niya sinasayang ang buhay niya para sa isang babaeng kagaya ko kung marami namang iba dyan? 

Napakaraming tumatakbo sa isip ko ng mga sandaling iyon. 

“Just… say I do, and be yourself. Iyon lang ang hihilingin ko sayo, Trisha. Be my wife. Wala akong pakialam kahit anong sabihin ng iba. Hindi mahalaga sa akin ang nakaraan mo. Kahit… kahit hindi nga tayo magka-anak ayos lang, mamahalin pa rin kita, tatanggapin at palaging aalagaan. I’ll make sure that you will have a good life. So good that you will forget all the past heartbreaks of your life…” sa pagkakataong iyon naramdaman ko ang pagiging seryoso sa kanyang mata habang marahang pinipisil ang aking palad. 

Gustong-gusto niya akong maging asawa. Hindi pa ako nakakilala ng ganoong lalaki sa tanang buhay ko. Maging ang mga titig niya sa akin ay iba. Hindi malaswa kundi sobrang totoo na para bang ikamamatay niya kapag hindi ako nagpakasal sa kanya. 

Sa pagkakataong iyon, nakarating na kami sa gazebo. Ang mga magulang namin ay nanonood lang sa may veranda habang nag-uusap kami. 

Lumuhod sa harap ko si Tristan, kinuha ang isang kulay puting box sa kanyang bulsa at binuksan iyon. Tumambad sa harapan ko ang isang diamond ring. Napakaganda at dahil tanghaling tapat ng araw na iyon ay kumikislap ito sa sinag ng araw. 

“Trisha, will you spend your life with me?” 

Nanginginig ako ng mga oras na iyon. Halo-halong kaba, takot, pagkalito at saya ang nararamdaman ko ngunit sa sandaling iyon, naalala ko rin kung gaano lumuhod sa akin si Alex noon at nagpropose. 

Para sa babaeng katulad ko na nagmahal, pinagtaksilan at nasaktan. Talagang napakahirap sumugal ulit. 

Natatakot ako na baka hindi ako maging karapat-dapat sa kanya. 

“Hindi mo kailangang sumagot ngayon kung hindi mo kaya…” kaagad na sinabi ni Tristan nang mapansin niya ang pagkatulala ko sa kawalan. 

“Yes, I… I’ll marry you.” sinabi ko nang may ngiti. 

Napakahirap nito para sa akin pero… tinanggap ko dahil napakaganda ng offer ni Tristan. Tutal naman nagdesisyon na si Alex na itapon ako… might as well, maging asawa na lang ako ng iba, kaysa naman mabuhay ako sa lungkot at sa nakaraan. 

Ayokong magmukmok… pagod na pagod na ako. Oras na para pulutin ko naman ang sarili ko sa pagkakalugmok at bumangon ng mas matatag ngayon. 

“Talaga? salamat Trisha, ipinapangako ko, hinding-hindi mo ito pagsisisihan…” hindi makapaniwalang sabi ni Tristan at kaagad na sinuot sa akin ang sing-sing. 

Sandali ko pang pinagmasdan ang sing-sing. Ang mga malulungkot na sandali ng pagdurusa ko kay Alex ay tapos na. 

Siya ang nagtulak sa akin para maging ganito… kaya wag sana niyang pagsisihan ang desisyon niyang pagtataksil sa akin. 

****

Simula nang pumayag akong magpakasal kay Tristan ay palagi na siyang nasa bahay. Masaya naman kami habang pinaplano ang aming nalalapit na kasal. 

Walang balak si Tristan na patagalin ito kaya sa susunod na linggo na ang date ng kasal namin. 

Napakabilis.

Ang katwiran niya ay naghintay na daw siya ng napakatagal kaya hinding-hindi niya na patatagalin pa ngayon at magpapakasal na kami kaagad. 

Habang nagtitingin ako ng mga bridal gowns ay biglang umilaw ang cellphone ko. May notification na naman. Isang dummy account na naman ang nagsend ng video sa messenger ko. Hindi ko alam kung sino ang nagse-send sa akin na ito ngunit sa palagay ko ay si Leona. Sinasadya niya. 

“Excuse me lang ah…” paalam ko kay Tristan at tumango naman siya kaya naglakad ako palayo hanggang sa makakita ako ng sulok. 

Sa video, makikita na binuhat ni Alex pa-bridal style si Leona habang nasa isang private suite. 

Nakilala ko ang private suite na iyon. Iyon ang vacation house namin sa tagaytay. Doon din kami nag honeymoon. 

Dinala niya doon si Leona at ngayon ay doon sila naglalampungan. 

