Share

Chapter 3

Penulis: Diane Ruiz
last update Tanggal publikasi: 2026-09-15 15:16:37

TRISHA

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. 5:00 a.m. palang kaya sinubukan kong magbihis at mag jogging sa labas para makapag isip-isip. 

Ang tagal ko nang hindi nagagawa iyon. Madalas hindi ako nakakapag-exercise dahil pag gising ko sa umaga ay palagi akong nagpe-prepare ng pagkain ni Alex pero ngayon… nakaramdam ako ng laya, hindi ko kailangang maghanda ng almusal niya. Hindi ko siya kailangang intindihin at magagawa ko lahat ng gusto ko. 

Naamoy ko ang sariwang hangin sa village, ang mga puno na sumasabay sa galaw ng hangin at nakita ko rin ang papasikat na araw. Napakagandang tanawin. 

Ito na ba ang simula ng isang bagong umaga para sa akin? para tahimik kong buuin ulit ang sarili ko? 

Ngunit… hindi ko pa man nae-enjoy ng masyado ang kalayaan ko ay mukhang mapapasubo na naman ako sa isa pang problema. 

Ako ang umuwi, ako ang kusang sumuko sa mga magulang ko kaya wala akong choice kundi pumayag sa arranged marriage. Isang panibagong kasal, isang panibagong asawa. 

Ano na naman kaya ang buhay na naghihintay sa akin? 

Nang makauwi ako mula sa pagjo-jogging ay napansin kong may bisita kami at nandoon sila sa Garden. Mukhang ipinapasyal ni mommy. Hindi ko pa alam kung sino kaya mabilis akong tumungo sa kwarto ko. Nag shower sandali at nagbihis. Naglagay ako ng konting make-up at saka bumaba para mag-almusal ngunit… nadatnan ko doon ang sinasabi nilang naghintay sa kamay ko ng limang taon. 

Napakatagal. Napakahaba ng pasensya. Umasa kahit pa walang kasiguraduhan kung babalik ako. 

Habang pababa ako ng hagdan ay nakikipag-usap sila sa mga magulang ko sa sala.

Mabilis na napako ang tingin niya sa akin. Is he… Tristan Hernandez? 

Maganda ang kanyang pangangatawan, kung titignan ay halos parehas sila ng built ni Alex. Matangkad din siya, may kagwapuhan din itong taglay at hindi malabong hindi ko magustuhan. His eyes are so brown… nakakabighani iyon para sa babaeng katulad ko. 

Konti lang ang alam ko tungkol sa kanya pero ang sabi ni daddy ay kasosyo niya daw sa negosyo ang mga magulang nito. 

Napansin na nila ako habang naglalakad papalapit sa kanila. 

“Oh, Hija, Trisha, gising ka na pala. Siya nga pala si Mr. and Mrs. Hernandez at heto naman ang anak nilang si Tristan.” pakilala ni mommy sa kanila. 

“Aba, napakagandang bata ng anak mo, Mr. Rivera, ngayon ay naiintindihan ko na si Tristan.” sabi ni Mr. Hernandez. 

Ibinigay ko ang pinakamatamis kong ngiti sa kanila, marahang hinawakan ni Tristan ang kamay ko at hinalikan iyon. 

“Nice to meet you, Ms. Trisha..” sabi ni Tristan, puno ng paggalang. 

Malayong-malayo kay Alex. 

Ngunit sabagay… ibang klase rin naman ang unang pagkikita namin ni Alex. 

*Flashback* 

I was on my 3rd year as a college student ngunit nagkasakit ako at na-confine sa ospital. 

At dahil ayoko sa ospital ay sinubukan kong tumakas. Naka-hospital gown pa ako non. Ang gusto ko lang ay makalabas sa lugar na iyon at desperado na ako kaya kinatok ko kaagad ang unang kotseng nakita ko at hinablot ang p***o nito, nagulat pa ako dahil bukas iyon kaya naman nagpasiya akong pumasok na kaagad.

“Manong, sa Rivera Estate po!” sabi ko sa kanya. 

Naka baseball cap siya, naka business suit at naka-shades… parang movie star na pupunta sa isang Gala or banquet. 

“Hoy, Miss! anong ‘manong’ do I look like an old man to you?” inis na tanong nito at saka hinubad ang baseball cap. 

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko akalaing makakadaupang-palad ko siya sa ganitong sitwasyon. 

He was Alex Guevarra. Team Captain ng Basketball team sa school namin. Sikat na sikat siya sa mga babae. Matalino rin siya at palaging Valedictorian. 

“Alex Guevarra?” 

“Kilala mo ako?” 

“Same school tayo! ako nga pala si Trisha Rivera.” inilahad ko ang kamay ko ngunit hindi siya gumalaw. 

“Sorry, Miss, busy ako at wala akong time makipagkilala ngayon. Uhm, mawalang galang na pwede bang bumaba ka na? nagmamadali kasi ako eh…” sabi niya na halos gumagawa na ng excuses para lang itaboy ako ngunit… nakita niyang naka hospital gown ako at maputla. Sinapo niya ang noo ko, nilalagnat pa naman ako at nagulat siya, siguro ay naramdaman niya rin na masama talaga ang pakiramdam ko. 

“Okay ka lang ba?” sinserong tanong niya. 

“Pwede mo ba akong… iuwi sa amin?” 

“It depends where your home is…” 

“Please, hinahanap ako ng mga magulang ko at ayoko na sa ospital na ito.” pagmamakaawa ko sa kanya ngunit habang nag-uusap kami ay dumungaw na sa bintana ng kotse ni Alex si daddy at nakita niya ako. 

“Trisha! bumaba ka dyan!” singhal ni daddy na galit na galit. 

“Dad, ayoko po! gusto ko na pong umuwi!” pagrereklamo ko ngunit binuksan ni daddy ang p***o ng backseat kung saan nandoon ako at hinihigit ako sa braso.

“Sir, pasensya na po ah, hindi po sinasadya ng anak ko…” sabi pa ni daddy na paulit-ulit na humihingi kay Alex ng paumanhin. 

“Wala po iyon, ayos lang po, pakibantayan na lang po ang anak ninyo mukhang takot po kasi siya sa Ospital at gusto niya na pong umuwi at saka… pwede po bang dahan-dahan po kayo sa paghablot sa kanya? nilalagnat po kasi siya, kailangan niyang makainom kaagad ng gamot.” paalala ni Alex. 

Hindi ko inaasahan na magiging ganoon siya ka-maaalalahanin para sa isang katulad ko na ngayon niya lang nakilala. 

Wala akong nagawa kundi sumama kay daddy at bumalik kami sa loob ng private room ko sa ospital. 

Kalaunan, nang gumaling ako ay nagkrus ulit ang landas namin ni Alex sa Campus at hiningi niya ang number ko at doon na nagsimula ang lahat. 

Naging tunay at wagas ang pagmamahalan namin to the point na sumali pa ako sa cheerleading squad para lang suportahan siya sa basketball career niya. 

Pero… hindi ko akalaing sa ganito lang kami mauuwi at ngayon ay kailangan kong magpakasal sa iba para lang makalimutan siya. 

“Napagdesisyunan kasi nila na bumisita nalang ngayong araw kesa magdinner tayo mamayang gabi. Mukhang excited na excited si Tristan nang malaman niyang umuwi ka, Anak…” sabi ni mommy. 

Ngunit… si Tristan ay wala man lang reaksyon, nakatingin lang sa akin. Hindi mawari ang kanyang ekspresyon. 

Masyadong seryoso, hindi mo alam kung galit ba dahil sa ginawa ko na sumama ako sa lalaking mahal ko noon o awa dahil itinapon na ako ng lalaking iyon ngayon at nag-iisa na lang? 

Pwede ring pagkadismaya dahil imbis na piliin siya noon ay umalis ako. 

Mukhang nagkakasundo silang lahat ngayon at ako lang ang tanging may problema. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 5

    TRISHANanginginig ang mga kamay ko pagkatapos kong panoorin ang video ngunit isinave ko lang iyon at inilagay ang phone ko sa bag ko. Syempre, kailangan ko ang mga ebidensya na iyon just in case lang para sa divorce namin. Inayos ko ang sarili ko at bumalik kay Tristan. Hindi niya pwedeng malaman na tinatrato pa rin ako ng ex-husband ko ng ganito kaya kailangan kong tapangan ang aking sarili. Mabilis lang lumipas ang mga araw. Ikinasal kami ni Tristan sa isang simbahan. Konti lang din ang bisita. Sa tingin ko ay nasa 50 pax lang. Ginawa nila itong private at talagang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang dumalo. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na inusisa. After all, uso naman ngayon ang mga intimate weddings kaya siguro ay ganoon lang din ang gusto ng pamilya ni Tristan. Sa reception ay simpleng handaan lang din ngunit mamahalin ang cake at sinigurado talaga na masarapat marami ang pagkain. Naalala kong nakadalawang plato pa si Tristan dahil masarap daw ang pa