Naitakip ko na naman ang kamay ko sa bibig ko. Kaagad na tumulo ang aking mga luha at mabilis na namula ang mga mata ko sa pag-iyak. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 5

    TRISHANanginginig ang mga kamay ko pagkatapos kong panoorin ang video ngunit isinave ko lang iyon at inilagay ang phone ko sa bag ko. Syempre, kailangan ko ang mga ebidensya na iyon just in case lang para sa divorce namin. Inayos ko ang sarili ko at bumalik kay Tristan. Hindi niya pwedeng malaman na tinatrato pa rin ako ng ex-husband ko ng ganito kaya kailangan kong tapangan ang aking sarili. Mabilis lang lumipas ang mga araw. Ikinasal kami ni Tristan sa isang simbahan. Konti lang din ang bisita. Sa tingin ko ay nasa 50 pax lang. Ginawa nila itong private at talagang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang dumalo. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na inusisa. After all, uso naman ngayon ang mga intimate weddings kaya siguro ay ganoon lang din ang gusto ng pamilya ni Tristan. Sa reception ay simpleng handaan lang din ngunit mamahalin ang cake at sinigurado talaga na masarapat marami ang pagkain. Naalala kong nakadalawang plato pa si Tristan dahil masarap daw ang pa

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 4

    TRISHANaging masaya ang agahan namin ng oras na iyon. Masigla ang usapan at palitan ng mga ideas ng mga magulang namin ni Tristan ngunit… hindi pa talaga kami nakakapag-usap nang kami lang dalawa kaya naman pagkatapos ng almusal ay niyaya ko siya sa garden. Bahay namin ‘to kaya natural lang na i-entertain ko siya at ako ang mag-asikaso sa kanya. Habang naglalakad-lakad kami ay sinimulan naming mag-usap. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. “Bakit mo ako hinintay? What's in it for you? you’re rich, you’re family is rich, anong kailangan mo sa akin?” sunud-sunod na tanong ko. Napakunot ang noo ni Tristan at tumingin sa akin, “Nothing. I just want your love. Ikaw ang babaeng gusto ko, Trisha.” Mukha namang convincing ang sinabi niya dahil napansin ko ang titig sa kanyang mga mata, seryoso ito. “Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Five years is no joke.” pananantiya ko. “Isipin mo kung anong gusto mong isipin… Look, alam kong kakahiwalay niyo palang ng asawa m–” pinutol ko na ang mga

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 3

    TRISHAKINABUKASAN ay maaga akong nagising. 5:00 a.m. palang kaya sinubukan kong magbihis at mag jogging sa labas para makapag isip-isip. Ang tagal ko nang hindi nagagawa iyon. Madalas hindi ako nakakapag-exercise dahil pag gising ko sa umaga ay palagi akong nagpe-prepare ng pagkain ni Alex pero ngayon… nakaramdam ako ng laya, hindi ko kailangang maghanda ng almusal niya. Hindi ko siya kailangang intindihin at magagawa ko lahat ng gusto ko. Naamoy ko ang sariwang hangin sa village, ang mga puno na sumasabay sa galaw ng hangin at nakita ko rin ang papasikat na araw. Napakagandang tanawin. Ito na ba ang simula ng isang bagong umaga para sa akin? para tahimik kong buuin ulit ang sarili ko? Ngunit… hindi ko pa man nae-enjoy ng masyado ang kalayaan ko ay mukhang mapapasubo na naman ako sa isa pang problema. Ako ang umuwi, ako ang kusang sumuko sa mga magulang ko kaya wala akong choice kundi pumayag sa arranged marriage. Isang panibagong kasal, isang panibagong asawa. Ano na naman kay

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 2

    TRISHAPagbukas ng pinto ay sumalubong kaagad sa akin ang mommy ko, “Trisha, anak…” pagkasabi niya niyon ay yumakap siya sa akin ng mahigpit. Limang taon din kaming hindi nagkita at halos maluha siya sa tuwa na naroon ako. “Victor, si Trisha! Nandito ang anak mong si Trisha!”Lumapit din sa amin ang tatay ko ng dahan-dahan. Hindi makapaniwalang bumalik na ang alibugha niyang anak na sumama sa isang lalaking hindi niya tanggap. “Anong ginagawa mo dito, Anak? Siya nga pala, nasaan ang asawa mong si Alex?” tanong ni mommy Sylvia. “Hiawalay na po kami ni Alex. Sa tingin ko tama po kayo noong una pa lang.” sabi ko at napabuntong-hininga. Totoong gustong magwala ng puso ko nang makita ko kung gaano ka-sweet si Alex sa kabit niyang si Leona at hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin sa isip ko kung gaano siya pinahahalagahan nito. “Sa wakas ay nagising na ba ang suwail kong anak sa kahibangan?” tanong ni daddy. Yumuko ako. Alam kong wala akong karapatang sumagot. Mga magulang ko sila at…

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 1

    TRISHABata pa lang ako ay tinuruan na ako ng aking mga magulang na maging mabuti. Magalang, mapagpakumbaba, mabait sa kapwa at lahat na ng kagandahang asal na maituturo nila. Everyone expects me to behave, act like a decent woman and be obedient. Be a good daughter, a good daughter-in-law, a good sister, a good wife and a good mother ngunit… hindi nila alam ang aking masalimuot na buhay na siyang nagpalamig ng puso ko. Doon ko na-realize na pagod na akong maging mabuti sa mga taong tumatapak sa akin. At ngayon? sisiguraduhin kong lalaban na ako. Dalawang kulay pulang guhit ang tumambad sa pregnancy test ko. Isang malinaw na senyales– buntis ako.Ngunit… hindi ang asawa ko ang ama ng batang ipinagbubuntis ko… kundi ang stepbrother niya na ex-husband ko.***2 weeks earlier…“Sign.” iyon lang ang sinabi ni Alex habang malamig na nakatingin sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa papel– divorce agreement. “Pirmahan mo na agad yan, wag ka nang magmatigas pa!” asi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status