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 4

    TRISHANaging masaya ang agahan namin ng oras na iyon. Masigla ang usapan at palitan ng mga ideas ng mga magulang namin ni Tristan ngunit… hindi pa talaga kami nakakapag-usap nang kami lang dalawa kaya naman pagkatapos ng almusal ay niyaya ko siya sa garden. Bahay namin ‘to kaya natural lang na i-entertain ko siya at ako ang mag-asikaso sa kanya. Habang naglalakad-lakad kami ay sinimulan naming mag-usap. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. “Bakit mo ako hinintay? What's in it for you? you’re rich, you’re family is rich, anong kailangan mo sa akin?” sunud-sunod na tanong ko. Napakunot ang noo ni Tristan at tumingin sa akin, “Nothing. I just want your love. Ikaw ang babaeng gusto ko, Trisha.” Mukha namang convincing ang sinabi niya dahil napansin ko ang titig sa kanyang mga mata, seryoso ito. “Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Five years is no joke.” pananantiya ko. “Isipin mo kung anong gusto mong isipin… Look, alam kong kakahiwalay niyo palang ng asawa m–” pinutol ko na ang mga

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 3

    TRISHAKINABUKASAN ay maaga akong nagising. 5:00 a.m. palang kaya sinubukan kong magbihis at mag jogging sa labas para makapag isip-isip. Ang tagal ko nang hindi nagagawa iyon. Madalas hindi ako nakakapag-exercise dahil pag gising ko sa umaga ay palagi akong nagpe-prepare ng pagkain ni Alex pero ngayon… nakaramdam ako ng laya, hindi ko kailangang maghanda ng almusal niya. Hindi ko siya kailangang intindihin at magagawa ko lahat ng gusto ko. Naamoy ko ang sariwang hangin sa village, ang mga puno na sumasabay sa galaw ng hangin at nakita ko rin ang papasikat na araw. Napakagandang tanawin. Ito na ba ang simula ng isang bagong umaga para sa akin? para tahimik kong buuin ulit ang sarili ko? Ngunit… hindi ko pa man nae-enjoy ng masyado ang kalayaan ko ay mukhang mapapasubo na naman ako sa isa pang problema. Ako ang umuwi, ako ang kusang sumuko sa mga magulang ko kaya wala akong choice kundi pumayag sa arranged marriage. Isang panibagong kasal, isang panibagong asawa. Ano na naman kay

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 2

    TRISHAPagbukas ng pinto ay sumalubong kaagad sa akin ang mommy ko, “Trisha, anak…” pagkasabi niya niyon ay yumakap siya sa akin ng mahigpit. Limang taon din kaming hindi nagkita at halos maluha siya sa tuwa na naroon ako. “Victor, si Trisha! Nandito ang anak mong si Trisha!”Lumapit din sa amin ang tatay ko ng dahan-dahan. Hindi makapaniwalang bumalik na ang alibugha niyang anak na sumama sa isang lalaking hindi niya tanggap. “Anong ginagawa mo dito, Anak? Siya nga pala, nasaan ang asawa mong si Alex?” tanong ni mommy Sylvia. “Hiawalay na po kami ni Alex. Sa tingin ko tama po kayo noong una pa lang.” sabi ko at napabuntong-hininga. Totoong gustong magwala ng puso ko nang makita ko kung gaano ka-sweet si Alex sa kabit niyang si Leona at hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin sa isip ko kung gaano siya pinahahalagahan nito. “Sa wakas ay nagising na ba ang suwail kong anak sa kahibangan?” tanong ni daddy. Yumuko ako. Alam kong wala akong karapatang sumagot. Mga magulang ko sila at…

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 1

    TRISHABata pa lang ako ay tinuruan na ako ng aking mga magulang na maging mabuti. Magalang, mapagpakumbaba, mabait sa kapwa at lahat na ng kagandahang asal na maituturo nila. Everyone expects me to behave, act like a decent woman and be obedient. Be a good daughter, a good daughter-in-law, a good sister, a good wife and a good mother ngunit… hindi nila alam ang aking masalimuot na buhay na siyang nagpalamig ng puso ko. Doon ko na-realize na pagod na akong maging mabuti sa mga taong tumatapak sa akin. At ngayon? sisiguraduhin kong lalaban na ako. Dalawang kulay pulang guhit ang tumambad sa pregnancy test ko. Isang malinaw na senyales– buntis ako.Ngunit… hindi ang asawa ko ang ama ng batang ipinagbubuntis ko… kundi ang stepbrother niya na ex-husband ko.***2 weeks earlier…“Sign.” iyon lang ang sinabi ni Alex habang malamig na nakatingin sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa papel– divorce agreement. “Pirmahan mo na agad yan, wag ka nang magmatigas pa!” asi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status